MVMH: One

1179 Words
NICKAELLA “Boss kahit 25 thousand lang po. Kailangan ko lang po ng ganong kalaking pera. Baka meron po kayo dyan.” Pagmamakaawa ko sa boss ko dito sa bar na pinagtratrabahuhan ko. Waitress kasi ako dito. “Aba naman ineng. Limang sweldo mo na din yun. Malulugi ako sayo.” “Bossing naman eh. Maawa ka naman sakin.” Pagmamakaawa ko. Syempre di naman pwedeng wala aking pang tuition. Makakatigil ako na syang ayoko. “Sa totoo lang. Kaya mong kitain yan sa loob ng isang gabi lang. You have the looks and the body. Maraming magtitip sayo ng malaki. Baka nga di pa 25 thousand ang makuha mo eh. Napalaki ang mata ko atsaka walang sabi sabing sinampal ko sya. Napahawak naman sya sa kanyang pisngi atsaka tumingin sakin na galit na galit.  Saka ko lang na realize na boss ko sya at ako ay trabahador nya. Na maaari nya kong tanggalin kahit anong oras. “Bossing...” “TANGGAL KA NA!” Dumagundong ang boses nya sa opisina nya. Galit na galit ang mukha nya na parang boss ng isang yakuza. “Ikaw na nga ang tinutulungan ko ikaw ang may ganang manakit! Umalis ka na dito at wag ng babalik pa naiintindihan mo?!” “Bossing naman. Matagal na ko dito, maawa ka naman sakin. Sorry” “HINDI! Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang pinakamagandang waitress dito WALA. AKONG. PAKIALAM.” May pinalidad ang kanyang boses at masasabi mong seryoso sya. Pero anong karapatan nya para bastusin ako? Tutal naman tanggal na ko, mas mabuti kung sulitin ko na din. Sinapak ko ulit sya. Na syang kinagulat nya pero ikinangisi ko. “Alam mo panot. Matagal na kong nagtitimpi sayo, bwisit ka! Isinusumpa ko, mamalasin ka hanggang pluto to back! Magsasara din tong pangit mong bar na puro tanders lang ang napunta! Pwe.” And with that, umalis na ko with poise. Bwisit na yun. Pano naman kaya ang trabaho at pang tuition ko nito? Arggh! Babalik nanaman ba ko sa dati? --- Kalalabas ko lang sa isang pribadong online store. Kanina kasi habang nalalakad nakita ko to at nabasa kong in need sila ng isang computer analyzer. Yun naman pala, ang totoo kailangan nila ng hacker. Buti nalang at isa yun sa mga inaral kong gawin, ang mang hack. Car racer din ako. Yung sa illegal nga lang na drug race. Carjacker? Oo yan din Isang impostor, ako din yan. At ang last isa akong Carnaper at Holdaper na syang kinakarir ko. Sa ngayon diretso na ko sa apartment ko para magbihis at magtrabaho na. Kailangan ko na talaga ng pera at kung matinong trabaho ang hahanapin ko, baka wala na kong makuha pang pera dahil bukas na ang bayaran ko sa tuition fee. Pagkarating ko sa apartment ay nakita ko na si Aling Trudis na nagpapaypay sa harapan ng apartment ko. Halatang bwisit na bwisit na sa kaaantay sakin. Bwisit, maniningil nanaman to sa renta! “Hoy Nick! Walangya ka talagang bata ka! Ang bayad sa renta nasan na? Puro ka nalang bukas bukas!” Blablabla! Whatever, dumiretso nalang ako sa apartment ko. Pagkabukas ko ng pinto ay pumasok na agad ako, pagkapasok ko ay sumilip lang ako ng kaunti sa may pinto. “Bukas ho.” At isinara ko na agad ang pinto. Eto na talaga ang buhay ko. Araw araw puro pera ang problema. Magulang? Patay na sila. Sabi sakin nung tita ko na pinalayas ako. Japanese daw ang Papa ko habang ang Mama ko naman daw ay isang japayuki sa japan noong sinaunang panahon. Naaksidente ang mga ito kaya namantay at tanging ako lang ang nabuhay. Ewan. Wala na kong pakialam. Ang mahalaga nakakaraos pa naman ako kahit papaano. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at naghanda. Kaya ko to! --- Nandito ako ngayon sa madilim na parte ng kalsada. Madaming babae ditong pokpok na naghahanap ng Papa nila. Tss, mga mahihina ang loob, at yung sakin? Napalakas naman masyado kaya ito. Nakasuot ako ng tube dress na sobrang igsi at hapit sa katawan. May half mask din ako para di ako masyadong maidescribe sa pulis pag nagkataon. Nakagloves din ako. May hand bag akong dala para sa aking maliit na revolver gun. Madaming natigil na sasakyan dito pero di nila ako napapansin. Nag antay lang ako kahit na malamok pa dito. Maya maya pa ay tumigil ang isang magarang sasakyan sa tapat ko. Ito na kaya? “Hey! How much?” Tiningnan ko ang sumigaw sakin na nasa kotse. Ako ba? “Yes, yes, you!” Sabi nya tapos tumawa pa. Pano nya nalaman na tinatanong ko ang sarili ko? “Hey how much?” Ulit nya ulit. Bahala na. "Ahm..." Bakit ba ninenerbiyos ako? Ang tagal mo na tong ginagawa Nickaella! Aissh ano ba?! Dahil ba pogi tong Papa na to? “Hey!” “Anything, anything that you can give.” And I smile, a sweet smile. Binuksan nya ang pinto sa may passenger seat habang nasa loob sya. With poise akong naglakad papunta sakanya. Pagkapasok ko sa loob ay nalanghap ko agad ang pabango nya. Nagstay ata sa nostrils ko ang amoy. Letche! Ang bango nya talaga, nadaig ako ng hambog na to. “Where are we going to? San mo gusto?” Napatingin ako sakanya ng magsalita sya. Ahm “Sa kaliwa ka dumaan, doon tayo dumaan, may maganda dun na hotel.” Napangisi sya “Okay, lets go.” Tsk tsk tsk, nakakahiya ang isang to, sayang ang pogi tanga naman. Napatingin ako sa dinadaanan namin. Malapit na pala kami sa Kalye Trese. Kaunti pang abante ng sasakyan ay pinatay ko ang ilaw sa loob ng sasakyan. “Woah, bakit mo pinatay?” “Shh. Bakit? Ayaw mo ba sa mmadilim.” Napapamura ako sa sarili ko. Tae, para na kong pokpok nito. Maya maya pa ay napadaan na kami sa kalye trese, madilim dito at minsanan lang ang nadaan dahil creepy nga. Kaya talamak dito ang pang hoholdap (katulad ng ginagawa ko ngayon), ang pagtapon ng bangkay at kung ano ano pa. Dahan dahan kong kinuha ang baril ko sa bag ko at pumuwesto. “Tigil.” “Dito ba natin gagawin? So hot!” “Shut up!” Bwisit talaga! "Itaas mi ang kamay mo! Holdap to." Tinutok ko sa sentido nya ang baril ko. Narinig ko pa syang tumatawa. "Pfft. Kanina bugaw ang dating mo, and now holdaper? What the hell!" "Pera mo? Asan na? Atsaka yang kwintas mo, bigay mo yan!" Mayroon kasi syang kwintas na mukhang mamahalin, baka maipagbenta ko pa yun, baka makapagpatayo pa ko ng negosyo pag sinama ko yun sa kukuhain sa kanya. "Wag na, 40 thousand ang pera ko dito, baka pwede na yung pera." 40k? Pwede na din. "Sige, ilabas mo na yung pera at ilagay mo dito sa palad ko." At iminuwestra ko na yung kamay ko pero nakatutok parin sakanya ang baril. Naramdaman ko nalang na may cold cash na sa palad ko. Magaling, masunurin din naman pala to. "ngayon naman, imaneho mo na yung kotse mo. Pagkatapos ihinto mo sa waiting shed naiintindihan mo ba?" "Naholdap na nga ako, naging driver pa ng holdaper ko, how come." "Ipuputok ko tong baril sa ulo mo! Hayop naman! Bilisan mo nalang!" Kakalabitin ko na sana yung baril ko ng... "Forgive me but, stop." Naramdaman ko nalang ang paghinto ng katawan ko, wala manlang akong maigalaw pwera sa mata ko. Napatitig ako sa mata nya. "Great, now I want you to sleep, until I say na gumising ka, hindi ka gigising." Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Unti unti, nagdilim ang paligid, pero bago yun ay narinig ko pa syang umimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD