CHAPTER 1

1195 Words
MD's POV "What has a head and tail but no body?" "Coin" "Hays ang daya bakit alam mo rin yun!" "Tsk" Nagising ako sa ingay ng dalawang lalaki. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa ulo ko at tumingin sa langit, kung meron mang bagay na hindi kumukupas ang kagandahan yun ay ang kalangitan. "Ito ito mahirap ! What has an eye but cannot see?!" "Needle" / Needle .  That's basic.  "What the!, bakit alam mo parin ! Nakakainis kana ah. Ito ! Which word in the dictionary is spelled incorrectly?" "Incorrectly"   incorrectly duh. "Grabe bilib na talaga ako sa utak mo ! Brainy ! Ikaw na!" Malakas na sabi noong lalaking nagtatanong kaya sinilip ko sila . Nandito na nga ako sa damuhan sa  likod ng school tapos meron pa ring maingay nakakairita ah. "When will you stop asking me those stupid riddles !?" Iritang sabi ng lalaking may pagkabrown ang buhok at  mukhang may lahi. Nakakasilaw din ang kaputian niya , infairness gwapo siya kumpara mo sa kasama niyang itim ang buhok na daig pa ang babae sa ingay ng bunganga. Oo bunganga talaga sabi nila kapag yang term na raw yan ang ginamit ibig sabihin hindi tao ang tinutukoy mo. Kasi kapag tao bibig daw dapat. May itsura naman siya eh pero dahil maingay siya hindi siya tao para sakin. "Stupid riddles ka dyan ! Logic kaya to ! Naeenhance ang utak mo dito !" Umupo ako at kumuha ng bato tapos binato sa maingay na lalaki. "Aray!" Napatingin silang dalawa sakin. "Problema mo?! Bat ka namamato ng bato?!" Sigaw nung lalaking maingay. Ang ingay niya talaga kahit kailan. "Ang ingay mo natutulog ako" Mataray kong sabi sabay crossed arms . "Tsk another lunatic" Masungit na sabi nung brown ang hair at naglakad paalis. Napataas ako ng kilay sa sinabi niya , excusee mee?! Sinabihan niya ako ng lunatic?! Ako si Mayday Larsson isang lunatic? My gosh. Nagkakamali ata siya ng kinakalaban. "Anong tinitingin tingin mo dyan?! Umalis ka na rin !" Sigaw ko doon sa maingay na lalaki magsasalita pa sana siya pero tinikom niya nalang ang bibig niya at tumakbo paalis. "Tsk" Mga panira ng tulog. Biglang nagring yung bell hudyat na pasukan na.  Napakagat ako sa labi ko sa inis. Wala na di na ako makakatulog ! Kaasar ! Padabog kong kinuha ang bag ko at naglakad papasok. As usual sinuot ko ang earphones ko at tinodo ang volume. Ayoko kasi ng may kumakausap sakin lalo na kapag hindi kilala kaya isa sa way ko para ipakita na ayoko makipag usap ay ang pag eearphones. Kapag nakita nilang nakaearphones or headset ako automatic na yun na ayokong may kakausap sakin. Habang naglalakad ako ay nagsisipag usugan ang mga tao sa hallway aba dapat lang. Napatigil ako ng may babaeng nasa gitna ng daanan at dinadampot ang mga gamit niya. "Humaharang ka sa daanan ko" Napaangat siya ng tingin at tinignan ko siya ng bored look. Nanlaki ang mata niya at agad hinawi ang mga gamit niya at gumilid. "S-sorry po Ms. MD" Napairap ako ng may makitang may isa pang notebook na nakaharang sa daanan ko. Kaya sinipa ko ito papunta sa kanya at nagpatuloy maglakad. Pumasok ako sa classroom namin at napatigil silang lahat sa ginagawa nila. Taas noo akong naglakad papuntang upuan ko. Napataas ang kilay ko ng may makitang may lalaking nakayuko at nakaupo sa upuan ko. Tinanggal ko yung isa kong earphone. "Aldrin" Agad siyang lumapit kasama ang mga ugok niyang kaibigan. Aldrin is the Mr. Famous , typical heart-throb sa school dahil bukod sa itsur niya ay basketball player din siya. Kinalabit ng isang kaibigan ni aldrin yung lalaki pero hindi ito nagresponse. Kaya niyugyog niya ito.  Inangat niya ang ulo niya at tumingin doon sa nagyugyog sa kaya. Nanlaki naman ang mata ko nang makitang si Mr. Sungit pala ito, pero bakit siya nandito sa klase namin? Nahihibang na ba siya? "Dude upuan yan ni Ms. MD kaya umalis ka dyan" "I dont care" Bumalik siya sa pagtulog. Nanlaki ang mata nila sa sinabi ni Mr.Sungit at napangisi naman ako.  I'm amazed that he had the guts to say that. Obviously , he doesn't know me that's why he's acting like this, dahil diyan sige papalagpasin ko ito.  "Aba loko ka ah!" Akmang susuntukin na nung kaibigan ni Aldrin si Sungit pero tinaas ko ang kamay ko. Nagmotion ako na umalis na sila. "You sure?" Paninigurado ni Aldrin , tinanguan ko naman siya bilang tugon kaya wala silang nagawa kundi umalis. "That's my seat" Mahinahon kong sabi. "find another , Im sleeping stop bothering me" walang pake niyang sabi habang nakayuko , wow he didnt even bother to look at me. Naningkit ang mata ko at padabog na umupo sa tabi niya. Ayaw niya umalis sa upuan ko ah , pwes guguluhin ko siya. Inistop ko yung music at tinanggal ang earphones ko. Kinuha ko yung g-tech pen ko na may design pa na glitters sa loob at nilaglag sa tapat niya. Ops. Kinalabit ko yung katabi ko. Noong una ayaw niya ako pansinin kaya kinalabit ko ulit siya magkakasunod. "What the hell do you want!" Inis niyang sabi. Nabigla ako ng inangat niya ang ulo niya para bang nag slow motion yung paligid , messy yung buhok niya at nasisinagan ng araw ang mga mata niya kaya kitang kita ang pagkabrown nito at ang pula ng mga labi niya. Oh my gosh ! What am I thinking ! Erase erase. "Ahm. Paabot naman nung ballpen ko" Nagsalubong ang makapal niyang kilay , geez bakit pati kilay niya perfect?! Yumuko siya para kunin ito. Napatulala ako nang mapansing pati ang jaw niya ang ganda ng hulma. Tao pa ba to? "ayan na yung ballpen mo" Nilapag niya yung ballpen ko sa table ko at bumalik sa pagtulog. I'm not yet done mister. Tinanggal ko yung isa kong earings at pinagulong sa paanan niya. Kinalabit ko ulit siya ng sunod sunod "Ano nanaman?! Hindi mo ba alam na nakakairita yang kalabit kalabit na yan!" Singhal niya sakin. Ano raw nakakarita? Kinalabit ko ulit siya. "Arrghh!!" Napasabunot siya sa buhok niya sa inis. Gusto ko ng matawa sa mukha niya kasi namumula na siya sa inis. "Paabot nung hikaw ko nasa paanan mo eh" "Wala ka bang kamay?" "Dali na malapit sayo eh!" Huminga siya ng malalim at yumuko ulit para kunin yung hikaw ko. Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Padabog niyang nilapag yung hikaw ko. "Wag mo na ako guguluhin pa. Pwede?" May diin niyang sabi at bumalik sa pagyuko. "GUYS?! WHO'S UP FOR SOME PARTY TONIGHT?!" Sigaw ko. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko bilang reponse at nagsimula na silang mag ingay. Biglang padabog na tumayo yung katabi ko kaya napatahimik silang lahat at napatingin sa kanya. Ops ! Hinila niya yung kamay ko kaya napatayo ako at napalapit sa kanya "Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Sobrang lapit namin sa isa't isa . Naamoy ko na nga hininga niya eh at ang unfair ! Bakit mabango. Napangisi naman ako ng malawak. "Pano kapag sinabi kong hindi?" Napangisi naman ako ng malawak. "Tsk!" "How dare you hawakan si MD ng ganyan !" Sigaw ni Aldrin at nagsilapitan sila samin. Binitawan niya ako. "We're not yet done lunatic" Nilagpasan niya ako at binangga niya ang mga kaibigan ni Aldrin. All eyes on him hanggang sa makalabas siya tinignan siya ng mga kaklase ko. "Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Aldrin . Napahawak naman ako sa wrist ko na mahigpit niyang hiniwakan. Namula ito sa sobrang lakas niya. "Im fine" Walang gana kong sabi at umupo na sa upuan ko. Who are you ? -----------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD