bc

At Death's Door

book_age16+
637
FOLLOW
1.6K
READ
revenge
dark
arrogant
mystery
bold
highschool
betrayal
secrets
sassy
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Sequel of Seizansha of Shinzui Academy

Jacob Louis Yco is determined to give justice to the death of his mother and his sister upon meeting a girl named Mayday Larsson who will help him , without any fear they went back to Shinzui Academy to reveal the untold story.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Jacob's POV Agad akong bumaba ng kabayo ng makita ko si Tito Jack na kararating lamang. "Tito Jaack !" Mukhang hindi niya ako narinig dahil tuloy tuloy lang siya sa paglalakad papasok sa bahay kaya hinabol ko siya sa loob. " Tito Jack !" Nanlulumo siyang humarap sakin na ikinanuot ng noo ko , may problema kaya ? pero agad din siyang ngumiti ng pilit. "Oh jacob" Lumapit ako sa kanya. "Nagpadala na po ba ng sulat si Ate Jez?" Biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha niya at nag iwas ng tingin. "Pasensya na Jacob pero wala pa eh" Nanlumo naman ako sa sinabi niya , matagal na rin yung huling sulat sakin ni Ate Jez. Ano kayang pinagkakaabalahan niya? Bigla naman akong kinabahan. "Pero tito jack its been two months since her last letter." Huminga siya ng malalim at pinatong ang isang kamay sa balikat ko. "Baka busy lang ang ate mo graduating na yun diba. Don't think too much , she's okay" Tumango nalang ako sa sinabi ni tito jack kahit sa loob loob ko hindi ako panatag. Nasan ka na Ate Jez ? * After 2 years* Nakalumbaba ako sa may bintana habang pinapanood ang pagbuhos ng ulan. Dalawang taon na ang nakalipas at hindi ko parin nakikita si Ate Jez ang sabi niya magbabakasyon siya dito pero hindi matuloy tuloy dahil marami raw siyang inaasikaso, pero okay lang ang mahalaga nagpapadala siya ng mga messages through email at least alam kong okay siya. Napaayos ako ng upo ng makitang nagmamadaling sumakay si Tito Jack sa kotse niya. Saan naman kaya siya pupunta gayong napakalakas ng ulan? May nagsasabi saking sundan ko siya kaya agad kong kinuha ang jacket ko at bumaba. Pinuntahan ko si Mang Ernest. "Oh saan ka paroroon bata ka? Ang lakas lakas ng ulan" "Mang ernest ipagdrive mo po ako" "Ha? Anong sinasabi mo?" "Sige na po please emergency !!!" Pinagdikit ko yung dalawang palad ko. "Oh siya sige sumakay kana" Agad akong sumakay sa loob ng old pick up truck ni Mang Ernest at sinuot ang seat belt.  "San ba tayo tutungo hijo?" "Sundan niyo po yung kotse ni tito jack", nagmamadali kong sabi.  "Ano ba talagang nangyayari?", naguguluhan si Mang Ernest pero gayun pa man ay pinaandar na niya ang saksakyan. "Basta po. May aalamin lang po ako ! Hmm. Pwede pong isa pang favor?" "Basta kaya ko hijo" "Pwede po pakibilisan yung takbo?" Usad pagong kasi kami eh , baka di na namin masundan si tito jack kapag nagpatuloy ang ganitong takbo. "Hay. Yun lang pala eh , sige" Hindi ko alam pero hindi maalis ang kaba sa dibdib ko habang sinusundan si tito jack. Para kasing may mali pero hindi ko matukoy.  "Mukhang malayo ang paroroon ni Jack ah" Napatingin ako sa labas ng kotse sa sinabi ni Mang Ernest , wala na kami sa probinsya mukhang tutungo siya sa Maynila. "Sundan lang po natin siya please" "Hindi ko alam ang nangyayari pero mukhang importante ito." Nginitian ko si Mang Ernest , maasahan talaga siya mabuti nalang at siya agad ang nilapitan ko. "Salamat mang ernest" "Wag ka muna magpasalamat hindi pa tayo nakakarating sa pupuntahan natin" Muli akong napangiti at tumingin nalang lamang sa labas. Nilabas ko ng onti ang aking kamay at sinalo ang ulan. Bakit kaya pupunta si Tito Jack sa Manila? May kliyente kaya siya roon o baka naman pupuntahan niya si Ate Jez. Bigla akong nabuhay , tama ! Baka bisitahin niya si Ate Jez. Sa wakas magkikita na rin kami. Ate Jez sana ikaw nga ang pupuntahan ni Tito Jack , gustong gusto na kitang makita. Nagising ako nang may umalog sa balikat ko.  "Hijo nandito na tayo" Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Sa tagal ng byahe ay nakatulog na pala ako nang hindi ko namamalayan. Agad akong tumingin sa labas , teka pamilyar ang lugar na ito ah.  Bakit kami nasa sementeryo? Sa pagkakatanda ko dito nakalibing si Mommy. Sino naman kaya ang pupuntahan ni tito jack dito? hindi bale, baka may bibisitahin lang siya. Pupuntahan ko na lang ang puntod ni mommy matagal na rin akong  hindi nakakabisita. "Mang Ernest saglit lang po ah may pupuntahan lang ako" "Teka wala kang payong umuulan" Sinuot ko yung hood ko. "Okay lang po yan hindi naman ako dadami", nginitian ko siya. Bumaba ako ng kotse at nagsimula ng maglakad lakad,   pilit kong inaalala kung saan nga ba ang puntod ni mommy. Malapit yun sa may puno eh . Dito na ata yun eh. Napatigil ako ng may makitang lalaking nakatayo sa puntod ni mommy. Teka si Tito Jack yan ah? Bakit niya binibisita si mommy? Hindi naman niya  death anniversary dahil tapos na. Okay , there's only one way to find out. Naglakad ako papunta kay tito jack. Pasimple akong tumabi sa kanya at ipinagtaka ko nang hindi niya ako napansin nakatulala lang siya sa lapida kaya tumingin din ako sa lapida. "Hi mommy----" Nanlaki ako nang makitang hindi lang puntod ni mommy ang nandoon.  Akihiro M. Sy   January 9 , 1982 - August 22 , 2015 Alyana  G. Sy  July 20 1985 - March 14 , 2013 Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko nang mabasa ko yung pangalan ng lapida na nasa tabi ng kay mommy .  Hindi ko alam kung bakit parang kung anong masakit sa puso ko. Hindi ko naman kilala si Arkishia.  Hindi nga ba ? pero bakit parang pamilyar? Arkishia G. Sy  June 18 , 1999 - Febuary 15 , 2016 "T-tito Jack?" "Jacob?!" Hindi makapaniwalang sabi ni tito jack. "Bakit ka nandito?!" Sigaw niya sakin pero wala akong emosyon na pinakita kasi nasasaktan ako sa di malamang dahilan. Malakas parin ang buhos ng ulan. Pinayungan ako ni Tito Jack nangg mapansing wala akong dalang payon, pero wala ring silbi dahil basa na rin ako.  "Sinundan kita kasi akala ko bibisitahin mo si ate Jez" Sinubukan kong ngumit pero isang nanlulumong mga tingin lang ang sinukli ni Tito Jack saakin kung saan kita ang pighati sa mga mata niya.  "Sino ba sila? Bakit nasa tabi sila ng puntod ni mommy? Kamag anak ba namin sila?" Nag iwas siya ng tingin at huminga ng malalim. Hindi ko alam pero parang ayoko marinig ang sasabihin niya. Hays , ano bang nangyayari sayo jacob ! Wala lang yan. "I think there's no point in hiding tutal nandito ka rin naman at lalabas at lalabas din ang katotohanan" "I dont understand." Malungkot niya akong tinignan. "Jacob. Si Arkishia Sy at ang kinikilala mong Ate Jezreel ay iisa lang" Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya at umiling. Nagpapatawa siya . Ang pangalan ng ate ko ay Johanne Jezreel S. Yco. Muli akong tumingin sa lapida nung Arkishia na may bulaklak. Arkishia Sy  June 18 , 1999 - Febuary 15 , 2016 Ngayon ang death anniversary niya. "Tito jack hindi magandang biro yan !" Malakas kong sabi sa kanya at mas lalo pang lumakas ang ulan. "Sila ang mga totoong magulang ng Ate jezreel mo , pinalipat ko ang puntod nila dito two months ago para magkakasama sila" Madiin kong hinawakan ang braso ni tito jack . Parang bigla kong gustong bawiin yung sinabi kong gusto ko makita si Ate Jez. "Bawiin mo ang sinabi mo tito jack ! Hindi yan si Ate Jez !" Sigaw ko sabay turo sa lapida pero yumuko lang siya at umiling. "Sorry jacob" Nabitawan ko siya at napaatras. Ngayon ramdam na ramdam ko na ang ulan kasabay ng pagbuhos nito ang pagtulo ng luha ko. "Hindi. Pinapadalhan niya ako ng mga messages every week. Sabi niya magbabakasyon siya satin. Hindi siya yan" Nangangatal kong sabi. "Im so sorry Jacob. Binilin sakin ni Jezreel na wag na wag sasabihin sayo kapag namatay siya kasi ayaw ka niyang masaktan. Pero hindi ko habangbuhay matatago ang katotohanan" "Eh sino ang nagpapadala sakin ng mga messages sa email?!" Sigaw ko habang basang basa na ng ulan ang mukha ko pati jacket ko. Nag iwas siya ng tingin. "Ako yun lahat , binigay niya sakin ang password niya" Nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya at napaupo ako sa tapat ng lapida ni Ate Jez. "Jacob" Hinawakan niya ang balikat ko at pinayungan ako. "Lumayo ka sakin. Niloko mo ko." Malamig at may diin kong sabi at dahan dahan na napakuyom ang mga kamay ko. "Jacob please " Nagsusumamong sabi ni tito jack pero tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin. "Umalis kana tito jack habang nakakapagpigil pa ako. UMALIS KANA !" Sigaw ko sa kanya , napaatras siya at yumuko. Tinalikuran ko lang siya at muling humarap sa lapida ni ate jez. "Im sorry" Mahina niyang sabi at naramdaman kong umalis na siya. Doon na umagos ang luha ko. Tinanggal ko ang hood ko at hinaplos haplos ang lapida ni Ate Jez. Bakit mo tinago sakin Ate ? All this time naniwala akong buhay ka , na makikita pa kita. Ayaw mo akong masaktan? Pero nasasaktan na ako ngayon. Bakit mo ko iniwan , alam mong ikaw na lang ang meron ako. "Whe-re are u goin?" "Im going to get your mom" "Please dont ....its dangerous" "Hey little kiddo. Ate jezreel is very strong like superman" "Superwoman" "Yeah like her . So dont worry okay? I'll be back I promise." "Promise?" "Promise." "Please be safe." "I will" "Jacob loves ate jezreel and mommy so much" "I love you too jacob" " AHHHHHHH " Frustrated kong sigaw parang binibiyak yung puso ko sa sakit. "Shh. Dont worry ate's here. Everything's gonna be alright" humahagulgol na napayuko ako sa lapida ni Ate Jez. "A-ate J-jez" "Jacob listen to me very well. Ibibigay ko sayo ito" May inabot siya saking briefcase "I want you to memorize these numbers okay?" Tumango ako. "4128. Okay say it." "4128" "Again" "4128" "Say it again" "4128" "One more" "4128" "Last one" "4128" "Dont you ever forget those number kasi yun yung code ng briefcase na to. Understand?" Tumango ako. "Eh ate whats inside that briefcase ba?" "Information. Mga evidence na makakapagpakulong sa pumatay sa mga magulang natin." Napakunot ang noo ko. Yung mga pumatay kay mommy? "Then why dont we give it to the police now so they would caught already?" "Not now jacob. Now is not the right time they will use their money to escape. Kaya wala kang mapagkakatiwalaan kahit sino wala. you wont tell anyone about this even tito jack kasi kapag nalaman nilang nasayo ito kukunin nila sayo ito at kapag nakuha nila mawawala ang kaisa isang bagay na makakapagbigay hustisya sa mga magulang natin." Huminga ng malalim si Ate jez at hinawakan ang dalawang balikat ko. "Jacob I know its too early to say this things. I dont know if naiintindihan mo lahat but the main point here is Dont trust anyone about these files. You wont tell anyone as in wala and hide it kung saan hindi ito makikita" "Understand?" "Yes. Dont trust anyone about those files" " I trust you in this Jacob. When the right time comes you will give this to the authority then you will be able to give justice to those who died because of this" Tumango ako. Ngumiti si Ate sakin at niyakap ako ng mahigpit. " I love you jacob , take care" "I love you too ate. Promise me you'll visit me there okay?" Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at sinuklay ang buhok ko. "Okay. Be a good boy and always remember what I've told you about the files" " yeah , dont trust anyone and give it to the authority when the right time come so I will be able to give justice to those who died because of this especially mommy." "Smart boy" Niyakap niya ako ulit at hinalikan sa noo. "Go now , tito jack is waiting for you" Tumango ako at ngumiti. Naglakad na ako palabas. "Jacob" Lumingon ako ng tawagin ako ni ate , nagbago na kaya ang isip niya na ibigay ako kay tito jack? "Ate?" "Whats are the numbers again?" Nadissapoint naman ako sa sinabi niya akala ko nagbago na ang isip niya. "4128" I shouted. Tumango siya at ngumiti. May kinalaman kaya ang mga files na yun sa pagkamatay ni Ate Jez? ------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

The Sex Web

read
132.6K
bc

NINONG III

read
364.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

OSCAR

read
227.0K
bc

YOU'RE MINE

read
893.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook