Chapter 4

2286 Words
Ethan I can’t hide my hapiness everytime I’m with her. Sa lahat ng naging lucky girlfriends ko, sa kanya ko lang naramdaman itong unfamiliar feeling na hindi ko talaga maipaliwanag. Natutuwa ako sa kanya. Nakakahawa ang mga tawa nya. Para bang walang problema ang mundo kapag tumatawa na sya. Hindi ko alam kung nagugustuhan ko na ba si Alodia? Hindi ko alam dahil saglit pa lang naman kaming nagkaka-usap at nagkakakilala. Nakangiti ako habang nakasandal sa kotse ko isang umaga. Hinihintay ko si Alodia sa tapat ng dorm nila. Bilang fake boyfriend nya for one month kailangan ko pa ring magpanggap at gawin ang ginagawa ng isang ideal boyfriend. Malayo pa lang ay nasilayan ko na ang mga ngiti nya. Mas lalo tuloy lumilitaw ang mga ngiti ko na kahit anong pigil ko ay kusa itong lumalabas. Damn! Naiinis na ako sa sarili ko! Mariin kong kinagat ang labi ko para pigilan ang umuusbong kong mga ngiti pero sa huli ay nakaramdam lang ako ng sakit. “Ouch!” bulalas ko dahil napalakas yata ang pagkakagat ko sa sarili kong labi. Ilang ulit kong hinimas ang labi ko na pakiramdam ko ay nagkasugat dahil sa sarili kong katangahan. “Oh, anong nangyari?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko si Alodia sa harapan ko. Dalawang beses din ako napalunok dahil hinawakan nya ang braso ko at tinitignan nya ang labi ko na syang hinahawakan ko. Tinanggal nya ang mga kamay ko na nakatabing sa labi ko. Shi.t! Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin sa tuwing magkalapit kaming dalawa? “My God, may sugat ang labi mo? Ano ba kasing ginawa mo?” she said Napahawak muli ako sa labi ko na syang may sugat na raw. “W-wala naman, nakagat ko lang.” paliwanag ko. Kaagad kong kinuha sa kanya ang kanyang bag at pinagbuksan ko sya ng kotse. Kinukuha ko na rin sana ang paper bag na hawak nya pero tumanggi syang kunin ko ito. Ang weird! Para namang napakahalaga ng laman ng paper bag na iyon. “Kailangan ng wastong pag-iingat ang paghawak sa paper bag na to noh. Kaya ako na lang Ethan. Salamat.” Sambit nya “O-okay.” Sagot ko naman Nang makapasok na kami sa sasakyan ko ay nasaksihan ko na binubuksan nya ang paperbag. Pati tuloy ako ay nacurious sa laman ng bag na iyon. Kinuha nya mula roon ang isang napakasarap na cheesecake. Wow! Paborito ko ang isang iyon. Hindi ko akalain na talagang mag-eeffort din si Alodia bilang lucky girlfriend ko. Ang alam ko kasi ay si Enzo talaga ang gusto nya, pero nakakabigla lang dahil may dala syang cheesecake para sa akin. Malambing talaga sya at alam kong maalagang girlfriend din sa magiging totoong boyfriend nya. I smiled at her. Nang aktong kukunin ko ang cheesecake ay bigla nya itong iniwas sa akin. Nagsalubong naman ang dalawa kong kilay dahil sa ginawa nya. “Hey! Huwag mong hahawakan ang cheesecake para kay Enzo, baka masira.” Inis na sabi nya sa akin. Mistula naman akong sinilaban ng apoy pagkatapos kong marinig iyon sa kanya. I really thought that the cake was for me, pero nagkamali ako. Mabuti na lang at hindi masyadong halata na nag-expect ako na para sa akin ang cake. Napahimas ako sa aking batok at itinago ko ang kahihiyan sa sarili ko. “Pero Ethan, may favor ako sayo.” Marahan ko syang pinagmasdan. Ang cute nya habang nakanguso na para bang ang laki ng hihingin nyang pabor sa akin. “Yes?” Unti-unti kong nasilayan ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Nakakaakit ang mga ngiti nya kaya naman kaagad na rin akong umiiwas na pagmasdan sya. “Araw-araw ay lagi akong may gift kay Enzo. Ikaw ang magbibigay nito sa kanya hanggang sa marealize nya na may isang babaeng mahal na mahal sya at willing na maghintay para sa kanya. Pero hindi nya dapat malaman ang katauhan ko sa ngayon okay? Tutulungan mo naman ako di ba? Please…” pagmamakaawa nya. I don’t know kung bakit tila may kumirot sa bandang dibdib ko. Hindi ko talaga alam. “Okay. Sige, yun lang pala eh. Kaya lang paano kung malaman ni Athena?” tanong ko Ngunit rumolyo ang mga mata nya. “Hindi rin naman sila opisyal na magkarelasyon di ba? Kaya may pag-asa pa ako. Lalaban ako hangga’t kaya ko!” Binigkas nya ito ng buong tapang at malakas ang kumpiyansa sa sarili. Marahan nyang isinilid sa paper bag ang cheesecake na para bang sanggol kung ingatan nya ito. Nagulat na lang ako nang bigla syang lumingkis sa aking braso. Dumapo sa ilong ko ang natural nyang amoy na syang nakakabaliw. “Hey Ethan, ano? Tutulungan mo ba akong mapasagot si Enzo? Kukunin ko na ang opurtunidad na ito para lalong mapalapit sa kanya.” Sabi pa nya Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko sya matanggihan at hindi ko rin alam kung bakit. “Okay, pumayag na ako kanina di ba?” sagot ko. Para syang nanalo sa isang contest na may malaking premyo dahil sa kaligayahang nasilayan ko sa kanya ngayon. “Thank you Ethan!” sigaw pa nya Lalo pa nyang niyakap ang braso ko. Mas mahigpit kaya naman mas nagkalapit kaming dalawa dahil sa pagyakap nya. Mas naramdaman ko ang init ng kanyang katawan dahil sa higpit ng mga yakap nya sa akin. Pinaandar ko na ang kotse ko at kaagad nang nagtungo sa Golden Valley. Hindi mawala ang mga ngiti sa labi nya. Mas masaya sana kung ako ang dahilan ng mga ngiti na iyon pero hindi eh. Nabihag ni Enzo ang puso nya. Ngayon lang din ako nagkaroon ng lucky girlfriend na hindi man lang kinikilig sa akin or wala man lang gusto sa akin. Hindi naman sa nagyayabang ako pero halos kadalasan ng nagiging lucky girlfriend ko ay nararamdaman kong espesyal din ako sa puso nila. Pero si Alodia? Damang dama ko ang nag-uumapaw na pagmamahal nya para kay Enzo. Astig talaga! Pagdating sa parking area ay inihatid ko muna sya sa classroom. Bitbit ko na rin ang iniingatan nyang cheesecake para sa kaibigan kong si Enzo. “Pupunta lang ako sa locker room. Doon ko na lang ibibigay kay Enzo itong pinabibigay mo.” Wika ko kay Alodia Pigil ang mga ngiti sa kanyang labi at halata ko na kilig na kilig sya. Tinalikuran ko na sya at dali-dali akong nagtungo sa locker room. “Hi Ethan!” pagbati sa akin ng mga estudyanteng babae na nakakasalubong ko. Ang ending ay para silang mga bulateng nilagyan ng asin at nangingisay sa may hallway. Napapailing na lang ako sa tuwing masasaksihan ko ang mga ganitong eksena. Nang makarating ako sa locker room ay naupo ako sa wooden bench na nasa gilid ng pintuan. Napangiti ako habang binubuksan ko ang paper bag. Kinuha ko ang cheese cake at binuksan ko ito. Ang alam ko ay hindi naman mahilig sa mga ganitong pagkain si Enzo kaya nagdesisyon akong kainin na lang ito. Unang subo ko ng cheesecake ay para akong bumabalik sa pagkabata. Paborito ko talaga ito. My mom used to baked a cheesecake for me when I was young kaya talagang kakaiba ang isang ito. Napapikit pa ako habang ninanamnam ang lasa ng paborito kong cheesecake. Hindi ko talaga pagsasawaan ang isang ito. One of the best cheesecake na natikman ko. Malapit ko sana itong maubos nang biglang… “Hey Ethan? Hindi ka pa ba nagbreakfast? Bakit dito ka kumakain?” Para akong nagising mula sa isang magandang panaginip ng marinig ko ang tinig ni Enzo. Inilalagay nya sa kanyang locker ang sports bag nya. Nakakunot ang noo nya sa akin habang nakatingin sa cheesecake na kinakain ko. Napangisi ako sa kanya. Kumurot ako ng kapirasong cheesecake at dali-dali ko itong isinubo kay Enzo. “Huh? Wait—” Hindi na sya nakailag sa akin at sumakto agad ang pagkain sa bibig nya. Nakakatawa ang itsura nya dahil lumubo ang pisngi nya dahil sa isinubo kong cheesecake sa bibig nya. Nang malunok nya itong lahat ay saka nya ako binalikan ng masamang titig. “Muntikan na akong mabilaukan sa ginawa mo dude!” bulyaw nya sa akin “Pero masarap naman di ba?” tanong ko Tumango lang sya sa akin at nagkibit balikat. “Not bad.” Sagot nya Wala syang kamalay malay na para sa kanya naman talaga ang cheesecake na ito. Patawarin sana ako ni Alodia pero ayoko naman talagang maging tulay nilang dalawa. Mabuti nang ako ang manginabang sa cheesecake na ito kaysa itapon na naman ito ni Enzo sa basurahan. Nakangiti pa rin ako habang sabay kaming lumabas ni Enzo ng locker room. Pagdating sa classroom ay nagmamadaling tumakbo si Enzo papunta sa kinauupuan ng lucky girlfriend nyang si Athena. Pero ang weird lang dahil sa akin nakatingin si Athena. Hindi ko alam kung sinasadya ba nya para layuan na sya ni Enzo o talagang hindi nya namamalayan na nakatingin sya sa akin. Nginitian ko na lang si Athena dahil mukhang hindi na sya gumagalaw sa kinauupuan nya habang sinusundan nya ako ng tingin. Nang masilayan nya ang mga ngiti ko ay saka lamang sya kumilos at tila hiyang-hiya sya sa kanyang sarili. Okay lang naman. Sanay na ako sa mga ganyang tingin. Tumabi ako kay Alodia. “Naibigay mo ba?” kaagad nyang tanong Ilang ulit akong tumango sa kanya. Nasilayan ko na naman ang pananabik sa kanyang mukha. Nababaliw na talaga sya sa kaibigan kong si Enzo. “Anong sabi? Nagustuhan nya ba? Kinain na ba nya? Bakit hindi naman nya dala ang paper bag?” sunod-sunod na tanong nya. Napalunok ako sa sinabi nya. Nalasahan ko pa ang cheesecake na kinain ko kanina. “Huh? Kinain na nya kanina sa locker room. Naubos nya agad eh. Wait tanong ko ha.” Wika ko. Pigil ang mga ngiti ko. Huwag sana nya akong mabuko ni Alodia na ako ang kumain ng cheesecake na iyon. “Enzo, nagustuhan mo ba yung cheesecake? Masarap ba?” tanong ko kay Enzo na nasa kabilang silya. Kaagad namang tumingin sa akin si Enzo at nag-thumbs up. “Yeah.” Maikling sagot nya Binalikan ko ng tingin si Alodia. Sa pagkakataong ito ay parang kinakapos sya ng hangin dahil sa sobrang kaligayahan nya. Ang babaw! Hinampas hampas pa ako ni Alodia dahil sa sobrang kilig na nararamdaman nya. Grabe palang mainlove ang babaeng ito. “Bukas ay ibang cake naman ang ibibigay ko sa kanya.” Wika nya Bumilog ang mga mata ko. Mukhang araw araw yata akong makakatikim ng cake nito. “Huh? O-kay, sige.” Sagot ko na lang. “Basta huwag lang chocolate cake dahil may allergy sya sa chocolates di ba?” pahayag nya Naalala nya siguro ang mga brownies na may tsokolate na syang tinapon ni Enzo sa basurahan dahil nga may allergy sya sa chocolates. Alam kong si Alodia ang may bigay ng mga iyon kay Enzo ngunit binalewala lang ng kaibigan ko. Alam ko kung gaano kasakit iyon para kay Alodia, ang itapon na lang sa basurahan ang lahat ng pinaghirapan nya. “He loves strawberry cake or blueberry, basta something fruity flavor.” Sagot ko sa kanya “Wow? Talaga? Buti na lang talaga at nandyan ka Ethan, may malaki akong source pagdating kay Enzo.” Nakangiting sambit nya sa akin. Ang hindi nya alam ay mga paborito ko ang mga sinabi ko sa kanya. Mas gusto ko ang mga fruity cakes kaysa sa mga chocolates. Ang totoo rin ay hindi ko naman talaga alam ang gustong flavor ng cake ni Enzo. Magkaibigan kami pero never ko naman inalam ang mga paborito nyang pagkain. Bahagyang nahahaluan ng matinding konsensya ang puso ko dahil sa pagsisinungaling ko kay Alodia. Hanggang kailan ba ako magpapanggap na tinutulungan ko syang mapalapit sa kaibigan ko. Ilang araw pa ang lumipas ay para bang napakarami nang mga bagay ang ibinibigay ni Alodia para sa kaibigan ko. Hinding hindi ko malilimutan ang kanyang itsura sa tuwing ibinibigay nya sa akin ang mga regalo nya para kay Enzo. Masaya sya at ang pagkakalam nya ay naibibigay ko ang mga iyon kay Enzo. Abala syang sumusulat sa isang napakagandang papel habang nakangiti isang hapon. Hindi ko alam kung ano ang isinusulat nya sa magandang papel na iyon pero ang alam ko ay bukal sa puso nya ang pagsusulat. Nang matapos sya ay marahan nya itong itinupi at isinilid sa isang magandang sobre. Iniabot nya sa akin iyon. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi nya. “Ibigay mo yan kay Enzo. Hindi muna ako magpapakilala sa kanya. Huwag mong babanggitin na ako ang nagbibigay sa kanya ng lahat ng ito. Hindi pa ako ready magpakilala sa kanya Ethan, kaya please ikaw na ang gumawa ng paraan para itago ako sa kanya.” Pakiusap nya Tumango lang ako sa kanya at inilagay ko ang magandang sobre sa aking bulsa. Kagaya nung una ay hindi ko pa rin ibinigay kay Enzo ang sulat na iyon. Nang makauwi ako sa mansyon ay kaagad akong dumiretso sa aking silid at doon ko binasa ang sulat ni Alodia para kay Enzo. Matipid ang mga ngiti ko habang binabasa ang sulat. Maswerte si Enzo dahil ramdam ko ang labis na pagmamahal ni Alodia para sa kanya. Galing sa puso ang bawat letra na nakasulat sa magandang papel na ito. Kumuha ako ng ball pen. Pinaikot-ikot ko muna ito sa aking mga daliri. Gumana muli ang pilyo kong utak. Binura ko ang pangalan ni Enzo at isinulat ko ang aking pangalan sa papel na iyon. Ngumiti ako. Inilagay ko ang sulat sa isang box. Mukhang mapupuno ang box na iyon ng mga sulat at regalo ni Alodia para kay Enzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD