PROLOGUE

785 Words
“TIN, PLEASE. . . I need your help, I mean, we need your help. Please do something para hindi matuloy iyong kasal namin ni Ice bukas,” hiling ni Lorraine. Napatigil sa pagpupunas ng mesa si Kirsten nang marinig ang sinabi ng kaniyang matalik na kaibigan. Napalingon siya rito at binigyan niya ito nang kakaibang tingin. Napakamot naman siya sa kaniyang ulo nang makita sa mga mata nito na seryoso ito sa hiniling. “A-Ano!? Bahala ka riyan! Maglilinis na lang ako rito habang-buhay kaysa naman magmukhang kontrabida sa love story niyong dalawa sa mga mata ng karamihan,” pinal na sabi ni Kirsten. Mukhang wala siyang balak tulungan ang kaibigan. “Pero Tin, alam mo naman na may mahal akong iba, ’di ba? Matitiis mo ba iyon? Na matatali ang kaibigan mo sa taong hindi niya mahal?” litanya ni Lorraine. Nilingon nito si Ice sa gilid sabay apak sa paa nito gamit ang anim na pulgadang takong ng sapatos na Gucci. “Effort naman diyan, Ice. Ano? Ako lang ang may ayaw nito? Desisyon nating dalawa ’to, ’di ba?” Bumuntonghininga si Ice at tiningnan ang anak ng yaya nito. “Hey, ’wag ka ng maarte diyan. Babayaran kita.” Napa-ismid si Kirsten nang marinig ang sinabi ng kaniyang amo. Hindi mapagkaila na kailangan niya ng pera para pambili ng bagong laptop na kailangan niya sa trabaho tuwing gabi. “Pag-iisipan ko.” Inirapan niya ang amo. “Pero ano ba talaga ang gusto niyong gawin ko? Ano ang magagawa ng isang kasambahay na katulad ko sa inyo?” “Sumigaw ka lang ng itigil ang kasal. Then umarte kang labis na nanlumo sa nangyari. . . umiyak ka at magwala sa loob ng simbahan. Iyon lang, Tin,” usal ni Lorraine. Makikita sa mga mata nito ang liwanag ng pag-asa. Masaya itong makitang mukhang papayag na ang kaibigan sa hiling nito. “Paano kung gagawin ko iyon pero itutuloy pa rin ang kasal niyo?” nag-aalalang sabi ni Kirsten. Tumayo si Ice at lumapit sa kaniya. Inakbayan pa siya nito kaya agad niya itong tinulak. Nandidiri lang siya sa ginawa nito. Nakikita niya sa katauhan nito ang isang tupperware—plastik. “Lumayo ka na at ’wag mo akong pinaplastik diyan. Pero Sir Ice, what if nga ipagpatuloy pa rin ang kasal niyo? Paano kung magalit sina Tita at Tito sa akin? Tatanggalin ako sa trabaho at paalisin sa bahay niyo!? Paano na ako? Alam mo naman na wala na akong pamilya. Itong bahay niyo na lang ang meron ako.” Positibong tiningnan ni Lorraine ang kaibigan. “I’m here, Tin. Best friend mo ako. Hindi kita pababayaan. Basta gawin mo lang ang best mo. May tiwala ako sa iyo.” “Ako rin,” seryosong sabi ni Ice sa malalim nitong boses. Tinapon ni Kirsten ang hawak na basahan sa mukha ng amo. Naiinis lang siya rito. Para sa kaniya, porque may kailangan ito ay nagbabait-baitan na sa kaniya. Halos hindi nga siya pansinin nito sa pang-araw-araw. Kung magkasalumuha man sila sa loob ng mansion ay parang hindi siya nito kilala—hindi nakikita. At kung makautos ito sa kaniya ay walang katapusan. “Plastic mo talagang hambog ka!” singhal ni Kirsten. Hindi lang niya mapigilan ang sarili na manggigil. “You’re too violent, ha? I like it.” Tinitigan nito ang dalaga. “Basta do your best. . . make sure na mapaniwala mo sila. Lalo na si Mamita,” seryosong sabi ni Ice sabay talikod at umalis. Bumuntonghininga si Kirsten. “Ang yabang, ’di ba? Ang sarap talagang pigain.” “Tin, pagpasensiyahan mo na ang arogante na iyon.” Tumayo si Lorraine at hinawakan ang kamay ng kaibigan. Makikita sa mga nito ang pagmamakaawa. “Pero magagawa mo ba talaga ang gusto namin ni Ice?” Umiling si Kirsten. “Hindi ko alam. Natatakot ako sa posibleng mangyari.” “Tin, please. . . parang awa mo na. Ano ang gusto mo? Luluhod ako sa harapan mo? Gagawin ko.” “Iyon ang ’wag mong gagawin. Magagalit ako sa iyo, Lorraine.” “Tin, please. I’m begging.” Nangingilid na ang luha sa mga mata nito. “Lorraine, pag-iisapan ko muna. Napakalapit ng puso ko sa pamilya ni Ice. Sila ang bumuhay sa amin ni Mama noong buhay pa ito. Sila ang nagpa-aral sa akin. Natatakot akong madismaya sila sa akin dahil sa gagawin ko. I’m sure na hindi nila ako mapapatawad kung gagawin ko iyong gusto niyo.” “Paano ako?” Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ni Lorraine. Nawalan na ito ng pag-asa. “Pero paano rin ako? Sorry, Lorraine. Kailangan ko ng umalis. Maglilinis pa ako sa itaas.” ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD