Chapter 1

518 Words
Napabalikwas ako nang magbukas ang pintuan ng maliit at madilim na silid na kinaroroonan ko. Pumasok ang isang malaking lalake na tadtad ng tattoo ang katawan at mukha. "Out!" pasigaw na utos niya sa akin. At nang hindi pa ako agad gumalaw, marahas niya akong hinila at pakaladkad na nilabas ng silid. "Hey! Ingatan mo naman! Paano natin pagkakitaan ng malaki iyan kung puro na pasa!" galit na sigaw nang isang matandang babae na punong-puno ng kolorete ang mukha. "Mabait ka naman na siguro ngayon," nakangisi nitong sabi sa akin sabay buga ng usok ng sigarilyo sa aking mukha. Ilang araw na ang lumipas mula nang kunin ako ng mga kalalakihan at dinala dito sa isang lugar na hindi ko malaman kung saan at kung ano ba ang tawag dito. Basta ang alam ko lang, punong-puno ng kasalanan ang lugar na ito. At ang namamahala sa lugar na ito ay isang sindikato na dugong Pinoy. Sinenyasan ng babae ang lalake na may hawak sa akin. Muli akong hinila ng lalake patungo sa isang pintuan. "Maligo ka! Linisin mo ang katawan mo!" pasigaw nitong utos. Tinulak niya ako kaya nadapa ako. Padabog din niyang sinara ang pintuan ng banyo. Kasabay ng pagtulo ng tubig sa aking katawan ay ang pagbuhos ng aking masaganang mga luha. Humarap ako sa salamin at tinignan ang aking sarili. Ang ilang mga pasa sa aking katawan ay unti-unti nang nawawala. Ilang beses kong tinangka na tumakas. At lagi nila akong nahuhuli. Pinaparusahan nila ako at hindi pinapakain. PAGKATAPOS kong maligo, dinala nila ako sa isang silid. May ilang mga babae na nakatayo sa gilid habang nakagapos ang kanilang mga kamay. Marahil ay kaparehas ko sila ng kuwento, kung bakit sila narito. Inutusan akong mahiga sa maliit na kama. Hindi na lang ako nanlaban pa, dahil masyado nang masakit ang aking katawan na sinasaktan nila sa tuwing sinasaway ko ang utos nila. At saka wala na din akong magagawa pa. Kailangan kong tanggapin itong kapalaran ko. Sira na ang buhay ko. Wala na si mommy at si daddy ay walang awa ding pinatay nila. Mariin akong pumikit nang maramdaman ko ang pinasok na aparato sa aking p********e. "Virgin," sabi ng doktora na tumingin sa akin. Nagsulat siya sa papel saka ito binigay sa lalake. Dinala naman ako sa gilid ng malaking lalake, upang kunan ng picture. Hindi ko maunawaan kung para saan ito. Pero isa lang ang sigurado ako. Plano nila akong ibenta. Gaya ng ibang mga babae na naririnig kong umiiyak at nagmamakaawa kada gabi. KINAGABIHAN, pinabinihisan at pinaayusan ako ng matandang babae. "Tiyak na malaki ang kikitain namin sa'yo. Ang ganda-ganda mo. Sariwang-sariwa. Ang ganda pa ng kutis mo." Iniwas ko ang aking mukha nang haplusin niya ang aking pisngi. "Tss! Dalhin niyo na siya doon!" utos niya ulit sa lalake. Dinala nila ako sa isang pinto. Nang makapasok kami, napagtanto ko na isa itong club. May mga babaeng malanding sumasayaw sa stage, sa bandang gilid at sa gitna nitong club. Mga topless ang mga ito at ang suot nilang panty ay kapiranggot lang— hindi man lang nito natakpan ang kanilang p********e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD