Chapter 2

2561 Words
Alodia "Look who's here? Ang mga nerdy student na nakakuha ng scholarship. It's so ewww!" Wika ni Myrtle na syang tumulak kay Athena kanina sa hallway. Nakayuko kaming pumasok sa classroom, maliban lang kay Amara na syang laging  palaban. Kung mamalasin nga naman kami oh! Talagang kaklase pa namin ang tatlong bruhang makakapal ang make-up? Nang mapatingin ako kay Amara ay nag-uumpisa na  naman syang sumabog sa galit. "Hoy! Bruhildang makapal ang make up! Hindi mo  ba kami titigilan?" At hindi na nga nakapagpigil pa si Amara. Isiniwalat na nya ang galit sa puso nya. Nasaksihan ko ang pag-usok ng ilong ni Myrtle. Galit na galit sya sa sinabi ni Amara. Napapikit na lang ako dahil talagang malaking gulo ang ginawa ni Amara ngayon. Nakita kong sumusugod sa aming direksyon  ang tatlong bruhildang tila malaki ang galit sa amin. Nakipagtitigan ng masama si Amara sa kanila. Talagang walang kasing tapang itong si Amara. Nakakayanan nyang sabihin ang lahat ng mga saloobin nya. "So? Anong ibig sabihin ng ganyang tingin? Sasaktan mo ako? Then, Go! Para mawalan kayo ng scholarship!" Sambit ni Myrtle. Napakagat labi ako. Natatakot ako sa sinasabi nya. Unang araw pa lang namin sa Universidad na ito ay may tanggalan na agad ng scholarship? No way! Hindi pwede! "Where the hell did you get your courage to call me bruhilda? For your attention, nakapag-aral lang kayo sa Golden Valley because of scholarship. Wala kayong lugar dito! Freak!" Sigaw nya sa amin Kaagad naming hinatak ni Athena si Amara bago pa mahuli ang lahat. Gusto ko pang makapagtapos at ayoko na silang patulan pa. Si Amara lang naman ang malakas ang loob na gustong labanan sila. Pero kami ni Athena, mananatili kaming mapagkumbaba dahil ayaw namin ng gulo. Umupo kami sa gitnang bahagi ng room kung saan may tatlong bakanteng silya pa. Napabuntong hininga ako. Ang sakit sa ulo ng kaibigan kong ito. Inaawat kong muli si Amara dahil nakatingin na naman sya ng masama sa tatlong bruha. Gusto ko nang painumin ng pampatulog ang kaibigan ko para maging behave sya kahit sandaling oras lang. Nanganganib ang scholarship namin dahil sa ginagawa nya. Ilang saglit lang... "Hey! That seat is for BFT only!" Paglingon ko sa pwesto ni Athena ay nakatayo roon si Enzo Zobel. Parang huminto na naman ang oras ng makita ko sya. Yung kaligayahan ko sobrang nag-uumapaw. Hindi ako makapaniwala na classmate din namin sya, at ang iba pang miyembro ng BFT. Wala na akong ibang nararamdaman kung hindi labis na kasiyahan. Nakalimutan ko na nga agad na inaaway nga pala kami kanina ng tatlong bruhilda na syang classmates din namin. Kung minalas kami sa tatlong bruha, ay sinuwerte naman, dahil makakasama ko buong taon ang pinakamamahal kong si Enzo. Wala na ako sa ulirat at hindi ko na alam ang mga nangyayari. Basta ang huli kong natatandaan ay hinila naming patayo ni Athena si Amara dahil tinakot na naman kami ni Myrtle. Nasaksihan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa likod na bahagi ng silid at wala kaming maupuan. Ayos lang kung ang BFT ang uupo sa pwesto namin kanina. Kahit tumayo ako buong maghapon basta makaupo lang sila ay masaya na ako. Ayokong napapagod ang mga mahal ko. Naramdaman ko na lang na may nag-abot ng silya sa amin. Paglingon ko, ay si Ethan Enriquez pala. Napakabait talaga nya. Naupo agad kami ni Amara sa silyang binigay nya. Ngunit kaagad kong napansin ang panginginig ng katawan ni Athena. Halatang halata sa kanyang kilos at itsura na malaki ang paghanga nya kay Ethan. "Ang cute mo chubby bunny!" Wika ni Ethan habang pinisil ang pisngi ng aming kaibigan. Ako talaga ang kinikilig para kay Athena. Alam na alam ko ang nararamdaman nya. Ikaw ba naman ang mapansin at hawakan ng crush mo? Aba, siguro kanina pa ako nahimatay. Umalis na sa harapan namin si Ethan. Naiwang nakatulala si Athena. Naku, mukhang naapektuhan sya sa mga sinabi sa kanya ng good boy na miyembro ng BFT. "Ayee! Hinawakan sya ng crush nya." Pang-aasar ko sa kanya. Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Kahit pilit nyang itago sa akin ang nararamdaman nya ay lumalabas pa rin ito ng kusa. May gusto si Athena kay Ethan at hindi nya ito mapipigilan pa. Muli akong napasulyap sa grupo ng Black Fire Trio. Hindi ako makapaniwala na abot kamay ko na sila ngayon. Ang mga idol ko ay lagi ko nang makakasama. Ang pinakamamahal kong si Enzo ay lagi ko nang makikita. Kakaibang kaligayahan talaga ang hatid nila sa buong pagkatao ko. I love you Black Fire Trio! -- Pagkatapos naming kumain ng lunch sa ilalim ng malaking puno malapit sa quadrangle ay nahagip ng aming mga mata ang Black Fire Trio kasama ang full make up girls na mga bruhilda na sina Myrtle, Chloe at Zabrina. Nasaktan ako nang makita kong kaakbay ni Enzo ang napakaarteng si Chloe. Mukhang sila ang napiling lucky girlfriends ng BFT ngayong buwan. Naiinggit ako sa katotohanang isang buwan silang magiging girlfriend- boyfriend. Sa loob ng isang buwan ay mararamdaman nya kung paano magmahal ang isang Enzo Zobel. "Wow, ang swerte ng tatlong bruha na 'yon huh! Sila ang lucky girlfriend of the month ng Black Fire Trio." Kilig na wika ko. Mukhang naguguluhan si Athena sa mga sinabi ko. Hindi nya yata maintindihan na may nakakakilig na game ang Black Fire Trio. "Ano yon?" Kyuryoso nyang tanong Tumayo ako sa harapan nila at pinag-ekis ang mga braso ko. "May nakakakilig na game ang Black Fire Trio. Iyon ay pipili sila sa mga estudyanteng babae na magiging girlfriend for the month nila." Pagpapatuloy ko Mukhang hindi nagugustuhan ni Athena ang ideyang iyon. Pareho talaga sila ng utak ni Amara, hindi sila makasabay sa trip ng BFT. Basta ako, todo suporta ako sa tatlong boylet ng buhay ko. "Sa loob ng isang buwan ay ipaparanas nila sa lucky girl na napili nila kung ano ang pakiramdam na maging girlfriend ng isang BFT. Pakikiligin ka, aalagaan ka, mamahalin ka nila for one month. Sana mapili ako ni Enzo. Ayeeee!" Pagpapatuloy ko pa. "Inshort, pinaglalaruan nila ang feelings ng mga babae. Kundi ba naman mga stupido at bobo!" Galit na wika ni Amara Ayan na naman si Amara, may matindi talaga syang galit sa Black Fire Trio. Kahit kailan ay hindi ko na yata mababago ang isip nya. "Ayos lang sa mga babae 'yon?" Tanong pa ni Athena Tumango ako ng ilang ulit. Walang ni isa ang tumututol sa game ng BFT. Masaya pa nga ang mga babaeng napipili nila dahil nagkakaroon sila ng pagkakataon na makasama ang mga ito. "Wag ka lang mapupunta kay Galvert dahil nanakawin nya talaga ang virginity mo." Saad ko pa Mas ikinagalit pa ni Amara ang mga sinabi ko. Talagang mainit ang dugo nya sa BFT lalo na kay Galvert Monreal na magnanakaw ng virginity. -- Ilang araw ang lumipas ay lalong tumitindi ang nararamdaman ko para kay Enzo. Isang araw, ay maaga kaming pumasok ni Amara at kami ang nauna sa classroom. Masaya kong binuksan ang aking bag at kinuha mula roon ang isang box ng mga chocolate cup cakes. Nasa magandang box ang mga ito. Pinag-ipunan ko ang pagbili sa cup cakes na ito dahil alam kong magugustuhan ito ni Enzo. "Ano naman yan?" Naiiritang tanong ni Amara Masaya kong inilabas ang stick notes at sinulatan ko ito ng mensahe. To my Baby Enzo, Enjoy your cup cakes! Love, Secret Admirer Kaagad akong nakaramdam ng batok mula kay Amara. "Baliw ka na talaga sa Enzo na yan huh?" Wika nya. Tila bingi ako sa mga sinasabi nya. Idinikit ko ang stick notes sa box ng chocolate cupcake at iniwan ko ito sa ibabaw ng silya ni Enzo. Binigyan ko pa ng matamis na halik ang box ng cup cakes. Kilig na kilig ako habang ginagawa ko iyon. Dali-dali akong bumalik sa silya ko dahil baka may makakita pang iba sa akin. Maya-maya lang ay dumating na si Athena. "Good morning girls." Masayang wika nya "Good morning!" Masaya ring wika ko. Nakamasid lang ako sa cup cakes na nakapatong sa silya ni Enzo. Nasasabik na ako sa magiging reaksyon nya. Paniguradong titikman nya agad ang cup cake na iyon. Isa-isa nang dumarating ang mga estudyante. Ang iba ay napansin na ang cup cakes sa ibabaw ng silya ni Enzo. Lahat sila ay nakiusyoso kung kanino galing ang mga iyon. Wala silang ideya sa pagkatao ng secret admirer ng leader ng BFT. Kaagad ding nag-usisa ang tatlong bruhilda. "Chocolate cup cakes lang ang ibibigay nya kay Enzo? Napakacheap naman. Samantalang ako, nung birthday ni Enzo, I gave him a Gucci shirt and it's really expensive! But it's okay, dahil para kay Enzo naman yon." Wika ni Chloe Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlong bruha at minaliit ang chocolate cup cakes na ibinigay ko kay Enzo. Bahagya akong nasasaktan sa mga sinasabi nila. Hindi ko naman kayang bigyan ng mamahaling regalo si Enzo. Tanging cup cakes lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Maya-maya lang ay dumating na ang Black Fire Trio. Halos dumadagundong sa kaba ang puso ko. "Wow, may secret admirer ka na naman. Astig!" Unang wika ni Galvert. Naupo na sila sa kanilang mga silya. Si Ethan ang unang kumuha ng cupcakes at binasa ang mensahe na nakadikit doon. "I'm sure mahal na mahal ka ng isang 'to. You are very lucky to have her." Wika ni Ethan Parang nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi ni Ethan. Mabuti pa sya ay naappreciate ang ibinigay ko kay Enzo. Kaagad namang kinuha ni Enzo ang cup cake at binasa rin ang mensahe ko para sa kanya. Kinakabahan ako. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Ngunit nakita kong tumayo si Enzo. Mukhang hindi ko mawari ang reaksyon nya. Nakita kong nagtungo sya sa pwesto namin. Kinakabahan ako, alam ba nyang ako ang nagpadala sa kanya ng mga cup cakes? Napapikit na lang ako sa sobrang kaba. Ngunit ang ikinagulat ko ay dumiretso sya sa basurahan na malapit sa amin. Kitang-kita ko ang pagtapon nya sa mga cupcakes na ibinigay ko sa kanya sa may basurahan. Umawang ang labi ko sa kanyang ginawa. Halos mawarak ang puso ko sa nasaksihan ko. Pinaghirapan ko ang pagbili sa mga iyon, ngunit itinapon nya lang? Nangingilid ang luha sa mga mata ko pero kailangan kong pigilan. Naramdaman ko ang pagdamay sa akin ni Amara. Kaming dalawa lang ang nakakaalam na ako ang may bigay ng mga cup cakes na iyon para kay Enzo. Maya maya pa ay kaagad na nagtungo si Ethan sa may basurahan. Nasaksihan kong kinuha nya ang mga cup cakes. "Hey, what do you think you are doing? You must be thankful because someone is admiring you!" Galit na wika ni Ethan Pinagpag nya ang box ng cup cakes. Dinala nya muli ang mga ito sa kanyang silya. "Kung ayaw mo sa mga ito, akin na lang." Wika ni Ethan Naiiritang tumingin sa kanya si Enzo. "Sayo na talaga yan! I don't want to see those cup cakes again. Hindi yata alam ng admirer ko na I am allergic with chocolates." Galit na wika ni Enzo. Napakagat labi ako. Wala talaga akong ideya na may allergy pala sya sa mga tsokolate kaya pala nya itinapon ang mga ito. Huminga ako ng malalim. Hindi ako dapat mainis kay Enzo. Ako ang may mali. Dapat ay nagresearch muna ako kung ano ang mga pagkain na hindi pwede sa kanya. Ako ang may kasalanan. Hindi kasalanan ni Enzo kung itatapon nya ang mga cup cakes. Kailangan nya talagang itapon dahil allergic sya sa mga iyon. Hindi nabawasan ang pagtingin ko sa kanya dahil lamang dito. Mas kailangan ko syang intindihin. Iyon dapat ang mabuti kong gagawin. - Mabuti na lang at tapos na ang isang buwang pagpapanggap ng tatlong bruha bilang mga lucky girlfriends ng BFT. Mas lalo kasi silang yumabang simula ng piliin sila ng tatlong pinakagwapo sa Golden Valley. Habang naghihintay kami sa susunod naming guro ay napansin kong kinukulit ni Enzo si Athena. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil mabuti pa si Athena ay napapansin nya. Bakit ako ay hindi man lang magawang tignan ni Enzo? Pinagmamasdan ko lang sya habang inaasar nya ang kaibigan ko. Nagdarasal ako na sana ay mapansin nya rin ako at gawin din sa akin ang pangungulit nya kay Athena. Nakita kong hinablot ni Enzo ang suot na salamin sa mata ni Athena at parang bata na nagpahabol sa kaibigan ko. "Habulin mo ako Amag!" Masayang sigaw ni Enzo. Sa totoo lang ay ngayon ko lang sya nakita na ganun kaligaya. At binansagan pa nyang Amag ang kaibigan ko, short for Athena Marie Garcia. Ang swerte naman nya. Pero halata naman kay Athena na wala syang gusto kay Enzo o kahit kaunting paghanga sa baby ko. Mabuti na rin iyon para wala akong karibal. Kasi naman,  ang puso ni Athena ay para lamang kay Ethan Enriquez. "Akin na yan!" Sigaw ni Athena Lihim akong nasasaktan habang nakamasid sa kanila. Maya-maya lang ay dumating si Ethan Enriquez na parang isang Prinsepe na tagapagtanggol ni Athena. Sya ang sumalo sa kaibigan ko dahil kamuntikan na itong sumalampak sa sahig kakahabol nya kay Enzo. Si Ethan ang kumuha ng salamin ni Athena mula kay Enzo. "Bad boy!" Wika pa nya Kinikilig talaga ako sa kanilang dalawa. Kung alagaan ni Ethan si Athena ay parang napakaespesyal nitong talaga. Ang haba naman ng hair ng kaibigan ko. Dalawang miyembro ng BFT ang pumapansin sa kanya. "Wow! May tagapagtanggol na pala si Amag?" Narinig kong wika ni Enzo Lumapit sya sa kinaroroonan nina Ethan at Athena. Ngunit ang mga susunod na sasabihin nya ang lalong dumurog sa puso ko. "From now on, my lucky girlfriend, will be--- Athena!" Wika ni Enzo Ang sakit sa puso na ang pinili ni Enzo ay ang kaibigan kong si Athena. Ako dapat ang nasa pwesto nya. Matagal ko nang pangarap si Enzo pero kay Athena lang sya mapupunta? Sa loob ng isang buwan ay magiging lucky girlfriend sya ni Enzo. Nakakainis! Biglang pumasok naman sa eksena ang babaerong si Galvert. "Sa akin naman si Amara. You are my lucky girlfriend!" Wika nya sabay kindat sa matapang naming kaibigan. My god! Si Galvert naman ay si Amarang Amazona ang pinili. Pero wala nang nagawa ang kaibigan namin dahil kinulong sya ni Galvert sa kanyang bisig. Ang swerte naman ng mga kaibigan ko. Ngunit paglingon ko sa aking kaliwa ay sya namang paglapit sa akin ni Ethan. Napalunok ako nang makita ko ang napakaganda nyang ngiti sa akin. Tila nahihiya ako sa mga ngiti nyang iyon sa akin. Mas ikinagulat ko ang paghawak nya sa mga kamay ko. May kakaibang kuryente ang hatid ng mga kamay nya. Hindi ko maintindihan kung ano ang bagay na iyon. "Can you be my lucky girlfriend?" Tanong ni Ethan sa akin. Hindi ako makapagsalita. Tumango lang ako ng ilang ulit sa kanya. Hindi ako makapaniwala na pinili ako ni Ethan na maging lucky girlfriend nya. Napalingon muli ako kina Athena at Enzo. Inggit na inggit ako nang makitang mahigpit na nakayakap si Enzo kay Athena. Sumisikip ang dibdib ko. Bigla ko na lang naramdaman ang yakap ni Ethan sa akin. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit tila may kakaiba sa mga yakap nya? Si Ethan ang hindi ko masyadong pansin sa Black Fire Trio, pero ngayong yakap nya ako ay para bang lumilipad ang puso ko sa sobrang kaligayahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD