HINDI mawala ang ngiti sa labi ni Mikael ang ngiti habang pauwi siya. Nagtataka naman si Gabriel na assistant niya kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pauwi siya ngayon sa mismong bahay nila dahil tinawagan siya ng ina at gusto nitong makasama siya sa family dinner. Of course, he would say no to his mother. At isa pa, masaya siya. Sobrang saya.
“Nothing,” he answered when Gabriel asked what was happening to him.
Tumingin si Mikael sa labas ng bintana ng kotse at tinignan ang mga dinadaanan nila. He met her again. Finally, after so many years, he didn’t expect to meet the girl who had those captivating amber eyes. Leigh Clemente.
“Ang saya mo, Kuya.” Puna ni Mikhail nang makita niyang nakangiti ang kaniyang Kuya Mikael. Kakarating lang nito. Though ngumingiti naman talaga ito pero iba ang ngiti nito ngayon. Abot hanggang mata ang saya ng ngiti nito. And it was confusing what the hell had happened? Why was his brother smiling so happily?
Inakbayan ni Mikael ang nakakabatang kapatid saka ginulo ang kamay nito. “Hi there.”
“Kuya!”
Out of nowhere, bigla na lang lumitaw si Everly at tumalon ito sa likuran ng Kuya Mikael nito.
“Princess, ang bigat mo.” Reklamo ni Mikael. Hindi naman talaga mabigat ang kapatid niyang babae at gusto niya lamang itong asarin.
“Kain kasi ng kain.” Pagpaparinig naman ni Mikhail.
Sinimangutan ni Everly ang dalawang kapatid. “Food is life.” Bumaba siya mula sa pagkakasampa sa likuran ng Kuya Mikael niya. Bahagya niyang tinulak ang dalawa. “Ang sama niyong dalawa. You’re bullying me.” She pouted.
Humarap naman ni Mikael kay Everly saka ginulo ang buhok nito. “We’re not bullying you.” Aniya saka itinuro si Mikhail. “He told me your fat.”
Sumama agad ang mukha ni Everly saka tinignan ng masama ang kakambal.
“Kuya, bakit mo ako nilaglag?” tanong naman ni Mikhail saka nagsimula ng tumakbo palayo dahil alam niyang sasakalin siya ng kakambal niya.
Tumawa lang naman ni Mikael nang magsimulang maghabulan ang magkambal sa living room. Napailing siya saka pinatigil ang dalawa. “Stop it, you two!”
Agad namang tumigil si Mikhail sa pagtakbo kaya nahabol siya ni Everly. Then the next thing happened. They were having hand-to-hand combat. Yep, they are good at fighting. Their father enrolled them in a martial arts school, and they learned how to fight to protect themselves.
Napabuga na lang ng hangin si Mikael nang makita ang ginagawa ng kambal pero hindi niya pinatigil ang dalawa. Hinayaan niya ang mga ito. Alam naman niyang hindi magsasakitan ang dalawa. Or more likely, Mikhail will be hurt by Everly.
“Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na pumayag akong mag-aral kayong magkakapatid ng martial arts. Look at your siblings.” Anang isang boses.
“Mom.” Kaagad na hinarap ni Mikael ang ina saka humalik sa pisngi nito. “How are you?”
“I’m good, anak. Ikaw? Mukhang masaya ka. Iba ang ngiti mo, eh.”
Mikael smiled. “Halata ba, mommy?”
Tumango ang ina.
“Don’t mind me, Mom. Masaya lang ako.” Syempre ayaw niyang sabihin sa ina ang tungkol kay Leigh. Kapag sinabi niya at sinabi nito sa kaniyang ama, siguradong aasarin na naman siya nito. Knowing his father, he was best at teasing him – them – his siblings.
At ang ugali na ‘yon ng kanilang ama ay nakuha ni Mikhail. Ang hilig rin nitong mang-asar at si Everly ang lagi nitong inaasar kaya naman laging nasusuntok ni Everly ang kakambal nito.
“Hmm…masaya ka nga lang ba o may nagpapasaya sa ‘yo?” tanong ni Evelyn. Hinuhuli niya ang anak niya.
Umiling si Mikael. “Huwag niyo na lamang po akong pansinin.” Aniya. “Si daddy po pala?” pag-iiba niya ng usapan.
“Pauwi na ‘yon. Nauna ka lang.” Sabi ni Evelyn saka tumingin sa kambal. “Tama na ‘yan.”
Kaagad namang tumigil ang dalawa.
Mikhail was complaining about Everly’s punches. “Ang sakit, ah.”
Habang masama naman ang tingin ni Everly sa kakambal nito. “Deserved. Hindi ako mataba.”
Tumawa si Mikhail. “Pero bakit ang sabi ni Kuya ang bigat mo?”
Kumuyom ang kamay ni Everly saka muling sinugo si Mikhail. This time, Mikhail didn’t let his twin sister punch him again. He runs outside the house and hid.
Pareho namang napailing si Mikael at ng kaniyang ina sa magkambal.
Hinubad ni Mikael ang suot na coat saka umupo sa sofa. He looked at his phone’s calendar. Leigh will start her work officially tomorrow. He was looking forward to it. Hindi niya alam pero talagang masaya siya na nakita niyang muli ang dalaga pagkatapos ng ilang taon.
Napailing siya. This is not good for me. Aniya sa kaniyang isipan.
“Anak, ayos ka lang?” tanong ni Evelyn. Kanina pa niya pinagmamasdan ang anak niya. Napansin niya ang pagbabago ng ekspresyon nito.
Nabigla naman si Mikael dahil hindi niya alam na nasa tabi niya pala ang kaniyang ina. “I’m fine, Mom.”
“Andito na pala ang panganay.”
Napatingin sila sa may pinto nang marinig nila ang boses ni Maverick.
Hindi gumalaw si Mikael sa kinauupuan at hinayaan na lamang ang kaniyang ina na salubungin ang kaniyang ama. He looked away when his parents kissed. Siya na ang nahiya. Siya na ang nag-adjust. But he adored his parents’ relationship, really. Magtatatlong dekada na ang dalawa na nagsasama at hanggang ngayon ay mahal pa rin nila ang isa’t-isa. Looking at his parents right now. Gusto niya ring magkaroon ng ganitong relasyon. Iyon bang tatanda kayong magkasama ng taong mahal mo. Magkasama hanggang sa pumuti ang buhok ninyong dalawa.
Pero sa panahon ngayon, mahirap ng maghanap ng taong mamahalin ka ng totoo. Sa panahon kasi ngayon ay praktikal na ang mga tao. Mas iniisip pa nila ang pera kaysa sa pag-ibig. Iilan na lang ang mga taong tapat.
“Genuine love is hard to find.” Aniya habang nakatingin pa rin sa kaniyang magulang na masayang nag-uusap.
“Hey, son!” Finally, his father noticed him. Lumapit ito sa kaniya.
“Dad.” He greeted him.
They did a man hug.
“How are you?” his father asked, always.
Ngumiti si Mikael. “I’m good, dad. Happy.”
“You?” Pinagmasdan ni Maverick ang anak. “Halata nga na masaya ka. Love life? Ipakilala mo siya sa amin.”
Mikael rolled his eyes. “Dad, hindi ba pwedeng masaya lang ako? Love life? Alam niyo naman na wala ako…”
“Lagi mong sinasabi ‘yan, Kuya.” Sabad ni Mikhail.
“Wala pa nga yatang dinate si Kuya, Eh.” Sabi naman ni Everly.
Maverick smiled at his son. “Don’t tell me that you’re gay?”
“I…”
“Don’t worry, son, tanggap pa rin naman kita.” Sabi ni Maverick saka tinapik ang balikat ni Mikael. “Just don’t dress like a woman.”
“Dad!” Mikael was horrified.
Tumatawa naman si Evelyn dahil halatang inaasar lamang ni Maverick ang panganay nilang anak.
“Dad, I’m gay.” Confident na sabi ni Mikhail pero halata namang hindi totoo ang sinasabi nito.
“Don’t cross dress.” Pakikisakay ni Maverick kay Mikhail. “But looking at your pale skin… anak, mukha ka ngang babae. So, it’s okay if you crossed dress. Ang kuya mo ang hindi bagay magdamit ng babae kasi malaki ang katawan niya.”
Evelyn was laughing so hard. So as the twins. While Maverick was suppressing his laughter.
Mikael was the one who was horrified. He knew that his father would accept him even if he became gay. He was a cool father after all. Pero pakiramdam niya ay hindi siya sanay na ganun ka-open ang ama niya sa kanila.
“Dad, hindi ka ba magsisisi kung sakali na naging bakla ang dalawa kong Kuya?” tanong ni Everly na natatawa pa rin.
“No,” mabilis na sagot ni Maverick. “Anak ko naman kayo kaya tatanggapin ko kung ano kayo at kung ano ang gusto niyo.” Then he turned his attention to his wife. “Anyway, I’m hungry, my darling wife. Let’s eat.”
Tumango naman si Evelyn. “Tara na sa kusina. Kanina pa nakahanda ang pagkain natin.”
Naunang naglakad patungo sa kusina ang magulang ng magkakapatid.
The three siblings didn’t walk after their parents. Instead, they looked at their parents.
“Kuya, ang sweet pa rin ni mommy at daddy ‘’no.” Sabi ni Mikhail.
Tumango si Mikael bilang pagsang-ayon.
“Sana makahap ako ng loyal at faithful na lalaki katulad ni daddy.” Sabi naman ni Everly.
Mikael and Mikhail looked at their sister.
“What? I’m just saying.”
“Bata ka pa, Everly Miracle.” Seryosong sabi ni Mikael.
Everly pouted. “I’m already twenty-three, Kuya.”
“Still young.” Seryoso pa ring saad ni Mikael saka sumunod sa kusina.
Ginulo naman ni Mikhail ang buhok ng kakambal. “Bata pa tayo. Saka na ang boyfriend.”
Everly pouted.
“Oh. Act like a girl first before finding a boyfriend. Para kang lalaki kung umasta, eh. Ang sakit pa ng mga suntok mo.” Sabi naman ni Mikhail saka inakbayan si Everly. “Alam mo naman na kasama mo ako sa lahat ng pagkakataon. Hayaan mo na si Kuya Mikael. Wala pa kasing girlfriend ‘yon. Tignan mo kapag may girlfriend na siya babait ‘yan at medyo mawala ang pagka-istrikto niya.”
Isang kalokohan naman ang pumasok sa isipan ni Everly. “Let’s have a bet.”
Nawala ang ngiti ni Mikhail. “Ayoko.”
Everly chuckled. “Bakit?”
“Aisst!” Tinanggal niya ang braso na nakaakbay sa kakambal niya saka binilisan ang paglakad papasok sa kusina.
Napailing naman si Everly. My two brothers spoil me but have different methods of spoiling me. How I wish that Kuya Mikael would find a girlfriend soon? She prayed. Syempre sa sarili niya lang ‘yon at hindi niya sasabihin kahit kanino.
Kilala ni Everly ang Kuya Mikael niya, pikahin ito sa mga babae. Sa pagkakaalam niya wala pa itong naging girlfriend. She wonders why? Hindi naman bakla ang kapatid niya. She shrugged her shoulders and entered the kitchen.
“After you move out, ngayon lang tayo nagkasama.” Sabi ni Maverick kay Mikael.
“Dad, umuuwi naman ako rito kapag bakante ang oras ko.”
“You mean to say uuwi ka lang kapag hihilingin ko na mag-dinner ka rito.” Sabad ni Evelyn.
Ngumiti lang si Mikael saka kumain.
“Will you be here for the night? Or you’re going back to your apartment?” tanong ni Evelyn sa panganay na anak.
“I’m going back to my apartment, mom. I need to meet someone tomorrow.”
“Woman?” Maverick asked.
Mikhail grinned and asked, “Girlfriend?”
“Flings?” tanong naman ni Everly.
Napaamang na lamang si Mikael sa ama at mga kapatid niya. “Bakit parang pinagkakaisahan niyo ako?”
“Anak, hindi ka pa nasanay,” sabi naman ni Evelyn saka nilagyan ng pagkain ang kaniyang anak.
“Thank you, Mom. You’re the best.” Sabi ni Mikael.
At dahil malapit si Mikael sa ina, inabot nito ang tainga niya saka bahagyang piningot. “Huwag mo akong bolahin. Kumain ka na lamang diyan.”
Mikael just chuckled. He looked at his family. Though not all the time they were okay, they argued, and they had misunderstandings. His family would still be his family. Masaya sila at natutuwa siya na makita ang kaniyang pamilya na may ngiti sa kanilang mga labi.
Only at that time, did he realize his decision not to tell his father about what he found out three years ago was a good decision. The Black Book in his possession. Until now, the man who gave him the Black Book never appeared again.
But he knew that the Black Book would be the wick of his death one day.