Prelude 4

2736 Words
Year 2013 3 years ago (15 years old)               "Ang gwapo talaga!" "Waaaaah! Ayan na si CK!" "s**t! Where's my makeup?!" "Mr. Colt Vincent! Aaaaaah!" "Nandyan na sila, sis!" Halos lahat ay napatigil sa kanya-kanyang ginagawa nang pumasok na ang tropa nila Colt dito sa cafeteria ng campus, kung saan nakain ako kasama ang dalawang kaibigan ko. Tatlo lang kami. Masakit sa tenga, oo. Pero hindi ko na iyon pinapansin. Table lang yata namin ang tahimik. Bumuga na lang ako ng hangin at sunod-sunod na sinubo ang hawak kong fries. Narinig ko ring bumuntong-hininga si Althea. "Haaaay." Sabay halumbaba sa table. Uminom siya ng red tea. "Ang gwapo talaga nila. Lalo na si CK! Tapos ang yummy ng katabi, si Ghunter! Made in USA!" "Malaking check galing sa red na ballpen!" second the motion naman ni Abigail kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin. "Ikaw ba, Coleen? Ikaw ang CQ, 'di ba? I'm sure na kahit saglit ay nakausap mo na sila! Marami ding usapan na mukhang close kayo sa backstage with his friends!" Nagsitilian ang dalawa sa ideya pero hindi naman kasing lakas ng tili ng mga babae o effem sa paligid. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanila. Parang hindi nga nila hinihintay na sumagot ako, e. More on, naghahanap lang sila ng dahilan para may mapag-usapan at kiligin. I was fighting every once of my courage to evade them. But sometimes, I still couldn't help it but to glance as well. Just like the other students. Naroon na sila sa counter para bumili ata ng pagkain. All boys. Apat lang sila ngayon dahil kapag kompleto ay 12 sila in total. Natural hinakot na nila ang lahat ng mga lalaking may hitsura dito sa campus. 'Yung may utak, mayayaman at mga may impluwensiya. Hindi halata na halos sambahin na sila dito ng mga tao. Hindi talaga halata, swear. "Uy! Tulala ka na naman dyan!" puna ni Althea. Bago pa man niya sundan ang tinitingnan ko ay mabilis kong nilihis ang mga mata ko sa ibang direksyon. Hindi pa rin nag-iiba ang ugali ni Colt. He's still my Colt. Yeah, inangkin ko na siya. Siya pa rin naman 'yung masungit na may dalaw na snob na mahilig man-trip na caring na cold na bully na mahilig manlait na madalas baguhin ang pangalan ko into other eewie names. Anim na taon na ang nagdaan. At hindi ko mapagkakaila na marami na rin ang nagbago. Tulad na lang nito. Ng sitwasyon namin. Parang ako lang noon, marami na ring bansag kay Colt. Tulad ng CK, Campus King, Vince, Vincent, Cent, Covin, or simply as Colt. On top of that, despite of my difficulty to make friends with the other kids, I was able to get myself two girl friends with me. Halos isang taon din akong nag-adjust sa high school bago sila tuluyang mahanap. Colt was able to make friends, too! And look at him now, he was one of the sought-after students for the other kids. "Napakamisteryoso talaga niyang si Colt," biglang bukambibig ni Abigail na talaga namang off-topic, habang nakatitig kay Colt. "Hmmm?" ani Thea. Sumandal si Abby nang komportable sa kanyang upuan habang pinaglalaruan iyong red tea niya gamit ang kanyang straw. "He rarely smile... Almost never, indeed! No wonder click sila noong transferee, si Ghunter. Parehong tipid at reserved." "Yeah. Tama ka. Pansin ko rin noon pa, e." Tumangu-tango si Thea sabay tingin sa akin ng dalawa na parang may hinihinging komento galing sa akin. Dumekwatro ako at tinaasan sila ng isang kilay. "What?" "Ganda mo rin talaga, e, noh?" puri ni Althea pero may bakas ng pagiging sarkastiko. Lalong tumaas ang kilay ko ngunit tumawa lang siya. "Magsalita ka naman?! Ambag?" "Huh?" sabi ko nang humahalukipkip. "About?" Nag-makeface ang dalawa pero naging seryoso rin kalaunan. Lumapit sila sa akin, lalo na si Abby. "Like, hindi ka pa namin naririnig na magsalita about kay CK and friends. Like, hindi naman possible na you are not interested. Like, diba?" Inirapan ko siya at napangiwi. "Like, ang sakit sa tenga ng mga sinasabi mo. Like, haller?" I mimicked her. "Be serious nga, beeches!" Nag-snap si Althea na mukhang naiinip na. Tapos tumutok sa akin. "Seryoso na. Ikaw, Coleen. What do you think about Colt Vincent Fabian?" "Uhh." It suddenly hit me. Hindi ako nag-oopen up tungkol sa ganitong bagay. Especially when it comes to Colt. Kailangan ko bang magpakatotoo? Tumubo ang nguso ko at napaisip. "Para sa akin... Mali ang tingin ng mga tao sa kanya. With his cold and bad and cool demeanors, he has this warm heart. It's not that he's a gay pero, noon, he efforts to go to a parlor para lang matutong talian ang magandang buhok ng kababata niya. Ng batang gusto niya... And that's the most adorable thing I'd ever knew." Hindi ko na napigilan pa ang bibig ko. Ngiting-ngiti ako habang inaalala iyong mga asaran namin dati. 'Yung unang beses na pinuri niya ako. Sobrang hindi ko malilimutan ang panahong iyon. Maliban na lang siguro kung magkaroon ako ng amnesia o naumpog sa isang toneladang yelo ang bungo ko. Sumulyap ulit ako sa dalawa at nakita kong halos lumuwa na ang mata at naka-perfect "O" ang bunganga nila. Teka, mali ba 'yung sinabi ko? Opinyon ko 'yun, a? "Stalker!" tulirong wika ni Abby habang ganon pa rin ang ekspresyon, gulat na gulat. Hindi makapaniwala. Napakagat ako ng labi. Dumukot ako ng fries sa table at agad na binato iyon sa dalawa. Nasalo ni Althea iyong fries na binato ko sa kanya at pairap itong nginuya. "Ang creepy niyo! Stop glaring at me like that!" sabi ko. "And stalker? Seriously, Abigail? Are you pertaining to yourself?" I massaged my temples. I felt stressed. Sabi ko na nga ba at mali ang magsalita nang basta-basta sa dalawang ito, e. Iba pa naman ang tabas ng dila. Masyadong madadaldal! "Juice colored!" Eksaheradang tinaas ni Abi ang kanyang dalawang kamay saka tumayo at hinampas ang mesa. "Oh my effin' gosh! I knew it! Nasa loob din ang kulo mo, Coleen! Kunwari tahimik at walang pakielam pero as if I know, hinahalik-halikan ang picture frame ni Colt every night! OMG!" I fidgeted. How did she know all about that? Napasinghap ako sa gulat kaya hinila ko ang braso niya pababa at napaupo siya. Pinandilatan ko muna ito saka tumingin sa paligid. Uminit ang pisngi ko nang makitang maraming nakarinig sa sigaw ni Abby kaya halos lahat ay nakatutok ang mga mata dito sa table namin. Napahilamos ako ng mukha. Lalo pang uminit ang pakiramdam ko nang makitang nakatingin din dito sila Colt sa pwesto namin. I shrieked mentally. Gusto kong tumakbo palabas ng cafeteria para makawala sa kahihiyang ito! Nanlilisik ang mga mata kong hinarap si Abby na mukhang nagulat din sa biglaang nangyari. "I will kill you," pagbabanta ko sabay hilamos ng kamay sa aking mukha. Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Althea habang nakatingin sa likuran ko. "B-But before you k-kill her, bee-" she stammered. Minuwestra na lang niya na lumingon ako sa likuran ko at halos malaglag na rin ang panga ko nang makitang papalapit sina Colt dito sa table namin. Seryoso na ang hitsura ngunit ang tatlong alipores na kasama niya ay nagtataka na rin ang tingin sa akin. AAAAAH! DAMN IT! BABATUKAN KO TALAGA SILA ISA-ISA SA BAHAY NI COLT MAMAYA! Halos magmakaawa na ako sa kanila na huwag nang pumunta pa rito at huwag nang gumawa ng eksena sa pamamagitan ng mga mata. Alam na nila ang pinupunto ko pero binalewala lang nila ito. Lalo na itong si Colt! Papalapit na sila at lahat nakatunganga sa bawat hakbang na ginagawa nila patungo rito. Nanlalaki pa ang mga mata at nakaawang ang mga bibig. Kahit ako at ang dalawa kong kasama rito ay natataranta na! Natataranta na sila sa tuwa at kilig dahil sa wakas ay makaka-face-to-face na nila ang mga lalaki, samantalang ako, tarantang-taranta na dahil sa inis at baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko na mai-face-to-palm ko sila! My ghad! Nang sa wakas ay nasa likuran na sila dahil humarap na ulit ako sa table, samu't saring opinyon at pang-iinsulto ang nakuha ko sa paligid. Napapikit ako. Now, this is too much. I always hated to be at the center of attraction. Very opposite to Colt right now. Tila ang paghinga niya ata ay bilang ng mga tao. And I must admit, it wasn't good for my mental welfare. Tama. Galit na ako. Kina Thea at Abby, at maging kina Colt! Heck. Napag-usapan na naman naming lahat kasama ang labing-isa niyang kaibigan na huwag silang lalapit sa akin dito sa school premise, maliban na lamang kung kailangan tulad na lang kapag may group works at kagrupo ko sila ni Ghunter, kaibigan niya na kaklase rin namin. Ayokong magpag-usapan at maging head topic ng lahat! Sure, I wanted the fame and all the attention but not the way like this! Gusto kong makilala dahil pinaghirapan ko. Dahil hinahangaan nila ako sa sarili kong galing at talento. Hindi iyong ganito! "Really?" Ngayon, narinig ko na ang mapanuksong boses ni Colt sa aking likuran. Maging ang pagsinghap ng ilan ay rinig na rinig ko rin dahil once in a blue moon lang na kumausap ng "tao" ang mga 'to. Hindi ako nagsalita at nanahimik lang. The stage is all yours, Colt Vincent. Go on. Ipahiya mo na ako. That moment, I was having a mental warfare. Ramdam ko na ang unti-unting pag-init ng mga mata ko. Alam ko naman kung gaano kababaw ang luha ko but, please, not now. Just at least cooperate with me this time. Tumawa nang kaonti si Colt at nag-echo pa iyon sa bawat parte ng cafeteria sa sobrang tahimik. "I never thought that you are that obsessed with me, my Queen." For the love of God, please shut the hell up! Alam ko at alam mong ikaw ang may gusto sa akin ever since. I already told you before. Stop playing with me, Colt. Stop this crap! "Go away," mahina kong wika na tanging siya lang ang makakarinig. Kalmado ngunit matigas ang tono ko. Naramdaman kong nag-stiff siya nang kaonti. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagiging malamig ng tono ko ngayon. So, anong inaasahan niya? Na matutuwa ako sa paandar nilang magkakaibigan sa mga oras na ito? Na magtatatalon ako sa kilig? Ah, damn it. Of all people, he was the one who knew my social anxiety best! Because I was a victim of bullying ever since I was a kid! And... it affected me this much. That I hate it. Kita ko sa sulok ng mga ko na bumulong siya sa isa niyang kaibigan na hindi ko na nakita dahil wala na akong pakielam, ayaw ko silang lingunin. Yumuko siya at ramdam ko na ang kanyang hininga sa leeg ko. "Coleen," he coaxed. "Just go away," pagmamatigas ko. Humugot siya ng malalim na hininga. "Coleen..." Inulit na naman niya. He never failed to amuse me. Kaonting lambing at tawag lang nang tama sa pangalan ko ay nakakapagbago na ng ihip ng hangin. Pero hindi ngayon. Iba ako kapag nasa eskuwela. Iba ako. Hindi ako iyong batang tumatawag sa atensiyon niya kapag nandito kami. Instead, I treated him like a stranger. Passed him by like a schoolmate. Admired him like a student. And talked to him as normal as I could manage. Gusto ko siya pero... hindi ko kayang ipakita sa ibang tao. Lalo na rito sa campus dahil pilit lang nilang pinapamukha sa akin na he's every woman's property. Hindi ako mahinang tao at hindi rin naman ako demonyita kaya ganito na lang ang naisip kong set-up. Para sa amin. Plus, my anxiety with people staring at me. Pakiramdam ko, tuwing tinititigan ako ng mga tao ay hinuhusgahan nila ang pagkatao ko lagi. I had trust issues with stares. It's creeping me out. "Coleen." Now, he sounded very desparate. Sa mata ng mga nasa paligid, akala nila siguro ay iniinsulto niya ako dahil agresibo ang mata nito at nananatili pa rin ang kaonting ngisi sa kanya. Lingid sa kaalaman nilang desperado na ito at kulang na lang ay lumuhod na sa harapan ko para lang kausapin siya nang matino. He knew I'm mad at him for what he had done. He should know it anyway because I don't have the time to explain myself anymore. Isa ito sa mga bagay na lagi naming pinag-aawayan. For the past years, ito at ito na lang lagi ang nagiging ugat ng pagtatalo namin. He always wanted me to come with him in public. That I should learn to socialize. Minsan, aaminin kong sumusobra na ang pamimilit. I'm trying, alright? But I can't do that peacefully having him with me. Every girl seen with him is an instant enemy. I want to live an ordinary life! I scoffed and shook my head in disbelief. I cut my reverie and sighed. "You heard me right. Leave," malamig ko pa ring sinabi. Nakatingin lang ako sa dalawa kong kaibigan with a straight face. Alam kong kating-kati na silang malaman kung anong pinag-uusapan namin but they chose not to ask. Alam nila ang ganitong mukha ko. Pero hindi nila alam kung paano basahin ito. "Yes. Please. We'll leaving. But, baby..." aniya, mahina pa rin. Mas lalo lamang lumambing ang kanyang boses, pilit akong sinusuyo. "Ugh... I'm sorry. I know you hate this attention too much. Pero masyado lang akong natuwa nang marinig kong sumigaw sa tuwa yung kaibigan mo." Bumuntong hininga ulit siya. "Baby... I thought you already talked it out with your friends... I thought... You finally told them about us, already. For at last, you faced the truth that I'm already courting you..." His voice croaked. "Akala ko nagawa mo nang ipagmalaki ako... kahit sa mga kaibigan mo lang. I thought you already learned to be selfish when it comes to me... Damn. I want you territorial..." Tumigil siya. "I'm sorry. Just tell me I'm forgiven then we'll leave." Hindi niya lang alam na sa bawat salita na sinasabi niya ngayon ay unti-unti ring nadudurog ang puso ko. Umiling na lang ako dahil ako mismo ay hindi ko na alam ang sasabihin ko. Pwede namang umalis na lang sila na parang walang nangyayari. Hindi yung pinapatagal lang nila ito. Marami na ring nagtataka sa kilos namin kaya mas lalo akong nababahala. Ganoon na ba ako kasama? Ganoon na ba ang pagsusumamo niya? Ayaw kong isipin niyang ikinahihiya ko siya na darating sa puntong sobra na siyang masasaktan. Hindi ko alam na ganoon na pala ang gusto niyang mangyari. Hindi ko alam na sobrang laki na pala ng pagkukulang ko sa kanya. Pero hindi ko alam, sadyang nangingibabaw lang sa akin ang takot ko sa mapanghusgang mga mata. Ilang sandali pa ay sabay-sabay na napasinghap ang mga tao sa paligid. 'Yung tatlong lalaking nasa likuran niya, 'yung mga nanunuod, 'yung dalawa kong kaibigan at maging ako ay nalaglagan ng panga nang bigla akong hinalikan ni Colt sa pisngi. May katagalan kaya't mas lalo akong nangatog sa kinauupuan ko. "Coleen naman," he almost groaned after the kiss. Hindi pa rin mawala-wala ang gulat sa mukha ko. Kita ko rin kung paano nag-landing ang mga kamay ng kaibigan ko sa bunganga nilang napatigalal na. Sa loob-loob ko... What the hell gave him courage to do that?! Pulang-pula ako sa ginawa niya kaya wala na ako ibang nagawa kundi ang kunin ang mga gamit ko at naglakad na paalis. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ng mga tao at lalong-lalo na si Colt. Half running na ako nang malapit na akong makalabas pero bigla ulit akong napatigil dahil sumigaw si Colt. "I'm sorry, Coleen! Please! Don't be mad at me! Baby, I can't take that..." aniya sa pahina nang pahina niyang boses. Kumalampag ang puso ko sa ginawa niya. Nagbulung-bulungan na rin ang mga taong nasa paligid. "At kayo!" sigaw ulit nito kaya lahat napatigil sa kanya-kanyang ginagawa. Hindi ko pa rin siya magawang lingunin. Damn! He's making a scene here for Pete's sake! "Yes..." pagpapatuloy pa niya. Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong nasa likuran ko na pala ulit siya. Ginapang niya ang isa niyang braso sa bewang ko upang iharap at ilapit ako sa kanya. Napapikit ako nang mariin. I hope I was thinking wrong of what he'd supposed to do next. Please somebody say that it's wrong... Hinalikan niya ulit ako sa pisngi dahilan para makita ang mga reaksiyon ng kababaihan kung paano sila hindi makapaniwala sa nangyayari. "This..." Ngumisi siya at lalong pumula ang pisngi ko. "I'm inlove with this girl. I'm deeply inlove with Kuring." He chuckled to my ears. Dahil doon ay nagulat na naman ang mga tao. Nagsimula na namang mag-init ang pakiramdam ko dahil sa kahihiyan at halong inis. I couldn't contain it anymore. "A-awww!" sigaw niya sa sakit nang kurutin ko siya sa tagiliran. Tumingin siya sa akin nang nakangiwi pa rin. Ngumiti siya sabay landing ng kamay sa batok. "Or should I say," aniya. "I'm inlove with you... And again, I'm so sorry, baby." Hinaplos niya ang labi ko saka ito tinitigan. Napakagat siya ng labi. "Damn it. Mahal na mahal kita, Coleen..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD