New Mission

1349 Words
Tahimik akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Sa loob ng dalawang linggo ay ganito lamang ang ginagawa ko, kain, tulog lamang. Pabagsak na nahiga ako sa sofa sapagkat inaataki na naman ako ng antok. Ngunit narinig kong biglang tumunog ang cellphone. Mukhang alam ko na kung sino ito. Sa nagdaang dalawang linggo ay tahimik ang aking phone. Hindi nga ako nagkamali nang makita ko ang pangalan ni boss Zach. Mukhang may bago na naman akong misyon. "Boss," pagbungad ko agad dito." "Agent, sapat na siguro ang dalawang linggong bakasyon mo? Ngayon ay kailangan mo nang humawak ng bagong misyon." "Okay boss," sagot ko rito. "Kailangan mong pumunta rito sa bahay ko at nang mapag-usapan natin ang iyong hahawakang kaso." "Sige po boss, pupunta na ako riyan ngayon," tugon ko. Agad na ring nagpaalam ito sa kabilang linya, hihintayin na lamang daw niya ako sa bahay nito. Nagmamadali akong umakyat sa aking silid upang magbihis ng mahabang palda, sinuot ko rin ang aking salamin sa mata at basta ko na lamang pinusod ang aking buhok hindi na nga ako nag-abalang suklayin ito. Wala akong pakialam kung masabihan akong manang manamit. Hindi naman ganito ang ayos ko kapag nasa gitna ako nang laban o misyon ko. Masyado lamang akong nag-iingat. Nagmamadali akong lumabas ng aking silid. Namataan ko pa nga si Manang Tali na naglilinis ng sa sala. Ito lang ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan ko. Dati itong mayordoma ni boss Zach. Maraming mayordoma ang boss ko kaya nakiusap ako rito na sa akin muna si Manang Tali, agad namang sumang-ayon ito, ganoon din ang matanda. "Manang, aalis po muna ako," magalang na paalam ko rito. "Sige. At ikaw ay mag-iingat sa iyong pupuntahan." "Opo," tugo ko. Lumalikod na ako upang lumabas ng bahay. Wala akong balak na magdala ng sasakyan, ang gusto ko ay sumakay ng taxi sapagkat tinatamad akong magdrive. Paglabas ko ng gate ay nakakita naman ako ng taxi. Tumigil ito sa aking harapan kaya nagmamadali akong pumasok sa loob. Lampas isang oras din bago ako nakarating sa bahay ni boss Zach. Kumuha ako ng pera upang magbayad sa driver ng taxi. Tuwang-tuwa pa nga ito nang hindi ko na kinuha ang sukli ko sa isang libo. Nang bumaba ako ng sasakyan ay agad akong nagdoorbell. Pinagbuksan naman ako ng guard. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bahay ni boss Zach. "Ang tagal mo!" bulalas ni boss. "Pasensya na boss, masyadong trapik kaya natagalan ako." "Sumunod ka sa akin." Walang imik na sumunod ako rito. Namataan ko rin si ate Ella na masama ang tinging kay boss Zach. Mukhang nag-away ang mag-asawa. "Ate," pagbati ko. "Naiinis talaga ako riyan sa boss mo! Ang sarap sapakin!" bulalas ni ate. "Bell! Huwag mong pansin ang ate Ella mo naglilihi iyan kaya galit na galit sa akin!" bulalas ni boss, nakasilip na pala ito sa pinto. Napahawak ako sa aking bibig nang makita kong kinuha ni ate Ella ang vase at walang pasabing ibinato kay boss, ngunit mabilis naman nakapasok ang asawa nito sa loob ng opisina nito rito sa bahay niya. "Pasensya ka na Bell, naiinis lang ako sa lalaking iyon," anas nito at tumalikod na sa akin. Matatawa na lamang ako kapag nag-aaway ang mag-asawa. Lumapit na lamang ako sa harap ng pinto at tuluyang pumasok sa loob ng opisina ni boss. Umupo ako sa sofa at tumingin dito. Mayamya pa'y may inabot sa akin folder ito. Agad ko iyong kinuha at pagkatapos ay tuluyan ko nang binuklat. Kumunot ang noo ko nang mabungaran ko agad ang picture ng isang batang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad tatlong taong gulang ito. Muli akong bumaling kay boss Zach. "Siya si Froy Acosta ang nag-iisang anak ni Frank Acosta. Alam kung kilala mo siya dahil isang siyang sikat na business tycoon." Hindi ako makapagsalita. Parang biglang umurong ang dila ko nang marinig ko ang pangalan na sinambit ni boss Zach. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lalaking una kong minahal pero siya rin ang tao na agad na hinusgahan ako. Alam kung kilalang tao si Frank Acosta. Pero never akong nakikibalita rito. May pamilya na pala ito. Kapag kasi ito ang balita sa tv ay agad kong inililipat sa ibang chanel. "Agent! Hindi ka na nakapagsalita riyan?" Nagulat ako sa biglang nagsalita ng aking boss. Kaya agad akong tumingin dito. "Binabasa ko lang po itong kasong hahawakan ko," palusot ko sa aking boss. "Okay, ang batang iyan ang bagong kaso mo. Kailagan mong alamin kung sino ang kumuha sa kanya. Wala bang kahit ano'ng palatandaan kung sino ang kumidnap sa anak ni Frank Acosta. Simula nang mawala siya ay walang tumatawag na mga kidnaper ng bata. Ang akala nila noong una ay manghihingi ng ransom money, ngunit umabot na ng limang buwan ay wala pa rin. Kahit ang mga pulis na nag-imbestiga ay walang makuhang impormasyon kaya lumapit na sa akin ni Mr. Acosta," pahayag ni boss Zach. "Saan po ba huling nakita ang bata?" tanong ko. "Sa isang park, habang kasama ang yaya niya. Nang araw na iyon ay wala si Mr. Acosta nasa business trip. Kaya ang tanging naiwan sa bata ay ang mga kasambahay," mahabang Salay-say ni boss. "Boss, na saan ang ina ng bata?" "Ang alam ko'y wala na itong ina. Iyon lamang ang nalalaman ko," sagot ni boss Zach. Nag-alis muna ako nang bara sa aking lalamunan bago muling nagsalita. "Boss, pwede ko bang tanggihan ang ibibigay mong kaso. Sa iba muna lang iyan ibigay. Ibang kaso na lang ang aking hahawakan, kung maaari sana?" nakangiwi kong sabi rito. Biglang kumunot ang noo ni boss Zach habang nakatingin sa akin. Nababanaag ko rin ang pagtataka sa mukha nito. "Ano'ng nangyari sa 'yo agent? At tinatanggihan mo ang kasong ito? Himala yata? Hindi ka ba nanghihinayang sa tatlong milyon na ibabayad sa 'yo?" Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Peste! Sayang ang tatlong milyon. Saka ko na lang iisipin kung ano ang dapat kong gawin oras na magtagpo kami ni Frank. Sabagay, wala na siya sa akin puso. Burado kaya malabong masaktang pa ako. "Okay boss, tatanggapin ko na ang kasong ibibigay mo," saad ko. "Good! Sa 'yo ko talaga balak ibigay iyan. May dapat ka pang malaman." Nagbuntonghininga muna ito bago muling ibinuka ang bibig. "Kailangan mong pumunta sa Mindoro dahil doon nangyari ang pagkidnap sa bata. Nasa sa 'yo na iyon kung kaya munang harapin ang pamilya," saad nito sa akin. Hindi ako nagsalita. May alam kasi ito tungkol sa nangyari sa akin kung bakit pinalayas akon ng aking pamilya. Ngunit pagdating sa dating boyfriend ko ay wala itong alam. "Hindi ko masasabi kung magpapakita ako sa kanila boss. Baka tuluyan na nila akong kinalimutan bilang anak. Ayaw ko nang makarinig nang mga salitang hindi naaayon sa aking pagkatao," anas ko. "Ikaw ang bahala agent. Mayroon pa akong ipapakita sa 'yo." Nakita kong may kinuha pa si boss na isang folder at muling ibinigay sa akin. Agad ko iyong binuklat. Picture ng isang pabrika ang na bumulaga sa akin. "Kasama iyan sa iyong iimbestigahan. Simula nang itayo ang pabrikang iyan marami ang nagkakasakit dahil sa masang-sang na amoy na nalalanghap nila pagsakit ng alas diyes ng gabi. Ngunit itinanggi ng may-ari na roon galing ang masamang amoy." "Si Mr. Frank din ba ang nagpapa-imbestiga ng pabrikang iyan?" "Yes, dahil naaawan siya sa mga kababayan niya na nakakalanghang ng masang-sang na amoy. Saka bihira lamang siyang mamalagi sa probinsya lalo na't ang mga negosyo niya ay nandito sa manila. Kaya lang niya dinala ang anak niya roon ay dahil gustong-gusto sa lugar na iyon," pahayag ni boss. "Sige boss, ako ng bahala sa kasong ito. Sa bahay ko na lamang pag-aaralan ito." "Okay, sa lunes ang alis mo papunta roon. Siguro naman ay alam mo pa rin ang pasikot-sikot sa bayan mo?" tanong ni boss. "Yes boss, ako ng bahala," tugon ko. "Kailangan din makahanap ka ng bahay namuupahan mo roon. Para sa iyong pag-iimbestiga." Tumango ako rito. Hindi na rin ako nagtagal sa bahay nito. Agad akong nagpaalam dito para umuwi na. Kailangan kong pag-aralan ang kasong hawak ko. Silence_The Agent_Series 7
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD