Ala-Ala

1760 Words
SRRedilla Hinintay kong lumabas ng silid si Mr. Hudson at ang kausap nito. Narinig kong humakbang ang mga ito at binuksan ang pinto ng silid kung saan ako nakahiga. Nagbilang muna ako ng ilang minuto bago ko imulat ang aking mga mata. Pasimple akong tumingin sa suot kong singsing upang alamin kung umiilaw ito para malaman ko kung may cctv camera rito sa loob ng silid. Laking tuwa ko nang wala akong makitang ilaw sa aking suot na singsing. Kaya agad akong bumangon. Kinuha ko ang maliit na tracking device upang ilagay sa dingding. Hindi ito basta maliit na tracking device mayroon din itong maliit na camera sa magkabilang gilid. Ito ang mga sariling imbento ng kinabibilangan kong organisasyon at sila lamang ang mayroon ng mga ito. Pati rin sa mga kagamitan na ginagamit namin sa pakikipaglaban. Ang team lang namin ang mayroon ganito. Alam ko ring nakikita na ni boss Zach ang lahat ng nangyayari rito. Narinig kong may mga papalapit dito sa kwartong kinalalagyan ko kaya nagmamadali akong nahiga sa kama upang magtulog-tulugan muli. Hindi nagtagal ay may mga pumasok sa loob. "Tulog pa pala siya. Ako na ang bahalang magpainom ng gamot sa kanya," rinig kong saad ni Mr. Hudson. "Ipainom muna agad iyan para makalaban na siya, malay mo at mayroon bumili agad sa babaeng iyan," saad ng kausap ni Mr. Hudson. Alam kong lumabas na ang kausap ng lalaki. Kaya medyo gumalaw ako. Dahan-dahan ko ring iminulat ang mga mata ko, humawak din ako sa aking noo para magkunwaring masakit ito. "Mabuti naman at gising ka na?" Bumaling ako sa lalaking nagsalita. Pinakunot ko ang aking noo upang ipahiwatig dito na nalilito ako. "Na saan ako, Sonny?" "Nandito ka sa bahay ko, hindi ko kasi alam kung saan kita ihahatid kaya rito na kita dinala. Masakit pa ba ang ulo mo?" "Oo, medyo nahihilo pa ako." "Teka, mayroon akong gamot dito upang mawala ang pananakit ng ulo," saad nito sa akin sabay labas ng tableta. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko iyon mula sa kamay nito. Matamis pa nga akong ngumiti sa lalaki. "Salamat," anas ko. Tumalikod ang lalaki at nakita kong kukuhanin nito ang tubig sa ibabad ng center table. Agad ko naman inilagay sa bulsa ng pants na suot ko ang gamot. Alam kong haharap na ito kaya inilagay ko ang kamay ko sa aking bibig. Para sabihin nitong ininom ko na iyon. Ibinigay niya sa aking ang tubig at inilapat ko sa aking labi pero hindi ako uminom mahirap na at baka mayroon din nakalagay roon. "Mamaya na kita ihahatid sa bahay mo mayroon lang akong tinatapos. Maiiwan muna kita rito," saad nito at unalis na sa kwarto. Narinig ko rin na inilock nito ang pinto. "Agent, maghanda ka na alam kung magsisimula. Mag-iingat ka at iyong gamot na ibinigay sa 'yo ay drugs iyon. Para maging malakas kayo sa laban. Kusutin mo ng bahagya ang iyong mga tama para medyo pumula upang makita nilang ang pag-epekto ng gamot," saad ni boss Zach. "Sige boss, gagawin ko mamaya kapag alam kong papasok na si Hudson rito." Hindi naman nagtagal ay nag-paalam na si boss, alam ko naman laging naka monitor boss sa mga galaw ko. Sa aking pagkaka-alam ay may mga tauhan si boss Zach na nakasunod sa amin habang papunta kami sa kotse nito hanggang makarating sa lugar ng black dragon. Ano mang oras ay magsisimula nang pumasok ang team ni boss. kasama ang mga NBI. Nakarinig akong may papasok dito sa loob, kaya naghanda ako upang kusutin ang aking mata. Ngunit napasubra ang kuskus ko kaya medyo napaluha ako. Pumasok ang lalaki, tahimik lamang akong nakatangin dito. Pero nakita ko ang pagngisi nito. "Galingang mo sa laban, ha? Para hindi ka agad mamatay," saad pa nito. "Saan ba ako ilalaban?" tanong ko sanay kuskus naman sa ilong ko mukha na akong adik sa aking ginagawa. "Mamalalaman mo mamaya, kailangan na nating bumaba sapagkat nagsisimula na sila," anas nito. Hindi ako nagsalita. Inayos ko rin ang maliit na camera na nakalagay sa tainga ko. Upang makita ni boss Zach ang lahat ng mga nangyayri rito. "Siya ba ang lalaban ngayon?" tanong ng lalaking sumalubong sa akin. "Oo, siya nga," sagot ni Sonny. "Maganda, ah. Sayang naman kung basta na lang matutudas sa laban. Gusto ko pa sanang tikman," bastos na sabi ng lalaking lumapit sa akin. "Huwag mo siyang pakikiaalam. Kahit ganito ako. Ayaw ko pa ring may ginagahasang babae. Kaya puwede ba lumayo sa akin, Tirso!" sigaw ni Hudso. Tumawa lamang ang lalaking tinawag na Tirso ni Hudson. Nakita ko pa nga ang pagbabantang tingin nito kay Sonny bago umalis. Mukhang may alitan ang dalawa. "Tasya, galingan mo sa laban. At kapag nanalo ka ay papauwi na kita," wika sa Hudson. Walang salita akong tumingin dito. Nababanag kong may lungkot sa mga mata ng lalaki. Mukhang may malalim na dahilan ito kaya naging masama. Nagulat pa nga ako nang hawakan ang kamay ko at marahang hilahin papasok sa isang silid. At nang makapasok na kami ay bumulaga sa akin ang napakalaking kwarto. At sa gitna ay may nakalagay na kulungang bakal. So! Dito nila pinaglalaban ang mga nakuha nilang babae. Lumakad kami papalapit sa malaking kulungan, binuksan ni Hudson ang pinto at pagkatapos ay ipinasok ako sa loob. "Galingang mo, Tasya," saad pa nito sabay tapik sa aking balikat. Kumunot ang noo ko nang mamataan ko ang isang babaeng patungo rito sa kulungan may hawak itong mahabang padel sa kaliwang kamay. Mukhang malakas ang magiging kalaban ko. Nakapasok na nga ito nang tuluyan sa loob. "Mag-iingat Agent. Hindi basta-basta ang kalaban mo," paalala ni boss Zach sa akin nang bigla itong magsalita sa maliit na tracking device sa tainga ko. Hindi ako nagsalita. Nakasunod kasi ang mga mata ko sa aking kalaban. Baka bigla na lamang itong umatake. Mayamaya pa'y nakita ko ang mabilis na pag-atake ng babae sa akin. Kaya naghanda ko. Maliksi akong naka-ilag sa hampas ng padel na hawak nito. Muli na naman siyang sumugod upang ihampas sa akin ang hawak nito. Nakita kong naka-open ang sikmura nito kaya agad akong tumungo upang iwasan ang pag-atake nito. Kaya kasabay nang pagyuko ko ay siyang umang ng kamao patungo sa tiyan ng babae at ubod lakas ko itong sinuntok. Nagulat ito sa aking ginawa. Kaya naman halos magbuga ito ng apoy sa tindi ng galit sa akin. Ako naman ang umakati. Pagkakataon ko na ito habang hindi pa ito nakakabawi. Maliksi akong tumalon sabay ikot sa ere at mabilis na bumulusok ang isang paa ko sa aking kalaban. Ngunit maliksi ring nakailag ito. Siguro'y kailangan ko nang gumamit ng sandata. Maliksing pumasok ang kamay ko sa loob ng damit at kinuha ang maliit na kutsilyo sa aking beywang, agad na pinisil ko iyong sa gilid upang lumabas ang mahaba at matalim na katana. Narinig kong nasigawan ang mga tao dahil sa nakikita nilang laban sa amin. Muli akong naghanda sapagsugod ng aking kalaban sinundan ko ng tingin kung saan papuntang deriksyon ang padel na hawak nito dahil iyon ang uunahin kong puntiryahin. Ginamit ko ang liksi ng mga mata ko. "Kaliwa!" malakas kung bigkas sabay wasiwas ng hawak kong katana. At ubod lakas na sinalubong ko ang padel nitong hawak. Putol sa gita ang padel na ihahampas sana akin. Sabay lagay ng dulo ng katana sa leeg ng babae. "Paano ba 'yan? Ako ang panalo sa laban na ito," nakataas ang kilay na sabi ko. Magsasalita pa sana ang babae nang magkakasunod na pagsabog ang aking narinig. Nandito na sila boss Zach. Agad ko naman kinuha ang tali ng aking buhok at pagkatapos ay lumapit sa babae. Papalag pa sana ito nang malakas ko siyang sinuntok sa mukha. Itinali ko ang dalawang pulsuhan nito at iyong dulo ay sa bakal ko naman inilagay upang hindi makatakas. Mabuti na lang laging mahahabang panali ang inilalagay ko sa aking buhok lalo at nagagamit ko rin ito. Lumabas ako ng kulungang bakal. Namataan ko agad ang mga NBI na nilalagyan ng posas ang mga nahuli at isa na roon si Hudson. "Good Job, Agent!" "Boss, siguro na naman ay makakapagbakasyon na ako?" "Yes, ipapatawag na lang kita kapag may bagong kaso. Saka gamitin mo muna ang aking motor alam kong wala kang masasakyan pauwi." "Salamat boss," saad ko sabay kuha sa susing ibinibigay nito sa akin. Lumabas ako sa gusali at hinanap ng mga mata ko ang motor ni boss. Namataan ko naman agad ito. Lumapit ako rito at sumakay sabay patakbo nang mabilis upang makauwi na sa aking bahay. Nakarating naman agad ako sa bahay ko. Ngumiti pa nga ako sa guard na nakatalaga sa gate. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa aking silid. Mabilisan shower lang ang aking ginawa, dahil gusto ko na ring magpahinga. Ngunit akala ko'y makakatulog na agad ko. Pero pumasok sa aking isipan kung kamusta na ang mga magulang ko. Naaalala rin kaya nila ako? Halos anim na taon na rin pala ang nakakalipas mula nang palayasin ako ng aking ama at ina. Mula sa Mindoro ay rito ano napadpad sa Manila. Limang araw din akong natutulog sa kalye at halos walang kainin ng mga panahon iyon. Ngunit isang tao ang ipinadala ng panginoon upang tulungan ako. Nakatigil ako sa isang bangketa upang magpahinga nang mamataan ko ang isang batang nagmamadaling tumatakbo. Ngunit nakita ko sa kaliwan ang humahagibis na sasakyan. Hindi na ako nag-isip, nagmamadali akong tumayo noon upang sagipin ang batang iyon na halos hindi na makaalis sa kinatatayuan dahil sa takot. Maliksi kong hinila ang bata upag hindi mahagip ng bus na paparating. Wala akong pakialam kung ako ang unang bumagsak kaysa naman magasgasan ang paslit at tingin ko'y anak mayaman ito. Puro gasgas ang siko ko. Pero pinagsawalang bahala ko iyon. Nagulat na lang ako nang may lumapit sa aking isang babaeng umiiyak at panay ang pasasalamat nito. May dumating rin lalaki at tingin ko'y mag-asawa ito. Nakilala ko ang mag-asawang Mr and Mrs. Fuentebella. At doon na nga nagbago ang buhay ko. Sila ang tumulong sa akin, pinakain at pinatira nila akosa bahay nila. Hanggang isang araw ay alukin ako ni boss Zach na kung gusto kong maging Agent ng bansa. Kaya naman agad akong sumang-ayon. Matagal bago ako matapos magtraining bilang ganap na Agent. Marami kong pinagdaan ng mga panahong nag-iinsayo ako. Tiniis ang gutom at puyat para matupad ko ang aking pangarap. Halos maglupasay ako nang mapasama ang aking pangalan sa nakapasok bilang ganap na agent. Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa aking boss sa lahat ng tulong nila sa akin. SELINCE_THE AGENT SERIES
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD