Chapter 2

781 Words
Habang palalim nang palalim ang gabi at padami nang padami ang mga babaeng sinusubasta, mas lalo akong nakakaramdam ng takot at kaba. Apat na lang kaming natira. At ako na ang susunod na ipapasubasta. Hindi ko alam kung makapangyarihan pa ba ang dasal. Kung may magagawa pa ba ang dasal upang mailayo ako sa kapahamakan sa lugar na ito. "Two hundred fifty thousand! Sold!" Napapikit ako nang hilain ako ng lalake at dinala sa stage. "Nineteen years old, virgin!" sabi ng emcee. Napatingin ako sa mga lalakeng nakaupo sa sulok na may mga hawak na numero. Kita ko ang matinding pagnanasa sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa halos hubad kong katawan. Nakaramdam ako nang matinding takot, lalo na ng makita ko na karamihan sa kanila ay mga matatanda na at ang lalaki pa ng mga tiyan. Kinilabutan ako at nakaramdam ng pandidiri. Naghanap ako ng medyo bata pa sa kanila, pero bigo ako. Nagsimulang manubig ang aking mga mata habang nagpapataasan sila ng bid. Hanggang sa umabot ang bid sa halagang seven hundred thousand. Halos hindi na ako makahinga sa pabilis nang pabilis na t***k ng aking puso. Nang muli akong hilain ng lalake papunta kung saan nakaupo ang nakabili sa akin, halos blurry na ang lahat. Napakislot ako nang haplusin ng matandang lalake ang aking braso. Isang matandang lalake na may suot na eyeglasses, at mayroong malaking tiyan. Nakaramdam ako nang pandidiri sa kaniya. Umiiyak ako habang hila-hila niya ang tali sa aking kamay. Para akong isang hayop na tinalian ng mga kamay at mga paa. Pumasok siya sa isang kuwarto na mayroong dim at kulay pulang ilaw. Tinulak niya ako sa kama dahilan para mapasigaw ako sa pagkabigla at labis na takot. "Huwag po, parang awa mo na," pagmamakaawa ko sa kaniya habang tinitignan siyang maghubad ng kaniyang suot na polo. Lumantad sa akin ang makakapal na balahibo niya sa kaniyang dibdib na mayroong pawis. Para akong masusuka. Hindi ko kaya. Hindi ko masikmura. Inutusan niya ang kaniyang tauhan na itali ang magkabilang kamay ko sa bed frame ng kama na kinahihigaan ko. Nagpumiglas ako pero masyadong mahina ang aking katawan. Tinanggal na ang tali sa aking magkabilang paa. Ang tauhan ng matanda ay lumabas na din ng silid. Kaming dalawa na lang at wala na ding suot na pang-ibaba ang lalake. Mariin akong pumikit. Parang hinahalukay ang aking sikmura. Naduduwal ako, nasusuka. Pilit kong hinihila ang aking kamay na nakatali upang makawala ako, kahit na napaka-imposible dahil sa posas na ginamit. Sumampa ang matandang lalake sa kama at halos lumubog ito sa kaniyang bigat. Hinawakan niya ang aking magkabilang binti na tuluyang nagpaiyak sa akin ng malakas. "Please! Parang awa mo na! Huwag po!" "Sige, ganiyan nga. Magmakaawa ka. Gusto ko ang babaeng maingay sa kama habang binabayo." Malademonyo siyang tumawa. Napahagulgol ako at pilit na iniiwas ang maliit kong katawan sa kaniya. Hanggang sa patungan niya ako na halos ikapisa ko. Nagpatuloy ako sa pagsigaw. Nagmakaawa at humingi ng saklolo. Nang halikan niya ang aking pisngi, mariin kong kinagat ang kaniyang tenga. "Ah! Tang-ina!" Sumigaw ito at namilipit sa sakit pero hindi pa din siya umalis sa aking ibabaw. Halos hindi na din ako makahinga dahil sa kaniyang bigat. "Walang hiya ka!" sigaw niya bago niya ako sinampal. "Ah!" napaigik ako sa sakit, na sanhi ng kaniyang pagtawa. Bumalik ang kaniyang labi sa aking pisngi. Hinalikan niya ako at binasa ng kaniyang nakakadiring laway. "Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ko. Bumaba na ang kaniyang labi sa aking balikat. At halos mawalan na ako nang malay dahil sa takot. Nang kapain niya at lamasin ang aking dibdib, desperada akong napasigaw. Halos sumakit na din ang aking lalamunan sa pagsigaw. "Huwag! Huwag!" Tumawa ito. Pinagmasdan niya ang aking katawan. Ladlad na ang isa kong dibdib sa kaniya. "Mukhang masarap ang fresh na tahong. Hindi naman ako nagmamadali. Gusto muna kitang kainin." Kinilabutan ako sa kaniyang sinabi. "Huwag ka ng manlaban, masasarapan ka naman sa gagawin natin," sabi niya at bababa na sana sa gitna ng aking katawan, nang puwersahang magbukas ang pintuan. "Tulong! Tulungan mo po ako!" pakiusap ko sa lalake na nasa hamba na ng pintuan. Hindi ko gaanong makita ang kaniyang mukha dahil sa mga mata ko na hilam ng luha. "Sino ka?!" galit na tanong ng matanda. "You don't need to know who I am," sabi ng malamig na boses ng lalake, na ngayon ay naglalakad palapit sa kama na kinaroroonan namin. Napasigaw na lang ako nang bumagsak ang katawan ng matanda at madaganan niya ang kalahati ng aking katawan. Binaril siya. "Please, huwag niyo po akong patayin. Huwag po!" Pakiusap ko nang lumapit sa akin ang dalawang lalake na nakasuot ng itim na suit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD