TINIGNAN ni Honey ang sarili sa salamin. Inayos niya ang suot na damit. Kinuha niya ang bullcap sa tabi ng salamin at isinuot. Walang emosyon ang mukha ni Honey habang nakatingin sa salamin. Lumabas siya ng kwarto. Nadaanan niya sa sala ang kaniyang ina. Ang taong kumopkop sa kaniya noong wala siyang mapuntahan. Itinuring na niya ito bilang pangalawang ina niya. Malayo itong kamag-anak ng kaniyang tunay na ina.
"Mama, papasok na po ako sa trabaho." Paalam niya rito.
Tumango ito. "Mag-iingat ka."
"Opo."
"Kapag gabi ka ng uuwi mamaya. Tawagan mo ako para masundo kita." Anito.
"Opo." Tumango si Honey at lumapit sa ina. Hinalikan niya ito sa pisngi.
She grabbed her sling bag at the long sofa. Lumabas siya ng bahay at naglakad palabas ng gate. Pinara niya ang paparating na taxi.
"Saan po tayo, Ma'am?" Tanong ng driver ng makapasok siya sa backseat.
"Maxwell's Restaurant, Manong."
"Okay, Ma'am."
Habang humaharurot ang taxi. Nakatingin lang sa labas ng bintana si Honey. Sampung taon na ang nakaraan. Sa sampung taon na 'yon, hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari sa kaniyang ina. Malinaw pa rin sa kaniya ang nasaksihan sa araw na 'yon. May mga gabi na binabangungot siya ng nakaraan.
Napabuntong-hininga si Honey. Noong tumakas siya sa mansyon ng kaniyang ama. Dito siya sa Tagaytay nagpunta at hinanap ang malayong kamag-anak ng ina. Ito na ang kumopkop sa kaniya at nag-alaga sa kaniya. Pinag-aral siya nito kaya malaki ang utang na loob niya sa pinsan ng kaniyang ina.
Ngayon tahimik na ang buhay niya at sana walang darating na manggugulo sa buhay niya.
Hangga't kaya niya ay lumalayo siya sa mga tao at hindi siya nakikipaglapit kahit kanino. Ayaw niyang makakuha ng atensiyon. Wala siyang kaibigan at okay lang sa kaniya 'yon. Tanging ang pinsan lang ng kaniyang ina ang kaniyang kasama niya. Pinili niyang maging mag-isa dahil kapag sakaling may masamang mangyari ay walang madadamay.
Hanggang ngayon ay may takot pa rin ang namumuo sa kaniyang puso. Natatakot siya na baka isang araw ay mahanap siya ng kaniyang ama. Alam niyang hanggang ngayon ay hinahanap siya ng kaniyang ama dahil nasa kaniya ang blue book na pag-aari nito.
Sana lang ay hindi na siya nito mahanapan.
"Ma'am, nandito na po tayo sa Maxwell's Restaurant."
Honey came back to her reverie. Kumuha siya ng bayad sa pitaka at ibinigay sa driver. "Keep the change, Manong."
"Salamat, Ma'am."
Tumango lang si Honey at bumaba ng taxi. Ibinaba niya ang suot na bull cap para mas lalong matakpan ang mukha niya. Hindi siya entrance ng restaurant dumaan. Umikot siya at sa back door siya dumaan papasok.
"Good morning, Chef." Bati sa kaniya ng mga crew.
Tinanguan niya naman ang mga ito at tinungo ang locker. Inilagay niya doon ang bag at isinuot ang uniporme niya. Bumalik siya sa kusina at nagsimula ng magtrabaho. Yes, she's a chef. Dito na siya nag-OJT at kinuha na rin siya ng may-ari bilang Head Chef ng restaurant. Kilala ng Mama niya ang may-ari ng restaurant. Magkaibigan ang mga ito kaya kilala siya ng may-ari ng restaurant.
Minsan kapag may nagre-request na customer na gusto siyang makilala at dahil ayaw niyang makihalubilo ng ibang tao, ito na ang gumagawa ng paraan.
"Head Chef, naka-ready na po ang mga ingredients para sa dish ngayon." Ani ng assistant niya.
Tumango si Honey. "Okay. Let's start."
Ganito ang routine niya araw-araw. Paggising niya, papasok sa trabaho, magluluto ng mga dish na order ng mga customers, pagdating ng break, magpapahinga siya then magtatrabaho na naman, at pagkatapos ng trabaho, uuwi na siya. Pagdating ng kinabukasan, ganun na naman. Sanay na siya at kuntento na siya sa kung anong meron siya ngayon. Tahimik lang na buhay ang hinahangad niya.
Maghapon lang siya sa kusina ng restaurant at lalabas lang siya kapag kailangan niyang lumanghap ng hangin.
"Head Chef, ikaw po ang ni-request na magluto ng order ng isa nating customer."
"Okay. Ano ba ang mga order?" Tanong niya.
"Ahmm...salt and pepper spareribs, salted fish fried rice, beef marrow soup and crispy pata." Ani ng assistant.
Napatango si Honey. "Prepare the ingredients."
"Yes, Head Chef."
Tahimik na nagluluto si Honey at nakikinig sa usapan ng mga kasamahan niya. Hinahayaan na lang niya na mag-ingay ang mga ito. Ginagawa naman ng mga ito ang kanilang mga trabaho.
Nang matapos si Honey sa pagluluto. "Jewel, ikaw na ang bahala dito."
"Yes, Head Chef."
Tinignan ni Honey ang oras. It's breaktime. HInubad niya ng suot na apron at isinabit sa lalagyan. Lumabas siya ng restaurant at umupo sa upuan na naroon sa likuran ng restaurant.
Nagkatinginan naman ang mga naiwan na crew sa kusina.
"Alam niyo matagal na ako sa restaurant na 'to. Matagal ko na ring kasama si Chef Honey. Mabait naman siya pero 'yon nga lang, tahimik siya at hindi nagsasalita. Magsasalita lang kapag kakausapin mo." Ani assistant ni Honey na si Jewel.
"Talaga?" Tanong ng isang Chef.
Tumango si Jewel. "Tahimik si Chef Honey at hindi mahilig makihalubilo sa mga tao."
"Bakit naman?" Tanong ng isang crew.
Nagkibit ng balikat si Jewel. "Hindi ko alam."
Habang si Honey naman ay sumagap ng hangin. Bumuntong-hininga siya at sumandal sa kinauupuan.
Kinuha niya ng cellphone sa bulsa ng suot niyang uniporme at tinignan ang kalendary ng cellphone.
Ngayon ang death anniversary ng mommy niya. Nakalimutan na niya dahil sa pagiging abala niya sa trabaho.
Napabuga ng hangin si Honey at tinawagan ang Mama niya. Dalawang ring lang ay sinagot na nito ang tawag.
"Hello, anak."
"Ma, dadalaw po ako ngayon kay Mommy."
"Ganun ba? Sige. Mag-iingat ka."
"Opo. Salamat, Ma."
"Basta. Mag-iingat ka."
Honey ended the call. Tumayo siya at pumasok sa restaurant. Tinungo niya ang kinaroroonan ng manager ng restaurant. Kumatok muna siya.
"Come in."
Itinulak niya pabukas ang pinto. "Tita Joy."
"Oh, Honey? Bakit?"
Pumasok siya at isinara ang pinto. "Magpapaalam po sana ako."
"Bakit? Saan ka pupunta?" Tanong nito.
Nagbaba ng tingin si Honey. "Dadalawin ko po sana ang Mommy ko. Ngayon po kasi ang death anniversary niya."
"Ganun ba? Sige."
"Salamat po, Tita."
"Ano ka ba? Para saan pa ang pagkakaibigan namin ng mama mo." Ngumiti si Tita Joy.
"Salamat po ulit."
"Mag-iingat ka."
Tumango si Honey. "Opo. Aalis na po ako."
"Sige."
Lumabas si Honey sa opisina ng manager at tinungo ang locker niya. Hinubad niya ang suot na uniporme at kinuha niya ang bull cap at ang sling bag niya. Isinuot niya ang bull cap at lumabas ng restaurant. Dumaan siya sa back door ng restaurant.
Nagtungo muna siya sa isang flower shop at bumili ng bulaklak. Saka siya nagtungo sa bus station at sumakay patungong Manila. Isa hanggang dalawang oras ang biyahe. Makakabalik siya bago gumabi.
Isang beses lang kasi sa isnag taon siya nakakadalaw sa puntod ng kaniyang ina. Kaya hindi niya pwedeng ipagpaliban ang araw na 'to.
Habang nagbibiyahe ang bus. Hindi namalayan ni Honey na nakatulog pala siya at nanaginip siya ng masama.
"Mommy..."
"Mommy, nasan po kayo?!"
"Mommy!"
Napatigil si Honey ng makita ang mga patak ng dugo sa sahig. Sinundan niya ang patak ng dugo at habang sinusundan niya ito ay parami ng parami ang mga dugo na nakakalat sa sahig.
"Mommy!"
Sinundan niya ang mga dugong nagkalat sa sahig hanggang sa pumasok siya sa isang kwarto.
"Mommy!"
Mabilis niyang nilapitan ang ina at kinalong ang ulo nito.
"Mommy, anong nangyari sa inyo?" Nag-unahang tumulo ang luha niya.
"H-honey..."Nagmulat ng mata ang ina.
"Mommy, ano p-pong nangyari sa inyo?"
"P-patawad, anak."
NAPASINGHAP si Honey at nagising mula sa masamang panaginip na 'yon. Huminga siya ng malalim.
"Mommy..." Bulalas niya. Bakit ba 'yon ang palaging tagpo sa panaginip niya?
"Ma'am, ticket po ninyo." Ani ng konduktor.
Napatingin si Honey sa konduktor at kinuha ang ticket. "Malapit na po ba tayo sa Manila?" Tanong niya.
"Oo, Ma'am, kaya magbayad na po kayo." Anito.
Kumuha naman ng pamasahe si Honey at ibinigay sa konduktor.
"Thank you, Ma'am."
Napailing si Honey at tumingin sa labas ng bintana.
Nang makarating sila sa Manila at tumigil ang bus, bumaba siya at iniyos ang suot na bull cap. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa memorial park.
Nang makarating siya sa memorial park. Kaagad siyang nagbayad at bumaba ng taxi. Tumingin muna siya sa paligid at ng masigurong walang nakatingin sa kaniya. Pumasok siya sa loob ng memorial park at tinungo ang puntod ng ina.
Pagdating niya sa kinaroroonan ng puntod ng ina, natigilan siya ng makitang may nakapatong na bulaklak sa ibabaw ng puntod.
Napailing si Honey. Bumisita rin pala ang ama niya. Siguro nakonsensiya ito.
"Hi, Mommy. Pasensiya na po at ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo." Aniya at inilapag niya ang bulaklak sa puntod ng ina. "Huwag po kayong mag-alala sa akin, Mommy. Maayos po ang kalagayan ko."
Hinawakan ni Honey ang Lapida. "Mommy, gusto ko pa man kayo makasama ng matagal pero kailangan ko na pong umalis." Tipid na ngumiti si Honey. "Aalis na po ako, Mommy. Dadalawin po ulit ako pero hindi ko po alam kung kailan."
Inayos ni Honey ang suot ng bull cap at umalis ng memorial park. Habang naglalakad si Honey sa kalsada, dahil hindi mawala sa isipan niya ang lagi niyang napapanaginipan, hindi niya namalayan na nagpapagitna na siya sa kalsada.
Bumalik lang siya sa sarili nang marinig ang malakas na busina.
Napasinghap si Honey at mabilis na tumingin sa paparating na kotse. Hindi na siya nakagalaw sa kinatatayuan nang makitang malapit na malapit na sa kaniya ang kotse.
Ipinikit ni Honey ang mata at hinintay ang katapusan niya pero lumipas ang ilang segundo na walang nangyari kaya nagmulat siya ng mata. Nakita niyang ilang dangkal na lang ng layo ang kotse sa kaniya. Napahinga ng malalim si Honey.
Bumaba naman ang may-ari ng kotse.
"Miss, kung balak mong magpakamatay. Doon ka sa tulay at tumalon ka doon. Huwag kang magpasagasa dahil kung nasagasaan kita kasalanan ko pa." Inis na sabi ng driver.
Hindi nagsalita si Honey at nagpagilid na lang.
"Miss! Hindi ka ba hihingi man lang ng pasensiya?" Puno ng sarkastikong sabi ng driver.
Bahagyang itinaas ni Honey ang suot na sumbrero at hindi siya nagsalita.
Natigilan naman si Tyrone nang makita ang mukha ng babaeng muntikan na niyang mabangga. Maganda ang babae at mapungay ang mata nito pero napansin niyang malungkot ang mukha nito lalong lalo na ang mata nito.
Muling ibinaba ni Honey ang bull cap na suot at tinalikuran ang lalaki.
Naglakad na siya palayo at pinara ang taxi na paparating at nagpahatid siya sa bus station. Sumakay siya sa bus na papuntang Tagaytay.
HABANG nagmamaneho hindi mawala sa isipan ni Tyrone ang babaeng muntikan na niyang mabangga kanina. Nahampas niya ang manibela. "Damn! Ano ba ang nangyayari sa akin?"
Napabuga ng hangin si Tyrone at napailing.
Hindi talaga mawala sa isipan niya ang malungkot na mukha ng babaeng 'yon.
"Sino ba siya?" Tanong ni Tyrone sa sarili.
Hanggang sa makauwi siya sa mansyon nila. Ang babaeng 'yon pa rin ang laman ng isipan niya.
"Argh!"
"Oh, anak. Anong nangyayari sa 'yo?" Tanong ng ama ng madaanan niya ito sa living room.
Ibinagsak ni Tyrone ang sarili sa sofa. "I met a woman. Muntikan ko na siyang mabangga, Dad. Ang nakakainis hindi man lang siya nagsalita at ang mas lalong nakakainis hindi mawala sa isipan ko ang malungkot niyang mukha."
Ibinaba ni Bryce ang hawak na newspaper at tumingin kay Tyrone.
"Bakit ka ganiyan makatingin sa akin, Dad?" Tanong naman ni Tyrone sa ama.
Tumawa ang ama at napailing. "Congratulations, anak."
Kumunot ang nuo ni Tyrone. "Para po saan?"
Nagkibit ng balikat ang ama. "Wala. Anyway, puntahan mo pala si Edzel sa kwarto niya. Kanina ka pa hinihintay ang anak mo. Magpapatulong yata ng lesson niya."
"Okay, Dad."
Tumayo si Tyrone at umakyat sa hagdan. Tinungo niya ang kwarto ni Edzel at naabutan niya itong nagbabasa ng libro.
"Edzel."
"Daddy!"
Umupo siya sa gilid ng kama. "Your waiting for me?"
"Yes, Daddy."
"Bakit?" Tanong ni Tyrone.
Ngumiti si Edzel. "Daddy, sinabi po kasi ng teacher namin na kailangan daw po umattend ang Mommy namin sa meeting."
Natigilan si Tyrone. "Mommy? Si Mama Eden mo?"
"Busy po yata si Mama Eden, Daddy."
"I'll talk to her." Sabi ni Tyrone.
"Okay po." Humiga si Edzel sa kama nito.
"Kumain ka na ba?"
"Opo."
"Okay. Then sleep early."
"Opo, Daddy."
Napabuntong-hininga naman si Tyrone habang nakatingin kay Edzel.
Kahit kailan hindi niya narinnig mula kay Edzel ang tungkol sa mommy nito. Hindi nito hinanap at hindi ito nagtanong kung nasaan ang Mommy nito.
Hinaplos ni Tyrone ang buhok ni Edzel. "I'm sorry if you don't have mother, Edzel. It's just because she's not worth it to be your mother."