Kabanata 3

1011 Words
Tessa Ilang sandali pa akong nakatunganga habang pinoproseso ang sinabi niya. What he said is tempting, hindi na kailangang pag-isipan pa. "Alam kong may kapalit iyan, what is it? Am I going to be your s*x slave or something?" Tanong ko, tunog nanghahamon pa. "Woah!" His loud laugh echoed. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay na para bang sumusuko. Mas lalo lang akong na-weirduhan sa kaniya. "I am doing this for my son, miss. Huwag ka sanang mag-isip ng iba pang dahilan," sabi niya kaya medyo kumalma ako. Oo nga naman. Maganda naman ang offer niya at wala naman sigurong masama. Isusugal ko na lang ang lahat, this is for my family after all. "Anong gagawin ko kung gan'on?" "Just be mine," ulit niya kaya napangiwi ako. "Paano ngang be mine? Like... do we need to marry each other para mapanindigan mo 'yang "be mine" mo na 'yan?" Halos masuka ako sa tanong kong iyon. Lagot talaga ako kay Mama nito. Paulit-ulit na bumubulong sa akin ang mga pangaral ni mama sa amin ni Thelma. Pakasalan lamang ang mahal. "There's no need for that." I nodded in relief. Mabuti naman kung gan'on dahil kung ikakasal man ako, gusto kong sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Hindi naman kailangang maging intimate, diba? Be mine na ano lang... like exclusively yours gan'on?" Kung hindi lang professional na usapan ito, kanina pa ako sumuka. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nakakaya ko pang hindi iumpog ang sarili ko sa lamesa lara matauhan ako sa lahat ng salitang lumalabas mula sa bibig ko. "Explain mo kasi, hindi yung basta ka na lang sabi ng be mine. Malay ko ba kung anong be mine 'yan." "You don't need to do anything. Just look after my son, that'll be all, then you can enjoy all the benefits." "So I will be like a Nanny?" I raised a brow. "Nope," he replied. "Then what am I?" Nagtaas ako ng isang kilay habang hinihintay ang kaniyang isasagot. "More like a mother," he pointed out. Nakahinga ulit ako nang maluwag. Pero... mapaninindigan ko naman kaya? Kaya ko kayang gampanan iyon nang maayos gayong wala naman akong karanasan? Wala pa akong anak kaya naman ngayon ay napre-pressure ako. "Bakit puro gain ang sa akin? Hindi ka ba lugi roon? Paano kung hilingin kong bilhin mo ang buong Pilipinas, would you do it?" Hamon ko pero siyempre, biro lang naman. Alam ko namang hindi niya kaya- "If that's what you want," aniya. "N-Nagbibiro lang naman ako sa part na 'yon. Kung gan'on, kailan ako magsisimula?" I laughed awkwardly. "When you're ready." Naningkit ang mga mata ko. Am I ready? O-Oo naman! "I am ready," I said with finality. Sinabayan ko pa iyon ng tango para i-cheer up ang sarili ko. He nodded and blew a loud sigh. Umupo siya ulit sa kaniyang swivel chair. "Also, we need to set up some agreement on this one. Walang pakialamanan. No meddling with one's personal lives. What's yours is yours, and mine is mine. No personal questions also." Tumango ako. Okay... kung iyan ang gusto niya. Iyon na rin ang gusto ko. Hahayaan ko na siya diyan dahil siya naman ang makukunsume. "What about you? Do you have something in mind?" He tilted his head. His eyes diverted on me. "Privacy lang," sabi ko sabay lunok. Sure naman ako na siya rin ang kailangan n'on, hindi lang ako. Parang pareho lang din naman sa sinabi niya iyon, e. "Privacy then, we're all set." After our conversation, ipinahatid niya ako sa magiging silid ko. Sa guest room iyon. Sinabi ko ngang kahit sa mga maid's quarter na lang pero hindi siya pumayag. Wala naman daw kasing gumagamit kaya doon na lang niya ako pinatuloy. Nang makarating ako roon ay naroon na rin ang maleta ko. May mga furnitures din doon kagaya ng dresser at malaking aparador. Iyong totoo? Is this really a guest room? Parang hindi... Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ng mga damit ko ay ang katok sa pinto. Kaagad akong tumayo para mapagbuksan ang kung sinomang kumakatok. Pagpihit ko pa lang sa pinto ay halos mabuwal na ako nang kaagad akong salubungin ng yakap ni Santino. Halata ang galak sa kaniyang mukha nang makita niya ako. Kaagad akong lumuhod para mayakap siya pabalik. "Akala ko po hindi ka na babalik. Akala ko... iniwan mo na rin ako," halos malasahan ko ang lungkot sa kaniyang boses. "Hindi na ako aalis simula ngayon, okay? Nandito na ako palagi. Hindi ka na dapat mag-alala at malungkot." "Really? Does that mean... you're going to live here?" Excited niyang tanong. Tumango ako sa kinurot ang kaniyang pisngi. "Opo..." sabi ko kaya tumalon siya para mayakap ako ulit. "Umiyak ka raw kanina, e." "That's because you left me..." he pouted cutely kaya natawa ako. Muli kong pinanggigilan ang kaniyang pisngi, ngumiwi siya dahil sa ginawa ko kaya tumigil ako dahil baka nasasaktan na siya. "Practice lang 'yon. Kaya kung ayaw mong umalis ako, dapat di ka na rin umalis palagi, okay? You need to behave and obey whatever we say because that is what's best for you," I reminded him. Tumango naman siya at ngumiti. "Okay po... I love you... uhm, I don't know what to call you but... can I call you Mommy?" Natigilan ako. May parte sa akin na naguiguilty dahil pumayag lang ako dahil sa kapalit na ini-offer sa akin ng kaniyang ama. Ni hindi niya nga alam ang tungkol doon. Kung wala kayang offer, papayag ako? I bet not? Bakit parang ngayon pa lang nasasaktan na ako? Hindi ba dapat ay wala lang sa akin ito pero... hindi gan'on, hindi ako tinuruan ng mga magulang ko para maging ganito. "Am I not allowe-" "Yes, puwedeng-puwede mo akong tawaging Mommy." Ngumiti ako sa kaniya. Saka ko na lang iisipin iyon. Isa pa, hanggat walang magsasabi, hindi niya naman malalaman. "Yehey! May Mommy na ako! I have a Mommy now!" Tumalon talon pa siya. Sana lang at hindi na lumluma pa ang pagpapanggap na ito. Sana... hanggang dito na lang ito para wala nang madamay pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD