Chapter 3

1972 Words
Alodia Parang isang panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi ako makapaniwala na katabi ko ang isa sa mga miyembro ng Black Fire Trio na si Ethan Enriquez at magpapanggap kaming magkasintahan sa loob ng isang buwan. Masaya pa rin naman ako kahit hindi si Enzo ang makakapiling ko. Kahit alam kong magiging boring palagi ang buhay kasama si Ethan ay magpapakasaya pa rin ako. Dahil sa loob ng isang buwan ay hindi lang naman si Ethan ang makakasama ko, kung hindi ang buong Black Fire Trio. Sa loob ng isang buwan ay makakasama ko ang pinakamamahal kong si Enzo, at nasasabik ako dahil may pagkakataon na akong makausap sya. "Hey, ang lalim yata ng iniisip mo?" Tanong ni Ethan Nagulat na lang ako ng magsalita sya. Nang lingunin ko sya ay nakatitig na sya sa mga mata ko. Bigla tuloy akong naconscious sa sarili ko. My God! Ang isa sa pinakagwapo sa buong University ay nakatitig sa akin. Kalma lang, baka malaglag ang puso ko. Mabuti at hindi si Enzo ang nakatitig sa akin dahil baka talaga kanina pa ako walang malay. "You like Enzo, right?" Tanong nya Kumurap ako ng maraming beses. Parang nagrambulan ang mga pusa sa loob ng dibdib ko. Kinabahan ako sa mga sinabi ni Ethan. Alam nya ang matagal ko nang nililihim? Nahahalata nya ba na may gusto ako sa leader nila? "Aminin mo na. Trust me, walang makakaalam." Sabi pa nya. Napakagat labi ako sa mga tinuturan nya sa akin. Marahan kong ibinaling ang tingin ko kay Enzo na masayang masaya habang kinukulit si Athena. Parang mawawarak ang puso ko sa sakit habang nakamasid sakanila. "Sobra." Maikli ngunit makahulugang wika ko kay Ethan Nakarinig ako ng malalim na buntong hininga mula kay Ethan. Napanguso ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko Muli nyang ibinaling ang tingin nya sa akin. Muli tuloy akong nahiya dahil sa sobrang lalim nyang mga tingin. "I'm sorry kung ako ang napunta sayo. Alam kong you really want to be with Enzo, but unluckily, ang pinakaboring na member ng Black Fire Trio ang makakasama mo." Wika nya Parang bigla naman akong nakonsensya sa mga sinabi nya. Hindi ko naman gustong ganito ang maging pakiramdam nya. "Huwag mong isipin na nanghihinayang ako. Sobrang love na love ko ang Black Fire Trio. Nagkataon lang na si Enzo talaga ang nakakuha ng atensyon ko. Kaya smile na." Sambit ko Dahil boyfriend ko naman sya ay marahan kong kinurot ang pisngi nya. My God! Nanginginig pa ako habang pinisil ko ang pisngi nya.  Napakalambot ng pisngi nya. Ngunit mas ikinagulat ko pa, nang hawakan  nya ang dalawang kamay ko at inilagay nya ang mga iyon sa kanyang dalawang pisngi. OMG talaga! Ang lapit nya sa akin. Kitang-kita ko ang buong mukha nyang napakaperpekto. Walang pores mga friend. Napakakinis nya at daig pa nya ako sa sobrang smooth like butter ng face nya. Samantalang ako ay may maliliit na butlig at mga taghiyawat sa mukha. Mukhang boarders ko na ang mga ito eh, ayaw umalis. Kainis! "Don't worry, I will try my best to be your ideal boyfriend." Wika nya sa pinakamalamig na boses. Unti-unting lumalabas ang ngiti sa labi ko.  Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang kinikilig ang puso ko. Paano na lang kaya kung si Enzo ang nagbitiw ng mga salitang ito? Hindi ko yata kakayanin. Ilang saglit pa ay hindi na ako nakatanggi nang idikit nya ang kanyang malambot na labi sa aking noo. Tila huminto ang oras nang masayaran ng labi nya ang magspang kong noo. My god ! Nakakahiya! Baka nasugatan ang labi nya. Kasing gaspang kasi ng steel wool ang noo ko. Gusto ko syang itulak palayo pero hindi ako makagalaw. "I love you baby girl." Bulong nya Napapikit ako sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang sinabi nya o mananahimik na lang ako. Nahihiya kasi ako. At isa pa, alam ko naman na hindi iyon totoo. Hindi nya ako mahal. Ginagawa nya lang iyon dahil sa game nila. Woooah! Ang galing ni Ethan, nadadala ako sa mga pagkukunwari nya. Hindi dapat ako magpadala. Isa pa, si Enzo talaga ang laman ng puso ko. Walang makakapantay sa kanya. "T-Thank you." Mahina kong sambit. Pagkatapos nyang halikan ang noo ko ay bigla akong nanibago sa kanya. Hindi na ako tumingin pa sa kanya. Ngunit hinawakan nya ang mga kamay ko at hindi na nya ito binitawan pa. Nararamdaman ko na parang minamasahe nya ang mga palad ko. Nakakarelax. Napakaswerte ko naman at nagkaroon ako ng pagkakataon na maalagaan ng isang Ethan Enriquez. -- Pagkatapos ng aming klase ay nagmamadali na kami ni Amara dahil baka mahuli kami sa duty namin sa fast food restaurant. Peek days pa naman ngayon at paniguradong maraming customer. "Mauuna na kami sayo Athena, ilang minuto na lang at mali-late na kami sa trabaho." Wika ko habang inaayos ang bag ko. "Okay, ingat kayo mga bestfriend." Wika ni Athena Pahakbang pa lang sya papunta sa amin ay may humatak sa kanya mula sa likuran. "Ano ba?" Pagrereklamo ni Athena Nakita ko na inakbayan sya  ni Enzo. Parang sinisiliban ako ng buhay sa sobrang sakit ng mga eksenang nakikita ko. Ang kaibigan ko naman ay parang diring-diri sa leader ng Black Fire Trio. He really hates Enzo. Sa nakikita ko sa kanya ay parang si Enzo ang laging sumisira ng araw nya. Kung hindi nya lang alam na pangarap kong mapunta sa pwesto nya. "Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo. Ihahatid kita sa inyo." Wika ni Enzo kay Athena Si Athena naman ay matindi ang pagtutol sa sinabi ng boyfriend nya. "Hindi pwede! Pagagalitan ako ng nanay at tatay ko. Pag-aaral ang ipinunta ko dito at hindi ang pagboboyfriend. Tigilan mo na ako!" Pagmamaktol ni Athena Pero ang makulit at makapangyarihang si Enzo Zobel ay hinawakan sa kwelyo ang kaibigan namin at para syang kuting na binitbit ng  gwapong leader ng BFT. "Bitawan mo ako!" Sigaw pa rin ni Athena habang hawak sya sa leeg ni Enzo. Nakamasid lang ako sa kanila habang palabas sila ng classroom. Napabuntong hininga ako dahil sa sobrang inggit. "Wala na, naunahan ka na ni Athena. Biruin mo yon? Yung taong ayaw sa Baby Enzo mo ang napunta pa sa kanya. Mabuti na lang at yung mga asungot natin ay wala na." Wika ni Amara May pinong kirot sa puso ko habang nakikinig kay Amara. Kaagad ko nang isinukbit ang shoulder bag ko at handa na sanang umalis nang biglang may pumigil sa mga kamay ko. Dali-dali akong napalingon sa kanan. Umawang ang bibig ko nang makita si Ethan na hawak ang aking braso. Anong balak nya? "Ihahatid na namin kayo." Sambit nya Pati ang mga mata ko ay namilog na parang holen. Nababaliw na yata sya. Maya maya pa ay biglang pumasok si Galvert suot ang sumbrero nyang nakabaligtad. Sobrang presko ng dating nya pero cool. "Hey My loves Amara. Let me carry your bag. I'm your boyfriend for this month, kaya wala ka ng tanggi." Wika ni Galvert Ang kaibigan ko naman ay niyakap ang kanyang bag at hindi hinayaang makuha ito ng womanizer ng grupo. "Pwede ba tumigil ka sa pagpapacute sa akin?" Matapang na sigaw ni Amara "My loves? Wag mo kong galitin!" Wika ni Galvert Pinabilog ni Amara ang mga kamay nya at akmang susuntukin nya si Galvert. Pero mas mabilis pa rin sa kanya si Galvert dahil nailagan nya ang suntok ng kaibigan ko. Nahawakan pa nya ang kamao ni Amara at hinila nya itong palapit sa kanya. Ang matapang kong kaibigan ay wala ng nagawa nang bumagsak sya sa bisig ni Galvert. Ang pinakamatindi pang ginawa ng babaerong iyon ay hinalikan nya ang kaibigan ko sa labi! My God! Si Galvert Monreal ang first kiss ng kaibigan kong si Amara. Tila napahiya ang kaibigan ko kung kaya't naitulak nyang palayo si Galvert at sya namang karipas nya ng takbo palabas ng classroom. Hinabol sya ni Galvert. "Wait my Loves! Hindi mo ba nagustuhan ang kiss ko? Gusto mo ba french kiss?" Natatawang wika ni Galvert habang tumatakbo palabas. Nag-aalala ako para sa kaibigan ko. Alam kong galit na galit sya ngayon kay Galvert. Sobra naman kasi ang ginawa ng babaerong iyon sa kaibigan ko. Naiwan naman kami ni Ethan sa classroom. Marahan nyang kinuha ang bag ko at isinukbit nya ito sa kanyang balikat. Napakacute nya habang bitbit nya ang bag ko. "Saan ba kayo nakatira ni Amara? Ihahatid namin kayo." Wika ni Ethan "Ah, hindi pa kami uuwi." Sabi ko Nasaksihan ko ang pagtataka sa kanyang mga mata. "May pupuntahan pa kayo?" Tanong pa nya Umiling lang ako sa kanya. "Magtatrabaho pa kami. Alam mo naman kaming mahihirap kailangang kumayod para mabuhay." Sabi ko sabay kindat sa kanya. Napahawak sya sa kanyang labi na parang hindi makapaniwala. "Seryoso?" Tanong nya Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom. "I really admire those who worked hard just to earn money at the very young age. Minsan gusto kong maranasan yan." Sabi nya Ilang beses akong umiling sa kanya. Nababaliw na yata sya sa mga sinasabi nya. "Naku, kung nabuhay ka na isang mahirap baka hindi mo kayanin. Mahirap maging mahirap. Mabuti ka nga at paggising mo may nakahanda nang pagkain sa harapan mo. Kaming mga mahihirap mag-iisip muna kung ano ang kakainin. Yung swak sa budget lang." Pagkukwento ko. Napasinghap sya at napahawak sa kanyang bulsa. "If you were born to be rich, masasabi mo rin na nakakasawa ang buhay. Hindi ka rin magiging masaya kahit marami kang pera." Makahulugang wika nya Natahimik na lang ako sa sa mga sinabi nya. Kahit pala mayamang tao at maraming pera ay may kulang pa rin sa kanila? Siguro nga hindi lang pera ang makakapagpaligaya sa kanila. Nang makarating kami sa parking area ay naabutan na namin doon ang parang mga aso't pusa na sina Amara at Galvert. Matindi ang bangayan nilang dalawa. Hindi ko alam kung mapapaamo pa ng womanizer ng BFT ang matigas na puso ng kaibigan ko. "Sumakay ka na kasi. Ano ba? Bubuhatin ba kita papunta sa loob ng kotse?" Naiinis na wika ni Galvert "Ayoko ngang magpahatid sayo! Layuan mo na ako!" Sigaw ng kaibigan ko Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Galvert. Mukhang napatid na ni Amara ang pisi ng pasensya nito. "Ah ganon?" Sambit ni Galvert Ikinagulat ko ang pagbuhat ni Galvert kay Amara. Ipinatong nya ang kaibigan ko sa kanyang matipunong balikat. Parang nagbuhat sya ng isang sako ng bigas sa itsura ng pagkakalagay nya kay Amara sa kanyang balikat. "s**t ka! Ibaba mo ako dito!" Sigaw ni Amara Pero wala na syang nagawa dahil ipinasok na sya ni Galvert sa loob ng kanyang kotse. Hindi ko na narinig pa ang lakas ng sigaw ng kaibigan ko. Baka kung ano na ang ginawa ni Galvert sa kanya? Hindi ko talaga sya mapapatawad. "Let's go?" Pagyaya ni Ethan Nakabukas na ang pintuan ng kanyang magarang kotse at nakaturo ang kanyang mga kamay sa loob nito. Inalalayan nya akong makapasok sa loob ng kotse. Nang maisara na nya ang kotse ay umikot sya sa kabila at sumakay na sa driver's seat. Nakakadagdag kagwapuhan kapag  marunong magmaneho ang isang lalaki. Bigla syang lumapit sa akin. Nagulat ako dahil bigla na lang sumusulpot ang gwapo nyang mukha sa harapan ko. Aayusin lang pala nya ang seatbelt ko. Nakakakilig habang inaayos nya iyon. Hindi ako humihinga dahil kinakabahan ako. Nang maiayos na nya ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa presensya nya. "Ready ka na? From now on, hatid sundo na kita, okay?" Sabi nya Para akong mahihimatay sa kindat nya sa akin. Pakiramdam ko ay totoong totoo na boyfriend ko nga sya. Mabuti na lang at hindi ako masyadong nagpapadala sa kanya. May kaunting kilig, pero mas lamang pa rin si Enzo sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD