Kabanata 2

1143 Words
Tessa Sa park ako magpapalipas ng gabi, iyon ang naging pasya ko.Mabuti na lang at hindi pa naman tumatawag sina mama dahil ang akala siguro nila ay nasa eroplano pa ako patungong Singapore.  Wala pa ngang isang araw ay na-mimiss ko na kaagad sila. Tinitigan ko na lang ang larawan naming magkakasama.  Isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata habang nangangako na hindi man ako natuloy sa Singapore, hindi ko sila bibiguin. Bibigyan ko pa rin sila ng magandang buhay.  Itinago ko iyon sa bag na dala ko. Ang maleta ko naman ay niyakap ko na lang. Mabuti na lang at bente kuwatro oras namang bukas ang park na ito at may mga tao sa paligid kahit paano kaya medyo panatag ako. Medyo naaalarma nga lang kapag may napapadaang mga tambay o mga grupo ng kalalakihan.  Mukhanh hindi rin naman ako makakatulog ngayon dahil sa takot na baka paggising ko ay wala na akong gamit. Mabuti na iyong sigurado.  Ngumuso ako habang sinisipa-sipa ang maliit na bato sa lupa. Inulit ulit ko iyon at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang paparating na pamilyar na pigura sa aking harapan.  Iyong dalawang bodyguard kanina na kasama ni Aling Redora.  Ano ang ginagawa nila rito?  Tumikhim ako at yumuko, kunyari ay hindi ko sila nakita.  "Miss," tawag noong isa.  "H-Ha?" Pagmamaang-maangan ko sabay linga sa paligid kahit alam ko naman na ako ang sadya nila.  "Iniimbitahan ka namin sa mansion ni Sir Darius, iyon ay dahil sa kaniyang kahilingan, gusto niya ring humingi ng tawad dahil sa inasal siya kanina," paglalahad naman noong isa.  Kumunot ang noo ko. Hindi ko na inasahan iyon kaya medyo nakakagulat. Well, dapat lang din naman akong humingi ng tawad. Siguro kung ganoon ang mangyayari sa anak ko, magagalit din ako.  Isa pa, ayos na rin iyon kaysa naman manatili ako rito ngayong gabi. Mas panatag ako kung gan'on.  Sumama ako sa kanila. Nagpresinta pa ang mga ito na sila na ang magdadala ng mga gamit ko pero tinanggihan ko dahil nakakahiya naman.  Nang makarating kami roon ay iginiya ako ng isang kasambahay sa sala, akala ko ay nasisante na kanina ang lahat ng kasambahay dahil sa galit ni Mr. Montemayor. Mabuti na lang at hindi naman pala.  "Juice, tubig, soda, kape, gatas o tsa-a po?" Tanong niya nang makaupo na ako sa isang itim na mahabang sofa.  "Tubig na lang po, salamat…"  Tumango siya at ngumiti bago umalis.  Habang naghihintay sa tubig na request ko ay namataan ko si Aling Redora na palapit sa akin habang may dalang tray. Malapad ang ngiti niya sa akin.  "Magandang gabi ho…" pormal kong bati. Inilapag niya naman sa lamesang nasa harap ko ang isang malaking hiwa ng cake. Kaagad akong nakaramdam ng pagkagutom.  "Akala ko masisisante kaming lahat kanina. Mabuti na lang at medyo kalmado na ngayon. Si Santino naman ang nagwala pagkaalis mo at hindi matigil sa pag-iyak. Kailangan pang turukan ng pampatulog para lamang makatulog. Kaya ka nga ipinahanap ni Sir kasi paniguradong paggising n'on, ikaw na naman ang hahanapin," kuwento niya kaya isinantabi ko muna ang pagtingin ko sa cake.  "Kumain ka muna," alok niya sabay tulak ng platitong may cake. Ngumiti ako at tumango. Kahit gutom ay dinahan-dahan ko ang pagkain, dahil ayokong ipahalata kung gaano ako kapatay-gutom.  "Mamaya lang ay ipatatawag ka na n'on sa kaniyang opisina at may pag-uusapan yata kayo. Pasensiya ka na rin kung…" bahagyang natigilan ang matanda kaya napalingon ako sa kaniya nang nakakunot ang aking noo.  "Na ano ho?"  "Kung nasabi ko sa kaniya ang nangyari sa'yo…" ani Aling Redora. Ngayon ay natigil na talaga ako sa pagkain. Nasa bibig ko pa nga ang tinidor dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.  "A-Ano po—"  "Ito na ho iyong tubig niyo," singit noong kasambahay na nagtanong kanina.  Kinuha ko iyon at nagpasalamat. Ininuman ko kaagad para makabawi na sa sinabi ng kaharap ko ngayon na si Aling Redora.   "Ano po ang sinabi? Sana ho ay hindi niya na lang sinab—" muling naputol ang salita ko nang may sumingit na naman.  "Excuse me, miss? Maaari na ho kayong umakyat sa ikalawang palapag po ng bahay. Ihahatid ko ho kayo sa opisina ni Sir Darius, naghihintay na po siya roon," anang isang babae na kaedad ko lang yata. Hinuha ko ay sekretarya ito?  Lito man ay sinundan ko na lang siya. Iniwan ko na lang muna si Aling Redora roon na nginitian lang ako.  "This way, miss…" giya sa akin noong babae na sinundan ko naman. Tumigil kami sa pinakadulong bahagi ng ikalawang palapag, sa tapat ng isang double doors na pinto na may nakalagay na "Tristan Darius Montemayor". Tatlong magkakasunod na katok ang ginawa niya bago niya itulak ang pinto.  The moment she opened the door, tumambad sa amin ang malinis na opisina. Minimal na designs lang ang naroon, walang gaanong mga kagamitan maliban sa iilang mga paintings, lamesa at ang bookshelf na punong-puno ng makakapal na mga libro.  "You may go now," a deep baritone enveloped the whole room. Natigil ako sa pagpuna sa paligid at tumikhim para umayos na.  Nang makalabas ang sekretarya niya ay sinabihan niya akong umupo sa upuan sa harap ng kaniyang lamesa na ginawa ko naman.  Ilanh sandalingang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa bago niya iyon binasag ng isang tanong.  "What's your name?" He asked.  "Therisa, Tessa for short," tipid kong sagot.  Tumango siya at sa maingat na kilos ay umupo siya sa kaniyang swivel chair. He intertwined his fingers at ipinatong iyon sa kaniyang desk. Kung kanina ay kaya ko pa siyang titigan, ngayon sa tingin niya ay para akong yelong unti-unting natutunaw.  "Saan ka namamalagi ngayon?" Sunod niyang tanong na hindi ko kaagad nasagot. Inisip ko pa kasi kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o magsisinungaling ako. Pero sa huli, nanaig ang paalala ni Mama— huwag kang magsisinungaling.  "Sa park," I said as a matter of fact.  Ngumuso siya at nagtaas ng kilay.  "My son is fond of you," it wasn't a question, it was a statement.  Nagkibit ako ng balikat. Siguro nga tama siya.  "So… I was thinking if we can talk about this and make your life easier," sabi niya na para bang matagal niya na itong napag-isipan. He talk so light as if he's just in front of a businessman.  Hindi ako umimik. Medyo may ideya na ako pero ayoko namang mangarap nang gising.  "I have a proposition, actually…" aniya. His thumb and index finger's caressing his chin.  Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Alam siguro na anuman iyon ay tatanggapin ko na basta lang ay marangal at makakatulong sa akin.  "What i-is it?" Ang kaba sa aking boses ay hindi nakatakas.  He shifted on his seat. Tumayo siya pagkatapos ay itinuko ang kaniyang mga palad sa lamesa.  "Be mine and I'll give you everything you desire," he said that made my jaw drop. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD