Chapter 3

1821 Words
Pagkatapos ng photoshoot ay agad namang umalis ng building si dana at pumunta sa Bahay ni sam. “You look so tired.. What did you do?” Sam asked.. bumuntong hininga naman si dana. “Galing ako ng photoshoot with KZ fashion.. It’s really tiring working with unprofessional people. ” she said. Umupo naman agad si sam sa tabi niya. “Is karina told you about the fashion show in dubai?” nilingon naman siya ni dana. “Yeah! She called me yesterday. You too? ” tanong naman nito. “Yes. You knew we can't say no to her. ” pabirong sabi naman ni sam at ngumiti naman si dana. “Hey sam. Do you still remember Iñigo? Our classmate in college..” sam look at her. “Yup! Why? ” sumandal naman si dana sa couch. “He has his own fashion clothing brand in New York. He sent me message in email. He wants me to be his model for his brand.” Napasandal naman si sam. “Then what did you say? ” excited namang tanong ng kaibigan at napalingon naman si dana dito. “Hindi ko pa sinagot ang offer niya. I'm still thinking about it! ” sambit nito. “What?! Why? It's a big opportunity dan.. Hello.. You’re going to work in New York. And you had a chance to be become a supermodel. ” napailing naman si Dana sa sinabi nito. “You know dad wouldn't let me go. Ako na lang ang kasama nila since nagka family si kuya. ” ngumuso naman si sam. “Sabagay! ” tumayo naman agad si Dana at nagpaalam na kay sam. “I’ll go ahead.. I’m having a dinner date with mom and dad. ” saka nito kinuha ang kanyang bag. “Ok. Take care” bilin ni sam at umalis na rin si dana at tinungo ang restaurant kung saan sila kakain ng parents niya. Sa kaparehong restaurant naman nagkayayaan ang magkaibigang Marco at ivan.  Naupo sila sa isang table malapit sa center at agad silang nilapitan ng waiter para ibigay ang menu ng biglang dumating si dana at pumasok sa restaurant. Napatigil naman si Marco ng makita niya ang magandang dalaga. She's so beautiful.. “What’s your order marco?” tanong ng kaibigan nito pero hindi niya naririnig dahil nakapokus ang kanyang atensyon sa dumating na magandang dalaga. “Marco?” tawag ulit ng kanyang kaibigan at nagulat naman siya at napatingin sa kanyang kaibigan. “Are you okay? Tulala ka e.” napaupo naman siya ng maayos. “Yeah! I'm Ok..” nakataas naman ang kilay ng kanyang kasama at napanguso. “What’s your order marc?”  tiningnan naman ulit ni marco ang menu. “Skillet Garlic Butter steak with shrimp. ” sambit ni marco at isinulat naman ng waiter. “mine is Seared steak with garlic mashed & sauteed broccoli please..” order naman ni Ivan. Nilapitan naman ng waitress ang bagong dating na si dana. “Good evening ma'am. Do you have any reservations?” Salubong nito. “Yes. Reservation from Mr. Dela Fuente...” sagot naman nito. “Oh yes ma'am. This way please...” yaya naman ng waitress sa kanya papunta sa naka reserve nilang table at sinundan naman ng tingin ng binata ang dalaga na nakasunod sa waitress. Nagtataka naman si ivan sa kanyang kaibigan at napalingon ito sa likod kung saan nakatingin c marco pero hindi na nito nakita ang mukha ng dalaga dahil nakapasok na ito sa kabilang side ng restaurant. “Sinong tinitingnan mo?” tanong nito at ibinaling naman ulit ni marco ang tingin sa kanyang kaibigan. “Haaa? Wala. Napatingin lang ako sa magandang painting sa wall. ” pagsisinungaling nito. “By the way, kamusta ang hotel mo sa ortigas?” marco asked. “Ok naman. Mas tumaas ang records kumpara noong nakaraang taon. So how's life in Italy? Kamusta ang mga babes doon? Siguro marami ka doon noh?” biro ni Ivan. “Baliw! Wala... nagcoconcentrate ako sa hotel and I don’t have time to hang out with womens.” Sagot naman nito.  “Oh! Come on. Masyado ka namang seryoso sa buhay marco. Have some time to relax…” tugon naman ni ivan pero ngumiti lang si marco. “Matagal ka ring hindi nakauwi dito. So, Are you staying here for good?” Ivan asked him again. “Yes, Dad is getting old. He wants me to take over the company.” Sagot ni marco. “What about Max? When is her engagement?” napasandal naman si marco. “Well, max is fine. She's busy with her career kahit na tutol si dad sa trabaho nito at business.. You know my sister..pagdating sa mga gusto niyang gawin nobody can stop her even dad.” at parehong natawa ang dalawang binata. “Yeah! I know.. Max is very hardheaded and she'll do what she wants..” sambit naman ni ivan. “Alfred just got back from England..maybe they’re already planning for their engagement.” Tumango naman ang kaibigan nito. Sa kabilang side naman ng restaurant ay naupo na si Dana sa kanilang table habang hinihintay ang kanyang parents. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanyang ina at ama. Tumayo naman si Dana para humalik sa mga ito at agad na silang naupo. “Oh anak..You look so tired..” mama said. “Yeah! It’s a very tiring day. Inabutan pa ako ng traffic kanina sa daan habang papunta sa photoshoot.” She replied… maya-maya pa nagsimula na rin silang umorder at kumain. Di nagtagal ay tapos na rin sa pagkain sila Dana ganoon din sila marco na nasa kabilang side. “Sandali lang at pupunta lang ako sa comfort room.” Paalam ng ama nito. Sakto namang nasa loob din ng comfort room si marco ng pumasok ang matandang Dela Fuente. Napatingin naman si marco sa papasok na matanda habang naghuhugas ng kamay. “Tito Ferdie?..” tawag ni marco dito. Napatigil naman ang matanda ng magsalita ito at nakatitig lang sa binata. “Ako po ito si Marco..Antonio Sandoval’s son.” Pagpapakilala naman nito at nagulat ang matanda. “Naku hijo pasensya ka na at hindi kita nakilala.. naku! Napakagandang lalake mo naman. Kailan ka pa nakauwi dito sa pilipinas?” tanong naman nito. “Noong nakaraang araw lang po tito. Masaya po ako at nagkita tayo dito. May ka business meeting po ba kayo dito?” marco asked. “No hijo. I’m having a dinner date with my wife and my daughter.” Ngumiti naman siya dito. “Ikaw? Are you with someone? Date?” pilyong tanong naman ng matanda at napangiti naman siya “No tito. I’m with my friend Ivan.” Tumango naman ang matanda. “Sige po. I’ll go ahead tito. Paalis na rin po kasi kami.” Paalam nito. “Osige hijo. Ikamusta mo na lang ako sa daddy mo.” Sambit naman nito. “Opo tito. I will.” At agad na lumabas na ng comfort room si marco. Maya-maya pa ay bumalik na rin sa kanilang table ang ama ni Dana at lumabas na rin sila ng restaurant. Habang papalabas ng restaurant sila Dana ay siya namang pag-alis ng sasakyan nila marco. Pagdating sa kanilang bahay ay dumiretso na si Dana sa kanyang kwarto at nahiga dahil sa sobrang pagod sa araw na yon. Ang binatang si marco naman ay tumambay muna sa balkonahe sa labas ng kanyang kwarto at umiinom ng wine habang iniisip ang magandang mukha ng dalagang nakita niya sa restaurant. Who is she? Tanong nito. Makalipas ang isang linggo ay tumawag kay Dana ang manager nitong si Dino na meron siyang naka schedule na fashion show sa gabing yon kung kaya’t kailangan niyang umattend ng rehearsal ngayong umaga pero 9am na siyang nagising. agad naman siyang naligo at nagbihis hanggang sa inabot na ng 12noon ay wala pa rin si Dana.. She’s on her way to the place but then again she’s stuck on the traffic. “Can you reach her?” tanong ni Mabel ang isa sa organizer ng event sa kasama nitong si Apple na tumatawag kay Dana. “It’s ringing but nobody is picking up.” Sagot naman ni Apple. Napakamot naman sa kanyang ulo si mabel sa sobrang stress. “What’s wrong with her?. Kung male-late siya sana naman nagsabi siya o di kaya sumagot siya sa tawag para hindi tayo naghihintay.” Irita ni Mabel.. “Huwag mo na nga siyang tawagan. Asikasuhin mo na lang ang ibang models” utos ni mabel kay apple. “Dapat kasi hindi na nila hina-hire yang si Dana..hindi mo ba naririnig na ang sama ng ugali niyan? Kausapin kaya natin si…” hindi na natuloy ni apple ang kanyang sasabihin ng biglang dumating si Dana.. “Come on... Why are you calling me nonstop? I already accepted this job so I know my responsibilities. Couldn’t you wait a little?” inis namang sabi ni Dana. “Ok..ok.. total andito ka rin naman please magpalit ka na lang ng damit at mag-ayos para ready na sa show mamaya” pakiusap naman ni Mabel na nagtitimpi lang sa inis sa dalaga. Pagdating ni Dana sa dressing room ay nagulat siya sa dami ng tao. Models, make-up artists pati ang mga back up dancers. Napanganga ito sa inis at humarap kay mabel. “What is this? Is this a dressing room or evacuation area? Gusto mong makipagsiksikan ako d’yan?” singhal nito kay mabel. “Pasensya ka na..ito lang kasi ang dressing room na para sa atin. Yong sa kabila kasi closed.” Paliwanag naman nito.. Napapikit naman si Dana at huminga ng malalim. “Which agency is this? Why can’t you be ready after accepting the job?..kung wala kayong idea..just ask.” pagalit nitong sabi pero tahimik lang ang dalawa. “You want a good work and you want to be the talk of the town but you’re unprofessional. I don’t like it!” dugtong ni dana na naka pameywang. “Do you want me to be on that stage? If not, I will leave now.” turo naman nito at nataranta naman ang dalawang organizer nang bigla sumulpot si Maxine kasama ang alalay nitong si Barnie.. “Do you have any issues?” tanong ni Maxine na nasa likod ni Dana at napalingon naman siya rito.  “Are you playing hard to get to raise your price? How many thousands do you want? Suggest the price. ” Maxine said again. Nagcross naman ng kanyang kamay sa dibdib si Dana at humarap kay Maxine. “I’m too rich and don’t want anybody’s suggestion… So stop interrupting! By the way, who called you from hell to be here?” Pagtataray naman nito kay Maxine. Napakagat naman ng labi nito ang dalaga sa sinabi ni dana. Lumapit naman ito ng bahagya kay Dana. “Didn’t you know that I’m the co-moderator of the event you’re modelling for?” napangisi naman si Dana at umiling-iling na siyang kinainis ni Maxine “Ohhh! Thank you for telling me! I know now that I didn’t make a mistake when I canceled this job.” Sambit ni Dana. “Next time. Don’t introduce to me your events. It’s giving me Goosebumps!” saka tumalikod si Dana at umalis sa lugar na yon. Napalingon naman si Maxine dito na halos sasabog na sa galit. “Mother... paano na yan umalis si Dana siguradong magagalit si Mam Lia.” Sambit ng alalay nitong si barnie. Nilingon naman siya ni Maxine na galit na galit. “Shut up!” singhal nito sa alalay at umupo sa harap ng stage. May araw ka rin sa akin Dana... makikita mo.. nanggagalaiti nitong sabi habang nakakuyom ang mga kamay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD