NAPUNO ng tao ang Manila Cathedral. Sa araw na iyon gaganapin ang pag-iisang dibdib nina Pocholo Montemayor at Lorie Robles, isang buwan matapos pumutok ang balita tungkol sa anak ni Choi at ang pagkahulog ng loob niya sa babysitter ni Maja. Mula sa headline na scandal of the year ay naging wedding of the year ang mga balita tungkol sa kanila. Magkahalong opinyon ang lumabas tungkol sa pag-iisang dibdib nila ni Lorie. Para sa ibang mga tagaalta-sosyedad ay isang malaking kalokohan ang pagpapakasal ng prinsipe ng alta-sosyedad sa isang simple at ordinaryong mamamayan na tulad ni Lorie. Sa kabila ng video na ipinalabas sa halos lahat ng istasyon ay mayroon pa ring hindi pabor sa pagpayag ng pamilya ni Choi sa isang tulad ni Lorie na mapabilang sa pamilya nila. Ngunit para sa karamihan ay t
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books