Chapter 3

871 Words
SA kabila ng pagkadurog ng puso, pilit na inayos ni Nicolo ang sarili nang balikan niya sa sala si Elliana. Susubukan niyang ituloy ang baking session para hindi na umiyak ang anak. Kasalukuyan silang nanonood ni Elliana ng baking tutorial sa YouTube nang dumating ang mayordoma nilang si Manang Tasia. Bata pa lang si Nicolo ay ito na ang yaya niya, at ngayon ay mayordoma na ng sarili niyang pamilya. Umuwi ng Cebu si Manang Tasia para sunduin ang nirerekomenda nitong yaya na papalit sa dating nag-aalaga kay Elliana, na nag-asawa na. At bago pa man sunduin ni Manang Tasia ang sinasabi nitong anak ng dating kaibigan, inembestigahan na ito ni Nicolo para sa kaligtasan ng pamilya, lalo na ng anak. And so far, okay naman at malinis ang background ng magiging yaya. "Anak, si Jeany nga pala," pakilala ni Manang Tasia sa kasama nito. Parang pangalawa na niyang ina ang mayordoma kaya "anak" ang tawag nito sa kaniya. "Baby, siya ang magiging bagong yaya mo." Baling ni Manang Tasia kay Elliana. "Hello po, Sir! Hello, Baby Elliana!" masiglang bati sa kanila ni Jeany. He shook his head while stably looking at her. Noong una pa mang nakita ni Nicolo si Jeany sa picture nito sa f******k, para na itong pamilyar sa kaniya. Pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Nahalungkat na rin ni Nicolo ang halos buong buhay ni Jeany ngunit wala siyang nakitang may kaugnayan silang dalawa. "Hello po, Yaya Jeany," nakangiting bati rin ng anak niya. Gumanti ng pagngiti si Jeany. Doon napansin ni Nicolo na mas maganda pala ito sa personal, lalo na kung nakangiti. Lumalabas kasi ang malalalim nitong biloy. "What is your name again?" kaswal na tanong ni Nicolo. "Jeany Advincula po, Sir." "Age?" "Twenty eight years old po, Sir, at single." Gusto lang masiguro ni Nicolo na magtutugma ang mga sasabihin nito, at sa mga natuklasan niya. Nakikinig lang sa kanila ang mayordoma. Alam nitong mahigpit si Nicolo pagdating sa mga katiwala o kasambahay. "What about your birthday?" "January 8, 1992 po, Sir," matiyaga at nakangiti pa ring sagot ni Jeany. Bagaman may pagkailang siyang nababasa sa mga mata nito habang tinititigan ni Nicolo. At naiintindihan iyon ng binata. Sanay na siya sa mga babaeng nawawala sa huwisyo dahil sa sinasabi ng iba na kaguwapuhan daw niya. "Kababayan ko ho sa Cebu si Manang Tasia. Solo akong anak at naulila sa mismong high school graduation ko. Naiwan ako sa mayaman kong tiyahin pero ginawa po akong alipin. "Kaya hindi na po ako nakapag-college. Bukod sa pagiging kasambahay ng tiya ko, wala na ho akong ibang naging trabaho, Sir." "Katulad ng sinabi ko sa inyo, anak, sinubukan daw siyang pagsamantalahan ng asawa ng tiya niya kaya napilitan siyang lumayas," sabat ni Manang Tasia. "Kasalukuyan siyang nakikitira sa kaibigan niya nang alukin ko ng trabaho. At doon ko na rin siya sinundo." Tumango-tango si Nicolo. Wala namang iba at mali sa mga sinabi ni Jeany at ng kaniyang dating yaya. "It doesn't matter to me naman if wala kang maraming job experiences. As long as na kaya mong i-assure sa'kin na kaya mong alagaan ang anak ko." "I like her daddy!" bulalas ni Elliana. "She is as pretty as Mommy." Muling napatitig si Nicolo sa mukha ni Jeany dahil sa sinabi ng anak. At hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagba-blush ng dalaga. Lalo itong naging kaakit-akit tingnan. Pasimpleng ipinilig ni Nicolo ang ulo at mabilis na sinaway ang sarili. "Ilang taon din po akong nag-alaga ng pamangkin ko kaya makakaasa ho kayo na kaya ko ring alagaan si Baby Elliana," nakangiti pa ring paliwanag ni Jeany. "Mahilig din po ako sa mga bata." Sumang-ayon din si Manang Tasia sa dalaga. "Totoo 'yan, anak. All around si Jeany doon sa tiya niya." "Good," simpleng sagot ni Nicolo alam naman niya ang bagay na iyon. "Anyway, puwede ko na bang makita ang bio data, police at NBI clearance mo?" "Y-yes, Sir. Wait lang po." Habang tinitingnan si Jeany na nagbubuklat ng bag ay hindi napigilan ni Nicolo ang sarili na pagmasdan ang kabuuan nito. Katulad ni Gwen ay nasa five feet and six inches din yata ang dalaga. Balingkinitan at maganda ang hubog ng katawan nito. Maputi at makinis din. Kasing dilim ng gabi ang bagsak na bagsak nitong buhok. Napakisap si Nicolo at mabilis na nailayo ang tingin kay Jeany nang iabot nito sa kaniya ang mga hinihingi niya. Actually, hindi na niya iyon kailangan dahil mas matibay pa sa police at NBI clearance ang ginawa niyang imbestigasyon sa dalaga. Props lang iyon ni Nicolo para masabing mahigpit siya. Lalo pa't hindi niya puwedeng sabihin kay Jeany, kahit kay Manang Tasia, ang ginawa niyang imbestigasyon. "Thank you," matipid na sagot ni Nicolo. "Anyway, kumain ho muna kayo, Manang Tasia, bago n'yo siya i-briefing. I'll check your requirements first." Tumalima naman ang dalawa. Hindi na rin napigilan ni Nicolo si Elliana na sumama sa mga ito. He was touched nang humawak pa ang anak niya sa kamay ng bagong yaya. Knowing her, hindi si Elliana ang tipo ng batang mabilis magtiwala sa mga stranger dahil tinuruan nila ito ni Gwen. Kaya lalong nakasiguro si Nicolo na magiging mabuting yaya si Jeany sa anak niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD