Deal

1914 Words
Careela's POV Hinihingal ako habang tumatakbo papunta sa bahay na tinutuluyan namin ni Lolo. Hindi ko na tinapos ang huling klase ko dahil kinabahan ako sa tono ng mga salita niya kanina. "Caree, Apo. Umuwi ka na. Lolo needs your help," wika ni Lolo na halos manginig ang boses kanina habang kausap ko siya sa cellphone. Mukhang may malaking problema ito na kinakaharap at kailangan niya ang tulong ko. Shit! What is it now, this time? Nagsugal na naman ba siya at kailangan niya ng pera? Ano ang ibibigay ko? Allowance ko lang 'to bukas. Hindi pa ako nakakapag-withdraw ng pera ko sa bangko dahil sa makalawa pa pwede. Offline kasi rito sa lugar namin at ayaw ko naman magsayang ng pamasahe para lang maglabas ng pera kung pwede naman sa makalawa. "Sige Lo, I'm on my way na po." Sabi ko na nakangiti kahit na tumatamlay ang pakiramdam ko. "Bilisan mo, apo. May pag-uusapan tayo." "Ano po kasi---" Magtatanong pa sana ako ngunit naibaba na niya ang tawag. Nakaramdam tuloy ako ng panlulumo sa ginawa niya dahil pakiramdam ko alam niyang may balak akong mag-usisa kung ano ba talaga ang kaniyang problema. Ano na naman kaya ang ginawa niya? Tungkol ba ito sa sugal? Natalo na naman kaya siya? Hindi na bago ito sa akin. Mahilig sa sugal si Lolo at kahit anong pangaral ko sa kanya ay hindi siya nakikinig. Halos wala na nga lahat ng appliances namin dito sa bahay dahil pati 'yon ay pinangpupusta niya. Well, okay lang naman sa 'kin na ang mga 'yon ang ipangpusta niya since siya naman ang nagpundar ng mga iyon. Huwag na huwag lang niyang gagalawin ang pera na iniwan sa akin nina Mama at Papa sa bangko. Huwag din siyang kukuha ng pera sa negosyong ipinamana sa akin dahil ito ang ginagamit kong pangtustos sa aking pag-aaral. Mataas ang pangarap ko sa buhay at ang perang galing dito ang ginagamit ko. Ito ang susi para matulungan ko si Lolo balang-araw at makabawi sa pag-aaruga niya sa akin. Finally! Narating ko rin ang pinto ng bahay namin. Malapit lang kasi ang school dito sa bahay namin kaya tinakbo ko na lang para agad makauwi. Dali-dali akong pumasok sa loob at hinanap agad ng aking mga mata si Lolo. Natagpuan ko siya sa kusina at hindi nakita ko na hindi siya nag-iisa. He is with someone. Nakaramdam ako ng kaba dahil nag-uusap sila ng seryoso ng bisita niya nang makita ko sila. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Hindi pa nila nararamdaman ang presensiya ko dahil maingat akong humahakbang palapit sa kanila. Pero hindi sinasadyang napatingin sa gawi ko ang bisita ni Lolo at ngumiti sa akin. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang magtama ang mga mata namin ng bisita niya. Ewan ko ba pero parang kinilabutan ako lalo na at malawak ang ngising ibinigay niya sa akin. Ang creepy naman ng isang ito! Kahit gwapo ang matanda at matikas, nakakatakot naman ang awra niya lalo na ang paraan ng kaniyang pagtingin sa akin. "Sino ba ito?" Nahintatakutan na bulong ko sa aking sarili. Parang may kamukha siya, kamukha niya iyong billboard na naroon sa Salazar Mall. Si Captain Erwin Salazar ba ito na napapabalitang tatakbong senator sa susunod na halalan? Malaki ang hawig nila, malamang siya iyon. Napansin ko na parang magkasing-edad lang yata sila ni Lolo pero malakas ang dating ng matandang lalaki at halatang makapangyarihan. Na parang lahat ng kausap nito ay mapapayuko niya. Bigla kong inalis ang tingin sa kanya nang bumaling muli ito kay Lolo. Nahiya rin ako dahil napatagal ang titig ko sa kaniya. Saka ko lang napansin ang dalawang unipormadong lalaki sa likod nito na armado ng mataas na klase ng baril. Malaki ang mga katawan at nakakatakot ang kanilang itsura. Para silang si Hulk pero malnourished na Hulk nga lang dahil mas maliit sila kumpara sa superhero na iniisip ko. Mukhang siya nga iyong may-ari ng Salazar Mall dahil may mga armado siyang bodyguard. Lagot si Lolo kung ano man ang gulong pinasok niya na involve ang kasama niya. Kinakabahan tuloy ako! Ano na naman kaya ang pinasok na gulo ni Lolo at narito ang taong ito rito? "Caree, apo. Nandito ka na pala," ani ni Lolo nang makalapit ako at nagmano. Gusto ko man siyang sagutin ng, "hello Lolo! Oo, nandito na ako 'di ko 'to anino!" Pero nasa hindi kami magandang sitwasyon para siya ay aking biruin. Hindi pa man sila nagsasalita ang kasama niya ay ramdam ko na may malaking tensyon na namumuo rito bago pa lamang ako dumating. "Ano pong meron, Lo?" kunot-noo na tanong ko habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Atat na akong malaman kung ano ang sadya ng matandang ito sa Lolo ko. Saka naisip ko iyong sinabi ni Lolo kanina sa cellphone na kailangan daw niya ng tulong ko. What kind of help? Mas lalo akong kinakabahan eh! "Maupo ka muna, apo," alok ni Lolo sa akin. Iminuwestra niya ang upuan saka nagpatuloy. "Siya nga pala si Captain Erwin Salazar nakilala ko siya sa…sa Casino Royal," nahihiyang turan sa akin ni Lolo na nagpalaki sa aking mga mata. Tama ako, siya nga. Pero teka nga! "Lolo naman," reklamo ko agad nang mahulaan ko na kung saan ito patungo. Napahilamos ako ng mukha nang marinig ko ang salitang casino. Meaning natalo siya at need niya ng pera! Sinasabi ko na nga ba at may gulo na namang napasok si Lolo! Natalo na naman sigurado siya sa sugal at ako ang pagbabayarin niya sa mga danyos niya! Wala na kaming appliances at namimiligro na ang mga pera ko sa bangko! My God! Ano bang ginagawa ng Lolo ko? Gusto ba niya akong pahirapan? "Sorry, apo." Napailing ako. "N-Nakipag-pustahan ka na naman ba, Lo? Anong pinusta mo? Wala na nga tayong gamit at ubos na ang pera mo sa bangko!" Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa sobrang inis. Nagsimula na ring magtubig ang aking mga mata at tuluyan na akong naiyak. Naiintindihan ko naman siya actually. He is just doing it para maglibang at makalimot. Pero sana isipin niya na hindi na siya mayaman at wala na siyang pinagkakakitaan. Lubog pa siya sa utang at malamang pati itong bahay ay nakasangla na. For God's sake, iyong maliit na kumpanya ni Papa ang tanging bumubuhay sa amin. Tingin ko nga malapit na itong malugi dahil alam kong palihim na kumukupit ng pera roon si Lolo. Dati ang laki ng nakukuha kong pera, ngayon parang barya-barya na lang. "A-apo hin-" hindi na natuloy ni Lolo ang sasabihin niya nang biglang sumingit ang bisita niya. "Hija, ikaw ang ipinusta ng Lolo mo sa 'kin," walang gatol na sabi ng matandang lalaki na labis na ikinagalit ko. Shit! Anong iniisip ng Lolo ko? Wait! Wala na ba kaming pera para ako ang ipusta niya? "What the heck, Lo! Sisirain mo ba ang kinabukasan ko? Ipinusta mo ang sarili mong apo para sa matandang 'to? 'Di ka na naawa sa 'kin!? Virgin pa ako Lo, tapos siya lang ang makakakuha ng iniingatan ko?" galit na bulalas ko sabay turo sa bisita namin. Hindi ako nakaramdam ng hiya at takot dahil gusto ko lang sabihin ang saloobin ko. Tinawanan lang ako ng matanda dahilan para manahimik ako at magtaka. Akala ko ay magagalit siya at maiinsulto sa sinabi ko. Tatakutin niya kami at magsasampa na lang ng kaso para tapos ang usapan. Mukhang mabait naman ito at hindi mahirap pakiusapan. Baka madala pa sa maayos na usapan ang lahat. "Hija, relax ka lang pwede? Pwede bang pakinggan mo muna ang sasabihin namin?" tumatawa pa ring sabi ng matanda. Nakuha pa niyang sabihin na mag-relax ako? Palit kaya kami ng sitwasyon? Tingnan ko lang kung hindi niya gagawin ang sinabi ko. Hindi ako nakaramdam ng hiya nang sabihin ko ang mga katagang iyon sa totoo lang. Totoo naman. At hindi ako makakapayag na ako ang ipambayad sa pusta niya. Mas mabuting makulong na lang kaming dalawa ni Lolo kaysa mapunta ako sa kamay ng matanda na nasa harap ko. . "Hindi iyang iniisip mo ang pinagpustahan namin ng Lolo mo," natatawang ani pa ng matanda at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Ay, ano po pala?" Linawin mo po kasi! Dagdag ko pa sa isipan ko. 'Di pa nila kasi ako diretsuhin! Sinulyapan ko si Lolo. Nakatungo lang siya at naghihintay na masabi sa akin ng matanda ang napag-usapan nila. Humanda siya mamaya! Magtutuos kami! "Ipinusta ka niya sa sugal at bilang kapalit sa pustahan ay gagawin mong tunay na lalaki ang anak ko," malakas na tumawa ang matanda pagkatapos niya iyong sabihin. Ako naman ay napanganga at nanlalaki ang mga mata. Umurong ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? What the heck? Napakadali naman pala ng kondisyon! Kayang-kaya ko ito. Maganda ako, sexy maaakit naman siguro sa alindog ko ang bakla niyang anak. "Ay! Iyan lang po pala, kayang-kaya ko po 'yan!" mayabang kong sabi. I flipped my hair and smiled at the old man. Natawa na naman ang matandang lalaki. "Ganyan ang gusto ko, malakas ang confidence sa sarili. Magkakasundo tayo agad kapag ganyan," ani ng matanda sabay thumbs up. Mukhang mabait talaga ang matanda at madaling kausap. Iyon lang naman pala ang gagawin. Kayang-kaya ko 'to. Baka nga wala pang isang buwan ay tapos na ang mission ko. "Kung wala ng problema. Let's close the deal, hija." The old man said. Tumango ako habang ang lolo ko naman ay parang hindi mapakali. Hindi yata siya pabor sa hinihinging kapalit ng matanda. Aarte pa ba siya? Ang easy ng task na gustong maging kapalit ng matanda. "Deal..." sabi ko at nakipagkamay sa matanda. Si Lolo naman ay malakas na bumuntong-hininga. Napatingin tuloy ako sa kaniya dahil labis akong nagtataka. Ano'ng binubuntong-hininga niya? Solve na ang problema niya. Pumayag na nga ako. "Kumpadre, wala bang ibang pwedeng gumawa niyan?" hindi nakatiis na tanong ni Lolo sa matanda. Umiling naman ang matanda at ngumisi sa Lolo ko. "Wala, kaya ipanalangin mo na sana magtagumpay siya." "Ang bata pa niya---" hindi na natapos ni Lolo ang kaniyang sinasabi dahil pinatahimik na siya ng matandang lalaki. "Shhh..." ani nito na hinarang ang hintuturo sa bibig niya. "Wala ka bang tiwala sa apo mo? Maganda, sexy, at batam-bata si Caree. Kayang-kaya naman siguro niya ang gusto kong mangyari. Ayaw kong magtiwala sa iba Carlito kaya hayaan mo muna si Caree sa bahay ko." "Sige, ikaw na ang bahala sa kaniya. May tiwala naman ako sa iyon. Hindi mo naman siguro ipapahamak si Careela." Nagpatianod na lang na sabi ng Lolo ko. "Of course." Ako na nakikinig sa kanilang pinag-uusapan ay nagtataka dahil pakiramdam ko ay may mali. "Mag-empake ka na, hija." Baling ng matanda sa akin. "Dadaanan ka na lang mamaya ng driver ko. May pupuntahan muna ako sa opisina at kailangan nila ang presensiya ko roon," sabi ng lalaki sabay tingin sa gawi ng Lolo ko. "Okay po," sagot ko na medyo nalulungkot. Mamaya na pala ako aalis. Akala ko bukas pa. Mukhang hindi na makapaghintay ang matandang lalaki na magkaroon ng resulta ang pinagagagawa niya sa akin. "Bweno, aalis na ako. See you later." Ani ng matanda sabay kaway ng kamay sa akin. "See you po." Pagkaalis ng matanda ay agad kong tinalikuran si Lolo na mukhang gusto akong kausapin. Hindi ko naman siya pinansin nang tawagin niya ang pangalan ko. I hate him! Pati ako na apo niya ipinusta niya sa sugal! Napakasugarol talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD