Target

1293 Words
Walang imik akong pumasok sa loob ng restaurant. Nakikiramdam sa mga taong naglalabas-pasok dito. Maliksing gumagalaw ang mga mata ko lalo na sa aking target. Naghapan agad ako nang pwede kong mapwestuhan at nang makakita ay nagmamadali akong lumapit doon. Napangisi ako nang palihim nang mamataan ko si Mr. Hudson, ito lang naman ang pinuno ng sindikatong black dragon. Kailangan na namin itong kalisin. Sapagkat halos hindi na mabilang sa mga daliri ko ang mga nagawa nitong kasalanan. Hindi ako nagpahalata na siya ang aking tinitingnan, naglagay rin ako ng salamin sa aking mga mata. Ang salamin ito ay hindi isang ordinaryong lamang. Dahil ang nasa gilid nito ay ang maliit na camera na kung saan ay nakikita nila boss Zach ang nagaganap dito sa loob ng restaurant. Napansin kong tumayo si Mr. Hudson, kaya umalis din ako sa aking pwesto upang salubungin ito. Humahawak ako sa aking sentido upang makita nito na ako'y nahihilo at hindi ko siya napansin. Kahit ang pag-iwas ay 'di ko ginawa sa lalaking aking makakasalubong, hinayaan kong bumangga ang aking katawan dito. Naghanda ako sa pagtama ng aming mga kawatan. Dalawa lang ang pagpipilian ko, ang saluhin nito ang aking katawan o hahayaan na lamang nitong bumagsak ako sa sa malamig at matigas na semento. Pero nagulat ako nang may mga kamay na humawak sa beywang ko. Nahulog din ang suot ko salamin, hindi naman iyon basta mababasag dahil matibay ang pagkakagawa roon. Malamlam ang mga mata kong tumingin kay Mr. Hudson. Napatitig rin siya sa aking mga mata, nakita ko rin ang paglunok nito ng laway na aking ikinasiya, ang ibig sabihin lamang noon ay naaakit ko ito sa taglay kong ganda. Malumanay akong nagsalita at nahihiyang ngumiti sa lalaki. "Paumanhin po, kung nabangga ko kayo gamit ang aking katawan, hindi ko po kasi kayo nakita sapagkat medyo nahihilo ako," mahinhin kong paghingi ng tawad dito. "Napakaganda mo para hindi ko patawarin, Binibini," saad nito ngunit sadyang pinapungay ang mga mata habang nakatingin sa aking mukha. "Marami pong salamat," magalang na sagot ko. Tangka na sana akong tatalikod nang hawakan nito ang palapulsuhan ko. "Aalis ka na ba? Di ba, kasasabi mo lang na nahihilo ka? Kung iyong mamarapatin ay maaari mo ba akong sabayang kumain? Nakakatamad kasi kapag wala man lang kasabay." Pasimple akong napangisi, pabor sa akin ang gusto nito. Nagkunwari akong nag-isip muna bago sumang-ayon sa alok nito. "Hindi po ba nakakahiya, Sir?" "Hindi, dahil ako ang nagyaya sa 'yong sabayan mo aking kumain, huwag kang mag-aalala akong bahala sa 'yo, Binibini." Nahihiya akong tumango sa lalaki, umasta rin akong mahinhin. Pero, hindi nakaligtas sa matalas kong paningin ang pagngisi nito na alam kong may gagawin laban sa akin. Katulad na lang ng mga babaeng kinukuha nito. Iyon nga lang ay wala kaming alam kung ano ang ginagawa niya sa mga iyon. Kaya kailangan kong makapasok sa grupo niya. Bago sumama rito ay agad kong pinulot ang aking salamin na nahulog kanina, alam kung nanakita ni Boss Zach ang nangyayari. Nakaalalay siya sa aking habang papalapit kami sa table nito. Pinaghila pa nga ako ng upuan. Ako naman ay mahinhing naupon doon. May lumapit naman agad sa aming waiter upang alamin kung ano ang order namin ng lalaki. Kumunot ang noo ko nang makita kong bumulong ito sa waiter, maliksing namataan ng aking mga mata ang ibinigay ni Mr. Hudson sa lalaking tagasilbi. Nang umalis ang waiter ay muling bumaling sa akin si Mr. Hudson. "Maari ko bang malaman kung ano iyong pangalan, Binibini?" Nahihiyang ngumiti ako sa lalaki. Upang isipin nito na isa akong mahinhing dilag. "Tasya, ang aking pangalan, Sir," sagot ko sa lalaki. "Tawagin mo na lang akong Sonny, masyado kasing formal kung, Sir," pakiusap ng lalaki. "S-sige Sonny," nahihiyang sambit ko sa pangalan nito. "Good!" tugon nito. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang order namin. Mukhang wala akong tiwala sa pagkain inihain ng waiter. Masarap sana ito. "Puwede bang pumunta muna ako ng washroom?" tanong ko. "Sure," tugon nito. Tumayo ako ngunit bago umalis ay iniwan ko ang aking salamin sa mata sa ibabaw ng table, makikita ni boss Zach kung ano ang gagawin ng lalaking ito habang wala ako. Nagmamadali naman akong pumasok sa loob ng banyo upang contakin si boss. "Boss," bungad ko. "Mag-iingat ka agent, lalo sa pagkaing inihain ng waiter sa 'yo, sapagkat may nakahalo roon na drugs." "Yes, boss, ako na ang bahala," sagot ko. Hindi naman nagtagal ang usapan namin ni boss Zach, baka kasi makahalata rin si Mr. Hudso kung bakit ako matagal dito sa washroom. Tuluyan na akong lumabas ng washroom at mahinhing naglakad papalapit sa lalaking naghihintay sa akin. Marahan akong naupo sa bakanteng silya, sabay ngiti ko ngunit nakangiwi ang mukha. "May problema ba? Bakit hindi maipinta ang pagmumukha mo?" tanong nito. "Nag-alburuto kasing bigla ang aking tiyan," nakangiwi kong sabi rito, sabay hawak sa baso na may lamang iced tea. Nakatingin ito sa bawat galaw ko, lalo na sa basong hawak ko, dahan-dahan ko itong inilapat aking labi at nagkunwaring umiinom ako. Napuna ko rin ang pagngisi ng lalaki. Nang mabasa ang labi ko ng iced tea ay ibinaba ko na ito sa table at tumingin sa lalaking aking kaharap. "Paumanhin, dahil hindi ko na makakain ang pagkain na iyong inorder, hanggang ngayon kasi ang nag-aalboroto pa ang tiyan ko. Maaari na ba akong magpaalam sa 'yo?" "Sure," nakangising sagot nito. Marahang akong tumayo, bigla ko ring hinawakan ang aking ulo. Upang ipagbigay alam rito na nahihilo ako. "Tasya, ano'ng nangyayari sa 'yo? May problema ba?" tanong nito. "Lalo kasi akong nahilo, kailagan ko nang makauwi upang makapagpahinga," saad ko at tumalikod. Ngunit nagpanggap ako matutumba kaya ramdam kong sinalo niya ako. "Itatatid na kita sa bahay mo. Para mapabilis ang iyong pag-uwi," wika ni Sonny at umakbay pa sa akin. Isinandig ko ang ulo ko sa dibdib ng lalaki. Naramdaman ko ring hinimas nito ang aking buhok. Narating kami sa kotse nito at inalalayan akong makapasok sa loob. Agad din pumasok ang lalaki at lumapit sa akin at muling pinasandig sa dibdib nito. Matagal ako sa ganoong posisyon. Para naman isipin nitong nakatulog na ako. "Boss, mukhang maganda ang nakuha mo ngayon, ahh?" dinig kong sabi ng driver nito. Tatatlo lang naman kami rito sa loob ng sasakyan nito. "Yes. Mas matutuwa sana ako kung nakain niya ang pagkain may nakahalong drugs. Para pagdating natin sa hide out ay pwede na nating siyang ilaban. Pero ayos lang, nakainom naman siya ng iced tea na may pampatulog kaya nakuha ko pa rin siya, siguro'y sasaksakan na lang natin siya ng drugs kapag-ilalaban na," pahayag ni Mr. Hudson. Saan kaya niya ako ilalaban? Kailangan kong maging-ingat lalo na kapag nakapasok na ako sa lugar ng black dragon. Matagal-tagal din ang naging byahe namin, bago kami nakarating sa lungga nito. binuhat ako ng lalaki papalabas ng kotse nito. Dahil sa pag-aakala niyang wala akong malay Naririnig ko ang mga yabag at ang pagbukas nito ng pinto, ramdam kong inihiga ako sa malambot na kama. Muli siyang naglakad papalabas ng silid kung saan ako naroroon, narinig ko pa nga ang paglock nito ng pinto. Matagal din ako sa ganoong ayos, mahirap na basta na lang akong magmulat ng mga mata, baka kasi may nakalagay na cctv camera sa loob ng silid na ito. Muling bumukas ang pinto kaya pinagbutihan ko ang pagtutulog-tulugan ko. "Siya ba ang ilalaban mamayang gabi? Sigurado ka ba? Mukhang wala siyang alam sa pakikipaglaban, kailangan pa niyang mag-insayo," dinig kong sabi nang kausap ni Mr. Hudson. "Kaya nga sa mga baguhan ko siya ilalaban, sayang din ang isang iyan, baka may nais ding bumili sa kanya habang nakikipaglaban. Sigurado akong malaking pera na naman ang papasok sa atin," anas ni Hudson. Silence_ The Agent Series 7
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD