"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi dito. Sana doon ka na lang tumira sa opisina mo! Kalimutan mo na lang na may pamilya ka dito!" Napailing si Castle nang marinig ang tila armalite na bunganga ng kaniyang Mommy.
"Pamilya? Kailan pa nauso sa'yo ang salitang 'yan, Mercedes?" Malakas ding tugon ng kaniyang Daddy na halatang ayaw magpatalo sa asawa. "Mabuti nga ako, eh, inuumaga sa pagkakayod para sa pamilya natin. Eh, ikaw? Inuumaga ka sa casino kasama ang mga walang kuwenta mong amiga."
"How dare you to talk me in that way, Arsenio? Baka nakalimutan mong kay Papa 'yang kompanyang pinagmamalaki mo!" Bulyaw ng kaniyang ina bago narinig ni Castle ang pagkabasag ng kung anong bagay.
Malamang ay isa na naman 'yon sa mga mamahaling figurine na nasa sala nila, na madalas mapagdiskitahang ibato ng Mommy niya sa kaniyang ama.
"Oh dammit." Nanggigil na isinalpak ni Castle ang earphones sa kaniyang tenga.
Sawang-sawa na siya sa halos araw-araw na pagbabangayan ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung kailan siya ulit magigising sa umaga na hindi batuhan ng mga masasakit na salita ang kaniyang maririnig. Ni hindi na nga niya matandaan kung kailan sila huling kumain ng magkasama. Basta ang malinaw lang sa isip ng dalaga, sampung taong gulang siya noon nang magsimula ang ganitong kalbaryo ng kaniyang buhay.
Nag-umpisa ito nang mamatay ang kaniyang abuelo na may-ari at dating presidente ng kanilang family business. At sa manugang nito-daddy niya-iniwan ang posisyon. Dahil wala namang kaalam-alam sa pagpapatakbo ng negosyo ang kaniyang Mommy. Simula noon ay naging abala na ang kaniyang Daddy at nawalan ng oras sa kanila. Doon na rin nag-umpisa ang kaniyang ina na maghanap ng paglilibangan-at iyon ay pagka-casino.
Pero ang mas masakit n'on, doon nagsimulang maiwan sa bahay si Castle, na tanging mga kasambahay lang ang kasama dahil solo lang naman siyang anak. Walong taon na ring mag-isa niyang iniintindi ang sarili; mula sa magagandang pangyayari sa buhay niya hanggang sa mga problema. Dahil sa tuwing sinusubukan niyang kausapin ang mga ito ay lagi siyang dini-dedma. Bawat approach niya ay tinatapatan lang ng pera.
Pera. Pera.
Kaya nagsawa na ang dalaga. Napagod. Pagod-pagod na siyang mamalimos sa atensiyon ng parents niya at sa kakapangarap na sana balang araw ay maibalik sa dati ang masaya nilang pamilya.
Napabuntong-hininga na lang si Castle para pigilan ang nagbabadyang pag-init ng kaniyang mga mata. Hangga't maaari ay ayaw na niyang balikan pa ang mga panahong iyak siya ng iyak kapag ganitong feeling alone siya. Tapos na siya sa yugtong kinakaawaan ang sarili.
Pagkatapos pasadahan ang sarili sa salamin ay dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Lalo niyang nilakasan ang volume ng pinapakinggan niyang rock song nang maabutan sa sala ang pagtatalo ng Mommy't Daddy niya.
Tila hangin siyang dumaan sa gitna ng mga ito bago naulinigan ang boses ng ama. "Kinukulang na ba ng tela ang Pilipinas, Castle?" Tili ng Daddy niya habang pinapasadahan siya ng tingin.
Nakasimangot na sinipat ng dalaga ang kaniyang sarili. Wala naman siyang nakikitang bago sa suot niyang kulay pulang blouse. Off shoulder ang tabas niyon kaya lumantad ang makikinis niyang mga balikat at kinapos din ang haba kaya litaw na litaw ang kaniyang impis na niyan at pusod. Tinernuhan iyon ni Castle nang maigsing shorts kaya nakabalandra ang mahahaba at makikinis niyang legs. Araw-araw ay ganon ang suot niya kaya hindi niya maintindihan kung bakit iyon pinansin ngayon ng ama.
"Huwag mong pagdiskitahan ang anak natin, Arsenio." Pagtatanggol ng kaniyang ina, na hindi naman niya nakitaan ng pagmamahal. Talagang gusto lang nitong sitahin ang asawa.
"Palibhasa wala kang pakialam sa anak mo kaya okay lang sa'yo kahit magmukha na siyang kaladkarin!" Muling ibinaling ng Daddy niya ang atensiyon sa kaniyang ina.
Sinamantala iyon ni Castle upang tumalikod at hindi na hinintay pa ang kunwaring pag-aalala sa kaniya ng mga magulang.
"Castle!"sigaw ng ama niya. Pero dahil sa lakas ng pinapatugtog kaya bahagya na lamang niya iyong narinig.
She didn't even bother to turned her back on him. Dali-dali siyang pumasok sa kotse niya para makaalis sa impiyernong bahay na iyon.
Mabuti na lang at nagagawa pa rin niyang pakalmahin ang sarili sa kabila ng pagkainis. Dahil kung hindi ay baka kanina pa binunggo ni Castle ang mga sasakyang nasa harapan niya na nag-uumpisa ng pumarada sa kahabaan ng EDSA.Napaka-traffic talaga kapag ganitong maulan pa ang panahon.
Nakahinga lang ng maluwag si Castle nang tuluyang makaalis sa 'stressful highway' na 'yon. Mula sa kinaroroonan ay natatanaw na niya ang karatulang Green Wood University. Isa sa pinakamahal at eksklusibong eskuwelahan sa Makati. At dito siya nag-aaral ng college sa kursong Business Management.
Bago makarating sa main gate ng university ay may madadaanan siyang lubak-lubak dahil sa ginagawang kalsada. Pero wala sa loob ni Castle na dahil umulan at may kabilisan ang pagpapatakbo niya kaya posibleng matalsikan ng putik ang sino mang madadaanan niya.
At hindi nga niya napansin ang isang naka-bisekletang lalaki na halos paliguan niya ng putik. Nagulat na lamang siya nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse niya, nang tumigil na siya sa tapat ng gate para ilabas ang kaniyang school I.D.
Mula sa loob ay nakikita ni Castle ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. She knew him; he is the president of their Student Council. Nabibilang din ito sa 'low profile' group at iskolar ng GWU. Bihira din niya itong makitang nakangiti. Suplado for short. But aside from that, she barely knew him. She can't even remember his name.
Tinted ang bintana ng kaniyang sasakyan kaya siguradong hindi siya nakikilala ng lalaki. Pero siya ay malaya niya itong napagmamasdan. And she won't deny that she found him so handsome. Hindi kasing kinis ng balat niya ang kulay ng binata pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito.Lihim na napangiti si Castle nang makitang may dumi ito sa mukha.
How cute was that?
Napapiksi ang dalaga nang biglang lumakas ang pagkakatok nito sa bintana. Kunot-noo niya itong pinagbuksan. "Hey, what's the problem?" Kaswal niyang tanong.
Sumalubong sa kaniya ang mas kunot nitong noo. Hinihingal din ito ng kaunti na parang may hinabol. Pero bigla itong natigilan nang tila makilala siya. Hindi sigurado si Castle kung paghanga ba ang nakita niyang dumaan sa itim na itim nitong mga mata.
"Problema talaga 'tong ginawa mo sa'kin."Ramdam niya ang pigil na galit sa boses ng lalaki.
Suplado nga! Hiyaw ng kaniyang isip.
Bahagyang uminit ang ulo ni Castle sa narinig. "Hey, what are you saying?" Nakasimangot niyang tanong.
"Bakit hindi ka lumabas diyan o sumilip man lang para makita mo ang ginawa mo sa'kin?"
Umusog siya palapit sa kabilang bintana para tingnan ang sinasabi ng lalaki. Napa-'oh' ang dalaga at sabay ngiwi nang makitang nagkulay tsokolate ang suot nitong puting uniporme dahil sa nahuhulaan niyang putik na kumapit doon. Marine student nga pala ito!
"Yuck! Papasok ka sa school ng ganiyan ang hitsura mo?"
"Huwag mo akong niya-yuck-yuck, ha. Ikaw ang may kasalanan nito."
"I don't know what you're talking about. So, please, stop accusing me, okay? Wala akong panahong makipag-usap sa isang katulad mo." Pagtataray niya bago aktong isasara ang bintana.
Pero nagulat siya nang bigla iyong pigilan ng binata."Akala mo kasi reyna ng kalsada kung magpatakbo, eh." Tuluyan ng lumabas ang galit nito."Palibhasa nakakotse kaya wala ng pakialam kung maka-perhuwisyo man ng iba. Ang yabang talaga porke't mayaman lang!"
"Hey! Personal na 'yan, ah!" Ganting-sigaw ng dalaga. "Okay. Let's say na ako nga ang may gawa niyan sa'yo, but don't expect me to say sorry. Dahil diyan sa attitude mo kaya na-realized ko tuloy that you just deserve it."
"At ikaw pa talaga ang galit ngayon, ha?"
"Of course! I am a princess and you are..." tuluyan na ring gumana ang ka-malditahan ni Castle. Nandidiri niya itong sinipat mula ulo hanggang paa. "Mukhang isa ka lang houseboy." Panlalait niya sa lalaki bago isinara ang bintana. Mabuti na lang at mabilis nitong tinanggal doon ang kamay kaya dulo lang ng daliri ang naipit.
Sa sobrang inis ni Castle kaya hindi na niya ito pinagkaabalahang tingnan sa side mirror. "I hate that man!" Tili niya nang makarating siya sa parking lot. "Binabawi ko na ngayon ang sinabi ko sa kaniya kanina na guwapo at cute siya." Patuloy na panggagalaiti ng dalaga.
Pero mayamaya lang ay pilit niyang pinakalma ang sarili upang mag-retouch ng make up. Hindi siya puwedeng bumaba ng kotse na mukhang stress at haggard. Her admirers would hate that. Nang makuntento sa hitsura ay isinuot na ni Castle ang maliit na koronang sumisimbolo sa estado niya dito sa campus. Isang titulo na nakakakuha ng atensiyon ng lahat kung saan kabaligtaran sa kalagayan niya sa bahay nila.
Habang naglalakad sa campus ay pinagtitinginan na ang dalaga. May mangilan-ngilan pang napapatigil sa paglalakad para lang titigan at hangaan siya. Ang iba naman ay napapa-'wow' habang pinagmamasdan si Castle, mapa-babae man o lalaki. And why not? Isa sa siya sa miyembro ng The Royalties- isang clique dito sa Green Wood University na kinabibilangan ng mga tinaguriang campus princes at princesses.
"Hi, Castle!"Halos sabay-sabay na bati sa kaniya nina Annaliese, Rhiannon at Azalea nang makarating siya sa paborito nilang tambayan sa school quadrangle.
Katabi ng tatlong babae ang barkada din nilang mga lalaki na sina Dashiell at Flynn. Silang anim ang mga miyembro ng The Royalties. Si Annaliese-na anak ng may-ari ng school-ang kanilang leader. She was the one who founded this group. Gusto kasi ng kaibigan niya na patunayan sa ina na tulad nito ay kaya rin niyang mamuno. Hindi man bilang presidente ng school kundi kahit sa ibang bagay katulad ng barkada nila.
Lahat silang mga members ay pawang nanalo na sa mga beauty pageants dito sa university bilang mga campus princess at prince; not once, not twice but nth times. Kung saan ito ang pinaka-numero unong katangian para makapasok sa The Royalties. Pangalawang rule, dapat mamintina mo ang titulong iyon; hindi man sa pagsali sa mga pageants kundi sa atensiyon at paghangang nakukuha nila sa buong campus- lalong-lalo na ng mga kalalakihan. Kailangan nilang patunayan na sila pa rin ang may pinakamalakas na karisma sa lahat ng mga estudyante dito sa GWU. And to prove that, nagsasagawa sila ng 'quarterly evaluation'. Bilang leader, si Annaliese ang nagdedesisyon kung ano o sino ang kanilang magiging 'test' na ginagawa sa loob ng isang linggo.
Ang pinakahuli noong naging test ni Castle ay nang kausapin niya ang kanilang most terror professor na ipasa sila sa subject nito. Inaantok kasi sila sa klase na iyon kaya bihira silang pumasok. Pero dahil nga 'prinsesa' si Castle kaya kahit gaano man kasungit ang professor na iyon ay pumasa pa rin sila.
At ano ang ginawa niya? Well, she only used her charm. That no one else could refuse.
Ni minsan ay hindi pa siya bumagsak sa 'evaluation' kaya nga dalawang taon na siya sa The Royalties. Ilan na rin sa mga miyembro nila ang napatalsik dahil sa pagkabigong magawa ang mga tests ni Annaliese.
And the last but not the least rule, BE HONEST. Dapat lahat ng nangyayari sa buhay nila dito sa campus ay malaman ng buong grupo; it's either good or bad. Paraan din daw iyon para mapanatili nila ang tiwala ng isa't-isa.
At kapag may nilabag ka ni isa man sa rules na 'yon, it will make you automatically evicted to this group.Hindi nila alam kung saang saligang batas iyon nakuha ni Annaliese, pero masugid nila iyong sinusunod. Kasi bawat isa sa kanila ay takot na matanggal sa grupo.Dahil kasi sa clique na ito kaya nakukuha nila ang atensiyon ng lahat. Isa sa mga bagay na hindi nila nakukuha sa kani-kanilang pamilya. Yes, it was indeed serious; because aside from being princes and princesses, having family breakdown is also their common factor. Lahat sila ay pawang kulang sa pansin ng mga magulang.
Sa The Royalties lang sila nagiging kumpleto at sumasaya.
"Wow!"Narinig niyang bulalas ni Rhiannon habang pinapasadahan siya ng tingin. "Agaw-atensiyon na naman ang beauty ng lola niyo.You're so sexy, Cas!"
Pasimpleng sinipat ni Castle ang sarili. Actually, lahat naman sila ay iisa ang istilo pagdating sa fashion.
Liberated.
Nagkataon lang na 'di hamak na mas maganda, sexy at mestisa siya kumpara sa mga kaibigan. Kaya kahit anong susuotin niya ay umaangat ang pagiging 'prinsesa' niya sa lahat.
Dahil nga pulos mayayaman ang nag-aaral sa eskuwelahang ito kaya may pagka-liberated ang sistema. Mangilan-ngilan lang ang makikita ditong outdated pagdating sa fashions. Iyon ay ang mga geeks at ang mga tinatawag nilang 'low profile'. Ito ang grupo na kinabibilangan ng mga estudyanteng nanggaling sa middle class family o mas mahirap pa doon. Sila ang mga pinapaaral ng mayayamang amo o 'di kaya ay sa tulong ng scholarship ng eskuwelahang ito.
"Is that a sign na handa ka na para sa 'evaluation' mo, Cas?" Tanong ni Annaliese.
Napasapo sa kaniyang noo ang dalaga. Nawala sa isip niya na ngayon nga pala ang magiging huli niyang test para sa taong ito.
Pero kaagad din siyang ngumiti at nagkibit ng balikat. "Well, you know that I'm always ready for that...anytime, anywhere." Pagmamayabang ni Castle.
Tinapik siya ni Dashiell sa balikat. "You know, Cas, I always love your guts!"Puno ng paghanga nitong saad.
"Is that all that you love her, bro?" Panunukso ni Flynn.
Hindi lingid sa barkada na gusto siya ni Dashiell. Pero alam din ng lahat na wala itong pag-asa sa kaniya dahil hanggang kaibigan lang ang turing niya dito. At isa pa, wala pa sa vocabulary ni Castle ang salitang 'love'. For her it doesn't exist; napatunayan niya ito sa kanilang pamilya...sa kaniyang mga magulang.
Pabiro niyang binatukan ang kaibigan. "You know there's a term for you, Flynn: tsismoso!"Sita niya sa kaibigan.
"Well, Castle was right." Pagsasang-ayon sa kaniya ni Azalea. "She never failed us for this past two years."
Sa kanilang anim ay siya ang pinakabagong miyembro. Dahil ang iba ay magkakasama na simula pa noong mga high school pa lang. Ang mga dating kasabayan niya ay na-evict na.
"Well, gan'on talaga kapag may maipagmamalaki ka." Kunwa'y pagmamayabang ni Castle. "And in my case, I have a very beautiful legs to be proud of. Aside from the fact of being goddess."
Tinawanan lang ng mga kaibigan ni Castle ang pagbubuhat niya ng sarili. Palibhasa pare-parehas na may mga strong assets kaya kaniya-kaniya din sila ng pasikatan kung minsan.
"Then, prove it, Castle." Si Annaliese. "I'll give you the most challenging test you will ever encounter."
Ngumiti siya ng puno ng tiwala sa sarili. "Just say it, Annaliese.."
"Prove us that love really exist..." walang ligoy na wika ng leader.
Mukhang pinaghandaan na ng lahat ang magiging test niya bago pa man siya dumating kanina. Kaya wala ni isa sa mga ito ang kumontra sa sinabi ni Annaliese. Samantalang alam naman ng lahat ang paniniwala niya tungkol sa usaping iyon.
"Annaliese!" Pagdadabog niya. "Ipagawa mo na sa'kin ang lahat basta huwag lang 'yon. You already knew my answer for that."
"I know...we all knew that." Puno ng determinasyong sagot ni Annaliese. "Pero hindi ba mas challenging ito para sayo? At exciting para sa'ting lahat!"
"She was right, Cas." Pagsasang-ayon ni Rhiannon. "'Di ba mas maganda kung mapapaniwala mo kami sa bagay na pinaniniwalaan mong hindi nag-i-exist?"
Humalukipkip si Castle. "How could I made you all believe in love?" She keeps complaining. "Eh, kung sarili ko mismo ay hindi ko mapaniwala sa love-love na 'yan."
Hinila siya ni Azalea paupo sa tabi nito. Sa kanilang lahat ay ito ang pinakamabait. "Napag-usapan kasi namin na baguhin ang paniniwala mong 'yan. Kasi 'di ba mga princesses at princes tayo? Kaya paano mo mapapanindigan ng matagal ang titulong iyan kung hindi ka naniniwala sa isang bagay na nagpapatunay sa existence natin." Mahabang paliwanag ni Azalea.
"Remember, we are the main characters of our own fairy tales." Dagdag pa ni Annaliese. "And every fairy tales comes with love, right?"
"Fairy tales doesn't exist, too!"Talagang sarado ang puso't isip niya pagdating sa bagay na 'yon.
Hindi siya man-hater or whatsoever. Siya lang ang naging bunga ng relasyong walang pagmamahalan...ng kaniyang mga magulang.
"Then, you can't consider yourself as a princess!" Tili ni Annaliese.
Hindi niya napigilang tingnan ito ng masama. "I already proved myself for two years, Anna. Kaya wala kang karapatang sabihin sa'kin 'yan." Nakipagtitigan siya kay Annaliese.
Tumayo si Flynn at pumagitna sa kanilang dalawa."Guys, guys...relax, okay? Masiyado kayong hot, eh. Puwede namang pag-usapan ng maayos, eh."
"Eh, nakakainis kasi si Castle, eh! Hindi na naitago ni Annaliese ang pagkaasar. "Para saan pa ang rules at ang pagiging leader ko kung hindi lang din naman niya susundin."
Pati si Dashiell ay tumayo na rin. Inakbayan siya nito para pakalmahin. "Relax, sweetie. Where did your guts goes? 'Di ba wala kang inuurungan kahit ano?"
"Saka hindi mo naman kailangang mainlove sa gagawin mong ito, eh." Ani Rhiannon. "Kasi alam nating lahat na imposible."
Unti-unting kumalma si Castle."What do you mean by that?" She asked gently.
Huminahon na rin si Annaliese at ngumiting hinawakan siya sa kamay. "Ang kung sino mang lalaki ang unang pumasok sa gate na 'yan, at this moment," itinuro nito ang main gate ng unibersidad. "Ay siya ang magiging prospect mo. He will be your prince na magpapatunay sa'yo-sa'ting lahat-that there is really love in this world."
"You mean-"
"Make him fall for you!" Si Annaliese na ang tumapos sa sasabihin niya. "
Bahagya niyang inilayo ang sarili kay Dashiell. Kapagkuwa'y ikinumpas niya ang mga kamay. "Okay, I got it. Ibig niyong sabihin ay paiibigin ko ang lalaking 'yon? At pagkatapos ay ibi-break din?"
"Exactly!"Halos sabay-sabay na sagot ng lima.
Napaangat na lang ang isang kilay ni Castle. Kung tutuusin ay hindi naman bago sa The Royalties ang ganitong 'pagsubok'. Ginawa na rin ito minsan ng mga kasamahan niya. Iyon nga lang, sa kaniya ay bago ito.Pero naisip ng dalaga na kung nagawa iyon ng mga kaibigan niya, bakit siya hindi, 'di ba? Hindi naman maapektuhan niyon ang paniniwala niya dahil hindi naman siya iibig sa taong 'yon. Ito ang paiibigin niya.
Saka trabaho lang, walang personalan.At alam din ni Castle na kapag inayawan niya ang challenge na 'yon ay siguradong matatanggal na siya sa grupo. They're all good friends but they are also devoted to their rules.
"Okay, I'm fine with it!" Determinado niyang sagot.
Sigurado na siya,wala ng atrasan ito. Handa na siyang paibigin sa loob ng isang linggo ang kung sino mang lalaking unang papasok ngayon sa main gate. Chicken na chicken lang naman ito sa kaniya dahil bukod sa sikat na at mayaman ay maganda pa. Wala pang ni isang lalaki ang nang-i-snob sa isang Castle de Ayala.
Pumikit ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit lihim niyang naidasal na sana ay guwapo ang magiging 'test' niya.
Mayamaya'y narinig niyang nagtatawanan ang mga kaibigan niya na tila ba may nakitang nakakatawa.
"Mukhang mapapasubo ka this time, Cas."Natatawang wika ni Flynn.
Dahan-dahan siyang nagdilat ng mga mata para kilalanin ang tinutukoy ng mga ito. At gan'on na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makilala ang lalaking pumasok sa gate na sakay ng isang bisekleta. Sa likod nito ay nakasampa ang isang nerd. Pinagmasdan niyang maigi ang lalaki. Siguradong nagpalit ito ng damit dahil mas malinis na ang suot nito kaysa kanina.
"Sino sa kanila ang gusto mo, Cas? Feel free to choose your prince-to-be." Panunukso ni Rhiannon.
"Siyempre 'yong driver, si Mr. President."Natatawa na ring saad ni Annaliese. "Siyempre siya 'yong nasa unahan, eh."
"No!"Tili ni Castle. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ngayon pa lang ay parang kinakabahan na siya para sa kaniyang 'test'.
"Don't tell me na mas gusto mo 'yong nerd kaysa kay Mr. President?" Hindi makapaniwalang saad ni Azalea.
"Rule is rule." Mariing sabi ni Annaliese. "Hindi puwedeng baguhin."
Lihim tuloy niyang naihiling na sana ay hindi na lang sila nagka-engkuwentro nito kanina. Baka sakaling mapapadali ang 'test' niya. Pero kaagad din niya iyong binura sa kaniyang isip. Katulad ng sabi niya kanina ay wala pang ni isang lalaki ang nang-i-snob sa isang tulad niya. Kahit gaano man iyon kasuplado.
She sighed deeply. "Okay, deal! I'll go with the president. You know what I'm capable of." Aniya sa tonong nagyayabang.
"Then, let'see how it works."Panghahamon sa kaniya ni Annaliese. "Sa pinakamasungit na tao sa buong GWU."
"Go, Castle! Make us believe that love really exist!"Excited na wika ng lahat.
Tumayo siya at namaywang. Pasimple niyang itinuro ang president nang makatalikod ito sa kanila habang inaayos ang bisekleta. "I have seven days to make you my prince, Mr. Sungit." Sumilay ang pilyang ngiti sa kaniyang mga labi."Pero ngayon pa lang sisiguraduhin kong bibigay ka na."
"But always remember, sweetie,that he is just your 'test'. Bawal ang ma-attach...ang mainlove." May nahihimigan siyang selos sa boses ni Dashiell.
"I will never...ever...fall to that man." Puno ng kasiguruhang sagot ni Castle.
Maya-maya ay naglalakad na ang presidente papunta sa kinaroroonan nila habang kasunod ang kasama nitong nerdy. Kumislot ang puso ni Castle nang tumigil ang dalawang lalaki at umupo sa isang bench malapit sa kanila. Hindi niya alam kung bakit siya na-a-amused sa binata habang nakayukong inaayos ang laylayan ng uniporme. Napansin niyang mas masikip iyon kaysa suot nito kanina. Pero lalo lang iyong nagpadagdag sa karisma ng lalaki dahil bumakat ang magandang hubog ng katawan nito. Hindi nalalayo sa isang Hollywood actor na si Taylor Lautner ng Twilight, ang aura ng lalaki.
Castle's shook her head as she realized what she is exactly doing. At bago pa man mamulaklak ang lalaking ito sa mga compliments niya ay humakbang na siya palapit dito para umpisahan ang kaniyang 'test'.