bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

book_age18+
45.5K
FOLLOW
313.9K
READ
billionaire
forbidden
sex
scandal
badboy
goodgirl
drama
bxg
campus
lies
like
intro-logo
Blurb

Series 4 of 8

Read At Your Own Risk!

"Do you want to kiss me?" He asked huskily.

My jaw dropped as I turned my face to him, my eyes widen because of surprise.

Paglingon ko nakangisi na siya. Napatingin ako sa labi niya nang pasadahan niya iyon ng dila.

"Do you want to kiss your professor, Xena?"

I gasped and swallowed the lump on my throat. He's staring at me using his menacing eyes.

"S-sir.."

Inangat niya ang isang kamay na nasa bulsa niya at inilipat sa bewang ko. Naiwang nakaawang ang mga labi ko at nakatingala sa kanya, napapatingin sa mapulang labi niya.

"Just say it, Xena.. because I want to kiss my student." He grin evily then bit his lowerlip sexily, trying to seduce me.

chap-preview
Free preview
Tainted Hearts 01
I was a sweet, young, and innocent girl. But, life really knows how to change people brutally. Sanay na sanay na ang mga mata ko sa dilim. Habang nagsasayaw sa entablado na halos labas ang buong kaluluwa. Nakangiti at nang-aakit ang tingin sa mga lalaki na hayok sa laman. Nagsasayaw at inaakyat ang mataas na posteng bakal para lang makapag-uwi ng malaking kita. "X!" Napatingin ako sa isang manager ng club. Nagr-retouch ako nang lumapit siya at nag-abot sa akin ng mga lilibuhin na pera. "Para sa akin po? Sino po ang nagbigay?" Nagtataka na tanong ko. Salitan sa pera at sa manager ang tingin ko. "Pinabibigay nang nasa itaas na VIP guest! Gusto kang i-table kaya mag-ayos ka na! Babalikan kita mamaya!" "Hindi po ako puwede—" "Pumayag ka na! Kailangan mo ng pera, hindi ba?" "Uuwi po ako nang maaga—" Nakagat ko ang dila ko upang mahinto sa pagsagot nang mapuna ko ang nakaabang na pagsimangot niya. "Puntahan mo kahit sandali! Mahigit singkuwenta na pero hindi naman halata sa mukha! Huwag kang mag-alala dahil table lang naman ito! Gusto ka lang daw makausap kaya mag-ayos ka na!" Malaki ang ngisi ng manager bago tumalikod. Malamang na big time ang guest niya kaya't nasa itaas. Napamasahe ako sa aking batok at nagmadali na sa pag-aayos. Pagkaraa'y binalikan nga ako ng manager at pinahatid ako sa itaas. Nakatitig ako sa saradong pinto. Nasa labas pa at nag-iisip. Ito ang pinakamalaking kuwarto sa buong club. Kung tatakasan ko'y ako lang din ang malalagot. Isa pa, tinanggap ko na ang pera. Bago pa tuluyang magbago ang isip, kumatok na ako ng tatlong beses bago marahan na binuksan ang pinto. Malabo na kulay dilaw na ilaw ang bumungad sa mga mata ko. Sa gitna ng malaking sofa ay nakaupo ang isang lalaki. Magandang lalaki at maayos ang tindig. Hindi masasabi ang edad kagaya nga ng sinabi nang manager. Nakakaintimida ang presensiya kahit hindi pa nagsasalita. Napalunok ako. Tipid at alanganin akong ngumiti bago nagawang lumapit at magpakilala. "Good evening, Sir. I'm X," I stretched my arm. Titig na titig siya sa aking mukha habang nakangiting inaabot ang kamay ko. Hindi pa man nagtatagal ang hawak niya'y binawi ko na iyon. Matagal-tagal na rin akong nagt-trabaho sa club subalit hindi ako masanay-sanay sa ganito. Sayaw lang ang ginagawa ko at hindi nagpapa-table ngunit hindi maiiwasan lalo't madalas ay napipilit ako ng mga manager gaya ngayon. "Sit down," anito kasabay ng pagturo niya sa upuan sa kanyang tabi. Ngiti at tango ang madalas na sagot ko habang nag-uusap kami. Magaan siyang kausap at hindi bastos kaya't kalauna'y nakomportable ako. Inabot kami ng dalawang oras bago siya nagpaalam. Nag-iwan siya ng malaking pera kaya laking tuwa ko at halos mahalikan ang manager na nagdala sa akin sa kanya. "Ate Xena!" Galing trabaho at papauwi ako nang mamataan ang kapatid na tumatakbo at umiiyak papunta sa akin. Pagod at maliwanag na nang nakauwi ako pagkatapos ay ganito pa ang mabubungaran ko. "Ano na naman ang nangyari, Along?" Naghahalo na ang galit at pagtataka sa tanong ko. "Si Mama binubugbog na naman ni Tito!" Hindi pa tapos sa sinasabi niya'y nilagpasan ko na siya at napatakbo ako kaagad sa galit. Hindi lang naman ngayon nangyari ito ngunit parehong galit at sakit ang nararamdaman ko habang tinatahak ang daan patungong bahay at iniisip na sinasaktan na naman ng lalaki na iyon si mama at ang mga kapatid ko. "Kung wala akong mapapala sa inyo, isa isa ko na lang kayong papatayin!" "Ako lang ang saktan mo! Huwag ang mga bata!" Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa bahay, naririnig ko na ang sigawan at iyakan nila. Bago ako pumasok, dinampot ko ang matigas na tubo na nakita ko sa gilid ng bahay. "Palagi na lang kayong mga walang pera! Mga wala kayong kuwentang lahat!" "Ate!" Umiiyak sa ilalim ng lamesa si Mena na bunso kong kapatid. Siya ang unang nakakita sa akin, malamang na dahil kanina pa niya ako hinihintay dahil natatakot siya. Pitong taon pa lang siya'y ganito na ang nakalakihan niya. Napatiim-bagang ako dahilan ng mas tuminding galit nang mapunta ang mata ko sa sugatan niyang braso. Tiningnan ko ng masama ang kinakasama ni mama at mabilis na hinampas ito ng tubo habang nakatalikod. Dumaing siya't napaluhod sa sakit subalit mabilis din akong binalingan at saka siya galit na lumapit. "Lumayas ka rito!" Sigaw ko. Hinampas ko ulit siya, sa pagkakataon na iyon, nasalag niya ang tubo at naagaw sa akin. Tinulak niya ako palayo at ako na ngayon ang hinahampas niya ng tubo. "Amel, tama na! Huwag ang mga bata!" Sigaw ni mama nang hampasin ulit ako ng hayop na lalaki na tumama sa aking braso. Kahit 'Tito' hindi ko masikmura na tawagin siya. "Puro kayo pabigat!" Bulyaw niya. "Ikaw! Patingin ng bag mo!" Maagap akong umiling. "Wala akong pera! Wala itong laman!" Hindi siya naniwala. Pilit niyang kinukuha ang bag ko na hindi ko binitawan. Nandoon ang lahat ng kinita ko at oras na makita niya iyon, nasisigurado ko na wala siyang ititira para sa amin at i-pangbibisyo niyang lahat. "Putang ina! Sinabing bitiwan, e!" Tinadyakan niya ako sa tiyan at sinampal. Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang pakawalan ang kapit na bag. Mabilis niya 'yong kinalkal. Hindi nagtagal, bumakas ang ningning sa mga mata niya. "Ayos! Ang dami mong dalang pera, ah! May kuwenta pala 'yang pagiging pokpok mo!" Kahit masakit ang braso, itinukod ko iyon para makatayo. Sinubukan kong agawin ang bag. Nahawakan ko ngunit hindi ko tuluyang nakuha dahil tinadyakan niya ako pabalik sa sahig. "Hindi iyan para sa iyo! Akin na iyan! Ibalik mo! Ipambibili ko iyan ng gamot ni Rico!" Tinawanan niya ako sabay turo kung nasaan ang may sakit na kapatid ko. "Sinong kapatid? Iyan? Ibibili mo pa ng gamot 'yang mongoloid na iyan? Hayaan mo nang mamatay sa sakit ng puso iyan para bumawas sa problema!" Nagtagis ang mga bagang ko sa sinabi niya. Halos maiyak ako sa galit habang ibinubulsa niya ang pera na nakuha sa bag ko. Sampung taong gulang si Rico at na-diagnose na mayroon sakit sa puso. Hindi ko siya maipagamot sa hospital dahil wala kaming sapat na pera. Gamot na lang ang mga binibili ko pagkatapos ay kinukuha niya pa! Hayop siya! Kung legal lang ang pumatay at mayroon ibang aasahan ang mga kapatid ko kung makukulong ako'y matagal ko na siyang pinatay! "Akin na sabi iyan! Ibalik mo!" "Ano ang ibabalik ko? Wala na?" Tumawa siya sabay pakita sa kamay niya na walang laman. Wala na raw ang pera dahil nasa bulsa na niya. Namuo ang luha sa mata ko ngunit maagap kong pinabalik iyon para hindi ako makitang umiiyak ng mga kapatid ko. Tumayo ako at tinakbo ang kutsilyo. Mabilis akong humarap at itinapat ang dulo ng patalim sa kanya. "Ibalik mo sa akin iyan!" Hinampas niya ang tubo sa kamay ko pero hindi ko binitiwan ang kutsilyo. Lumapit pa ako kahit alam kong mas malakas siya't paulit-ulit ang hampas niya ng tubo sa aking braso. Nadaplisan ko siya ngunit mabilis niya ring naagaw sa kamay ko ang kutsilyo. Inuntog niya ako sa dingding na pader, sinakal, at idinikit ang kutsilyo sa aking leeg. Masama ang tingin ko pero hindi ako makakilos dahil isang galaw niya lang ay magigilitan ako. "Huwag mo akong susubukan, Xena! Sa susunod na gawin mo ito, papatayin ko ang lahat ng mga kapatid mo sa harapan mo! Naiintindihan mo ba?" Hindi ako nagsalita. Matalim lang ang tingin ko sa kanya. Tumawa siya at tiningnan ulit ang pera ko na naroon na ngayon sa kanyang bulsa. "Pasalamat ka at malaki ang nauwi mo na pera! Dahil kung hindi, bubugbugin ko kayo hanggang sa mawalan kayong lahat ng malay!" Marahas niyang hinila ang buhok ko at itinulak kung nasaan ang mga kapatid ko at si Mama. Mabilis yumakap ang maliliit ko na kapatid papunta sa akin. Lahat sila'y nag-iiyakan. Gusto nang pumatak ng luha ko dahil sa galit pero hindi ko ginawa dahil ako na lang ang kinukuhanan nila ng lakas. Kung iiyak ako, panghihinaan sila. "Ilang araw lang ito! Babalik ako kapag naubos!" Dumura pa siya sa harapan namin bago siya tumalikod palabas. Masaya ang mukha niya dahil nakakuha ng malaking pera sa bag ko. "Ate!" Si Rico. Umiiyak din siya. Kahit mayroon kapansana'y naiintindihan niya ang mga nangyayari. Ngumiti ako at nilapitan siya. "Huwag kang mag-alala. May naitago pang kaonti si ate. Bibili tayo bukas ng gamot mo." Niyakap ko ang mga kapatid ko. Pigil ko ang sarili ko sa pag-iyak kahit sobrang awang-awa na ako sa kalagayan nila. "Xena," mahina ang boses ni mama na umiiyak din sa tabi. Dismayado akong umiling sa kanya. "Mama, ang daming lalaki bakit kagaya pa niya ang ipinalit mo kay papa?" Umiyak ulit siya. Wala na kaming magawa. Kahit paalisin namin siya'y bumabalik pa rin lalo na kung kailangan niya ng pera para sa mga bisyo niya. Pinatahan ko ang mga kapatid. Pumasok ako sa loob ng kuwarto para lang makita ang lagayan ko ng pera na sira at wala na ring laman. Pati ang maliit na naitabi ko, nakuha niya. Napaupo ako at sumandal sa pader. Takip ang mga bibig at tahimik na umiyak. Masakit ang katawan ko at wala pang tulog subalit kailangan kong pumasok mamaya upang makakuha kahit konting pangkain at pambili ng gamot ni Rico. Kailangan ko rin ng pera para mapatingnan ang sakit sa baga ni Mama. Walang tumatanggap sa kanya sa trabaho dahil sa sakit niya. Kahit ang paglalaba'y hindi niya natatagalan dahil mabilis mapagod at baka lalong lumala ang sakit. "Ano nang gagawin ko, Pa?" Kagat ang ibabang labi na humagulgol ako. Wala nang ibang puwedeng gumawa ng paraan kung hindi ako. Kahit ilang luha pa ang iiyak ko hindi iyon magiging ginto para maipambili ng pangangailangan ng pamilya ko. "Papa..." Pumikit ako at nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak. Kung nasaan ka man ngayon sana'y makita mo ako at bigyan mo ng maraming lakas para sa kanila. Para sa kanila at hindi para sa sarili ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
496.5K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
440.7K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
327.1K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
406.7K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook