Chapter 4

2247 Words
Chapter 04 3rd Person's POV Napakurap si Wise habang nanonood sa showdown 'kuno' nina Kreos at Sebastian na nasa stage. 'Kreos! Kreos!' 'Kyaaah Sebastian!' Kanya-kanyang tilian ang girls galing sa dalawang magkaibang department na hindi na nakapag focus sa practice nila dahil sa ginawang pagsayaw nina Sebastian at Kreos sa stage. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Wise at tila sandaling nawala ang kanyang mga alalahanin sa isip nang makita ang irita sa mukha ni Sebastian habang tawa naman ng tawa si Kreos na sumasayaw. 'Kyaah! Ang sexy ni Kreos!' 'Why you so hot Sebastian!' Nakagat ng binata ang labi niya ng bumakat ang katawan ni Sebastian sa suot nitong t-shirt ng mabasa ito dahil sa pawis. Nasa ganu'ng expression si Wise nang magsalita si Kreos na kinatingin ni Sebastian sa pwesto niya at---. 'Sebastian!' Napahakbang si Wise ng makita si Sebastian na bumagsak. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakalapit nang mag takbuhan du'n ang mga estudyante. "You'll f*****g bastard Ward!" mura ni Sebastian mula sa stage na kinatawa lang ng lalaki. Napatigil si Wise nang lumingon sa kanya si Kreos at pasimpleng siya na kinindatan bago tumalon pababa ng stage. Nang tumalon pababa si Kreos. Naiinis na tumayo si Sebastian at balewalang pinagpagan ang sarili. 'Gusto mo ng tubig Sebastian.' 'Pupunasan---. ' "f**k off!" asar na sambit ni Sebastian na kinatigil ng girls bago bumaba sa stage at tingnan si Wise na nag-aalalang nakatingin sa kanya. Hindi nagbago ang expression ni Sebastian na kinakaba ng sobra ni Wise dahil palapit sakanya ang binata. Hindi ito umimik hanggang sa mapahinto ang binata sa harapan n'ya. Walang paalam na kinuha ni Sebastian ang hawak na inumin ni Wise at lampasan siya. "Pumunta ka sa locker room ng gymn," walang emosyong bulong ni Sebastian na kinalunok ng binata dahil sa sobrang kaba. Katulad ng sinabi ni Sebastian. Makalipas ang ilang minuto sumunod na si Wise at pumunta sa gymn. Walang tao dun na kinahinga ni Wise ng maluwang. Nang tahakin niya ang daan papunta sa locker room. Huminto siya sa tapat ng pinto at huminga ng malalim. Dahan-dahan siya kumatok bago pinihit 'yun at buksan. Parang huminto ang ikot ng mundo ni Wise matapos makita si Sebastian at Kreos sa loob. Nanginginig ang binata at mula sa pinakadulo ng daliri niya sa paa hanggang sa ulo. Pakiramdam niya may mga bloke ng yelo na bigla na lang bumalot sa buong katawan niya. Nagbigay kirot sa dibdib niya, lamig sa sistema at nagpabigat ng ulo niya. Hindi alam ni Wise ang irereact ng makitang nakasandal si Sebastian sa locker at kasalukuyang hinahalikan ni Kreos na wala ng pang taas. "Tss sabi sayo diba pupunta si Wise," ani ni Sebastian kay Kreos na kinataas ng labi ng binata. "Eh ano naman?" ani ni Kreos na kinatuyo ng lalamunan ni Wise ng halikan ulit ni Kreos si Sebastian and that's the cue wala sa sariling lumapit si Wise at tinulak si Kreos palayo. "Ow, Wise right? Hindi mo ba nakikita na busy kami? " may pang aasar na sambit ni Kreos. "Oh, baka gusto mong makisali, okay lang naman sa akin." "A-Ano? N-No! I-I mean, pinapunta ako ni Sebastian dito p-para kausapin hindi para manood ng live kaya--- ." Palihim na napangisi si Kreos ng magkabuhol-buhol ang pagsasalita ng lalaki. "Aalis na ako, s-sorry sa i-istorbo, " ani ni Wise bago tumakbo palabas na kinatinginan nina Kreos at Sebastian. Naka cross arm na sumandal si Sebastian sa locker habang gusot anv mukhang nakatingin ang binata sa kaibigan na halos mamatay na kakatawa. "You know what? Is that something rude then ginamit mo pa ako para lang saktan ang lalaking 'yun na hindi ko alam kung para layuan ka o may gusto ka lang patunayan. " "His lips different from you. " "Whoa! Siya ang first kiss mo?" "Now i know kung bakit ka pumayag na halikan kita without thinking twice." "Tss, whatever Kreos, we're both satisfy now, right?" ani ni Sebastian na kinatango ni Kreos bago parang batang sumiksik kay Sebastian at kiniskis ang pisngi niya mukha ng binata na parang bata. "Libre mo ulit ako ng dinner since pumayag ako sa deal. " "Wag mo akong sumbatan about sa deal nandaya ka. " "Hindi ako nandaya sinabi ko lang na nanood si Wise tapos nawala kana sa focus," depensa ni Kreos na mas kinapokerface ni Sebastian bago itulak ang mukha ni Kreos palayo. "Come again ma'am," may ngiting sambit ni Wise matapos ibigay ang sukli ng matanda. 'Ang gwapo. ' 'Artista yata 'yan. ' Parang nabato sa kinatatayuan si Wise ng maamoy nito ang isang pamilyar na amoy na nasa harapan niya at pag angat nito ng tingin nanuyo ang lalamunan ni Wise ng makumpirma na si Sebastian yu'n. Nanginginig na kinuha nito ang inorder ni Sebastian na juice at ilang junk foods na nakalagay sa counter para tuusin. "Wise, anong nangyari? " Napalingon si Wise ng lumapit ang kasamahan nito at tapikin ang likod ng lalaki para agawin ang pansin ng binata. "Mukhang nagloloko na itong computer, h-hindi lumalabas kung magkano ang item. " "Bakit ka nanlalamig?" tanong ng kasamahan matapos alisin ni Wise ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaki. Hawak kasi ni Wise ang barcode reader at dahil kinukuha 'yun ng lalaki para i-check hindi sinasadyang mahawakan nito ang kamay ng binata. Napatingin si Wise kay Sebastian na agad din naman umiwas ng tingin nang bahagyang tumalim ang tingin sa kanya ni Sebastian. Inayos ng kasamahan ni Wise sandali ang computer habang si Wise naman ay hindi mapakali dahil ramdam niya ang tingin sakanya ng binata. "Here sir. 149 po lahat. " Bahagyang nakahinga si Wise ng tumalikod na si Sebastian matapos kuhanin ang mga binili nito. "Frank, salamat ah. " "It's okay sa susunod tawagin mo ako pag may kailangan ka. Masyado ka kasing tense kanina. " Napakamot sa ulo ang binata bago tingnan si Sebastian na umupo lang sa isa sa mga lamesa na nasa loob malapit sa glass wall at ininom ang hinili nitong Juice. Wise Visales's POV; Dahil wala naman gaanong costumer na natili lang akong nakatayo sa counter at tinitingnan si Sebastian na nakatingin sa labas. Nakagat ko ang labi ko at napasapo sa noo ng kahit naka nakapajama at simple t-shirt lang ito mukha pa din itong rarampa. Pero ako kahit yata magsuot ako ng armor at kapa na sinusuot ng mga prinsipe mukha pa din akong rebelde sa mga fantasy novels. "Dumadami yatang tumatambay sa store, anong meron? " "May celebrity ba na nandito. " Napailing na lang ako ng dumating na ang dalawang kasamahan ko na papalit samin ni Frank. "Gosh, ang gwapo new costumer?" tanong ni Jessa habang nakatingin kay Sebastian na wala man lang pakialam sa mundo. "Bibihis na muna ako. Kayo na bahala dito," ani ko bago dali-daling umalis du'on ng maalala ko na mamimigay pa pala ako ng flyer. Matapos ko magpalit ng damit at kuhanin ang mga gamit ko sa staff room. Nag paalam na ako sa mga kasamahan ko at bago lumabas tiningnan ko si Sebastian na tumayo na din. 'Hindi sa nag aassume ako pero… Inaantay niya ba ako?' Habang naglalakad pilit ko na lang dinedma ang pagsunod sakin ni Sebastian na kinatigil ko din dahil hindi ko talaga matagalan ang sobrang atensyon na nakukuha ko. Masyado na siyang agaw pansin as in lahat na lang ng dinadaanan at dadaanan ko may mga nakatingin. "Sebastian ano bang kailangan mo? Naliligaw ka ba or what? " casual na tanong ko habang pilit sinasantabi ang nakakarinding ingay ng dibdib ko at pagbaliktad ng sistema ko dahil kay Sebastian. "Iniiwasan mo ako this past few days at wala akong chance para makausap ka. " Napahahawak ako sa batok at napaiwas ng tingin. Hindi ko na din kasi alam kung paano ko siya haharapin dahil sa paghalik niya sa'kin. Isama mo pa yung mga taong gusto ako mawala. "Hindi mo ako naiintindihan, Sebastian. Mabuti pa umuwi kana." ani ko bago tumalikod habang pilit na tinatago ang ngiti ko dahil sa effort niya na puntahan ako dahil sa hindi ko pag pansin sa kanya. Hanggang sa pumasok sa isip ko 'yung nangyari sa locker room. Nakita ko sila ni Kreos na naghahalikan at naging dahilan para hindi ako makatulog ng ilang gabi. Bahagya akong napayuko sa idea na anong laban ko kay Kreos kung may relationship talaga silang dalawa. Bagay naman sila, gwapo din naman si Kreos, no. Sobra pa sa word na gwapo kung idedediscribe silang dalawa ni Sebastian. "Galit ka ba?" parang tumigil ang pag t***k ng puso ko ng hawakan ako ni Sebastian at iharap sakanya. "Sebastian malalate na t-talaga ako sa trabaho ko. " "Pwedeng sumama? " "Ha? " ani ko. Teka tama ba narinig ko sasama siya? "Teka wala ka bang gagawin ngayon? Nasaan si Kreos? " tanong ko na kinagusot ng mukha ni Sebastian. "Somewhere," malayong sagot niya na kinasimangot ko. "Bahala ka, " sagot ko. -- Kusang gumusot ang mukha ko sa idea na dapat hindi ko siya pinayagan sumama. Parang naging invisible ako sa mga taong pinagbibigyan ko ng flyer dahil sa lalaking nakaupo sa bench at may hawak na phone. Umili-iling ako bago pilit na finocus ang sarili ko sa pamimigay ng flyer kahit init na init na ako sa suot kong costume na white panda. Nang wala talagang kumuha sa mga hawak ko dahil sa katitingin nila kay Sebastian naiinis na binaba ko ang hawak kong flyer dahil kahit ako hindi makafocus sa ginagawa ko. Napatigil ako ng may kumakatok sa costume na suot ko dahilan para mapalingon ako at makita si Sebastian. Bahagya ako napapikit ng tanggalin ni Sebastian ang ulo ng costume ko at tingnan ako. "Magpahinga ka muna kunin mo 'yung drinks ko na nasa plastic bag." "Nakaduty pa ako kailangan ko maibigay lahat ng ito at makapag papasok ng costumer sa restaurant. " "Ako na gagawa. Umupo kana," ani ni Sebastian na kinatigil ko. "T-Teka sigurado ka? " Hindi na siya umimik at hinila ako paupo sa bench bago kinuha ang mga hawak ko. 3rd Person's POV; Hindi maipinta ang mukha ni Wise ng makitang yu'ng mga tao na mismo ang humihingi kay Sebastian ng flyer. Yu'ng iba pumapasok na sa loob ng restaurant habang mga ngiting aso na hinahabol ng tingin si Sebastian. 'Ang gwapo nu'ng guy.' 'Part timer ba siya?' 'Infairness ang gwapo. ' Napailing na lang si Wise at iniinom ang juice na laman ng plastic bottle na hawak. "Sebastian ayos ka lang? Mainit, dito kana tapos na ak---. " "Pagkatapos ba nito pwede ka ng umuwi? " putol ni Sebastian kay Wise na bahagyang napatitig sa binata. Kahit kasi pawisan na ito, mas nagpadagdag lang iyon sa karisma ng lalaki. Hindi mapagkakailang mukha pa din mabango ang binata na mas nagpababa ng self confidence ni Wise dahil pawisan din siya pero dugyot ang tingin ni Wise sa sarili niya. "Y-Yeah, since dayoff ko ngayon sa karaoke bar. " ani ni Wise bago umiwas ng tingin. "That's good, ako na gagawa nito para makauwi na tayo kaagad. " "H-Ha? " ani ni Wise na nagulat sa sinabi ni Sebastian. Wala pang dalawang oras mula ng makapasok si Wise sa duty niya. Napauwi na si Wise dahil ubos na ang flyer at naabot na nito ang kota. "Ano bang trip mo Sebastian? " "Bored ako kailangan ko ng makakasama. " sagot ni Sebastian habang nasa loob ng bus. Napapokerface na lang si Wise at dinedma na lang ang sinabi ng binata. Wise Visales's POV; Seriously? Mukha ba akong entertainer niya? Nasaan ba si Kreos at ako ang ginugulo ng taong bato na ito. 'Dapat nga natutuwa ako diba? Kasi kasama ko siya pero bakit ako naiinis? Dahil ba sa idea na naalala lang ako pag wala yung boyfriend niya. ' 'Ano nga bang meron sakanila ni Kreos? Hindi man lang ba niya sa akin yun ie-explain? ' 'Great bakit nga ba? Sino ba ako?' "Baba tayo." Napatingin ako kay Sebastian ng tumayo ito bigla at hinila ako pababa. "Teka wala pa tayo sa Unit---. " "Gusto ko nu'n. " Napakurap ako bago tiningnan yu'ng tinuro niya. "Seriously? Bumaba tayo para lang sa cotton candy?" hindi makapaniwala na tanong ko. Hindi siya umimik, ewan ko lang ako ah. Ako lang ba o sumimangot talaga siya. "Tara na nga, since tinulungan mo naman ako lilibre kita. " ani ko bago siya hilahin papunta du'n. 3rd Person's POV; Kinuha ni Wise ang phone niya habang busy si Sebastian niya na idikit ang dila niya sa cotton candy at parang batang naamaze sa lasa at kung paano 'yun matunaw. Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ni Wise ng palihim niyang kuhanan ng picture si Sebastian. Sa pang apat na click ng phone ni Wise. Lumingon si Sebastian kaya agad yu'n naitago ng binata. "Kain ka lang 'dyan. " alanganing nakangiti na sambit ni Wise. "Siguraduhin mo lang na gwapo ako diyan sa mga kuha mo. " ani ni Sebastian habang pinagpatuloy ang pagkain niya ng cotton candy na kinasamid ni Wise. "S-Sinasabi mo? " tanong ni Wise pero hindi sumagot si Sebastian. "Kahit naman saan an'gulo, gwapo ka." bulong ni Wise. "I accept that as a compliment since sayo naman nanggaling. " Muntikan na mahulog si Wise sa kinauupuan ng sumagot si Sebastian at marinig siya. "Bili pa tayo. " ani ni Sebastian bago tingnan si Wise na bahagyang namumula. "M-Masama yan sa kalusugan S-Sebastian, bili muna tayo ng ibang makakain." "Street foods gusto mo? " "Street food? " ulit ni Sebastian. "Yes, siguradong magugustuhan mo yun. " 'Mahilig pala siya sa sweets.' gumuhit ang ngiti sa labi ni Wise ng makitang naubos nito ang cotton candy na binili. 'Cute.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD