Part 2

1735 Words
Baka Sakali AiTenshi   Part 2   "Oh akala ko ba ay nakipag eyeball ka kagabi?" ang tanong ni Perla habang kumakain kami sa canteen.   "Oo nga," matipid kong sagot sabay subo ng pagkain.   "So ano? Gwapo ba talaga iyang HotGuy ba iyan?" pang uusisa niya.   "Gwapo, maputi, maganda ang katawan at mukhang artista. Nag ggym, nagtuturok ng gluta sa balat, nagkakaskas ng maraming whitening soap at gumagastos sa magagandang damit," ang sagot ko   "Oh eh bakit parang naluge ka? Ginalaw ka ba niya ha? O baka naman pinagsamantalahan niya yung kahinaan mo?" ang tanong niya   "Aba hindi ah!" ang sagot ko   "Kung maka “hindi” ka naman ay parang ayaw mo pa. Hoy Lino yang itsurang ganyan ay walang karapatang mamili! At saka di naman ako nag-eexpect no, alam ko naman na imposible iyon," ang wika ni Perla.   "Hindi naman ako namimili. Eh hindi naman niya ako feel!" ang sagot ko naman   "Natural, yung mga itsurang ganyan ay hindi pwedeng daanin sa biglaan, dapat dyan nakakasanayan Lino, ang ibig kong sabihin ay hindi pwedeng bigla ka nalang bumulaga na parang si Sadako doon sa dilim, dapat ay magpaparamdam ka muna ng unti unti," ang sagot niya na may halong pag aalala at pang aasar   "Nang inis ka pa dyan. Malapit na kitang iunfriend sa f******k!" sagot ko na may halong pag-asar.   "I-uunfriend mo pa ko e 20 lang friends mo doon, tigilan mo nga ako Lino," pang aasara nya. "Teka ano ba kasing nangyari?" pang uusisa niya na parang sobrang interesado, siguro naaamoy na niyang hindi maganda ang resulta nito.   "Ayokong mag-flash back, ayokong balikan iyon," tugon ko.   "Hala! Eh mag-flash back kana. Para malaman ko naman kung anong nangyari kagabi, huwag kang madamot," pamimilit niya.   Huminga ako ng malalim at panandalian natahimik. Wala akong nagawa kundi ang ikwento sa aking kaibigan ang kaganapang eyeball namin ni codename HotGuy.   FLASH BACK   "Hi" ang bati niya sabay upo sa aking harapan.   "Hi, k-kamusta?" ang naautal kong sagot sabay abot sa kanya ng aking munting regalo.   Kinuha niya ito at ngumiti "Thanks" sagot niya at busy ito sa pagpindot sa kanyang cp at maya maya ay umorder ng inumin. "So ikaw pala si Blackpearl. Actually hindi ko ine-expect hehe," ang wika niya.   "A-anong hindi mo ine-expect?" sagot ko naman na may halong pag tataka.   "Mas prefer ko sana yung malaki ang katawan at maputi. Alam mo na, sa panahon ngayon mas bagay sa mga lalaki ang fit and toned na muscles. Kaya nga ako I spent 10 hours sa gym at nagpapa-skincare din ako. Mas like kasi ang mga followers ang magandang body at makinis na balat," ang wika niya.   "Sabi ko naman sa iyo hindi ako gwapo," sagot ko na may halong pagkahiya.   Natawa ito "Pero ang akala ko talaga ay humble ka lang kaya parati mong sinasabing panget ka. Hehe. Hindi ka naman panget bro," natatawa wika niya at maya maya ay humirit pa "Medyo lang. Pero di masyadong pangit ha. Itry mong mag-gym at i-improve ang self mo. Bagay sayo ang blackpearl na codename. I dont have any idea na literal na black ka nga," wika niya sabay tawa.   Natahimik ako at nahiya sa aking sarili. Napatingin ako sa aking kutis na hindi ganoon ka puti. Hindi ko tuloy alam kung tatayo na ba ako o mananatili nalang sa aking upuan hanggang sa matapos ang gabing ito.   Dumating ang inorder na inumin ni HotGuy. Kinuha niya ang kanyang cp at pinicturan ito. "Tol, alis ka muna dyan kasi nakikita ka sa selfie ko. I-uupload ko kasi ito sa twitter ko,” ang wika niya kaya naman tumayo ako at tumabi.   Hindi pa rin nawawala ang hiya sa aking katawan..   Makalipas ang ilang shot ng selfie ay pinicturan rin niya ang resibo at ang tatak ng kanyang ininom. Ako naman ay pinapanood lamang siya sa kanyang ginagawa.   Makalipas ang ilang minuto "Naku tol, sorry kailangan ko na umalis. May emergency pala doon sa bahay. Sige bye," ang agad niyang hirit sabay kuha ng inumin at iniwan akong nakatayo sa gilid ng lamesa.   Natulala ako at napako ang tingin sa sahig. Nag-ayos naman ako ng sarili, bumili ng damit at bagong pantalon. Nag-effort naman akong maging presintable pero wala talaga. Lalo ko lamang naramdamang panget ako at hindi kanais-nais sa mata ng iba. Marahil ay nagkamali lamang ako ng taong kinilala at kinaibigan. Nagdulot tuloy ito ng kirot sa aking buong pag katao.   Pagdating sa bahay ay agad akong ng online upang i-check kung ano ang mga post niya sa social media. Ngunit wala na akong nakita, maging sa mga messenger ay hindi ko na rin siya ma-sendan ng mensahe. Na blocked na ako sa kanyang account at mukha hindi ko na siya makaka-usap pang muli.   Noong gabing iyon ay hindi ako dinalaw ang gutom at antok. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang sakit sa aking dibdib dulot ng pangyayari. Ito ang perpektong pakiramdam ng taong "rejected" at hindi katanggap tanggap sa mata ng iba. Wala akong nagawa kundi ang yakapin ang aking sarili at umiyak habang naka patay ang ilaw sa buong silid.   End of flash back   "Naku frend, marami talagang ganyang mga tao. Sasabihin sa iyo na tatanggapin ka kahit anong itsura mo sa personal pero kapag nakita kana nila ay magtatago na at hindi kana sisiputin. Iyang ang nature ng mga tao, mas mahalaga sa kanila ang looks. At least lesson learned diba? Huwag na ulit makikipag eyeball sa mga gwapo at pahunk na tao upang hindi ka masaktan o mareject!" ang wika ni Perla   "Buti ka pa, babae ka. Kahit yung panget sa kanto ay papatulan ka kapag wala na silang choice. Pero ako? Feeling ko wala na talaga at tatanda nalang akong mag-isa habang nag-aalaga ng goldfish sa aquarium namin," ang malungkot kong daing.   "Ang sama mo naman! Babae nga ako at kahit kailan ay hindi naman ako papatol sa mga tambay sa kanto pwera nalang kung yung mga tambay ay kasi hot at kasing gwapo ng mga character ni Ai Tenshi sa nobela niya. Hindi bale sana kung ganoon kaggwapo kina Alyas Pogi at Alyas Kanto Boy iyon tiyak na ibibigay ko ang bataan kahit hindi nila hinihingi," ang wika nito   "Eh bakit ang hilig mong magbasa ng bxb? Eh hindi ka naman bakla o silahis o paminta? Siguro noong past life mo ay isang kang bakla at na carry ito sa genes mo noong 2nd life mo," tugon ko naman.   "Cute kasing magbasa ng bxb, mas maganda pa nga ang kwento nila sa mga ordinaryong love story. Saka imagine ang ggwapo nila, parati akong emosyonal kapag nakakabasa ako ng magagandang kwento nila. Kaya nga ikaw ha, mag tiyaga ka lang at balang araw ay mayroon ring darating para sa iyo," ang wika nito sabay abot sa akin ng isang stick ng ice cream. "Happy food iyan, kumain kana para maging positive ang vibes mo, jusko di pa naman undas pang halloween na ang looks mo," naka ngiti niyang dagdag.   Tahimik..   "Nga pala anong feeling ng may boobs?" ang tanong ko habang naka tingin sa dibdib niya.   "Siyempre nakaka-sexy, nakita mo naman yung cleavage ko sa f******k diba? Effortless 148 likes agad! Agad agad!" ang wika nito   Muli akong napatingin sa kanyang dibdib "Paano ka nag ka cleavage e flat chested ka? Dont tell me pati sa camera ay na eenhance na rin ang s**o? O else baka tuhod mo iyon, kunwari ay boobs lang," ang tanong ko   "Walang ganon no, tinape ko sa gilid sabay hila para mag ka cleavage. At excuse me hindi pa ako ganoon kadespereda para gumamit ng tuhod no," ang natutuwa niya tugon.   "Eh bakit puro cleavage mo nalang yung nakikita ko? Bakit walang mukha?"   "Oy ang kapal mo naman frend, excuse me nag-selfie ako ng may mukha noh. Kaso 10 lang ang nag-likes. Pag itong cleavage ko bumebenta kapag mukha ko luge talaga," ang reklamo niya sabay tingin sa dibdib.   "At least we have a tie!" pan- aasar ko habang naka tingin sa boobs nya.   "Humahanga kaba sa boobs ko kaya ka naka tingin? O gusto mong mag karoon nito? Naiinggit ka kasi iniisip mo na kapag nagkaboobs ka ay you can do everything," pang-aasar niya. “Anong kinalaban ng boobs sa mga bagay na gusto kong gawin? Itigilan mo nga ako Perla.”   “Eh bakit nga nakatingin ka tapos may halo pang-inggit na parang gusto mong magkaroon nito, alam mo ibang yung manyak na tingin sa tingin mong parang gusto mong magkabit rin.”   "Pahawak nga," ang natatawa kong biro   Maya maya ay natawa ito at inilapit sa akin ang boobs nya "Oh Go! Gentle ha, babasagin iyan!"   Hinawakan ko ito at piniga "ay ang lambot naman pala niyan! Parang masaya mag kaganyan ah."   "Syempre ako pa ba? Ano inggit much ka sa boobs ko? Flat chested ha? Who you ka ngayon!" ang sagot niya na may halong pagyayabang. “Oy ikaw Lino ha, baka maya maya mabilitan kong nagpalagay kana ng boobs, tapos mas malaki pa sa akin!’   “Hindi mangyayari iyang iniisip mo,” ang sagot ko naman na parang wala lang talaga.   Hindi namin alam na naka tingin na pala yung may ari ng canteen sa amin "Mga bata masama ang ginagawa ninyo. Kung gusto ninyo ay magmotel na kayo. Huwag kayo dito mag ganyan," ang wika nito   Agad kong binitawan ang boobs ni Perla at doon ay nagtawanan kami. "Inggit lang iyang si manong kasi wala siyang boobs!" ang hirit nito. "Basta ang leksyon ha, kapag gwapo huwag na makipag eyeball, masasaktan ka lang. Para kang na double dead na baboy kapag nagkataon."   Tawanan..   Masaya naman ako ngunit kapag sumasagi sa aking isipan yung nangyari sa eyeball ay hindi ko maiwasang malungkot o mag mumok sa aking sarili.   Iyon ang unang beses na ako ay nakipagkita sa isang taong inaakala kong kaibigan ngunit hindi pala. Bakit kasi naniwala pa ako sa mga salita niyang punong puno ng ilusyon sana una palang ay hindi ko na pinatulan at hindi na ako nabulag pa.   Sa bagong araw na sasapit ay nakakabit pa rin sa aking pag katao ang masalimuot na pangyayaring iyon. Masakit ngunit sa huli ay natuto naman ako.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD