CHAPTER 1 YOUTH

2024 Words
"Diyaki!" Napalingon ako sa boses ng binatilyo na hanggang ngayon mali ang pagbigkas ng pangalan ko. Hindi ko alam kung sadya ba 'yon o ganoon talaga ang basa niya sa pangalan ko? Mukha naman siyang matalino, kaya baka sinasadya niya? Inirapan ko siya na binuntutan niya lang ng tawa. "Tara na Diyaki baka hinihintay na tayo ng nanay mo sa pantalan!" hinawakan niya ang kamay ko at hahatakin sana ako nang hatakin ko pabalik ang kamay ko. "Oo pupunta tayo sa pantalan pero hindi mo kailangang hawakan ang kamay ko Baste." "Ikaw talaga Diyaki ilang beses ko na ba sinabi sayo na Inno ang itawag mo sa'kin. Ang bantot ng Baste!" "Aba pangalan mo rin naman ang Baste paano naging mabantot iyon? Ang arte mo! Ayusin mo rin muna ang pagtawag sa pangalan ko! Siguro may gusto ka roon sa anak ni Aling Karen ano? Kaya gusto mo sosyal ang pangalan mo?" nakapamewang pa ako habang pinagagalitan siya. Nagkamot naman siya ng ulo bago ako balingan, "Eh ano naman kung ganoon nga? Aba disi-siyete na ko ano. Gusto ko na rin maranasang magkaroon ng girlfriend Diyaki. Ikaw ba ayaw mong magkaroon ng boyfriend?" Inihit ako ng ubo dahil sa sinabi niya, bakit niya tinatanong pa? Sa tagal naming magkasama, 'di man lang makaramdam ang lalaking may kulay abo na mata at kulay kape ang buhok na siya ang gusto ko? Kababata ko si Baste, ang pangalan niya talaga ay Sevazte Innocencio at anak siya ng katiwala ng pamilya Adler na amo rin ng nanay ko. Next week ay lilipad na ang nanay ko patungong Germany at doon na maninilbihan dahil balak ng mag-asawa na doon na mamalagi. Ang dalawang anak na lalaki nina Mam Beatrix na sina Sir Arkin at Sir Adam ay grumaduate na sa kolehiyo kaya sila na ang namamahala at nagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. Bata pa lamang ay malapit na kami sa isa't-isa ni Baste dahil halos sabay na kaming lumaki dito sa mansyon ng mga Adler sa Nueva Ecija. Taga-rito talaga si Mam Beatrix kaya naman nagpatayo sila ng mansyon para sa mga magulang niya, kaso ay matagal nang pumanaw ang mga ito kaya naman kami na ang nangangalaga dito. Ang nag-iisang kapatid ni Mam Beatrix na si Mam Bellatrix ay nasa Canada na at dun na nanirahan kasama ang asawa nitong Canadian at dalawang anak. Umuuwi sila rito every two years o kaya naman kapag umuuwi sila Mam Beatrix at Sir Gael mula Germany. At etong kutong-lupang nakakapit at humihila sa'kin ngayon ay anak ng kaibigan at pinagkakatiwalaan ng mag-asawang Adler na sina Tita Penny at Tito DJ Innocencio. Mababait ang mga magulang niya, 'di ko alam bakit itong isang ito ay masama ang ugali? Palagi akong binubully at pinagkakatuwaan. Pero ang musmos na puso ko, 'di mapigilang humanga sa taglay niyang kagwapuhan. Mukha itong may lahi dahil sa kutis niyang kulay gatas. Ang ilong ay prominente at akala mo tutusukin ka sa tangos niyon. Makakapal ang pilik mata na itim na itim at bagay sa kulay abo niyang mata na parang palagi akong hinahalina at ako naman itong nagpapatangay lagi sa agos. Nagising ako sa pangarap ko nang biglang may tumawag sakin, "Jacklyn!" Napalingon ako at nakita ko ang pinsan kong si Yelena o Lena sa palayaw niya. Ulila na sa magulang ang pinsan kong ito at pareho kaming lumaki na sa pangangalaga ng aming Lolo at Lola na parehong tauhan din ng hacienda at mansyon. "Oh saan ang punta niyong dalawa at kapit-kamay pa kayo?" taas-kilay nitong tanong pero may mapang-asar na ngiti. Alam ng pinsan kong ito ang lihim ko, pati na ang pangako namin sa isa't isa nitong kumag na may hawak ng puso ko- este ng kamay ko. "A-ano kasi..." "Pupuntahan namin si Aling Jemma sa pantalan. Andun daw ang Mamay ko at Papay para salubungin siya," mabilis na sagot ni Sevazte. "Eh bakit kailangan naka-hawak ka pa sa pinsan ko? Pwede naman kayo lumakad lang?" pinanlakihan ko lang si Lena ng mata na ikinatawa niya lang. "Siyempre para hindi siya makawala," at ngumisi ang loko-loko sabay kindat sa'kin. Kumalabog nanaman ang musmos kong puso. Nakita ni Lena ang reaksyon ko kaya napangisi siyang muli sabay iling. "NANAY!" sigaw ko pagkakita kay Nanay, di ko napigilan at nangunyapit pa ako sa leeg niya. "Jacklyn huwag kang tumakbo diyaskeng bata ito talaga!" saway sa akin ni Nanay pero tinakbo ko pa rin siya. "Nay namiss kita!" "Namiss ka diyan isang linggo lang akong nawala miss mo na agad ako? Paano pa pag nasa Germany na ako, eh di araw-araw kang iiyak?" wika ni Nanay na nakayakap sa'kin. "Nako Jemma hayaan mo nang maglambing 'yang anak mo sayo. Matagal-tagal kayong hindi magkikita. Ako nga eh..." nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya pati na kina Tito DJ at Baste. Ang sabi sa'kin ni Nanay noon may dalawang anak sila na nawalay sa kanila noong bago sila mapadpad sa Nueva Ecija at kupkupin ng mag-asawang Adler. Hindi ikinwento sa akin ni Nanay ng buo pero minsan ay nakikita kong yumuyukod ang mga kasambahay at maski si Nanay sa kanilang mag-asawa. "Wag ka nang umiyak Mamay makikita din natin sina Ate. Gagawa ako ng paraan para makita natin sila..." saad ni Baste na umiiyak ngayon habang naka yakap sa Mamay niya. "I know anak, someday... We'll see your Ate someday. Right Hon?" baling ni Tita Penny kay Tito DJ na masuyo siyang niyakap habang tumatango at hinalikan sa noo, ginulo niya naman ang buhok ni Baste sabay hinalikan din sa noo. Nakaramdam naman ako ng inggit. Paanong hindi ako maiinggit? Wala akong ama. Ang sabi ni Nanay, ipinagbubuntis niya pa lamang daw ako nang mawalang parang bula ang ama ko. Bisita daw ng mag-asawang Adler ang isang American Businessman na si Joe Claren Martins. Sa ilang buwang pananatili umano nito sa mansyon ay nakapalagayan ito ng loob ni Nanay. Hanggang sa maging mag-nobyo sila, at ito na nga nabuo ako. Nang malaman umano ng aking ama na nabuntis niya si Nanay ay basta itong nag-paalam kina Mam Beatrix na babalik na sa US dahil may emergency umano sa kumpanya nito. Hindi agad sinabi ni Nanay na buntis siya kina Sir Gael dahil ayaw niya umanong masira ang magandang samahan ng mga ito. Pero nang lumaki na ang tiyan niya ay doon na siya nagtapat. Nagalit daw si Sir Gael kaya pinutol ang deal nito sa aking ama na parang wala din daw pakialam na sumang ayon agad. Wala daw siyang kilalang Jemma at lalong wala daw siyang anak dito. Hanggang ngayon ay nagtatanim ako ng galit sa lalaking iyon. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko siya hahanapin o hihingian ng tulong kahit pa ikamatay ko. Di ko namalayan na naglandas na ang luha sa mga mata ko... "Anak, naalala mo nanaman ba ang Tatay mo?" maalam na nakatingin sakin si Nanay pero mabilis akong umiling iling para itanggi ito. "H-hindi po N-nay... Naaawa lang po ako kina Tita Penny kasi nawala mga anak niya," bumuntong-hininga si Nanay at umupo para pantayan ako. "Anak wag mo nga akong niloloko, kilala ko ang mga tingin mong 'yan. Naiinggit ka kay Baste kasi may Tatay siya. Anak di ba sinabi ko naman na sayo-" "Na hindi ko kailangan ng Tatay at kayo lang ay sapat na sakin Nay. Mahal na mahal kita Nay," doon na bumuhos ang mga luha ko. "Huy Diyaki bakit ka naman umiiyak? Kapatid ba kita para maki iyak samin? Huy..." may himig pag-aalala sa kanya pero bakit parang nang aasar siya? "Tse! Kasalanan mo! Sinabi ko nang hindi Diyaki ang pangalan ko! Tunog Chucky! Jacky! O kung di mo mabanggit Amber na lang!" nawala ang pagsesentir ko sa pang-aasar ni Baste. "Yan... ganyan ka lang dapat Diyaki, ayaw kitang nalulungkot okay? Mas gusto kong inaaway mo ko kesa umiiyak ka." Napatingin ako sa kanya nang humagikgik ang pinsan ko na nasa gilid ni Nanay. "Bagay talaga kayong dalawa nitong pinsan ko Baste, isang mapang-asar at isang pikon!" binuntutan ng tawa ni Lena ang sinabi niya. "Kayong mga bata kayo ang hilig niyong mag-asaran. Tara na at mamaya ay mainit na, magluluto pa tayo ng pananghalian," binitawan na ako ni Nanay at tinulungan ko na siya sa mga dala niyang bagahe. Nag-stay siya sa Maynila para mag-ayos ng mga papeles na kakailanganin niya sa paglipad sa Germany. Sumakay na kami sa sasakyan na dala nina Tita Penny para sunduin si Nanay pabalik sa mansyon. Pagdating sa mansyon ay tumungo agad ako sa likod bahay kung nasaan ang maliit na bahay namin nina Nanay, Lolo, Lola at Lena. Dito lang din nakatira sa mansyon ang mga katulong. Mayroon ditong mga mumunting bahay para sa mga taga-silbi. Ubod ng bait ng mga Adler kaya naman sinusuklian din namin ito ng kabutihan at maayos na trabaho. Mayamaya ay may kumatok sa kwarto namin ni Lena. Sa isiping si Lena lamang iyon ay hinayaan ko lang na buksan nito ang pinto. "Ano 'yon Lena? Bakit kailangan mo pang kumatok?" pahinamad na tanong ko. "Diyaki..." Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko si Baste. Napatayo agad ako at huli na nang marealize ko ang itsura ko ngayon. Kamison na puti na lamang ang suot ko, panty na lamang at wala na akong suot na bra dahil alam ko naman na hindi na ako lalabas pa muli ng bahay. Nakita kong napalunok si Baste at mabilis na isinara ang pinto. "ANONG GINAGAWA MO DITO?" nagulantang na sigaw ko. Ang talipandas na 'yon! Mabilis akong nagbihis bago lumabas. Akala ko ay nakaalis na si Baste pero andun pa siya sa gilid ng pinto at nakatulala habang naka-awang ang bibig. Bigla ko naman siyang hinampas sa braso kaya naagaw ko ang pansin niya. "Walanghiya ka Baste! Sinilipan mo 'ko!" "Hoy Jacklyn hindi kita sinilipan! Sabi mo pumasok ako!" "Eh sa akala kong si Lena ka eh! Bakit di ka man lang nagsalita? Sinadya mo siguro ano?" "Hoy Jacklyn Amberlee Reyes! Hindi kita type! At kahit kailan hindi kita magiging type! Mas type ko si Mercedes na anak ni Aling Karen! Nakita mo naman 'di ba? Maputi, maganda, sexy, at isa pa nag-aaral sa Maynila eh ikaw?" Napanganga naman ako, 'di ko napigilang makaramdam ng kudlit na sakit. Ayan napapala ng bibig mong walang preno Jackie! Nakita niya siguro ang reaksyon ko kaya naman mabilis niyang ibinaling sa iba ang tingin niya. Nararamdaman kong umiinit na ang gilid ng mata ko kaya tumalikod ako at kumuha ng tubig. "Edi wow! Ano ba kasing ginagawa mo dito?" paangil kong tanong sa kanya na hindi siya tinitignan. "K-kasi... nakita ko lang naman yung iyak mo kay Aling Jemma kanina. y-yung tungkol sa t-tatay mo..." "Oh anong meron sa kan'ya?" "Gusto mo bang hanapin natin siya? Alam mo naman yung pangalan niya 'di ba? I-search natin siya sa internet." "Para saan pa? Hindi ko siya kailangan Baste, iniwan niya nga kami 'di ba? So para saan pa at hahanapin siya? Hindi ko ugaling maghanap ng taong ayaw sa'kin." "S-sorry na agad Diyaki." "Yan lang ba sasabihin mo?" "O-oo..." "Lumabas ka na. Mag-aaral pa 'ko. Wala akong panahon sa walang kabuluhan mong suhestiyon," tulak ko sakanya palabas ng bahay namin. "Jackie naman! Jackie!" "Umalis ka na Baste habang nakakapag-timpi pa 'ko! Kasi ngayon parang nagsisisi akong naging kaibigan kita. Labas!" "Jackie uy sorry! Jackie please pakinggan mo naman ako oh! Jackie! 'Di ko sinasadya! Jackie!" Tuluyan na siyang nakalabas at napasandal ako sa likod ng pinto kipkip ang dibdib ko... Ganito pala yung nasasaktan? Kasi ang sakit talaga eh! Bukod sa pinaalala niya sa'kin yung walang kwenta kong tatay, parang sinaksak niya ng maraming toothpick yung puso ko nang sabihin niyang kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan. Walanghiya ka Baste! Pagkatapos mong mangako sa'kin noon, biglang ngayon iba na gusto mo? Napangiti na lang ako ng mapait, sa musmos kong puso na ilang ulit nang nasaktan dahil sa unang lalaking dapat magmamahal sa'kin pero iniwan kami. Tapos ngayon, yung lalaking pinapangarap kong makasama sa hinaharap eh tahasang sinabi na hindi ako gusto at hindi magugustuhan? Mababanggit niya lang ba ng tama yung pangalan ko kapag sadya niya kong sinasaktan? Buwisit ka Baste!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD