bc

Blushing Bride Series 1: Seraphina, The Istokwa Bride

book_age16+
5.6K
FOLLOW
38.0K
READ
billionaire
escape while being pregnant
goodgirl
drama
comedy
sweet
bxg
city
self discover
teacher
like
intro-logo
Blurb

“Ikaw lang ang kinailangan ko noon, ikaw ang kailangan ko ngayon, ikaw pa rin ang kakailanganin ko kahit bukas." -Rocket.

They said marriage is the "happily ever after" of every bride.

But it only took three days for Sera to ruin her fairytale completely.

Seraphina fell in love with Ricardo (Rocket), a man she first met in a ladies' room while he had s-e-x in one cubicle.

They are opposites in many ways...

She's old-fashioned and simple.

He's jolly, brutally honest, sometimes arrogant, and a man who speaks his mind.

He loved her deeply.

He proposed.

They got married, but...

.....

THIS NOVEL IS PART ONE OF THE BLUSHING BRIDE SERIES

2. Hiraya, The Pretentious Bride by Jeliebee

3. Francheska, The Bratinella Bride by Hailey Maw

4. Rachel, The Ghosted Bride by Miss Heiress

and many brides coming soon...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
[Seraphina Rivero] BAHAGYA akong nakaramdam ng pagkainis habang sakay ng isang taxi patungo sa isang hotel sa Makati Avenue. It’s because I hate being late. Inimbitahan kasi ako ni Miranda, ang classmate ko noong high school, sa kanyang bridal shower na matatagpuan sa isang hotel sa kahabaan ng kalye na iyon. Napapalatak ako dahil sa kabuwisitan. Naalala ko na Biyernes nga pala ang araw ngayon at araw pa ng suweldo. Friday, suweldo day—inasahan ko rin dapat ang traffic day. Nagpipigil ako ng inis. Kung inagahan ko lang sana ang pag-alis sa bahay namin ay baka nakaabot ako sa takdang oras na alas-sais. Ugaling-ugali ko na kasi ang nakararating sa eksaktong oras. Ayoko rin kasi ng late. Binuksan ko ang bag para dukutin ang cellphone at manghingi ng paumanhin sa kaibigan ko na ako ay mahuhuli. Sa halip ay ang ID o Identification Card na gamit ko sa eskuwelahan ang nadampot ko mula roon. Seraphina Rivero, Math Teacher, ang nakasulat sa ilalim ng larawan. Seryoso ang mukha ko roon. Nakasalamin pa ako ng itim na kuwadradong frame sa mata na hindi ko naman talaga intensyon na suotin nang oras na iyon. Nabigla na lang ako nang kinuhanan ako ng litrato ng photographer at sabihan ako ng “done!” Wala na akong nagawa kung hindi ang tanggapin kung ano man ang lumitaw na hitsura ko sa ID. Hindi ako nagreklamo kahit nang araw na makuha ko ang bagay na ‘yon at makita na daig ko pa ang may dalawang anak sa mugshot. I’m a high school teacher in one of the private schools in the city, St. Benedict International school. Kapwa guro ang magulang ko at parehas na nagtatrabaho bilang principal sa kasalukuyan sa magkaibang eskuwelahan. Sa kanila ko naangkop ang pagiging guro. Siguro nga ay ganoon talaga, kung ano ang nakalakihan ng tao, iyon din ang ninanais niya. Ngunit ito nga ba talaga ang nais ko? I looked at myself in the photo. Paulit-ulit ko rin na binasa ang pangalan ko sa ID card at ang propesyon ko. Heto nga ba talaga ang nais ko? Bigla ko tuloy nahawakan ang salamin ko sa mata. Nakalimutan ko na namang tanggalin. Madalas ay ginagamit ko lang naman ito kapag abala ako sa paggawa ng lesson plan at reports na kailangan ko bilang isang guro. Ipinasok ko ang salamin sa mata sa loob ng case nito bago ko kinuha ang cellphone para tawagan si Miranda. Lagpas na ako ng beinte minutos sa usapan. Hindi naman nagtagal at sinagot niya ang tawag sa kabilang linya. “Hello, Sera? Don't tell me na hindi ka na naman pupunta dahil sasabihin mo sa akin na gabi na at hindi ka pinayagan ng magulang mo?” Napangiwi ako nang marinig ko ang pagbigkas at pagpapaalala niya sa aking magulang. Ayaw ng mga ito sa kaibigan kong si Miranda dahil bad influence daw ito. Madalas akong pagalitan ng magulang ko tuwing malalaman nila na ang babae ang kasama ko sa tuwing ginagabi ako ng uwi noon. Miranda and I are totally opposite, pero isa siya sa mga totoo sa akin kaya kami nagkasundo. Mahinhin akong babae habang maingay naman at taklesa si Miranda. “Of course not! Tumawag ako dahil na-traffic ako dito sa Makati Ave.” Bahagya kong nililingon ang kalsada para silipin kung malapit na ba ako sa katotohanan—sa hotel. “Okay! Hihintayin kita!” Mabilis niya akong pinatayan ng tawag. Napailing na lang ako sa kaibigan kong iyon. Hindi rin ako makapaniwala na plano niyang magpakasal sa isang may-edad na lalaki, gayunman ay masaya ako para sa plano niya sa buhay. Kahit papaano ay sa edad na beinte-siete ay makakapag-asawa na siya. Humugot ako ng malalim na hangin para alisin ang pagkainis ko sa traffic. Hindi ko tuloy maiwasan na itanong—ako kaya, kailan kaya ako magpapakasal? I’m twenty-seven too at pakiramdam ko ay napag-iiwanan na ako ng mga kaibigan ko. Ang ilan pa nga sa kanila ay may anak na. Ang iba pa nga ay nakipaghiwalay na at may bago na ulit asawa. Bigla kong naisip si Luis, ang nobyo ko. Iwinaksi ko rin naman siya agad sa isip ko dahil hindi ko mahanap sa dibdib ko ang espesyal na damdamin ko para sa kanya. Pakiramdam ko ay napilitan lang talaga ako na sagutin siya dahil pinagtiyagaan niya akong ligawan sa loob ng tatlong taon. Pinilig ko ang aking ulo para mawala nang bahagya ang aking pagkainis. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang inabot bago huminto ang taxi sa tapat ng Grand Hotel, ang destinasyon ko. Nagmadali akong nagbayad bago lumabas ng taxi. Kaswal lang ang suot kong bestida; isang asul na may kahabaan ang manggas hanggang siko, natatakpan ang dibdib ko na tanging collar bone lang ang kita at ang laylayan ay umaabot sa kalahati ng binti ko. Ganito ang mga normal kong isinusuot sa pang-araw-araw. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng air freshener at pulang carpet sa hotel na iyon. Hinanap ko ang ballroom para sa bridal shower ng kaibigan ko. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga staff para hindi ako maligaw na hanapin ang Rosemarie Ballroom. Itinuro ako sa dulong pintuan sa kahabaan ng pasilyo ng isang babae. Nakita ko ang pangalan ni Miranda bilang host ng party na iyon sa isang board na nasa labas ng silid. Bahagya akong nag-alala dahil baka nagsimula na ang party sa loob. Nakakahiya. Nakakahiya na late ako kahit pa sabihin na isang party lang ito. Hindi ako masyadong mahilig sa mga parties. Nagkataon lang talaga na malapit na kaibigan ko si Miranda. Pinihit ko ang handle ng pinto at isang magarbong set-up ng party ang bumungad sa akin sa loob. Hindi ko ipinahalata na bahagya akong napangiwi at nailang matapos kong suriin ang mga bisita sa loob. Karamihan sa mga bisita ay nakasuot ng nighties. May naka-bikini pa! Napalunok ako at saka inisip kung naligaw ba ako at maling kuwarto ang pinasukan ko. Binasa kong muli ang board sa labas ng pintuan, Miranda’s party. Kumunot ang noo ko. “Sera!” isang tawag ang pumukaw sa akin mula sa loob ng kuwarto. Natagpuan ko si Miranda na suot ang isang seksing pantulog. Litaw ang ilang bahagi ng dibdib niya. Kumukurba sa kanyang seksing katawan ang manipis na tela nito. “Mabuti at nakarating ka. Mag-enjoy ka muna, ha? Aasikasuhin ko lang muna ang iba!” Hinila ko siya muli dahil pinagtitinginan ako ng mga babae sa loob ng silid. Hindi ko alam kung ano ang mga nasa isipan nila matapos kong pumasok sa silid na iyon nang balot na balot. Taliwas kasi ang kasuotan ko sa halatang tema ng party na iyon. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na lingerie party ito?” tanong ko sa pabulong na paraan. “Kapag sinabi ko sa’yo, eh ‘di hindi ka na pupunta!” sagot niya sa akin. “Enjoy ka lang dito. Pwede ka rin naman magpalit ng damit-patulog, puro babae naman tayo rito.” Iniwan niya na ako nang may dumating na bagong bisita. Nagsitilian sila na halatang excited sa okasyon na iyon. Naaliw ako na nakasuot lang ng pulang seksing pantulog ang babaeng bagong dating. Litaw din ang kalahati ng dibdib niya na parang pakwan sa laki. Hindi ko maiwasan na itanong kung lakas-loob ba siya na nagpunta sa hotel na iyon sa ganoong ayos. Ayoko naman magpaimportante kaya humanap ako ng puwesto. Kung maaari lang na magtago sa ilalim ng malalaking tablecloth ay baka ginawa ko na. Kumain na muna ako ng mga kung ano-ano na nakahanda sa mesa. Kumuha rin ng tubig dahil wala akong plano na gayahin sila na umiinom ng alak. Hindi rin naman nagtagal ay hindi ko rin natiis na lumabas ng ballroom. Plano ko na magtungo muna sa ladies’ room sa labas para makahinga nang bahagya. Isang malinis at magarbong banyo ang pinasukan ko. Pinagmasdan ko ang sarili sa malinis na salamin na halos sumakop sa kalahati ng pader. Kung tutuusin ay hindi naman ako pangit. Hindi lang estudyante ang pumupuri sa akin. Marami rin sa mga kapwa kong guro ang nagpapahaging sa panliligaw. May mga estudyante pa nga. “Haah…” Nabigla na lang ako nang makarinig ng ungol sa loob ng ladies’ room. What the hell was that? Mga mahinang ungol ang narinig ko sa loob ng palikuran. Matapos iyon ay ang paghulog ng kung-anong bagay at kung anong tunog. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa salamin. Nakaramdam ako ng takot. Noon ko napansin na nakasara ang isang pintuan. Nahawakan ko ang dibdib nang makarinig muli ng pag-ungol mula roon. “Haah…” Nilapitan ko iyon at idinikit ko ang tainga sa saradong cubicle. Hindi ko sigurado kung ano ang bagay na narinig ko. Bigla kong naisip na hindi kaya may babaeng nahihirapan doon dahil sa dysmenorrhea? Mahina kong kinatok ang pintuan ngunit walang sumasagot. Para makasiguro ay pumasok ako sa katabing cubicle. Sinarado ang cover ng inodoro at saka sumampa roon. May siwang sa itaas na bahagi kaya makikita ko kung ano ang nangyayari sa loob ng maiit na kuwadradong iyon. Nanlaki ang mata ko at natutop ang bibig nang magtagpo ang mata namin ng lalaki. Ngising-ngisi siya sa akin habang panay ang ulos niya sa likuran ng babaeng nakatuwad at mahigpit ang kapit sa toilet tank. Nakataas ng hanggang baywang ang suot niyang pulang damit, isang nighties! Bigla akong napa-sign of the cross. Kinindatan niya pa ako ng hudyo na parang nakaloloko!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.0K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

Stubborn Love

read
98.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook