Chapter 2

1095 Words
Zeph Pov Sa guidance office kami humantong pagkatapos ng nangyaring gulo sa may hagdan. Nagalit ang principal ng aming school sa aming lahat at nagtanong kung sino ang pasimuno sa nangyaring gulo. "Hindi niyo ba narinig ang tanong ko? Sino sa inyo ang nagpasimuno ng kaguluhan?" mataas ang boses na tanong ulit aming school principal na si Diosdada Labanan nang walang umimik sa amin maski sino. "O baka gusto niyo lahat kayo ay maparusahan?" "Si Zeph ang nagpasimuno ng gulo, Ma'am Diosdada," bigla akong itinuro ni Duffy bilang pasimuno ng nangyaring gulo. Lihim akong napaismid. Akala mo kung sinong matapang iyon pala ay duwag. Ituturo ako bilang pasimuno sa takot na maparusahan. Kaya malakas ang loob niya na ituro ako dahil tiyak namang hindi ako papanigan ng aming principal. Isa lamang akong hamak na omega kaya para sa kanila ay okay lang na bully-hin nila ako. "Paanong ako ang nagsimula Duffy? Tingnan mo nga ang hitsura ninyo sa akin? Sa hitsura kong naligo sa mga bulok na itlog at prutas ay makikita kung sino ang nag-umpisa ng gulo," lakas-loob na pagtatanggol ko sa aking sarili. Kung hindi ko ipagtatanggol ang aking sarili ay sino ang magtatanggol sa akin? At isa pa kapag hinayaan ko sila na babaliktarin ang pangyayari ay palagi na nilang gagawin ito dahil alam naman nila na maaari nilang ibunton sa akin ang sisi. "Shut up, Zeph! Isa ka lang omega na mababang uri kaya wala kang karapatang sumali sa usapan at magsalita!" bulyaw sa akin ng aming principal. "Hindi dahil ganyan ang hitsura mo ngayon ang ibig sabihin ay sila Duffy na ang may kasalanan at nag-umpisa ng away. Maaaring prinovoke mo sila kaya ka nila binato ng mabahong itlog at gulay," dugtong pa ni Ma'am Diosdada. Halatadong kinakampihan nito ang grupo nina Duffy. Lihim na nginisihan ako ng grupo ni Duffy kaya napayuko na lamang ako. Magpaliwanag man ako ay obvious na hindi nito pakikinggan ang anumang sasabihin ko. "Tama po kayo, Ma'am. Prinovoke kami ni Zeph. Kung ano-anong masasamang salita ang mga pinagsasabi niya amin kaya hindi kami nakatiis at binato namin siya ng mga bulok na itlog at prutas. Gusto niya akong sabunutan sana ngunit hindi niya nagawa dahil kinuyog na siya ng mga kaibigan ko," sabi naman ni Hillary. Nagkunwari pa ito na umiiyak at nagpapaawa ang hitsura. Galit na muli akong hinarap ng aming principal at dinuro ang mukhako. "Huwag mong dalhin dito sa school ang pagiging omega mo, Zeph. Talagang manang-mana ka sa mga magulang mo na ugaling mababang uri. Kung hindi lamang sa pakiusap ng ama ni Hillary ay hinding-hindi ka makakaapak kahit sa gate man lang ng school na ito. Tapos gaganyanin mo pa ang snak ng nagpapaaral at nagpapakain sa'yo, Zehp? Wala kang utang na loob." "Nagkakamali po kayo, Ma'am. Marunong akong tumanaw ng utang-na-loob sa kumupkop at nagpalaki sa akin kaya nga po hinahayaan ko si Hillary na i-bully niya ako. Pero ngayon na may mga kasama siya sa pambubully sa akin ay hindi ko hahayaan ang aking sarili na ma-bully ng iba. Ipagtatanggol ko ang sarili ko, Ma'am. Wala akong kasalanan sa nangyaring gulo. Nakita n'yo naman po na ako ang hindi maayos ang kasuotan kaysa sa kanila at ako ang may mga kalmot ng matatalas nilang kuko samantalang sila ay maayos ang mga hitsura at wala man lang galos kahit konti. Kaya hindi po sila ang biktima rito kundi ako, Ma'am," pangangatuwiran ko kay Ma'am Diosdada. Kahit alam kong hindi niya ako kakampihan at paniniwalaan ay naglakad ng loob pa rin ako na sabihin sa kanya ang totoo. Baka sakaling maawa siya sa akin at matauhan kapag narinig niya ang sasabihin ko. Ngunit iyon ang pagkakamali ko. Dahil sa mga sinabi ko ay binigyan ako ng malakas na sampal ni Ma'am Diosdada. "Hindi mo ako madadaan sa drama mo, Zeph. Alam ko na may pagkakamali rin ang grupo nina Hillary ngunit sana umiwas ka na lamang sa kanila para walang gulo," galit na sabi sa akin ni Ma'am Diosdada. Napayuko na lamang ako habang hawak ng isa kong kamay ang nasampal kong pisngi. "Dahil sa nangyari ay nasira ninyo ang pagtuturo ng ibang guro at ang pag-aaral ng ibang mga estudyante kaya kayong lahat ay parurusahan ko. Ang grupo nina Hillary ay tatakbo sa buong campus ng sampung beses at ikaw Zeph ay bubuhatin mo ang mga bagong dating na paso at iaakyat mo hanggang sa rooftop garden," pagbibigay niya ng parusa sa aming lahat. Napailing na lamang ako ng mahina nang marinig ko ang parusa ni Ma'am sa magkabilang panig. Para masabi lamang na pinarusahan din ni Ma'am Diosdada sila Hillary ng parusang sobrang dali lamang sa kanila. Mga taong-lobo sila na may kakayahang tumakbo ng mabilis kaya tiyak na wala pang isang minuto ay natapos na nilang takbuhin ang buong campus. Baka nga hindi pa sila hingalin sa pagtakbo samantalang ako na oo nga't isa ring taong-lobo ngunit wala akong kakayahan na gaya nila. Sa bigat ng mga bagong dating na paso na nakita ko kanina sa gilid ng faculty room ay tiyak na kukulangin ang isang oras bago ko maiakyat lahat ng ang sampung paso papunta sa rooftop garden. Minsan tuloy ay napapaisip ako kung totoo nga ba talaga na isa akong taong-lobo at o baka naman isa akong normal na tao na napadpad lamang sa pack ng Golden Wolf? Pagkatapos sabihin sa amin kung ano ang mga parusa sa amin ay pinalabas na kami sa principal's office. Nakangising tinapunan ako ng tingin ng grupo nina Hillary. "Nangatuwiran ka pa talaga kanina, ha. Akala mo siguro ay kakampihan ka ni Ma'ma Diosdada. But sad to say ay hindika niya kinampihan sa halip at nasampal ka pa niya ng malakas. Poor, Zeph," nakangising kausap sa akin ni Duffy pagkalabas namin sa principal"s office. Inirapan niya ako pagkatapos ay malakas na binangga niya ang aking braso bago niya ako nilagpasan. Ganoon din ang ginawa ng iba pa niyang mga kasama. "Poor, Zeph. Hindi kakampihan ni Ma'am Diosdada ang isang mababang uri ng mga taong-lobo ang isang katulad mo. Mamaya pag-uwi mo sa bahay ay tiyak na paparusahan ka rin ni Daddy. Losers," nakangising kausap din sa akin ni Hillary bago binangga ng malakas ang aking braso pagkatapos ay sumunod na siya sa mga kaibigan niya. Hindi ko naman napigilan ang mapaiyak. Iniiyak ko na lamang ang nararamdaman kong galit sa kanila. Magalit man ako ay wala pa rin akong magagawa. Dahil isa akong omega. Omega na pinagtatawanan at iniinsulto ng lahat ng aking mga kalahi. Omega na tila latak lamang sa mundo kung ituring ng aking mga kalahi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD