bc

My Brother's Boyfriend (TAGALOG R-18+)

book_age18+
23.4K
FOLLOW
142.1K
READ
billionaire
dark
love-triangle
possessive
arrogant
CEO
drama
bxb
gxg
wild
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURE CONTENT! DAILY UPDATE STARTS: MAY 1, 2022. (R-18+)

ANG tanging hangad ni Junellah ay makapagtapos sa pagaaral at makapaghanap ng trabaho para makawala kay Logan, ang kan'yang ubod na strikto na adoptive brother. Pinapaaral s'ya nito kaya't ganoon na lamang s'ya kahigpit. Walang nagtatangkang lalakeng lumapit sa kaniya dahil sa over protective niyang Kuya.

Subalit, hindi lubos maisip ni Junellah noong dumating ang panahong imbes na isang babae ang kan'yang makilalang karelas'yon ni Logan, iyon ay isang lalakeng nag ngangalang Levai. Pareho silang bisexual, may possibilidad na magkagusto sa dalawang kasarian, mapababae man o mapalalake at dumating na nga ang pagkakataong iyon. Nagkagusto si Levai kay Junellah ngunit tinago nila iyon kay Logan.

Ngunit, paano na lang kung dumating ang araw na matutuklasan iyon ni Logan na may lihim din palang pagnanasa kay Junellah? May mabubuo bang pagmamahalan o may mangyayaring matinding agawan?

WARNING: MATURE CONTENT!

chap-preview
Free preview
TEASER
“Grabe... ang laki naman ng talong nito sissy,” natatawang usal ni Klark habang titig na titig na magazine na punong-puno ng kalaswaan. Halos madapa-dapa na nga s’ya dahil hindi na maka-tingin sa dinadaanan namin. “Ito parang maliit, mukhang mas malaki pa nga siguro ang sa ‘kin dito eh,” pahabol n’ya pa kaya umiling-iling na lang ako. Nag-lalakad na kami pauwi galing ng school at kasama ko ‘tong gay best friend ko. “Junella, sis... ‘yong isa pa palang magazine na nilagay ko sa bag mo kahapon at nakalimutan kong kunin. Wala na kasing space ‘tong bag pack ko. Nasa sa ‘yo pa rin ba? Isasauli ko na ‘yon kay Shellie.” Huminto ako bigla sa pag-hakbang. Ginalaw ko agad ang kaliwang braso ko at dinapo ko agad ang kamay sa tagiliran n’ya para makurot. “Aray naman sissy! Para saan ‘yon ha?!” bulyaw n’ya sa ‘kin na’ng huminto na rin at napapakamot sa kinurutan ko. Tinitigan ko ang expres’yon ng mukha n’ya at naka-busangot kaya inangat ko pa ang kanan kong braso para hilahin ang kaliwang tainga n’ya. “Ouch stop sissy! Ano bang problema mo?! Ayan ka nanaman sa pagiging sadista mo ha!” matinis n’yang sigaw na’ng tinanggal ko na. “Siraulo ka talaga, Klark. Hindi ko alam kung saan ko itatago ang p0rnographic magazine na ‘yon dahil malalagot talaga ako sa kuya ko kung makita n’ya ang bagay na ‘yon!” singhal ko kaya napa-kamot na lang s’ya sa sariling batok habang natatawa ng mahina. “Saan mo tinago kung gano’n?” mahinang tanong n’ya kaya huminga na lang ako ng marahas sabay humakbang ng mabilis dahil sampung minuto na lang, mag-s-six na. Hindi ako p’wedeng ma-late dahil may curfew ako. “Sa ilalim ng kutson ko. Bukas ibibigay ko na ‘yon sa ‘yo,” seryosong sambit ko habang binibilisan ang paglalakad. Naramdaman kong hinabol ako ni Klark at huminto sa gilid ko para masabayan ako. “Kailan pala ako bibisita sa bahay n’yo, sissy? Para naman makita ko si Fafa Logan ko.” Inikot ko naman ang mga mata ko sa sinabi n’ya sabay angkla sa kanang braso ko. “Sana s’ya na lang ang adoptive brother ko siss~ Laglag brief ang kakisigan n’ya! I envy you gurl,” tili n’ya sa malumanay na boses. “Sira, mas gugustuhin ko pang walang kuya dahil alam mo naman kung gaano ‘yon kahigpit sa ‘kin. Mapaparusahan ako kapag may ginawa akong mali,” sagot ko sa kan’ya pero tumili s’ya ng malakas at tumalon-talon pa. “Behave ka nga, Klark! Naglalakad tayo!” “My gosh sissy sana ako na lang ang boyfriend ng Kuya mo. Available naman ako! bakit iba pa? Nakuu... kung hindi lang taken ‘yon, noon ko pa ginapang pero dapat talaga ginawa ko na dati pa! ‘Yan tuloy, naunahan ako,” mahinang usal n’ya na parang nalungkot bigla kaya huminga na lang ako ng marahas at hindi na lang s’ya sinagot. Makalipas ang ilang minutong paglalakad, narating ko na ang bahay namin. “Kumusta ang araw n’yo, Miss Holly Junellah?” bungad ni Tita Maria na’ng paakyat ako sa second floor para matungo pa ang k’warto ko sa ikatlong palapag. Naka-tayo s’ya sa taas at dulo banda nitong hagdan. S’ya ang mayordoma namin dito. “Naka-handa na ang hapunan n’yo.” “Ayos lang po, maliligo muna ako bago kakain. Saan po si Kuya Logan?” tanong ko habang napapatakbo na. “Nasa kuwarto na n’ya, Miss Junellah,” sagot n’ya sa ‘kin. Hindi na ako nagsalita at tumakbo na ako sa dulo ng hallway para akyatin ulit ang susunod na hagdan. Nahihingal akong huminto sa tapat ng pintuan ng k’warto ko at kinapitan ko agad ang door knob sabay pinaikot. Bumungad sa ‘kin ang madilim na silid pero dumeretso ako papasok sabay inalis ang bag pack sa aking likuran at hinagis ‘yon sa paanan ng kama. Sunod kong tinanggal sa pagkakabutones ang suot kong puting blouse na uniporme at kanina pa ako naiinitan. Na’ng maalis ko na lahat, hinubad ko na ‘yon at nilapag ko muna rin sa kama. Akma ko sanang ibababa ang suot kong skirt pero biglang bumukas ang ilaw ng chandelier at halos papakawalan ko na ang sariling sigaw na’ng bumulagta sa paningin ko na may naka-tayo sa left side ng kama. Napa-ekis agad ang dalawa kong braso para matakpan ang aking hinaharap dahil tanging bra lang ang takip ko pangitaas. “K-Kuya... Logan? Anong ginagawa mo rito?” Lumunok ako ng sunod-sunod na’ng makita ng malinaw ang kan’yang mabigat na presens’ya. Napa-baba ang mga mata ko sa kaliwa n’yang kamay na hawak-hawak ang remote ng chandelier at unti-unti akong pinagpawisan na’ng mahagip ko ng tingin ang kapit n’ya sa kanan. Tinikom ko ng mariin ang sariling bibig na’ng mapamilyaran kung ano ‘yon. Ang p0rnographic magazine ni Klark! Nakita ni Kuya! Patay! Lagot ako! Awtomatiko akong napa-yuko dahil hindi ko kayang titigan ang kan’yang nakakatakot na expres’yon dahil ang aura n’ya pa lang ngayon, nakakapanghina na. “How do you explain this to me, Ellah?” Parang nanigas ang lalamunan ko at hindi ko na magawang lumunok na’ng marinig ang sobrang lalim n’yang boses na kalmado pakinggan. Nabato ako sa aking p’westo. “This is the reason why you got 1.75 on your major subject?” Napa-pikit ako ng mariin. Shitt, ito nanaman ang nakita n’yang dahilan kahit hindi naman talaga! “H-Hindi po sa ‘kin ‘yan—“ “Who could possibly be? I found this on your bed sheet, Ella. IN YOUR OWN BEDROOM,” mariin n’yang usal na parang nagbabanta. “Look at me,” maawtoridad n’yang utos na agad kong sinunod. Dahan-dahan kong inangat ang ulo at tinitigan ng diretso ang mukha n’ya. Parang gusto kong umatras na’ng nag-simula s’yang humakbang papunta sa ‘kin at binato ang hawak n’yang remote sa kama ko. Bumilis ang bawat kabog ng dibdib ko na’ng masilayang magkasalubong ang kan’yang makapal na kilay habang tinititigan ako pababa-pataas. “I thought you are innocent.” Dahil paikli na’ng paikli ang distans’ya n’ya sa ‘kin, umatras na ako patalikod. “Do you watch p0rn?” Tumindig ang lahat ng mga balahibo ko sa tanong n’ya at kaagad s’yang inilingan kahit nakapanood naman talaga ako. Oo isang beses! Pero eighteen na ako no’n! Kapag inamin ko, siguradong papatong ang kaso ko sa kuya kong ‘to! Magsasalita na sana ako pero naramdaman ko ang malamig na pader. Napansin kong pinagpapawisan talaga ang noo ko na’ng huminto s’ya sa harapan ko sabay sinilid ang kan’yang mauugat na mga kamay sa magkabilang bulsa. “I have been working all day and sometimes... over night. I pay your tuition, allowance, projects, and personal needs. But I have got is your low grade last semester. This is what you’ve been doing? Filling your mind with erotic fantasies, Ellah?” His deep hoarse voice echoed in every corner of my room. Parang boses demonyo ang nagsasalita kaya alam kong bad mood nanaman ‘to. Niyuko ko ang ulo habang tinatakpan ko pa rin ang dibdib ko. “S-Sorry, po. Maniwala po kayo o sa hindi, sa kaibigan ko po ‘yan. Naiwan n’ya sa bag ko at plano ko po sanang ibalik na ‘yan bukas,” pangaamin ko sa magalang na paraan. “You’ve seen all these naked pictures.” Matigas akong napa-lunok. Front page lang naman ang nakita ko pero never ko ‘yon binuksan! “Have you?” mariin n’yang usal. Siniksik ko pa ang sarili ko sa pader na’ng humakbang pa s’ya ng isang beses at dinikit ang kan’yang malapad na kanang palad sa gilid ng ulo ko kaya mas lalo akong pinagpawisan. “W-Wag n’yo naman po sanang bawasan ang allowance ko, kinakailangan ko ‘yon para sa field trip namin sa susunod na linggo.” Iniwas ko ang aking tingin sa left side ng k’warto. “No, I won’t.” Kaagad na bumalik ang tingin ko sa kan’ya dahil hindi ko inasahan na ‘yon ang maririnig ko. “P-Po? Hindi n’yo babawasan?” I let out a fake smile to lessen the tension between us. He still look frightening. “There’s no deduction but, I will not give it.” Unti-unting humupa ang ngiti ko sa sunod kong narinig. “And you can’t go to the field trip, Ellah. You will stay here and study the fail grade you’ve got,” mahinahon n’yang utos sa maawtoridad na paraan. Doon na ako napa-hinga ng malalim at yumuko muli. “You disappoint me... again. At kapag nalaman kong may nobyo ka, katapusan n’yo na’ng dalawa—“ “Hey, Logan. Not her again... stop being so strict. You are scaring your precious sister...” Napa-angat ang ulo na’ng may narining akong pamilyar na boses at pumasok ang kan’yang presens’ya sa loob ng silid. Napansin ko na lang na humakbang s’ya sa kinatatayuan ni Kuya Logan at huminto sa gilid n’ya sabay inakbayan. “Step out of this,” malalim na utos ni Kuya pero nahagip ko ng tingin na tinitigan ako pababa-pataas ng taong sumulpot dito sa k’warto ko. Mas lalo ko pang tinakpan ang dibdib ko na’ng biglang limitaw ang makahulugan n’yang ngisi sa kan’yang labi. This man is, Levai Guztavo. He is... My Brother’s Boyfriend.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
283.5K
bc

The Sex Web

read
127.4K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
266.1K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
452.4K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
24.8K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
956.7K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
56.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook