bc

The Billionaire's Game of Chance

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
playboy
boss
drama
bxg
witty
city
musclebear
addiction
like
intro-logo
Blurb

#TagalogWritingContest—LoveGameWithAMulti—facetedBillionaire

Si Amor ay isang simpleng dalaga, ipinanganak na mahirap kaya allergic siya sa mga taong nakaaangat sa buhay. Ilang beses na siyang niloko ng mga lalaking nakarelasyon niya at dahil sa walang kapantay na sakit na dulot ng mga lalaking iyon ay isinumpa niya na hinding-hindi na siya iibig pang muli. Magpo-pokus na lang siya sa sarili niya at ang malambot niyang puso ay gagawin niyang pusong bato para hindi na siya masaktan pa.

Si Jack ay isang self-made billionaire na nagpapanggap na mahirap. Binansagan siyang Jack of all trades ng mga kaibigan. Playboy, happy-go-lucky ang gwapong binata at tila walang plano magseryoso sa babae. Para sa kaniya ay isang laro ang pag-ibig. Hobby na yata niya ang mangolekta at magpaiyak ng babae, pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Amor.

Mapalambot niya kaya ang puso ng dalagang dalang-dala na sa pag-ibig o ito na ang unang pagkatalo niya sa laro ng pag-ibig? Paano kung bumalik ang huling babaing nakarelasyon niya at obligahin siya na panagutan ang bunga ng isang linggo nilang relasyon? Paano niya ayusin ang sirang-sira na niyang pangalan sa mga mata ni Amor? At paano niya ipapaliliwanag ang lahat kapag nalaman ng dalaga na ang Jack na nagpapanggap na mahirap ay isa palang bilyonaryo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hoy, Amor besh," wika ni Irene matapos sikuhin ang kaibigan. "Tulala ka na naman. Sa 'yo na ang susunod na tagay, oh." Ngumuso pa ito sa mesa na nasa harap nila. "Bawal mag-pass, ha. Kanina ka pa pass nang pass." Napailing na lang si Amor saka kinuha ang bote ng alak at ang shot glass. Nagsalin siya ng gin at agad niyang ng ininom iyon. Nalasahan niya ang pait, pero hindi niya iyon alintana dahil nakapokus ang utak niya sa sakit na ilang araw na niyang iniinda. Nasasaktan talaga siya nang todo. Apat na taon ang ginugol niya sa relasyon nila ni Raf. Minahal niya si Raf, pero niloko lang siya nang paulit-ulit. "Pulutan, besh!" narinig niyang wika ni Tin, ang bakla nilang kaibigan. Tumingin siya sa gawi nito at napansin niya na iniaabot sa kaniya ang sisig plate. Punong-puno iyon ng sisig na tila katatapos lang lutuin dahil umuusok pa. "I-erase mo na siya sa utak mo, Amor. Walang itlog ang taong iniisip mo. Buti pa itong sisig may itlog, o!" Itinuro pa ni Tin ang dalawang itlog na nakalagay sa magkabilang gilid ng sisig plate. Nagtawanan ang mga kasama niya sa mesa. Hindi niya pinansin ang tawanan nila, kumuha na lang siya ng kutsara at nagsandok ng pulutan. Maayos naman ang pagkakaluto ng sisig pero dahil wala siya sa mood ay wala siyang gana namnamin ang lasa niyon. Uminom na lang siya ng malamig na tubig matapos isubo ang pulutan. Kaninang umaga pa sila dumating dito sa Punta de Gloria. Matapos makapagbayad ng cottage ay agad na nagyaya ng inuman ang mga kabigan niya. Celebration daw para sa kaniya, for being single for the fourth time. Gustong-gusto niya batukan ang mga iyon dahil parang ang saya-saya pa na nakipag-break siya sa boyfriend niya. "Naku, besh, magpakalasing na lang tayo ngayon!" sabat naman ni Gela. "Ang ganda kaya ng lugar na ito." Inilibot nito ang paningin sa lugar kung saan napagkasunduan na mag-outing. Ang totoo ay wala namang plano si Amor na sumama sa mga kaibigan. Mas gusto niya manatili sa bahay dahil sobrang init ngayon. Ayos na sa kaniya magkulong sa kuwarto habang iniisip kung ano ang pagkukulang niya at bakit nagawa iyon ni Raf. Pero dahil pursigido ang mga kaibigan niya ay binuhat siya ng bakla nilang kaibigan at sapilitang isinakay sa kotse ni Irene. "Ang init na ng panahon," reklamo ni Amor sabay buntong-hininga. "Tapos alak pa rin ang nasa kukote ninyo. Mamaya niyan ma-dehydrate kayo." Tantiyado niya kasi ang alak na iniinom niya. Kakaunti lang ang tagay niya dahil ayaw niya malasing. "Wala pang alas dose ng tanghali, lasing na kayo. Tingnan ninyo ang pisngi ninyo, pulang-pula na. Tama na sa pag-inom ng alak." "Kutis-mayaman yata 'to," pagmamalaki ni Irene sabay haplos sa makinis niyang pisngi. "I was born like this, Amor." Pasimple pa nitong tiningnan ang magkabilang braso na mala-labanos sa puti saka tumingin sa mukha ni Tin sabay tawa. "Ay bad!" Umingos si Tin. "Tila ipinangangalandakan mo na parang bako-bakong kalsada ang mukha ko. Mind you, Irene! Kung hindi dahil sa baklang 'to ay na-k*dnap ka na ng g*go mong ex boyfriend." "'Kaw naman, Justin." Humahagikhik pa rin si Irene. "Masyado kang balat-sibuyas. Wala naman akong sinabing pangalan, a!" "How many times do I have to tell you not to call me Justin. Tin dapat, Irene. Tin ang pangalan ko." "Tirik pa ang araw kaya Justin ang pangalan mo. Mamayang gabi ka pa mag-ta-transform, baks! Kaya mamaya na lang kita tatawagin na Tin as in mahinhin." Umikot ang mga mata niya at bumulong. "Mahinhin na medyo maharot." Tumawa sila ni Gela. Medyo pabebe kasi ang pagkakasambit ni Irene ng huling apat na salita. Kinuha na lang ni Amor sa ibabaw ng mesa ang hindi pa nabubuksan na chips. Napansin niya kasi na napasimangot si Tin. Baka siya ang mapagbuntunan nito ng inis kaya kumain na lang siya ng tsitsirya. "M*hadera!" Umirap si Tin saka tumingin sa gawi ni Gela na katabi rin ni Amor. "Tatawa-tawa ka riyan, Gela. E, salamat dok naman ang beauty mo. Tse!" "And so what?" Tumaas ang kilay ni Gela. "At least aminado ka na maganda ako." Inilagay niya pa ang likod ng kaniyang palad sa baba niya habang nakangiti kay Tin. Napangiti na lang si Amor habang pinagmamasdan sila. Kanina pa nag-aasaran ang tatlo at tila ayaw magpatalo sa isa't isa. Natigil lamang iyon nang humalakhak ang dalaga. "Sa wakas nawala rin ang lungkot sa mukha mo, gurl," maarteng komento ni Tin saka kumuha ng isang stick na sigarilyo at sinindihan iyon. "You are much prettier when you are smiling." Ngumiti siya saka nagseryoso ng mukha. "Sabi ko naman sa 'yo, we are always here para pasayahin ka." "Yup!" magkapanabay na sabat nina Irene at Gela saka yumakap kay Amor. Sumungaw ang luha sa mga mata niya. Pinaghalong lungkot at kaligayahan. Masakit ang puso niya dahil sa panloloko ni Raf pero masaya naman siya dahil hindi siya pinababayaan ng mga kaibigan niya. Lagi silang nasa tabi ni Amor sa tuwing may problema ang dalaga. "Umiiyak ka na naman." Kumalas ng yakap si Irene saka kinuha ang tissue na naroon sa ibabaw ng mesa. "I told you it's better na nakawala ka na sa ganoong klaseng relasyon." Nagtagay naman si Gela ng alak saka inabot 'yon kay Amor. "You were just taken for granted by—" Agad na nagsalita si Tin sa naiiritang boses. "Never mention that sh*t's name, Gela." "Oh, sorry. My bad." Uminom na lang ng alak si Amor matapos punasan ang sariling luha. "Thank you for being always there for me. Pero sana hindi na kayo nag-abala pa na dalhin ako rito para lang makalimot. Okay naman ako sa apartment. Doon na lang sana tayo nag-inuman." "Sisihin mo si bakla," wika ni Irene. "Siya ang nagplano nito." Sumegunda naman si Gela. "Yeah. New discovery ni baks itong place na 'to, Amor." "Discovery my as*!" Inirapan ni Amor si Tin. "I'm sure may bago ka namang boylet dito kaya naisipan mong puntahan ang place na 'to." Tumaas ang isang kilay ni Tin. "Nah. I just want you to be happy, Amor. They say na maganda ang place na 'to. Well? Try natin if true. I heard na may event mamayang gabi. Who knows?" Namilog ang kaniyang mga mata. "Dito mo matagpuan ang ipapalit mo sa g*go mong ex boyfriend." Mas lalong nairita si Amor nang maalala si Raf. "Never na akong iibig, 'no! Mas gugustuhin ko pa na tumandang dalaga kaysa paulit-ulit na masaktan!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.6M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
475.3K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
522.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
614.4K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook