bc

The Mafia Boss's Obsession (R-18/SPG)

book_age18+
13.3K
FOLLOW
68.3K
READ
billionaire
dark
one-night stand
HE
opposites attract
arrogant
badboy
mafia
bxg
like
intro-logo
Blurb

MyDangerousLoversContest#1

"Huwagggggg! Huwag po!" sigaw ni Ximena habang walang tigil ang lalaki sa paghalik sa kanyang leeg. Nakulong ang iba pa niyang mga sasabihin sa kanyang lalamunan nang marahas at masakit na hinalikan siya sa kanyang labi. Bawat halik na pinaparanas sa kanya ng lalaki ay marahas lalo na at nakikita niya sa mga mata nito ang gigil at pagkasabik na maangkin siya.

"Tama na po! Maawa ka!" muli niyang pakiusap subalit hindi nakinig ang lalaki dahil nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa.

Naisip niyang kagatin ito sa kanyang labi para tumigil na ito sa kanyang ginagawa. Nagtagumpay naman siya dahil natigilan ito habang galit na nagmumura. Nakawala siya sa hawak nito at ginawa niyang dahilan ito para makatakas. Subalit hindi papayag ang lalaki na makatakas siya lalo na at malaking halaga ang ibinayad nito sa kanya para lang may pagparausan.

"b***h! How dare you do this to me!" galit na sabi ng lalaki sabay sabunot sa kanyang buhok nang maabutan siya nito sa pintuan.

Konti na lang, makakatakas na siya rito subalit inabutan pa siya nito! Pero hindi siya nakakasiguro na makakaligtas siya sa kamay ng lalaki. Lalo na at marami itong alipores na nakapaligid sa mansion nito na kanyang nakita ng dumating sila rito.

"Maawa po kayo sa akin. Hindi ko po gusto na masali sa auction. Mali po na naroon ako."

"Wala akong pakialam sa dahilan mo! Basta ang mahalaga sa akin ay matikman ka! Maikama at paulit-ulit kitang pagsasawaan hanggang sa maumay na ako sa iyo! Now, kung ayaw mong masaktan, sumunod ka sa gusto ko or else…" Minuwestra ng lalaki ang kanyang leeg at sumenyas na papatayin siya nito kung magtangka siyang takasan ito.

Napahagulgol na lang siya at nagpatianod sa gusto ng lalaki. Wala naman siyang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran niya sa mga kamay nito.

chap-preview
Free preview
Blurb
Hindi alam ni Ximena kung sino ang nag-set up sa kanya para mapunta sa isang lugar na pagpipiyestahan ang kanyang halos hubad na katawan. Nagising na lang siya sa isang malambot na higaan na nakapaloob sa isang malinaw na salamin. Habang sa labas nito ay nagsisigawan ang maraming kalalakihan na halang ang kaluluwa at sabik na matikman siya. Naririnig niya sa speaker na nagbi-bid ang mga kalalakihan para sa kanya. Ang sino man na may pinakamataas na bid ang siyang mag-uuwi sa kanya para maging parausan siya o mas madaling sabihin na s*x slave. Takot na takot si Ximena para sa sarili niya lalo na at puro nakakatakot ang itsura ng mga lalaking gusto siyang bilhin para sa panghabang-buhay na aliw sa kanyang kandungan. "Pakawalan niyo ako rito!" daing niya habang sige siya sa pag-iyak at hindi niya alam kung paano makakatakas sa salaming dinding na siyang pumipigil sa mga lalaki para hindi siya mahawakan. Sige sa sigawan ang lahat at takam na takam na siyang makuha. Subalit may isang lalaki na biglang bumasag sa ingay ng mga kalalakihan sa paligid. Tumapat ang spotlight sa lalaki at mayabang nitong itinaas ang hawak nitong karton at halos malula ang lahat nang makitang sampung milyon ang pusta nito para makuha ang babae. Wala nagawa ang ilang kalalakihan at isang-isang umalis dahil wala silang laban sa lalaki. Isa siyang mafia boss na kinatatakutan ng lahat. Nagtataka lang ang ilan kung bakit nakisali sa ganitong laro ang mafia boss kung pwede naman nitong makuha ang lahat ng babaeng pwede nitong tikman. Naiiyak si Ximena na niyakap ang kanyang sarili nang kunin siya ng mga armadong lalaki sa taas ng stage. Halos magpumiglas siya dahil hindi siya papayag na makuha siya ng mga ito lalo na at hindi niya alam kung sino ang nag-set up sa kanya para mapunta sa auction na 'to. "Maawa kayo, please. Hindi po ako ang dapat na narito. Baka nagkakamali lang po kayo," iyak niya. Subalit hindi siya pinakinggan ng mga ito at sapilitan siyang isinakay sa isang van. Umiiyak na nakiusap siya ngunit natigilan siya ng isang sampal sa mukha ang natamo niya sa isang lalaki na nasa tabi pala niya at kanina pa naririndi. "Tahimik! Kung ayaw mong patayin kita!" Wala siyang nagawa kundi tumahimik. Ngunit sa isip niya ay nag-iisip na siya ng paraan para tumakas! Malaman lang niya kung sino ang nag-set up sa kanya, babalikan niya ito upang makaganti!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook