CHAPTER 4

1274 Words
CHAPTER 4 Napatingin si Jake sa kamay na humawak sa balikat niya na siyang nag pa balik sa kanya sa kasalukuyan. "Gusto mo bang doon muna sa bahay?" nakangitng sabi ni Dave sakin. Tumango ako tanda ng pagsang ayon saka Tumayo para mag paalam sa dalawang matanda. Nakita ko naman na masayang nag kukwentuhan sila Samuel at Kate sa may kubo. Napangiti ako ng marinig kung napa "YES!" si Samuel. Siguron ay sinagot na ito na Kate, dahil na aalala kung biniro ni Dave si Kate na kapag di niya pa sinagot si Samuel ay baka makahanap na ito ng iba. Mukhang ipiktib naman. Nang makapasok kami sa bahay nila Dave. Umupo ako sa may dulo ng Teress na hindi gaanung na sisinagan ng ilaw mula sa labas. Pumasok naman si Dave sa loob para mag bihis. Hindi na ako ng tanggang tingnan kung sino ang mga naroroon dahil saglit lang naman siguro kami. Isa pa ito ang unang beses na naka punta ako sa bahay ni Dave. SAMANTHA P.O.V Napahinton si Samantha ng makakita ng taong nakaupo sa. May Teress ng na bahay nila Dave. Naiwan kasi nito ng ulam na dapat dalahin nito para kila ninong Landon kaya ng pasta nalang siya na ihatid ito. Dahan dahan siyang lumapit dito, Hindi niya kasi makita kung sino ito dahil sa medyo madilim ang lugar na kinauupuan nito. Sigurado din siya na hindi ito si Dave. Pinag aralan ni Samantha ang mukha ng kaharap. Matangos ang ilong nito, insik ang mata at mapula pula ang labi nito parang babae ang hugis. Bumagay ang kulay nito na sadyang maputi na para bang hindi na aarawan. Nang makalpit ng malapit saka niya nakilala si Jake. Nilapitan niya ang binata saka tumabi dito ng upo. Nagtatakang napatingin naman ito sa kanya. "Akala ko, naroon ka kila ninong Landon?" Sabi ko kay Jake kahit na mababakas pa din ang pagtataka sa mukha nito. Iniisip siguro nito na hindi naman sila close para umasta siyang ganito. Napangiti ako sa kanya habang pinag aaralan ang mukha nito. "Kasi, wala ako doon." Pilosupong sagot nito sa kanya. Tumawag pa ito ng mahina saka Tumingin ulit sa kanya.tinitigan ko lang ito at sadyang pinakunoot ko ang aking makapal na kilay. "Halika nga dito." hinawakan ko ang kamay ni jake saka hinila sa loob ng kusina. Nag pahatak naman si Jake sa dalaga, may kung anung kuryente siyang naramdaman pero binali wala niya iyon. "Mukhang nagugutom kapa, ata! kaya kakain tayo." sabi ko kay jake habang nilalagay ang mga plato sa lamesa. Nang sandok naman ako ng kanin at ulam na mula sa tupperwear na dala nito kanina. "Tapos nako kumain."napakamot sa ulo si Jake sa ikinikilos ng dalaga, nilalagyan na kasi nito ang plato niya ng kanin at ulam na nilagay nito sa maliit na platito. "kumain ka ulit, masama na tanggihan ang grasya" sumandok si Samantha ng kanin at ulam saka umupo paharap kay jake. Alam ni Samantha na naiilang sa kanya ang kaharap, pero ang pangit naman kung iiwanan niya lang ito mag isa habang ang mga kaibigan niya ay mag kanya kanyang ginagawa. "matagal mag bihis si Dave" basag ni Samantha sa katahimikan. "Parang babae yun pag ng bihis" nakatawa nitong sabi habang ngumu nguya ng pusit. Ngumiti si Jake kay Samantha dahil wala itong pakialam kung ano man ang maging istura nito. Itim na kasi ang ngipin nito dahil sa pusit na adobo ang nakahain sa lamesa, dagdagan pa ng alimango na inadobo din ang pag kakaluto. Nakakamay ito habang kumakain. Napahinto si Samantha sa pagsubo ng di man lang nabawasan ang pagkain ng kaharap. Masarap naman ang pag kakaluto niya sa pusit at alimango dahil favorite nga ito nila Dave. Saka ito ang best recipes niya. "ayaw mo ba ng ulam?" tanong ko kay Jake. Masarap naman ang pag kakaluto niya. Nakaubos nga si Dave ng dalawang plato kanina. Ngumiti ito sa kanya. "hindi naman,sorry! pero allergic kasi ako sa crab" nakangiti nito sabi. "hala! Ka bat di mo naman sinabi agad." tumayo si samantha saka umikot sa likuran ni jake. Sinundan ng binata ang galaw ng dalaga. Kumuha ito ng plato saka ng sandok ng ulam mula sa kawali. Nang ihain sa kanya ng dalaga ginataang gulay nang labong ang kanyang nakita. "Siguro namn kumakain kana niyan?" ngumiti ito sa kanya. Sumandok si Jake ng kunti sa gulay saka hinalo sa kanin. Kailangan niya atang masanay sa mga pagkain sa lugar na'to hanggat hindi niya pa nakikita ang anak ni Romaldo Dela Cruz. Matapos mahugasan ni Samantha ang mga pinagkainan nila ni Jake. Niyaya ko si Jake na pumunta sa bahay nila ninong Landon. Naabutan niyang nasa gilid ng radio ng ninang Tess niya habang nakikinig nag drama. Lumapit siya kay Ninang Tess niya na nakikinig pa din ng drama sa radio. "Ninang, kikidnapin ko po muna si Jake." pabirong sabi ko sa matanda saka lumingon kay Jake na nasa likuran ko. Nakita niyang nangunot ang noon nito kaya naman napangiti ako dahil doon. "Ano kamo?" tanong ulit ng Ninang Tess niya sakin habang hinihinaan nito ang volume ng radio. Magsasalita na sana ako ulit nang magsalita naman si Jake. "Ako na po, ang maghahatid kay Samantha pauwi" sabi ni Jake kay aling tess habang nakatingin kay Samantha. Natawa ako sa lalim ng tingin nito sakin para bang kakainin ako nito ng buhay. Napangiti ako sa reaction ni jake. Mas pogi pala ito kapag nagagalit. "oh! Sige iho, ikaw na bahala sa batang yan,medyo pilya yan kaya pag pasensiyahan mo na" nilakasan ulit ni Aling Tess ang volume ng radio saka sumingyan na umalis na sila. Alas nuebe pa lang ng gabi pero dahil maliwanag ang buwan kaya maliwanag sa daraanan nila. "Ilang linggo kana dito Jake? tanong ko kay Jake na nakasunod lang sa kanya. Huminto ako sa pag lalakad saka humarap dito. "Isang linggo palang" sagot nito sakin saka patuloy na sa paglakad nito. Sumabay naman si samantha sa hakbang ng binata. "Di wala ka pa palang kaibigan bukod kila Dave at Samuel?" Tanung ko ulit kay Jake. Gwapo din pala ito kahit naka side view. Napangiti siya sa isipan iyon. "Hindi naman, anjan din si Kate" sagot nito sa sakin. " Pero na dagdagan na ngayon ng isa." Sabi nito habang nakatitig sa kanya. Napatitig rin ako Kay Jake, umaaasa ako na mabangit sana ang pangalan ko. Mabilis akong ng lakad saka siya nilagpasan, Anu bang ng yayari sakin. Bakit umiinit ang pakiramdam ko. Napangiti si Jake sa reaction ng dalaga. Naalala niya na kung saan niya ito unang nakita. Sa tulay na malapit sa pantalan. Nakaupo ito sa buhanginan habang nakatanaw sa pantalan. Malalaking hakbang ang ginawa niya para makasabay Kay Samantha. Hindi niya pa naman alam kung saan ang bahay nito. Naramdaman ko nag pag sunod sakin ni Jake. Hindi naman ako mahiyain pero pag dating sa lalaking 'to, parang wala akong masabi. Madaldal ako na tao kaya naman ako ang madalas na isinasama bilang tourist guide kapag may maramihang Grupo na gustong makita Ang Isla ng San Simon. "Bukas, sama ka sa sakin sa Isla Paraiso?" sabi ko kay Jake malapit na kami sa bahay namin. Humarap sa kanya ang binata "Saan naman yun?" tanong ni Jake saka humarap sa kanya. "Basta, alas dos ng hapon" sabi ko sa kanya saka tinapik ko ang balikan nito. "Sunduin, mo nalang ako dito?" Sabi ko sa kanya habang humahakbang ng Nakaharap sa kanya. Tumango nalang ito bilang pag sang ayon.kahit na hindi nito alam kung saan sila pupunta bukas. Masayang akong pumasok sa loob ng bahay. Bukas aagahan ko ang gising para makapag handa ng mga dadalahin pa punta sa Isla Paraiso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD