Prologue

355 Words
Ilang kalabog mula sa baba ang narinig ko kaya nagmamadali akong lumabas ng aking silid at bumaba nang hagdan. Ganoon na lang ang pagtahip ng aking puso nang makita ko ang ilang armadong mga lalake na kausap ng aking ama. Nakatutok ang isang baril sa aking ama. Nakaramdam ako ng labis na takot para sa kaniyang buhay kaya napasigaw ako. "Anak, umakyat ka sa taas!" sigaw ni Daddy. Hindi ko siya sinunod, sa halip ay sinugod ko siya ng yakap sa takot na baka kung ano ang gawin sa kaniya ng mga lalake. "Sino po kayo? Ano po'ng kailangan niyo sa aking ama?" naiiyak kong tanong. Tumayo ang isang lalake na mayroong bilugang tiyan. Lumapit ito sa akin at pinakatitigan ako. "Mayroon ka pa lang mahalagang ari-arian, kukunin namin siya," sabi nito at agad akong hinila palayo sa aking ama. Nakipaghilaan ang aking ama pero wala siyang nagawa, nang harangan siya ng dalawang malalaking lalake. "Parang awa niyo na, huwag ang anak ko!" pakiusap ni Daddy. Lumuhod siya at umiiyak na nakiusap sa lalake. "Magagawan ko ng paraan ang utang ko sa inyo!" "Ilang beses ka ng nanghingi ng palugit. Tapos ginago mo pa ako! Akala mo hindi ka namin masusundan dito sa Malaysia?! Itong anak mo na lang ang kukunin ko!" Napaiyak na lang ako sa takot. Gumapang ang aking ama at halos yakapin ang binti ng lalake habang nakikiusap na huwag akong kunin. "Tara na!" sabi ng lalake na may hawak sa akin saka ako hinila palabas ng pintuan. "Daddy!" tawag ko sa aking ama. Nilingon ko ito at nakita ko itong nanlalaban sa mga armadong lalake na pilit humaharang sa kaniya. "Huwag ang anak ko! Magkakamatayan na muna tayo!" sigaw ni Daddy. "Patayin niyo na iyan para sumunod na siya sa asawa niya!" utos ng lalake. "Huwag po! Daddy! Daddy!" Nanlamig ang buo kong katawan nang ilabas ng isa sa lalake ang kaniyang baril. Pinilit kong manlaban upang saklolohan ang aking ama, pero wala na akong nagawa pa. Malakas ang sigaw ko nang makita ko kung paano nila pasabugin ang kaniyang ulo. Nanghina ang mga tuhod ko at nawalan ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD