Chapter 1: When Our Eyes Met

2861 Words
Hindi ‘ko namalayan na nakatulala lang pala ako sa klase ni Sir the whole time. I was mesmerized in his features. Nag-angat ito ng tingin kaya’t napaiwas ako. Titignan ‘ko ulit sana si Sir pero nagkasalubong kami ng tingin. Kinabahan ako habang naga-activity dahil bigla itong huminto sa gilid 'ko at yumuko, "Mali.Open your notes. Pwede naman." He reminded me. Pakiramdam 'ko ay namula ako sa hiya. Nagmukha pa tuloy akong lutang! Siniko ako ng bahagya nila Georgia at Bryson. They are wiggling their brows. "Eksena niyo." Bryson whispered. I just glared at him. Baka makita pa kami ni Sir! Hayop talaga 'to! Nilibot 'ko ang classroom at nakita ang iba na nakatingin sakin, halatang nang-aasar. Napailing ako sa kaloob-looban. Si Sir kasi! Grabe maka-eksena! Unconciously, muli akong napatingin kay Sir. Nakita ‘kong nakakunot ang noo nito! Mabilis akong yumuko at magpatay malisya. Damn, Behati! Akala ‘ko ba ay hindi ka interesado? Ano na? Nakailang nakaw-tingin ka na?! Ilang minuto pa ang lumipas, he is doing the same thing with everyone! Pero bakit ang pagyuko niya sa'kin ay big deal sakanila? Sa'kin? Nako, Behati. ..delikado ka sa iniisip mo! I brush my thoughts away. Make yourself clean, Behati! Panindigan mo! Huwag marupok! “That’s all for today,” Sir Espinoza dismissed. He started to fix his things. I can see his muscles eveytime his reaching something. Sa tingin ‘ko lahat kami ay laging natutulala doon! Napahinto si Sir sa pag-aayos at tumingin sa’kin. My eyes widened at yumuko. Damn, Behati! Nahuli ka na naman niya! This is so awkward! Ilang beses na niya ako nahuhuli! “Ms. Aragon?” Sir called me with authority. Napalunok ako. Papagalitan na ba ako? Huwag naman sana ako ipahiya dahil sa pagtingin-tingin 'ko! Ayoko sanang mag-angat ng tingin pero kinurot ako ni Georgia! Sinamaan 'ko ito ng tingin. “Aray ‘ko!” Bulong ‘ko kay Georgia. Pero ngumuso lang ito, pointing out that Sir is calling me. Hindi ‘ko naman pwede hindi pansinin. Mahirap na! Pagkakamalan talaga ako ng mga kaklase na may gusto kay Sir! Baka magka-issue! “Sir?” Normal na tanong ‘ko. I can see on my peripheral vision that everyone is waiting, akala mo ay palabas! His face wrinkled, “Go to my office after your class.” Natigilan naman ako. Narinig ‘ko naman ang bulong ng iba—pero ng sumama ang tingin ni Sir ay tumahimik ang ilan. Pero ano? “S-Sir?” Ako? Pinapatawag? Para saan? Anong nagawa ‘ko? Dahil ba iyon sa pagtingin ‘ko sakanya? Imposible! “Do I need to tell you twice?” Masungit na turan nito. “I hate repeating myself. All of you knows that. Class dismiss. Wait for your next teacher,” Aniya bago tuluyang umalis. Napanganga naman ako. Napahiya pa ako ‘don ha! I am surprised when Sir Espinoza announced in class that I need to go in his office. Because of that, everyone is jumping and excited. Habang ako ay napatulala, kinakabahan na. Bakit ako pinapatawag? Hala. Dahil ba talaga sa pagtitig ‘ko kay Sir ‘yon? Nagulat ako ng may humampas sa braso ‘ko. Kokota na ‘tong sila Georgia kakahampas! “Gaga!” Tili ni Bryson. “Bakla ka ng taon!” Si Georgia na may kasama pang hampas sa balikat. “Ga-graduate na tayo sa April! Tsaka mo jowain pag naka-graduate na tayo!” At ngumisay-ngisay ito. Kumunot ang noo ‘ko. Bakit kaya ako pinapatawag? Lalo tuloy akong inasar nila Georgia! Binatukan ako ni Bryson. Agad ‘kong hinawakan ang ulo at tinignan siya ng masama. Anong problema ng baklang ‘to?! Inirapan ako ni Bry, “Hoy, baklita! Kiligin ka naman! Pupunta ka sa office ni Sir mamaya after class!” Himapas ako nito. “Wait lang, mga bakla kayo!” Hinawakan ‘ko ang magkabilang balikat dahil nakaramdam na ako ng p*******t. Kanina pa sila hampas ng hampas. “Tama na nga kakahampas!” I warned them. They just screamed in the top of their lungs, hindi pinansin ang sinabi ‘ko. Kung ano-ano na ang sinasabi nila. Pati ang iba ‘kong kaklase ay nakikisali na sa asar! “Ano ba! Ang OA niyo!” Pigil ‘ko sa pinagsasabi nila. Hindi ‘ko kinakaya. Puro kabastusan na ang sumunod. "Pupunta lang naman ako sa office! Bwisit!" I added. Pero tuloy lang ang ingay nila! They all laughed. “Sorry na, Behati. Alam mo namang may pang-bato ang bawat section para kay Sir—” Nanlaki ang mata ‘ko, “Hindi nga ako kasali ‘don!” Tanggi ‘ko sakanila. Tumili lang ang mga bakla. Napangiti habang umiiling na lang ako sa kabaliwan nila. Mga tuwang-tuwa sa sariling kalokohan. Paano kasi, may pang-bato ang bawat section para i-pares kay Sir. They are all obsess in his beauty. Kaya’t napagkatuwaan nila ito. “Grabe, bakit kaya ang sungit ni Sir ‘no?” Umupo ang kaklase ‘kong si Rica sa armchair at nakisali sa pang-aasar. “Pero nakikita natin kung paano hilahin si Behati sa daan!” She said dreamily. I feel my face heated up. Nakakainis na ha! Hindi ba talaga sila titigil? Kantyaw ang naging kasunod ‘non. I slightly giggled and shook my head. Ewan ‘ko na lang sakanila. They are hopeless! Hindi na mapipigilan! Bryson slap my arms again. I hissed. Kanina pa ang baklang ‘to ha! “Single pa ‘ata si Sir!” Tili niya. “Isang taon na siyang nagtuturo, wala raw bumibisita!” He giggled then sighed. Mukhang nag-imagine na. “Malay mo secretly married?” Suggest ng isa ‘kong kaklase. Natawa ako doon, habang napasimangot naman ang lahat. “Grabe, panira ng moment!” Si Bryson. “Secretly married? Ano ‘to w*****d?” He hissed. Nagsi-alisan ang mga chismosa ng dumating ang aming next subject teacher. I am thankful! Magkakapasa ata talaga ako dahil sa hampas nila! Napailing ako at niligpit ang gamit. Pero may napansin ako sa notebook. Alam ‘ko. ..parang may sinulat ako rito kanina? Pero bakit. ..wala? May sinulat ba ako rito? Napailing ako ng sumakit ang ulo kakaisip at ramdam kung may naisulat ba ako or wala. Hinayaan ‘ko na lang iyon at nakinig sa klase. Baka hindi naman iyon importante. Pero parang may nakalimutan ako. Hindi ‘ko lang malaman kung ano. Ano iyong nakalimutan ‘ko? Ganito lagi ang nararamdaman ‘ko simula ng mag-grade twelve. Parang may nakakaligtaan ako. Nakakalimutan. Parang may kulang lagi sa araw ‘ko. Parang nababawasan. Something doesn’t make any sense too. Parang may nawawalang puzzle piece sa araw ‘ko. I sighed. Hindi muna iyon ang mahalaga. Siguro ay nasisiraan na ako ng bait dahil sa nangyayari sa’kin ngayon. The fact that I don’t have a parent anymore is enough to lose my sanity. Nababaliw na ba ako? Kinabahan ako. Baka nga! Nagising ako sa malalim na iniisip nang matapos ang klase. Inaatake na naman ako nila Bryson ng pang-aasar nila. Uwian na pala! Dadaan pa ako kay Sir! First time siyang may pinatawag sa’min! Ewan ‘ko lang sa ibang klase! Pero ako pa lang ang pinapatawag sa’min! Dahil saan? Dahil ba sa pagtitig ‘ko? Impossible! Kung dahil nga ‘don, pinatawag na niya ang buong section! Inaasar na naman nila ako kay Sir Espinoza. Medyo napailing pa ako dahil pinipilit talaga nila sa’kin si Sir. Akitin ‘ko raw. Mga sira talaga. Pinalo ‘ko ang braso nila, “Tigilan niyo, lagot kayo pag may nakarinig talaga sa’tin!” Naglalakad kami ngayon patungo sa office ni Sir. Sumama ang dalawa and I am okay with it! Para kahit papaano ay mabawasan ang kaba na nararamdaman ‘ko. Pero yung mga pinagsasasabi nila, ay sapat na para ipatawag kami ng Dean! Naglalakad pa naman kami! Mga bunganga talaga! “Nako teh! Normal lang na pagnasaan si Sir Espinoza!” Si Bryson. “Akala mo si Behati santo ‘no! Pero kung makatingin kay Sir akala mo first time ‘eh!” Tili ni Georgia. Napailing ako. Pero ngumiti din kinalaunan. “Pero bakit kaya ako pinatawag ni Sir?” Tanong ‘ko. I am curious. Wala naman akong ginawa na masama or labag sa rules ni Sir. Ayaw ‘ko din paniwalaan na dahil iyon sa pagtitig ‘ko! Wala rin naman akong ginawang maganda para bigyan ng parangal. Nagulat ako ng magtilian sila at inasar-asar naman ako. Napailing na lang ako at tumawa. Mga siraulo talaga. Habang nasa klase kanina ay hindi ‘ko pa rin maiwasan isipin kung bakit ako pinapatawag. Saglit nawala iyon dahil sa lessons pero after class, bumalik ulit sakin ang tanong. Bakit ako pinapatawag? “Tigilan niyo na ako. Lagot kayo kay Sir talaga pag narinig niya ‘yan.” Iyon na lang ang sabi ‘ko. Ang ingay pa nila. Napapalingon na sa’min ang iba. Nakakakaba tuloy! Huminto na kami sa office ni Sir. Pero bago pa ako makakatok ay hinila ako ni Georgia para pigilan. Tinaasan niya ako ng kilay. My forehead knotted, “Ano?” Tanong ‘ko. Umiling-iling pa si Georgia sa'kin. Bryson crossed his arms. Mukhang dismayado ang dalawa. Ano na namang nagawa ‘ko? “Papasok ka lang ng ganyan?” Tanong ni Georgia na ikinakunot ng noo ‘ko. Anong ganito? Pumunta si Bryson sa likod ‘ko. I was about to ask them pero kumilos na sila. Hinila ni Bryson ang buhok ‘ko at itinali pataas. “Laging nakalugay buhok mo ‘teh. Ayusin natin. Para kita ni Sir leeg mo!” Tawa pa niya. "Bakla ka. .." Sabi 'ko na lang. Hindi 'ko naman pinigilan si Bryson. Gusto 'ko rin mag-ayos. ..hindi para kay Sir. Para sa'kin lang! Pakiramdam ‘ko ay nag-init ang pisngi ‘ko dahil sa sinabi ni Bryson. Napahawak ako sa aking leeg. Gaga talaga ang isang ‘to! Kung ano-anong pinapasok sa isip ‘ko! Nasa harap ‘ko naman si Georgia. Nilabas nito ang isang lip tint. “Fade na tint mo. Ito minimal lang ang kulay. Parang walang bago pero may glow.” Aniya habang nilalagay ang tint sa labi ‘ko. “Hay, Behati. Ang ganda ng leeg mo, pakagat nga!” Biro ni Georgia. Sinamaan ‘ko ito ng tingin bago tawanan. Narinig ‘kong tumawa rin si Bryson. I mentally shook my head. Mga sira talaga. “Anong meron?” Napahinto kaming tatlo sa pagtawa ng marinig namin si Sir. Napanganga naman ako ng makita ang lalaki. Na para bang akala ‘ko, ito ang una naming pagkikita. He’s indeed so beautiful. Nagkatinginan kami ni Sir. Nakakunot ang noo nito. He’s eyes were very serious, but confused at the same time. I scanned his face and realize he really do look like a God. His lips is pouty for girls. ..It’s red and delectable. I bit my lip. Nagising ako sa iniisip ng sikuhin ako ni Georgia ng ilang beses. Pinanlakihan ako ng mata nito. Habang si Bryson naman ay mukhang nagpipigil ng tawa. “Si Ms. Aragon lang ang pinapatawag ‘ko.” Tumingin sa’kin si Sir bago ibaling ang mata sa dalawa. “Bakit kayo nandito? Tatlo ba si Ms. Aragon?” Kinabahan naman ako para sa dalawa. Ayan, lagot! Mukhang mapapagalitan pa kami! "Hi sir!" Yuko ni Georgia. Napangiwi naman si Bryson at kumaway. "Sinamahan lang namin si Behati!" She defended. His forehead knotted, "Is she a toddler or something? Grade twelve na kayo. Bakit kailangan samahan?" Nagkatinginan kaming tatlo. Halatang gusto naming magsisihan. Ayan kasi! "Bye sir! Sorry po!" Tumawa ang mga ito. Mabilis naman nagpaalam ang dalawa kaya’t lalo akong kinabahan. Ang bilis tuloy ng t***k ng puso ‘ko. Sa sobrang bilis ay baka pwede itong marinig ni Sir. "Sumunod ka." He commanded. My heart jump when his eyes went on me. Napaiwas ako. Ang guwapo ni Sir. Kailan siya naging ganon ka-gwapo? Pumasok na ito sa office. Sumunod naman ako. “Sit here.” Turo niya sa silya. Nasa harapan ito ng desk. Feeling ‘ko tuloy ay lalo akong kinabahan. Mukhang may hinahanap pa ito kaya’t nagkaroon ako ng chance na titigan siya ng malalim. Pakiramdam ‘ko ay ito ang unang araw na nakita ‘ko ang mukha ni Sir. Pero imposible naman iyon dahil simula grade twelve, siya ang adviser namin. Bagay na bagay sakanya ang salamin niya at uniporme. Nagmukha siyang model ng school. “Behati Aragon?” Umupo na ito sa table niya, dahilan para mas makita ‘ko pa siya ng malapitan. I was mesmerize by his beauty. Wow. “Behati!” He exclaimed. “S-Sir!” Napatuwid ako ng upo. What am I thinking? “Ano ‘yon Sir?” Alertong sambit 'ko. “I want to talk to your guardians.” He sighed. Binuklat nito ang isang record, “But I can’t reach them. At alam mo naman na kailangan kita i-report.” he said. Nagtaka ako sa boses nito. Parang may binabasa. Walang buhay ang boses nito. He have a monotonous tone. Is he a robot? Pero may naisip ulit ako. I suddenly felt uneasy. My parents died two years ago. Pero ano? I-report? Anong Ire-report? “Sir?” Apila ‘ko. “Wala ka sa sarili. Napapansin ‘kong lutang ka sa mga klase ‘ko. I asked other teachers too.” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Sir ngayon. I am very offended! “Nakatingin ka sa’kin lagi. Mukhang may gusto ka sabihin.” Namula ako bigla. Ano!? Nakatingin lagi sakanya? Napansin niya 'yon? Nakakahiya! Gusto 'ko ng magpalamon sa lupa ngayon! Hindi niya nakita ang tingin 'ko bilang pagkagusto! Kinakaawaan niya ako! God! “I need to know. Bukas ang tenga at isipan ‘ko.” Aniya. Napangiwi naman ako. Ramdam ‘kong namumula na ang mukha ‘ko dahil sa kahihiyan. .. “Talk to me, Behati. If that’s a family problem, tell me. So we can solve the problem—“ “Sir, matagal ng patay ang magulang ‘ko.” Ewan ‘ko pero bigla akong nainis. Akala ‘ko pa naman ay kung anong dahilan kaya’t pinatawag ako dito. Pero mukhang problematic lang pala ako. Nakakainis! May nakasulat ba sa noo ‘ko na ‘problemado ako’ kaya gumawa na ng paraan ang school? “Kanino ka ngayon? May problema—“ “Sir, wala po akong problema.” Mabilis na tanggi ‘ko. This is so disappointing! Hindi 'ko alam kung ano, basta. Nakakainis! Napahinto ako. Saan naman ako na-dismaya? Behati, wake up! “Are you sure?” Napangiwi naman ako at umiling. “Wala nga po.” Yumuko ulit ito sa mga papeles niya. “I just want to know. I am your adviser. Sinabihan ako na i-check ka.” Pero sa tono pa lang nito, mukhang wala siyang pakialam. “Thank you sir.” Sa hindi maipaliwanag na dahilan, umasim rin ang pakiramdam 'ko. “You can go now.” Aniya. Nanlaki ang mata ‘ko, “Iyon lang?” Napahinto ito sa ginagawa niya at nag-angat ng tingin, sa wakas! Halos hindi ako tignan nito kanina! Pakiramdam 'ko tuloy ay pangit ang pagkaka-ayos sa'kin! Nagkatinginan kami. He’s forehead knotted. “Ano pa ba, Ms. Aragon?” Damn, that is so sexy. The way he look at me while saying my last name is sexy! Napanganga ako sa iniisip at umiling. Napahawak ako sa pisngi, “Wala, Sir.” "Meron pa ba?" He asked. "You can tell me." He sounded so assuring. Kung may problema nga talaga ako ay mapapasabi ako sakanya. ..But it's just hard life. .. Hindi 'ko na kailangan sabihin. I just need to survive from it. At anong matutulong niya? Guidance? Counciling? A waste of time. "Wala po sir. .." He licked his lip. Tumaas ang kilay 'ko at sinundan ang ginawa niya sa labi. Nang mag-angat ako ng tingin ay seryoso itong nakatingin sa'kin. "Okay then. ..Let's change the question." Binitawan nito ang hawak na ballpen. He leaned on his desk, "What do you want?" Hindi 'ko alam kung anong reaksyon ang pwede 'kong ibigay sakanya. Nanlaki ang mata 'ko. My heart raced even more. What does he mean by that? Oh my god! That's confusing me! "P-Po sir. ..?" He smirked, "What do you want me to do?" Lalo akong naguluhan sa tanong niya. Want him to do? What? Hindi 'ko rin alam! May dapat ba siyang gawin? Ano iyon? Like kissed me? Ganon ba? I shook my head. No, Behati! Wake up! Wag ka magpatangay sa agos! You're not like this, and will never be! Hindi ka magiging marupok— "Ms. Aragon," Tinanggal nito ang kanyang salamin. Damn, he also looks better without his eyeglass. But I preferred him wearing it. .. "Aragon." Banta niya. Naging alerto ako dahil sa tono nito, "Po sir? Anong gawin?" He just shook his head, "In a way I can help. Like donations. .." Napangiwi ako. Mukha bang kailangan 'ko ng donasyon? "Ahh." Nagkamali na naman ako ng hinala at nakakahiya! "Thank you sir. ..But no po." Tumaas lang ang kilay niya. Yumuko ulit ito at sinabing pwede na akong umalis. Hinawakan ‘ko ang aking leeg. Nakakahiya! Bakit ‘ko naisip ang mga yon? Did I just literally think he will do something dirty on me in his office? I don’t know if I’m hearing things but I heard Sir Espinoza chuckled. Kahit na curious ako ay hindi ‘ko nilingon si Sir. Nakakahiya, Behati! Siguro ay nahawa ako kay Georgia at Bryson kaya kung ano-ano na ang sinasabi ‘ko! Sigurado din ako na nahalata niya na pinagnanasaan 'ko siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD