Chapter 1- Mr. Z

2250 Words
Chapter 1- Mr. Z Tureng "Tureng, san na naman ba tayo pupunta? Agang aga nag wawala ka sa tapat ng pinto ng condo ko?!" Nagsisigaw si Alleon habang nagdradrive ng bmw nya. "Puyat ka ah." Sabi ko habang may chinecheck sa memo ko. "Malamang! Pinuyat mo ko kagabi! Halos rapin mo na ako para lang dyan sa sinusulat mo!" Hindi pa rin sya kalmado. Binaba ko ang memo at nagkamot ng ulo. "Ano ka ba Alleon, friends tayo di ba? Support me, please." "Oo kaibigan kita pero ilang beses ko na ba sinasabi sayo humanap ka ng totoong trabaho!" Ginulo nya ang buhok nya na magulo na. Paano kasi hinigit ko na lang sya basta sa condo nya. "Ano ka ba Alleon, this is my passion. Writing is my husband." Masaya kong tugon habang kinakalikot ang manuscript. "Sa Quezon tayo, sa Pahina Publication." "Driver mo na pala ako ngayon." Busangot pa rin mukha nya. Lumapit ako at kinaliti ito sa may gilid ng tyan."Naku, naku. Tampo na naman si Alleon. Wag ka na magalit." "Wag mo nga akong kilitiin! Maaksidente tayo!" "Hmmp! Taray mo!" Busangot ko. Ganyan lang naman si Alleon pero susunod din yan sakin. Di ako matitiis ng kumag na yan. Anyway, it's been a year simula nung nagtago ako mula sa kasalanan ko noon. Hayys. Sana mapatawad ako ni Ellie sa ginawa ko. Wala na rin akong balita sa kanila. Hangang ngayon kasi nagsisi ako sa ginawa ko. 22 years old na ako ngayon. Single at naghahanap pa rin ng Papa. Syempre hindi pwede tumandang dalaga ang lola nyo, sayang ang lahi. Writer ang trabaho ko pero hangang ngayon wala pa ring gusto kumuha ng mga gawa ko! Hindi ba nila alam kung anong gem ang sinasayang nila! "O nandito na tayo Mam." Wala sa mood na sabi ni Alleon at lumabas na ng bmw. Lumabas na rin ako at nakita ko ang matayog na building ng Pahina Publication. "Pumasok ka na." Bore nyang sabi pero hinigit ko sya. "Kasama ka syempre!" Nagpipiglas pa sya. "Wag ka ngang pabebe!" Iirita na ko ah. Pagkapasok pa lang namin kita ko na ang mga mamahaling glass sa wall. Wow! Hindi basta basta tong publication na to! "Uy girl tignan mo yung guy o kamukha ni Dave Franco." Narinig kong sabi nung receptionist habang papalapit ako pero hindi iyon narinig ni Alleon dahil nagpapabebe pa rin ito. Ngumiti ako sa dalwang babae. "Good morning Miss." Malambing na sabi nung babaeng may katangkaran sakin pero ang eyeballs nya kay Alleon nakatingin. "Miss, sino ang editor in chief ng publication na to? Pwede bang makausap." tanong ko habang naka tali ang bisig ni Alleon sa bisig ko. Baka maka wala pa to eh. "Miss, may nakaschedule ba kayong appointment?" tanong nito. Napakamot ako ng ulo. "Wala eh. Di ba pwedeng imeet na lang sya?" "Naku, miss hindi pwede eh." Agad kong hinila si Alleon palayo sa kanila. Dito na papasok ang role ni Alleon. Tinignan ko ito at bagot na bagot. Halata nga ang puyat nya dahil sa maiitim sa ibaba nyang mata. "What now?" Bagot nyang sabi. Tumingkayad ako at hinawakan ang pisngi nya matangkad kasi ang lalaking to. "Alleon may papagawa ako sayo." Tumingin sya sakin ng malalim. A deep stare that every woman who stared back will fall. Malalag ang panty pero hindi ako dahil mag buddy lang tingin ko sa kanya. Tama ang receptionist kanina. Kahawig nya yung Hollywood actor na si Dave Franco, he has the perfect jaw, perfect nose, perfect lips at perfect face at iyon ang magiging pain ko sa dalwang malandimg receptionist na yon. Hahaha! "Landiin mo yung dalwang receptionist habang papasok ako sa loob ng office nila. Gets mo na? Nagawa na natin to before kaya mo na to!" Pabulong kong sabi sa kanya pero nakakunot na ang tingin nya sakin. Nagpuppy eye ako at pumikit ito. "Tureng, you know what I hate to do this. Lagi mo na lang akong ginagawang bugaw." medyo seryoso sya. Ewan ko ba sa kanya parang pagod na pagod na ewan. Puyat lang to. "Ano ka ba wag ka na nga maarte dyan. Last na to, please." Nagpuppy eyes pa rin ako habang hinawakan ko na ang kamay nya. "Hindi mo man lang maisip ang mararamdaman ko." Seryoso pa rin ito. This time ako naman ang napakunot ng ulo. Umalis na sya sa harap ko at tumungo sa mga receptionist. May regla ba yon? Umiling na lang ako at pumunta na rin sa kinaroroonan nila. Halatang namumula na yung dalwa. Napakalakas talaga ng impact ni Alleon sa mga girls! "Miss CR lang ako ah. Kayo ng bahala sa friend ko." Sabi ko sabay palo sa pwet ni Alleon na alam kong di na bago sa kanya. Agad ako nagtago at hinanap ang office ng EIC nila. Master ko na ang ganitong bagay kaya yaka na sa akin. Nahanap ko naman agad. Hindi na ako nagpabebe pa at nagwarning knock ako at agad pumasok. Tumambad sa akin ang lalaking nakatalikod at nakaharap sa malaking bintana nito. Whooo! Sexy ng pwet nya ah! Ang tambok! Char. Fit na fit kasi. Hulma din yung pang itaas nyamg business attire sa braso nya. Mukhang naggi-gym si Mister! "Hi Sir, I am Tureng. I'm here to Submit a manuscript." Hyper kong sabi habang nag umupo na ako sa upuan. Dahan dahan ito humarap sakin at talaga naman parang nag slow motion. Bes, kilay pa lang ulam na. "I don't remember I have an appointment today."whoo! Bes, lalim ng boses. Lalaking lalaki! I flipped my hair. "Yes, I know right! Pero believe me, This. Is. The. Best. Moment. Of. Your.Life" smile widely sabay lagay ng manuscript sa desk nya. Tumingin ito sakin. Pakiramdam ko tuloy meron ng Christian Grey ang Pilipinas! Ang hot nya tapos yung mata nya parang hihigupin ang ovaries ko. Napapakagat tuloy ako sa ballpen kong hawak naiinpersonate ko tuloy si Anastasia Steele! Kung alam ko lang ganito sana nagpalagay ako ng bangs. "What's your name?" Seryoso pa rin ang mukha nya pero ang gwapo pa rin. "I'm Turfina Wirfana a.k.a Tureng. I'm 22 years old, single and ready to mingle." Walang halong kaba kong sabi habang nililipat nya na ang pahina ng manuscript ko. "Ang Babaeng Di Na Virgin." Kunot nyang tugon habang binabasa ang title ng story ko at tumingin sya sa akin na patuloy ko pa rin kinakagat yung ballpen. Baka mainlove din sya sa akin kagaya ni Mr. Grey. Saglit syang napatingin sa labi ko. Oh M G! Epektib nga! Galing pala nung author ng Fifty Shades of Grey! Maya maya tumingin na sya sa akin at napansin kong nakangiti na sya. Megad nasisilaw na ako sa kagwapuhan nitong nilalang na ito. "Are you trying to seduce me?" He's still smiling. "Hindi no! Tingin mo sakin? Pokpok?" Irita kong sabi. Nagdedaydreaming lang naman ako pero kahit gaano pa sya kagwapo hindi pa akong handang pakasalan sya. Nilobo ko ang pisngi ko. Habbit ko na kasi yun kapag frustrated or naiinis. "You're cute." Nakangiti pa rin ito. I crossed my arms. "I'm not cute, I'm beautiful." Nakangiti pa rin ito at umiiling. "Do you know who I am?" "Of course, ikaw EIC noh." "No, do you know my name Miss Wirfana?" he look at me intensely. "Hindi. Obviously pumasok lang ako basta." Sabay kamot ng ulo. Tumayo sya at kinabit ang butones na bukas. He lend his hand towards me. "I am Zachariah Ruiz, editor in chief of Pahina Publication." Napapikit pa ko ng mata paano kasi pakiramdam ko nag glitter ang buong pagkatao nya. Edward Cullen lang ang peg. Tumayo din ako at nakipag kamay.. Oh bes, ang init ng kamay pang romansa talaga! Hahaha! Ang dumi talaga ng utak ko. "We will call you for updates in your manuscript." "Talaga lang ah. Wag nyo ko papasahin ha. Pramis, maraming aral dyan sa sinulat ko. Di masasayang oras mo." "I hope, Miss Wirfana." he smiled friendly. Nagkibit balikat ako. "Okay so. Alis na ko Mr. Z baka nirerape na ng mga receptionist nyo yung kasama ko." Sabi ko sabay kuha ng bag ko. "Mr. Z?" "Oo? Masyado bang FC ako? Haba eh. Mr. Z na lang. Geh bye Mr. Z! See you soon!" Sabi ko sabay palakad sa pinto kita ko pa ang pagkunot ng noo nya pero nakangisi. Nadatnan ko si Alleon na wala na sa receptionist desk. Sabi nila ay umalis na daw. Agad akong pumunta sa parking lot at nakita ko sya doon na nakasandal sa bmw nyang kulay white habang naninigarilyo. "Pinapatay mo talaga sarili mo noh?" Nakapamewang ako na humarap sa kanya. Mukhang di nya ata naramdaman ang presensya ko kaya nakita ko pang nagitla sya. Napatingin sya sa sigarilyo at umihip pa ulit at binuga pa talaga sa mukha ko saka nya tinapon. "Walanjo to! So dinadamay mo pa talaga sa pagpapakamatay mo ah! Alam mo bang nagiging second hand smoker ako sa ginagawa mo!" Sabi ko habang papasakay sa loob. Nasa driver's seat na sya. "Oo na titigil na po." Sabi nya habang pinaandar na ang sasakyan. "Uwi mo na ko sa dorm, Al. Pagod na ko." Sabi ko. Wala pa kasi akong tulog dahil excited akong matapos ang sinusulat ko. Nakatihaya na ako sa upuan. Tumingin sakin si Alleon at hinipo ang noo ko. "Inaatake ka na naman ba ng heartburn?" Inalis nya na yung kamay sa ulo ko. "Hindi no. Puyat lang to wala pa kong tulog" sabay hikab. Inalis ko na ang harry potter eyeglass ko at nilagay sa bag. Nilugay ko na rin ang buhok ko nakabun kanina. "Sana matangap na yung manuscript." Pagod kong sabi habang papalit palit ang tingin ni Alleon sakin at sa daan. "Ano bang sabi?" "Just like the same. Tatawagan na lang daw. Ganon din sabi sakin before in the end ilalagay lang din nila sa basurahan." "Normal lang yon. Failures are the roads to success. Just don't give up, Tureng." Tumingin ako sa kanya with a touching look. Kinurot ko pisngi nya. "Kaya kita gusto eh. Napaka supportive mo!"sabi ko sa kanya. Tumingin sya pabalik sakin. Nakangiti ito. "Pero alam mo ang pogi nung EIC! Ang yummy!" Sabi ko biglang wala naman ng ngiti nya at hinawi ang kamay ko sa pisngi nya. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ang mga ganyan lalaki mga f**k boy." "Sows. So ganun ka din?" "Hindi dahil andyan ka." Nakatingin pa rin ito sa daan. Napakunot ako ng noo. "Ha? Di ko gets?" "Do you think I can grab a girl that want to make out with me when you always calling me?" Mataray nyang sabi. Taray taray naman nito. I pout my lips. "Maglagay ka nga ng petroleum gelly sa labi mo putok putok na oh." He said still looks so irritated to me. Napahipo tuloy ako sa labi ko. "Oo nga no. Laway lang to."sabay tumuon ako sa kanya. "Lawayan mo nga Alleon." sabay nguso ko. Agad nyang tinakpan ng palad nya ang mukha ko at napabalik ako sa upuan ko. "Yang pang aasar mo Tureng ah pag ako naasar sayo puputok yan labi mo." Napatakip ako ng labi. "Omg Alleon napaka harass mo! Alam mo pag nanakit ka ng babae ay di ka na lalaki!?"sabi ko habang natatakot na. "Puputok lalo yang labi mo dahil sa halik ko." Malalim nitong sabi na kinaluwag ng hininga ka. "Yun lang pala. Linawin mo ah!" Hyper kong sabi habang nakikita ko na ang daan sa nirerentahan kong dorm. Nakita ko pa so Aling Puring na may nilalabas na mga gamit. Hala, kawawa na naman may pinapaalis na naman syang nangungupahan. Nipark na ni Alleon ang sasakyan habang lumabas na ko. Papasok pa kasi si Alleon sa dorm ko baka matutulog. Ganon naman kami lagi minsan sa condo nya ako. "Aling Puring! May pinapalayas na naman kayo. Hahaha! Kawawa naman yun di nyo man lang sinabi na inaalis nyo na gamit nila." Masaya kong sabi habang paakyat na ng hagdan. Matalim na tumingin sakin si Aling Puring at pumewang. "Hoy Tureng sayo tong gamit na to!" Nanlaki ang mata ko at saka tumingin sa mga gamit atsaka ko lang narealise na sakin nga to! "Hala! Bakit ho!?" "Anong bakit ho? Nung isang taon ka pa hindi nakakabayad! Pinagbibigyan lang kita dahil parang lagi mo kong binubudol budol sa mga pambobola mo!" Napakamot naman ako ng ulo. "Naku, aling Puring, maganda naman kayo kahit 70 na. Mas maganda pa nga kutis nyo sakin! Sa isang buwan na ko magbabayad may kukuha na ng mga sinulat ko!" Inalis ni aling Puring ang pagkapit ko sa balikat nya. "Hay nako Tureng wala namang gustong kumuha dyan sa mga sinusulat mo kaya maghanap ka na ng tunay na trabaho!" Nag walk out na ito. Nilobo ko ang pisngi ko. At sabay tingin sa gamit ko. San na ko titira? Wala pa kong pang renta. Ayoko pa man din umuwi ng probinsya. May biglang tumapik na balikat ko at nakita ko si Alleon na dinadampot ang mga gamit ko na nagkalat sa daan. "Sakin ka na tumira." He said without looking to me. Napako ako sa kinatatayuan ko at bigla ko itong niyakap mula sa likod muntik pa nga itong mapausdos dahil naka yuko. "Napakabait mo talaga Alleon! Hulog ka ng langit! You're my soul brother!!!!" Sa sinabi kong yon bigla nya inalis ang pagkakayakap ko at tumalikod. "Soul soul brother ka pa. Kuhain mo na mga gamit mo!" Irita na naman sya habang papunta sa kotse nya. Problema non! Pero atleast titira na ko sa kanya! Yipee!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD