Prelude 3

987 Words
Naramdaman ko nalang ang magagaan niyang kamay sa ulo ko. Masarap sa pakiramdam ang bawat haplos. Para bang gusto ko nang makatulog sa sobrang ingat nito. I opened my somehow sleepy eyes. Dahan-dahan kong inalis 'yung unan sa mukha ko. I did not know it would be suffocating! Colt was suddenly stunned when I moved. Okay, he caught me! Mabilis akong napabalikwas noon dahil nataranta. "You aren't sleeping?" he snorted. "I'm not," sabi ko at humalukipkip. Dahil na rin naman nahuli na, napagpasyahan ko na lang noon na panindigan. Pero kahit papaano'y pinagsisihan ko kaagad dahil baka hindi na niya ituloy iyong ginagawa niya! Binalik kong muli ang throw pillow sa tandayan ko at sumandal ulit. Hawak niya pa rin ang ilang hibla ng buhok ko. Anyway, what was Colt doing? I had no idea! I want to know! Medyo napaatras siya kalaunan. "What the? Pinagti-tripan mo ba ako?" "Of course not! Did I tell yah I'm sleeping?" I teased him and giggled. Nakakatuwa, e! Akala ko alam niya na nagkukunwari lang akong tulog. Hindi pala! Noong mga oras na iyon, all I could think of was the convenient comforts we had shared with each other. Para sa akin, napakadali lang ng lahat ng bagay. Magkakamali ka at kailangan lang magmakaawa at maglambing, ayos na iyon. Hindi na umimik si Colt pero unti-unti niyang tinuloy ang paghaplos sa buhok ko. Huh? Well, that was a surprise. I didn't know he'd continue again. Napanguso ako. "Inggit ka sa buhok ko?" "Oo." I suddenly had the urge to cover my mouth. "Omg! Colt, are you serious? You're a gay like... that gay earlier?" I needed some enlightenment! I said to myself. Because I couldn't imagine my friend turning into a... a... A mermaid! Should I tell Mom? Yaya Mars? We need to see him to a specialist doctor! Holy unicorns! "Tss," he hissed. "Did I told yah I'm serious?" he said, mimicking my tone. At ang antipatiko talaga! Just like what I always heard from Yaya Mars every time Colt was whining. Nagawa pa akong gayahin! "Kaya ka ba nasa parlor kanina dahil gusto mo matutong magtali, Vecinto?" tanong ko. "Dahil gusto mo ako talian, ano?" "'Wag assuming, please." "Oh, c'mon! I'm serious!" I wiggled my feet. He frowned. "Nagpapatawa ba ako?" "Ugh! Ang kulit mo." "Panget mo." Hinahamon niya ba ako? Huh. Marami ata akong alam na insulting adjectives! I laughed at my own thoughts. I could throw banters, too! "Ang baliw mo." Medyo matagal bago siya nagsalita. "Adik." "Buang." "Mapanghi." "Mabantot!" "Tss. It's nonsense." Sumuko na si Colt! "Talo ka lang, e! Loser gets ten hits!" Hindi na siya sumagot and instead, pinagpatuloy na lang ang pagtali sa aking buhok. Sometimes, I heard him murmuring bad words kapag nagkakamali tapos uulitin niya ulit! Ugh. I should really tell Tita Li and Tito Fernand about Colt's behavior! It was getting serious! We were just children. We shouldn't say that until we're adults, said Yaya Jupiter! "s**t," bulong niya sa sarili niya nang makitang may natira pa palang buhok, hindi niya napansin kaya inumpisahan niya ulit. Actually, okay lang sa akin iyong ginagawa niya noon. Natutuwa pa nga ako, e. Basta. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Everything was so light and carefree. Walang ibang inaalala. Walang pangamba sa mga maaaring mangyari sa kinabukasan. I missed being a kid. If I could bargain something just to go back in time, maybe... Just maybe. Maybe I could. I saw the missing pieces of my mysterious and strange nostalgia in him. Bagay na naging isa sa mga dahilan kung bakit lubusan na akong napalapit sa kanya. Noong mga sandaling iyon ay nasa likuran ko siya, busy braiding my hair. Naaamoy ko pa ang bagong sipilyo pang hininga na dumadampi sa ibang parte ng balat ko. A piece of bliss in heaven! Para akong kinikiliti sa malubhang kasiyahan noon. Bata pa lang, pakiramdam ko kinagat na ako ng lovebug. Ilang session pa ang nangyari at sa wakas, nagawa niya na ring ma-braid nang maayos ang buhok ko. Masyado ako natuwa kaya umakyat ako sa sofa at humarap sa kanya na sa kasalukuyang iyon ay nananatili pa rin sa likod ng sofa. "Maganda na ba ako?" tuwang-tuwa kong tanong habang nakatayo lang siya at nakahalukipkip. Ngumisi siya. 'Yung mga mata niya sobrang nakakapanibago. Ngayon ko lang ata nakita ang mata niyang ganito kaantok? I don't know pero nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang lumapit siya noon sa akin at yumuko para magpantay ang mukha niya sa akin. He smirked. Everything felt vivid even until now that I was just reminiscing about it. "Always," bulong niya mismo sa aking tenga. "U-Uhmm." Huh? Natulala ako sa kawalan nang ilang segundo noon bago magsink-in sa utak ko 'yung sinagot niya. Napanganga at nanlaki ang mga mata ko. As much as I could remember, that was the first time he complimented me. He'd always go tease and insult every parts of me just until now... Nilayo na ni Colt ang bibig niya sa tenga ko pero nanatili pa ring malapit ang mukha sa akin. I must admit, malinaw pa rin sa akin hanggang ngayon kung gaano ka-weird ang mga kilos niya noon. Ngumiti siya. Hindi lang basta ngiti kundi isang tunay na ngiti. Walang halong kapilyuhan at panunukso, bagay na nakakapanibago sa akin tuwing siya ang paksa. Hindi ko na ramdam ang paghinga. In an instant, parang nakalimutan ko na nga ang purpose ng hangin, e, lalo na nang dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Na naman! Heat flushed my cheeks when he advanced. As if a cat got my tongue, no words came out from my mouth. "You will always be beautiful..." aniya. Pero mas nagulat pa ako dahil... "...always." Huminto siya nang kaunti. Bigla na lang akong may naramdamang malambot na bagay na dumampi sa kanang pisngi ko. And then I realized... HE KISSED ME! Shoot?! When I realized I murmured a bad word, I pouted. I am going to hell when I get old! No! "Remember that, Coleen." I realized, I was the only one who remembered every memory of us. Kasi, Colt, ikaw ba... naaalala mo pa? I smiled bitterly with that thought and just shook my head. Isa lang naman ang hindi ko na tuluyang naalala, e. Iyon ang misteryong pangungulila ko sa nakaraan. Heck... Who was I yearning again?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD