MBSW 1

2011 Words
//BELLA POV// MAINIT, MAUSOK, nakakapagod. Heto palagi ang kanyang trabaho. Almost 6 years na siya bilang isang professional chef at ganito parati ang nararamdaman niya sa tuwing umuuwi siya ng bahay. Bilang isang chef, hindi pwede sa kanya ang hindi focus at maging mahinhin sa trabaho. This is her job. Her dream job. "Two orders of Salmon Quenelles and Mussel Gratin! Also 3 orders of Lobster with black bean salsa!" Hindi magkandaugaga ang mga kasamahan niyang mga chefs dito sa kitchen dito sa tinatrabauhan niyang hotel, ang Lé Alessandré Luxury Hotel. Peak season na kasi ngayong buwan and it's Valentine's day. Kaya lahat ng couples at business-related pleasures ay nandito para sa kani-kanilang salo-salo. "Hurry up! We don't want to waste our time! Cook faster!" Tawag ulit sa kanila ng head chef. "Hey, Bella!" Tawag ni Leandon sa kanya. Isa rin itong chef at kasamahan niya sa trabaho. Isa rin ito sa malapit ng kaibigan. "Halika muna saglit at tikman mo muna ang sauce na ginawa ko. Hindi ko kasi matancha kung tama ba ang timpla nito."  Pumunta siya sa pwesto ni Leandon at kumuha ng teaspoon at tinikman ang ginawa nitong sauce. "Hmm... It's good Leandon. Teka, bakit nagtatanong ka pa eh ginagawa mo naman ito gabi-gabi?" tanong niya rito sa kaibigan.   "Naku Bella. Alam mo naman kapag ganitong peak season, naaapektuhan ang trabaho ko. Ang daming orders ngayon. Siguro pati ang panlasa ko nawawala na." Nagalalang sagot nito.  Natatwa siya. "Naku naman Leandon. Huwag mong sabihin na naaapektuhan ka dahil Valentines Day ngayon?" Mas natatawa pa siya lalo dahil napanganga ito sa sobrang gulat at umiling ng todo. "Hindi ah! Ba-bakit naman ako maapektuhan? Wala naman akong---alam mo na...lovelife?" Sa sobrang umiling ito ay siya na ang umayos sa suot nitong salamin na nahuhulog na. "Don-don, wala akong sinabi. Nagtatanong lang ako. Oh siya, babalik na ako sa pwesto ko baka magaalburoto na naman ang head chef sa natin."  "Sige Bella! Salamat sa tulong!" Kumaway ito sa kanya at bumalik na siya sa kanyang pwesto para magpatuloy sa pagluluto. Her life right now is very busy. Isa siyang chef sa pinagtatrabauhan niyang hotel na kilala sa buong bansa at sa mundo. Kaya hindi na siya nagtatataka na hanggang hating gabi matatapos ang kanyang trabaho dahil sa mga pagkaing inihahanda nila at walang katapusan customers na nagdadatingan.  Kahit nakakapagod ang trabaho niya hindi na niya iniinda ang sakit ng kamay, braso o kahit anong parte ng kanyang katawan pagkauwi niya sa inuupahan niyang apartment. Nakasanayan na niya at dedicated siya sa kanyang trabaho.  She loves cooking ever since shes was a child. Noong magkasama pa silang nagluluto ng pagkain ng namayapa niyang ina. Housewife kasi ito at ang papa niya naman ay nagtatrabaho bilang isang finance manager sa isang bangko.  Marami siyang natututunan sa kanyang ina. Kurso kasi nito dati ay culinary arts pero hindi na nito tinapos dahil nabuntis ito ng kanyang ama at siya ang naging bunga. Kahit ganon ang nangyari walang pinagsisisihan ang kanyang ina dahil mahal na mahal nito ang kanyang papa at sinakripisyo nito ang pangarap para maalagaan siya ng husto. Akala niya hindi na matatapos ang masayang pamilya nila ng may nangyaring aksidente sa kanilang pamilya at iyon ang sabay na pagkamatay ng kanyang mga magulang ng 12 years old pa lamang siya. Kaya naman simula noon sa kanyang auntie, kapatid ng mama niya siya tumira. Hindi niya lubos akalain na ituturing siyang hindi pamilya nito. Kahit ang pinsan niya ay ayaw sa kanya. Ginagawa siyang alila at sinasabihan ng masasakit na salita. Sinisisi din nito sa kanya kung bakit namatay ang kanyang mama at papa.  Tiniis niya ang mga masasakit na salita at pangaabuso ginagawa sa kanya. Kaya nagpursige siyang mag-aral para makakuha ng scholarship sa high school para wala ng alalahain na panggastos para pag-aralin siya. Kahit naman siguro meron pera ayaw ng kanyang auntie na maglalabas ng pera para sa kanyang kinabukasan. Hanggang isang gabi, isang linggo bago ang graduation niya sa high school, paguwi niya galing graduation practice, wala sa bahay ang pinsan at auntie niya. Kalat ang mga gamit sa bahay. Pati kwarto ng dalawa ay nagkalat din. Tinignan niya ito at ang mga damit at gamit ng dalawa, pati rin ay nawawala. Kinabahan siya kaya patakbong pinuntahan niya ang kanyang maliit na kwarto at tumambad sa kanya ang nagkalat niyang mga damit at gamit. Hinanap niya ang inipon niyang pera para sa pangtustos para sa kolehiyo pero nawala rin. Ang garapon na may pera na tinatago-tago niya ay nawawala rin. Lumayas pala ito tangay ang naipon niyang pera. Noong pangyayari na iyon, sobra-sobrang kinawawa ang kanyang sarili. Pakiramdam niya lahat na ng nangyayari sa buhay niya ay puno ng kamalasan at paghihirap. Gusto na niyang sumuko. Hindi siya galit kanino man. Galit siya sa sarili niya. Bakit? Bakit ganito ang dinaranas niya? Sana kasama siya sa aksidente ngyari sa kanyang mga magulang. Kaya sa araw ng kanyang graduation, hindi niya maramdaman ang saya. Sino ang kasama niya magma-marcha? Sino ang sasabit ng medalya para sa kanya? Buti nalang nandoon ang kaibigan niyang si Elizabeth. Kaibigan na niya ito simula first year highschool palang. Alam din nito ang problema at nangyayari sa kanya. Kasangga niya ito kahit anong mangyari. Kaya ng sabihin niya rito na wala na ang perang pinag-ipunan niya at lumayas na kanyang ang auntie at pinsan ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya. Nahihiya siya dahil lagi nalang siya nito tinutulungan pero baliwala ito dahil kapatid na ang turing nito sa kanya. Nung wala siyang kasama sa pagmamarcha, sinamahan siya mismo ni Elizabeth. Imbes ang pamilya nito ang kasama, siya ang kasama nito. Sa sobrang saya ni Bella hindi niya maiwasan maluha habang naglalakad akay ang BFF niya at si Elizabeth naman ay hindi maiwasan matawa dahil sa itsura niya. Sa pagkakataon iyon naisip ni Bella na meron pa palang nagmamahal sa kanya. Kahit hindi sila magkadugo ay tinuring siyang parte ng pamilya ni Elizabeth. Ng malapit na ang susunod na pasukan, nagpumilit si Elizabeth na parehas sila ng papasukan na kolehiyo pero ang problema, international university at masyadong mahal ang school fee. Buti na lang may ini-offer na full scholarship at masuwerte niyang pinasa ang scholarship test. Wala na rin siyang problema sa allowance dahil cover-up na ng university. Nang malapit na ang pinakahihintay niya, ang maging internship outside the country. Pupunta sila ng France para doon mag training. Tinulungan siya ni Elizabeth para makapunta doon at-- heto siya ngayon. Natapos niya ang lahat ng tasks bilang estudyante at naging c*m Laude pa at 6 years na siyang professional chef sa isang pinakasikat na hotel dito sa pilipinas. ~~~°•○●□□♤♡◇~~~ //bELLA POV// ALA UNA na ng madaling araw at nandoon pa halos lahat ng crew sa kitchen para tapusin ang paglilinis ng kani-kanilang station. Sa sobrang dami ng mga nagdaratingan na customers naabuntan sila ng madaling araw sa trabaho. Kitang kita niya ang pagod sa mga mukha ng kanyang mga kasama. Pagod na rin siya. Masakit na ang kanyang braso at kasu-kasuhan at nararamdaman na rin niya ang p*******t ng ulo. "After you finish cleaning here, I want all of you to gather yourselves at the grand ballroom for some announcements. Also, the CEO will be here to meet us." Inanunsyo ng supervisor ng hotel sa kanila. Katatapos lang niya linisan ang kanyang pwesto ng linapitan siya nila Chelsea, Marie at Rica. Mga malapit ng kaibigan at katrabaho. "Ano ba yan. Si Edward Cullen ba ang CEO nito pinagtatrabauhan natin at ganitong oras pa tyo titipunin?" reklamo ni Marie. "Oo nga naman! Nakakapagod na kaya tumayo para makinig sa paulit-ulit na speech."Mataray wika ni Rica. "Oh...? Sige nga Ricardo mag-speech ka nga." Lambing na tugon ni Marie kay Rica. "Eeeew! Ilayo mo nga iyang titig mo sakin nakakalurky ha!" Taboy naman ni Rica rito. Nakakatawa tignan sina Marie at Rica. Para kasing extraordinary love team ang dalawa. "Sus! Nag-iinarte pa 'tong baklang 'to e gusto mo naman na titigan kita". Pahabol pa ng kinindat nito. "Yuck! Hoy babaeng daig pa ang bulldog superglue na makatingin, lumayo ka sakin! Duh! Kung nagagandahan ka naman sakin don't cha worry girl, mas maganda pa ako sa iyo." Sagot naman nito. Napabuntong hininga na lang siya. "wala tayong magagawa nagtatrabaho lang tayo dito. Pagkauwi natin, itulog agad natin ang pagod. At hinaan niyo ngang mga boses ninyo umi-echo kasi baka papagalitan pa tayo." "Agree ako diyan!" sulpot bigla ni Leandon sa kanyang likuran.   "Hi Don-don! Mahangin ba sa loob ng kusina?" Bati niya rito.  "Girl, signal no. 4 ang bagyo sa loob. Tignan mo ang buhok nito sabog!" natatawa sabi ni Rica   "Heps! Tama na iyan at pumunta na tayo sa ballroom." Putol na ni Chelsea at sabay na sila lumakad. Sabay silang lima pumunta na silang lima sa grand ballroom at luminya. Lahat ng empleyado pati ang mga highest position ay nandoon na rin para sa pagsalubong nilang lahat sa pagdating ng may-ari ng hotel. Hindi niya lubusan akalain na magiging isa siyang chef sa isang kilalang pinakasikat na hotel. Ang pagkakaalam niya ay sobrang strikto ang pagpili ng mga aplikante gustong mag-apply dito na kahit c*m laude ay tatanggihan. Ang swerte niya dahil natanggap siya dito kaya naman ibinibigay niya ang kanyang best sa trabaho. ~~~•○●□■♤♡~~~ //BELLA POV// 2:30 A.M. Iilang impleyado ay inaantok na sa kakahintay. Anong oras ba darating ang CEO ng hotel? Maaga pa ang trabaho nila.  Si Chelsea ay busy sa paglalaro ng games sa phone nito. Si Marie naman ay nakapulupot ang mga kamay nito sa braso ni Rica. Pati si Rica ay sumandal na ang baba sa ulo ni Marie dahil sa antok. At si Leandon naman ay patango-tango na dahil dinadalaw na ng antok. Siya naman ay hindi nararamdaman ang antok. Hindi niya alam kung bakit. Ang weird ng kanyang pakiramdam na parang may dadating na hindi niya inaasahan kaya lalong sumasakit ang ulo niya. Tinamaan na yata siya ng migraine. Hindi siya mapakali. Pagkalaan ng ilang minutong kakahintay, may narinig silang paparating na sasakyan at busina. Dali-dali silang pumwesto sa kanilang linya. Isang puting mamahaling sasakyan ang nakita niya. Heto na siguro ang hinihintay nila. "Everyone, huwag ninyong kalilimutan ang sinabi ko. When the CEO enters here, take a bow." Huling instruction sa kanilang head supervisor. Hindi na siya nagabala pa tumingin sa labas dahil masakit na ang ulo niya. Hihintayin na lang niya ang signal para salubngin ang may-ari ng hotel. Walang nagsalita sa kanila kaya rinig na rinig niya ang pagbukas ng pinto ng kotse. Sa sobrang tamhimik ng lugar, yapak ng isang tao ang kanyang naririnig. Nang sumara na ang pinto, sinyales na nito kailangan na nilang mag-bow. Hudyat na nito na nandito na ang may-ari ng Lé Alessandré Luxury Hotel. Ang bawat yabag ng sapatos nito ay parang hindi ito pangkaraniwang tao. Ang bigat sa pakiramdam. Ganito lang siguro pag may sinalubong kang maimpluwensyang tao.  Napatigil siya sa pagiisip dahil huminto ito tapat sa niya. Huh? Bakit huminto ito? At sa harap pa niya mismo? Hindi niya kayang mag-angat ng tingin para tignan ang mukha nito. Nakakatakot. Yumuko lang siya at tinignan lang niya ang sapatos nito. Ilang saglit nagpatuloy na ito at tinungo ang grand stage kung saan nagpe-performe ang mga iba't ibang sikat na artists st musicians. "Everyone, please welcome, the CEO of Lé Allesandré Empire, Mr. Alexandro Santoro." Oh my God..no... Ang pangalan na iyon... Ng iniangat niya ang kanyang ulo ay ang isang nakaraan ang muli niyang masisilayan ay nagpakita muli sa kanyang harapan. Ang isang taong hinding hindi niya makakalimitan. Ang tamis at mapait na pinaranas nito sa kanya. Ang minahal niya noon na ngayon ay ang mga mata nito ay sa kanya lang natatitig. Those eyes, parang sinaksak ang kanyang puso. Ang galit at poot na mga matang nakatingin sa kanya.  Si Alexandro. Ang dati niyang asawa. 《《 END OF CHAPTER 1 Kindly follow me here on DREAME:  Runa Lee Thank you for your support and see you in the next Chapter! CHUAMNIDAH!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD