CHAPTER 1

1450 Words
Point of view - Steffi Dwight – Habang tinitingnan ko ang aking reflection sa isang bilog na salamin, hindi ko maiwasang hindi masulyapan ang mga bakas ng labi ng lalaking ‘yon sa aking leeg. Kinuha ko ang concealer at mariing pinahiran ang mga bahagi na nabahiran ng maling desisyon na aking nagawa. Matapos iyon, nilagyan ko ito ng foundation at pinilit itago ang mga ito sa pamamagitan ng makeup. Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa kabinet na aking damitan. Ito ang araw ng engagement party ng best friend kong si Cassie. Ayoko sanang dumalo sa kanilang okasyon ngunit magmumukha naman akong may itinatago kung iyon ay aking gagawin. Muli na namang bumalik sa aking isip ang gabing iyon, ang gabi na hinayaan kong lamunin ako ng makamundong pagnanasa at tuluyang mahulog sa lalaking hindi ko naman pag-aari. Mariin kong kinuyom ang aking kamay sa hawak kong puti na dress. Hindi ko napansin na may kung anong tubig na ang dumadaloy sa aking mga mata — isang maaalat at mapapait na luha. Kapag naaalala ko ang bagay na iyon, hindi ko maiwasang hindi mainis at kasuklaman ang aking sarili, lalo na nang malaman kong ang isang gabi na iyon ay isa lamang bitag upang pahirapan ang aking kalooban at mapasunod sa kaniyang nais. Ano ba talaga ang gusto ng taong iyon sa akin? Pinunasan ko ang aking luha bago masira ang nilagay kong makeup sa aking mukha. Sinimulan ko na ang pagsuot ng dress na pinili ko at muling tumingin naman sa malaking salamin malapit sa aking higaan. Yakap na yakap ang suot kong white dress sa aking katawan, kita ang hubog nito at may mahabang slit sa kaliwang legs ko. Nakikita rin ang mala porselana kong braso habang ang aking dibdib ay may kaunting nakatakip para maitago ang mga ito, habang ang buhok ko naman ay nakataas at inilaglag ko lang ang kaunting piraso nito. Sa tingin ko, ayos na ang aking hitsura. Bumaba ako sa condo at pumunta sa parking ng aking sasakyan *** Sa dami ng tao sa bahay ni Blake, halos hindi ko na maisip kung nasaan ang aking mga katrabaho. "Hoy, Steffi! Dito-dito!" Nakita kong kumakaway ang aking katrabahong si Lucy sa isang lamesa, kaya agad naman akong lumapit. Hay… sa wakas may nakita rin akong kakilala. "Grabe! ang daming tao, akala mo premier night," saad nya. Tumawa muna ako bago sumagot, "Oo nga e." "Hi, girls!" Agad kaming napalingon nang makarinig kami ng pamilyar na boses "Hoy, Glenn! kanina ka pa ba?" saad ni Lucy. "Nope, kadarating ko lang din,” saad niya saka ngumiti sa aking direksyon. “Hi, Steffi. You're so beautiful today," pagtuloy niya sa kanyang sinasabi. "Ay, ngayon lang ba?" pabiro kong saad. Tumawa muna si Glen bago sumagot, “syempre, hindi. Araw-araw kang maganda sa paningin ko," sabay kindat nya "Bolero," tugon ko. Naputol ang aming pag-uusap nang biglang dumilim ang paligid, isang spotlight ang tumama sa itaas ng stage at inilawan ang dalawang taong nakatayo rito. Ang best friend kong si Cassie na napakaganda sa kaniyang suot na dirty white dress at si Blake na ngayon ay naka-suit. Bumagay sa kanya ang kaniyang damit, lumutang ang pagiging magandang lalaki niya. Ang matangos niyang ilong, ang manipis niyang labi at ang mga mata niyang tila nanghihigop ng kaluluwa. "Perfect couple." Naputol ang aking iniisip nang marinig kong nagsalita si Glenn habang sabay na pumapalakpak. "Yes, perfect couple," saad ko na may mahinang tinig. Nagsimula na ang party at hindi ko na naintindihan kung anong pinagsasabi ng host, kaya naisipan ko munang lumabas at magpahangin sa isang malaking balcony. "Hay… nakakapagod din pala makipag socialize," buntong hininga kong saad. "Nakakapagod ba?" Nanlaki ang aking mga mata nang bigla akong may marinig na boses mula sa aking likuran. "B-Blake, bakit ka nandito?" nauutal kong sabi habang siya ay naglalakad nang nakapamulsa papalapit sa aking kinaroroonan. "Katulad mo, napagod din akong makipag socialize." Namalayan ko na lamang na nasa tabi ko na siya habang tinitingnan niya ang langit at nakasandal sa sementadong harang dito sa balcony. "E-Excuse me." Akmang aalis na ako nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking braso. "And where do you think you're going?" "Blake, ano ba? Huwag dito! Respetuhin mo ang party ng best friend ko, ito ang pinakamahalagang araw sa buhay niya," bulyaw ko. "Ito rin naman ang pinakamahalagang araw sa buhay ko," saad ni Blake, saka niya ako tinapunan ng matatalas na tingin. "Not until I saw you," dugtong niya sa kaniyang sinabi. Tila may kung anong takot ang yumakap sa aking puso, isang takot na kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman. Bakit ganito ang ugali na kaniyang ipinapakita sa akin? Hindi naman siya ganito dati. Dahil ba nakuha na niya ang kaniyang pakay? dahil ba alam niyang hindi ako makatatanggi sa lahat ng nais niyang gawin? "Steffi!" Sabay kaming nagulat nang marinig ang isang pamilyar na boses. "C-Cassie?" saad ko. Lumapit siya sa akin at kitang-kita ko ang malalaking ngiti sa kaniyang mga labi. "Buti naman at nakadating ka." "Oo naman, bakit naman ako hindi makadadalo?" Tumawa ako nang kaunti upang ipakita na masaya ako sa pagdalo sa party na ito. "Oo nga pala, anong pinag-uusapan nyo ni Blake?" tanong ni Cassie na nakapagpablanko sa aking isipan, mabuti na lamang ay biglang tumugon si Blake at sumingit sa aming usapan. "I'm just reminding her about the scheduled meeting tomorrow." Tumingin siya sa ’kin na parang nagsasabing you owe me. "Grabe ka naman, hon! hanggang dito ba naman trabaho pa rin?" saad ni Cassie. "Sorry, hon. I won't do it again." Saka niya hinawakan ang pisngi ni Cassie sa harapan ko, nakita ko ang gulat sa mata ni Cassie sa ginawa ni Blake, marahas na sinakop ng halik ni Blake ang labi niya, hanggang sa hindi na nila naisip na nandoon ako at nakatayo sa kanilang harapan. Ang huli kong natatandaan ay isang sulyap ang ginawa ni Blake sa akin na parang nang-aasar. Wala naman akong pakialam sa kaniya, hindi na rin nila napansin ang aking pag-alis. *** Kinabukasan panibagong araw na naman sa trabaho, mabilis akong naglakad at nag-ayos ng aking lamesa dahil alam kong may naka-schedule na meeting ngayon si Blake. Tama, ako ang secretary ng bente-siete anyos na CEO na si Blake Robinson, siya lang naman ang nagmamay-ari ng isa sa malaking kompanya sa buong Pilipinas — ang Bright Corporation. Ewan ko kung anong trip niya at inilagay niya ako sa position na ito. Simula nang ipakilala ako sa kaniya ni Cassie, inilipat na niya ako sa department niya at hindi nagtagal, ginawa akong sekretarya, doon nagsimula ang lahat. Hindi ko akalain na darating ang panahon na maaakit ako sa kaniya, na mahuhulog ako sa bitag ng kaniyang guwapong mukha. "Ready na ba ang lahat?" Nagulat ako nang marinig ko ang malalim na boses ni Blake. "Y-Yes, Sir. The meeting room is now ready,” tugon ko. "Good, then let's go," saad niya. Mabilis kaming pumunta sa meeting room kung saan iba’t ibang board member ang kasapi, nandoon lang ako upang magbigay ng files na kanilang babasahin. Si Blake ay laging nakaupo sa dulo ng isang mahabang lamesa dito sa meeting room, siya ang nasa gitna at ako, mayroon din akong upuan sa tabi nya, ngunit mas madalas kong gustong tumayo dahil na rin sa dami ng inuutos niya, kahit nagsisimula na ang meeting. Nagulat ako nang biglang sumenyas sa ’kin si Blake na parang mayroon siyang kailangan, kaya agad akong lumapit. Lumapit ako sa tabi niya at pinadikit niya ako sa kaniyang gilid. "Stay here and stand beside me." Iyon lang ang kaniyang sabi at wala na siyang ibang instruction, sabay lang kaming nakinig sa nag-pe-present ngayon ng kaniyang powerpoint. Medyo madilim ang paligid para mas makita ang PowerPoint na naka-flash sa screen. Ngunit napansin ko ang pagyuko ni Blake at muling sumenyas sa akin. Agad kong iniyuko ang aking ulo at ibinaba ang aking mukha kapantay ng kaniyang labi upang marinig ng aking tainga ang nais niyang sabihin. Ngunit nanlaki ang aking mga mata nang bigla na lang niyang hinalikan ang aking pisngi at siniguradong malakas ang tunog ng halik na iyon. Sabay kaming napalingon nang bigla na lamang bumukas ang ilaw at ang lahat ng aming kasama sa loob ng meeting room ay nakatingin sa aming kinaroroonan. Mahinang umubo si Blake saka siya tumayo. "Thank you for that wonderful presentation." Sabay-sabay tumayo at pumalakpak ang mga taong kasama namin sa loob, tila nakalimutan nila ang nasaksihan nila kanina. Agad akong tumalikod upang matakpan ang mukha kong pulang-pula, nakita ko pang nakasilip sa akin ang halimaw na lalaking iyon at tila pangiti-ngiti pa, parang tuwang-tuwa siya na paglaruan ako. May araw ka rin sa akin, Blake Robinson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD