Insist

1018 Words
Third Person Pov "Can I come in?" ani Robi ng pagbuksan siya ng pintuan ni Sydney. Tila naman nag alangan si Sydney at pawang nakatitig lang kay Robi. Pero si Robi na ang nag-exist na lawakan na ang pagbukas ng pintuan sa kwarto ni Sydney. "I almost forgot that this is my own house. So, I can come in anytime I want. Am I right, Sydney?" Saad pa ni Robi na tuluyan ng pumasok kaya napaurong si Sydney. Hindi isinarado ni Sydney ang pintuan at nanatili lang siyang nakatayo roon habang pinagmamasdan ni Robi ang kabuuan ng silid ng dalaga. "Hindi ko alam na ipina-renovate na pala ito ni Daddy para sa'yo. Nagustuhan mo ba ang pagkaka-ayos ng kwarto mo?" Huminto si Robi at tiningnan ng diretso si Sydney sa mga mata. "O-opo..." ani Sydney. Napangisi naman si Robi dahil sinunod nito na huwag siyang tawagin na Kuya. "How old are you, Sydney?" Tanong ni Robi sabay upo sa edge ng kama nito. "T-twenty two." Tipid na sagot ni Sydney. "Ow... Bata ka pa pala..." ani Robi pero hindi nagsalita si Sydney na halatang hindi mapakali habang nasa loob pa ng silid niya si Robi. "Where is your father?" Tumayo ulit si Robi at naglakad papalapit sa pintuan. Sumandal sa hamba noon at humalukipkip. "He died a year ago..." "A year ago? You mean kakamatay lang ng daddy mo pero nag-asawa na agad ang mommy mo?" May laman ang tanong na yun ni Robi kaya napatungo na lang si Sydney. Nais man niyang ipagtanggol ang kanyang mommy pero wala siyang magawa dahil alam niyang totoo naman ang sinabi ni Robi. Isang taon pa lang namamatay ang daddy niya pero heto ang mommy niya at nag-asawa na ulit ng panibago. "Kung ako sa inyo, aalis na ako sa pamamahay na 'to." ani Robi na tila pinagbabantaan si Sydney. "K-kuya-" "f**k! Hindi ba't sinabi ko sa'yo na don't call me Kuya dahil hindi naman tayo magkapatid?!" Malakas na sigaw ni Robi kaya nahintakutan na naman si Sydney. "S-sorry po!" Ani Sydney at nagtatakbo palabas ng kanyang silid! Hindi maintindihan ni Sydney kung bakit galit na galit si Robi sa kanya. Kung siya lang ang masusunod ay baka umalis na talaga siya sa mansion ngunit hindi rin naman niya alam kung saan siya pupunta dahil ibinenta na rin ng mommy niya ang bahay nila. "Oh, Sydney? Anak? May problema ba? Bakit namumutla ka yata?" Tanong ni Cornelia sa anak. Hinawakan agad niya ang kamay ng anak na nanlalamig pa. "W-wala po, mommy." "Oh, ay bakit nanlalamig ang mga kamay mo?" Patuloy na tanong ng kanyang mommy pero sa halip na sagutin ay iba na lang ang sinabi niya. "Pwede po bang umalis na lang po tayo rito?" "Bakit naman, anak? Maayos na ang katayuan natin rito. Mabait naman sa atin si Enrico at alam kong hindi niya tayo pababayaan." "N-natatakot kasi ako mommy kay Kuya Robi. Palagi kasi siyang galit at sumisigaw." Sumbong ni Sydney sa kanyang ina. "Hayaan mo na lang yun, anak. Pasasaan ba at matatanggap rin tayo ni Robi. Naninibago lang yun sa atin..." ani Cornelia sabay yakap sa anak. Gustuhin man ni Cornelia na sundin ang gusto ng anak ay wala naman siyang magawa dahil alam niyang safe na ang anak niya rito sa loob ng bahay na ito. Nang bumalik na si Sydney sa kanyang silid ay wala na si Robi kaya nakahinga na siya ng matiwasay. Humiga siya pero hindi rin naman siya makatulog. Nalibot na yata niya ang buong kama niya pero wala pa rin epekto sa kanya ang pilit na pagpikit ng mga mata niya dahil ang palagi niyang nakikita ay ang galit na awra ng Kuya Robi niya. "Ano kayang dapat kong gawin para hindi na siya magalit sa akin?" Naisatinig ni Sydney. Napabangon siyang bigla ng maisipan niyang dalhan na lang ito ng meryenda. Nakita niya kasi itong naliligo sa pool kanina. Eksakto naman pagbaba niya ay may dalang isang tray na pagkain ang isang maid. "A-ako na, Ate..." aniya sabay kuha sa kamay nito. "Sigurado ka ba?" Tanong pa nito sa kanya. "Oo, ate." Ngumiti siya sa maid. Mukha namang mabait ang maid na may dala kaya ipinasa agad ito sa kanya. "Kumpleto na ba ito, Ate?" "Oo, nandyan na ang lahat ng hiningi niya kanina. Tsaka Ella na lang ang itawag mo sa akin. Huwag na ate." "Okay, Ella." Bago dalhin ni Sydney ang pagkain na nasa tray ay huminga muna siya ng malalim at pinuno ng lakas ng loob ang kanyang sarili. "Okay lang yan, Sydney. Magdadala ka lang naman ng pagkain. Hindi ka naman niya siguro pagagalitan, diba?" Kausap pa niya sa kanyang sarili habang naglalakad papunta sa pool. Dahan-dahan ang paglalakad niya dahil nag-iingat siyang matapon ang pagkain na dala niya. Pagdating niya sa pool ay naglalangoy si Robi at hindi pa siya napapansin kaya ibinaba na muna niya ang pagkain sa mini table na naroroon. Eksaktong pagbaba niya ng pagkain ay ang pag-ahon na ni Robi mula sa tubig. "Bakit ikaw ang nagdala ng pagkain? Inutusan ba kita?" Ani Robi na tila hindi natuwa sa ginawa ni Sydney. Napaiwas naman ng tingin si Sydney dahil sa naka-boxer short lang si Robi at bakat na bakat pa ang ipinagmamalaki nito. "I insist sa maid na ako na lang ang magdala." Napangisi si Robi sa sinabi ni Sydney. "Why?" Balewalang saad ni Robi sabay upo at hinarap na ang pagkain na dinala ni Sydney sa kanya. "Gusto ko lang sana na huwag ka ng magalit sa akin. Natatakot kasi ako kapag sinisigawan mo ako. Promise na magiging mabait ako rito. Hindi ako magiging sakit ng ulo mo o pabigat sa'yo. Basta huwag mo na lang ako sisigawan." Nakikiusap na saad ni Sydney habang nakatayo sa harapan ni Robi. Umupo naman ng tuwid si Robi at ipinatong pa ang dalawang braso sa magkabilang patungan ng upuan. "Sa tingin mo ba ay ganun lang kadali na matanggap ko kayong mag-ina gayong nagdurusa ang aking sariling ina?" May panunumbat na saad ni Robi. Napatungo naman si Sydney dahil tila ba mahihirapan yata siyang paamuhin ang kanyang stepbrother na si Robi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD