Kabanata I: Cedric

1802 Words
Iba talaga ang takbo ng buhay kapag mahirap ka lamang. Wala sa ‘yo ang lahat, walang luho at wala ring iyong magagandang gamit. Ngunit, isa sa ipinagpapasalamat ko na kahit wala ako nang mga iyon. Mayroon naman akong isang magulang na handang gawin ang lahat maibigay lamang ang lahat ng pangangailangan ko.   Alam ko na mahirap ang aming buhay dito sa Probinsya ng Bulacan. Hindi rin naman ako ipinanganak na may-kaya o mayaman tulad ng iba. Sapat na sa akin ang simpleng buhay kasama ang aking ama. “Anak, bumaba ka na d’yan at mag-aalmusal na tayo. Baka mahuli ka pa sa klase mo!” dinig kong pagtawag sa akin ng aking ama.   Dahan-dahan naman akong bumangon mula sa aking pagkakahiga mula sa papag at marahan na ginusot ang aking mga mata. “Opo, tay! Bababa na po ako!” sagot ko ng magalang. Bago ako lumabas ng aking kuwarto, minabuti ko na malinis at nakatiklop na ang aking pinaghigaan upang hindi na iyon ayusin pa ng aking ama.   Nang nakababa na ako. Naabutan ko ang mesa naming puno ng umagahan. Mayroon doong sinangag, itlog, hotdog at tapa—na talaga namang paborito ko ang lahat ng iyon. Hindi rin nawala sa aking paningin ang umuusok na kape.   “Umupo ka na at kumain. Maaga pa ang pasok mo sa eskuwela, at baka mahuli ka pa.” Akmang maglalagay na sana ako ng sinangag sa aking plato nang agad na kunin sa akin ng aking ama ang plato, at siya ang nagsandok sa akin.   “Salamat po,” saad ko, “’Tay, kaya ko naman po ang magsandok ng sarili ko. Hindi na ho ako bata para ganituhin ninyo pa ako,” pagsasalita ko na may halong tampo sa aking boses.   Narinig ko namang natawa ang aking ama sa sinabing kong iyon. “Ano naman? Kahit Second-year College ka na. Gagawin ko pa rin iyong mga ginagawa ko sa ‘yo noong bata ka pa. Ikaw pa rin ang anak ko kahit lumaki ka na.”   Sa sinabing iyon ng aking ama, nakaramdam ako ng tuwa sa aking puso. Pakiramdam ko ay parang nagbabadya ang aking luha na tumangis pababa sa aking pisngi. Ngunit, bago pa iyon mangyari, agad kong inabala ang aking sarili sa pagkain ng almusal.   “’Tay, ‘di ba po may gawa ka rin? Baka mahuli rin po kayo sa paggagawaan ninyo?” tanong ko sa aking ama. Nakita ko naman itong napabuntong-hininga bago ito sumagot sa naging tanong ko sa kaniya.   “Mayroon akong pasok, anak. Pero, siyempre, gusto ko na bago ako umalis ng bahay. Gusto ko maayos ka na, kahit ikahuli ko pa iyon sa trabaho,” sagot niya.   “’Tay, maraming salamat po sa mga pag-aasikaso at pag-aalaga ninyo sa akin. Kahit na hindi tayo mayaman at simple lamang ang buhay na mayroon tayo. Pakiramdam ko, mayaman na rin ako dahil mayroon akong tatay na katulad mo,” sa mga binitawan kong salita, hindi ko maiwasang maluha sa harapan ng aking ama.   “Anak, hindi na ako naghahangad ng marangyang buhay. Sapat na sa akin na naibibigay ko iyong mga pangangailangan mo sa pag-aaral sa kolehiyo. Wala akong kayaman na puwedeng ipamana sa ‘yo, ngunit ang edukasyon lamang ang tanging puwede kong itulong sa ‘yo, Cedric.”   Matapos magsalita ng aking ama, agad akong tumayo sa aking kinauupuan at lumapit sa kaniya upang yumakap. At habang nakayakap ako sa kaniya. Isang pangako ang aking sinabi, “Ipinapangako ko, tatay. Pagbubutihin ko po ang pag-aaral ko para masuklian ko ang lahat ng sakripisyo ninyo sa akin. Para ako naman po ang bumawi sa iyo.”   Naramdaman ko namang marahan na hinimas ng aking ama ang likod ko. Dahil sa ginawa niyang iyon, pakiramdam ko ay naniniwala siya sa akin na magagawa ko iyon. “Salamat, anak. Naniniwala ako sa ‘yo,” matapos ang tagpong iyon, muli akong bumalik sa aking puwesto upang ipagpatuloy ang aking pagkain.   Matapos ang mahigit-kumulang kalahating oras, nang matapos namin ng aking ama ang umagahan. Sinabihan niya ako na mauna na at baka raw mahuli pa ako sa aking klase. Gustuhin ko man na tumanggi at gusto ko siyang makasabay. Ngunit, sinunod ko na lamang ang kaniyang sinabi.   Ilang minuto lamang ang tinagal ng takbo ng motor de padyak mula sa aming bahay papunta dito sa University kung saan ako nag-aaral. Habang pinagmamasdan ko ang Estrallia State University, hindi ako makapaniwala na makakapasok ako sa ganitong klase ng paaralan.   Dito kasi sa aming probinsya, kilala ang Estrallia State University bilang isa sa pinakamahusay sa pagbibigay ng mataas at dekalidad na edukasyon. Mahigpit rin sila sa pagpapatupad ng mga batas sa loob at labas ng kanilang kampus. Kaya noong unang taong ko rito, nagdadalawang-isip akong magpatuloy sa kolehiyo dahil sa higpit nila sa mga estudyante.   Ngunit, habang tumatagal, nagkakaroon ng kaunting pagbabago sa loob ng kampus. “Love, buti at naabutan kita rito. Dumaan ako sa inyo, ang sabi ni Tito ay pinauna ka na raw niya,” napabalik na lamang ako sa aking ulirat nang marinig ko ang boses ng isang pamilyar na boses.   “Love, ikaw pala,” agad akong humarap sa kaniya at binigyan ko ng isang halik sa kaniyang noo si Tiffany, “oo, pinauna na ako ni tatay pumasok. Gusto ko sana na magsabay kami. Kaso, baka raw mahuli ako,” tugon ko habang patuloy kami sa paglalakad na dalawa.   “Ganun ba,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita. Habang naglalakad kami, may kung anong bagay siyang kinukuha mula sa kaniyang bag. Ilang sandali pa ang lumipas, nakita ko itong may kinuha na isang sobreng puti, “ayan, ipapahiram ko sa iyo ‘yan. Para hindi na mangutang si Tito ng pambayad mo rito,” sabay abot ni Tiffany sa akin ng isang sobreng puti.   “Ano ka ba, Tiffany? Hindi naman ako nanghihiram sa ‘yo ng pera. Saka, sobrang laki naman nito. Baka hindi namin kayang mabayaran iyan.” Muli kong ibinalik kay Tiffany ang sobreng puti sa kaniya.   Alam ko na gusto niya lamang akong tulungan sa mga bayarin dito sa kampus. Pero, kailangan kong tanggihan iyon dahil sobrang laki ng perang ipahihiram niya sa akin. Alam ko rin naman na mayroon siyang mga bagay na kailangang bilhin din.   “Sigurado ka ba sa bagay na ito, Ced? Hindi ko naman minamadali na mabayaran mo ang lahat ng ito.” Saad ni Tiffany sa akin. Tanging pagtango na lamang ang aking ginawa bilang tugon sa kaniya.   “Oo naman. Ayos lamang ako. Saka, nagtutulong naman kami ni tatay sa mga bayarin,” huminto ako sa aking paglalakad at napahinto na lamang kami sa harap ng room ni Tiffany, “saka, may trabaho naman ako rito sa University, ‘di ba? Nagkakaroon ako ng kaunting kita sa Library, sapat na iyon sa akin,” bago tuluyang pumasok si Tiffany sa kaniyang room, isang halik muli sa kaniyang noo ang aking ginawa, “sige na, pumasok ka na at papasok na rin ako sa room ko.”   Isang ngiti naman ang ginawa sa akin ni Tiffany bago ito pumasok sa kaniyang room. Matapos ang tagpong iyon, agad akong naglakad papunta sa aking roon. At habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapangiti dahil mayroon akong girlfriend na mabait at matulungin.   Wala na ata akong maihihiling pang iba, kundi si Tiffany lamang. Siya ang unang girlfriend ko—siya rin ang unang minahal ko at patuloy kong mamahalin. Tutuparin naming dalawa ang mga pangarap namin. Ngunit, naputol na lamang ang aking malalim na pag-iisip, na siyang nagpabalik sa aking ulirat.   “f**k! Hindi ka ba tumutingin sa dinaraanan mo?! You stupid guy!” nagulat na lamang ako ng makarinig ako ng isang malakas na pagsasalita. At ang mas ikinagulat ko pa ng bigla na lamang ako nitong hinawakan sa aking kuwelyo.   Dahil sa ginawa ng lalaking iyon, agad naming nakuha ang atensyon ng mga estudyanteng narito sa corridor ng building kung saan ko hinatid si Tiffany. “Pasensya na po. H-hindi ko kita n-napansin.” Utal-utal kong pagsasalita sa lalaki.   “Hindi mo ako nakita? Seriously? Bulag ka ba? O, tangang naglalakad na wala sa sarili? Tignan mo! Tignan mo!” galit na sigaw nito sa akin sabay turo sa kaniyang uniform na may mantsa ng soft drink,  “see? Dahil d’yan sa katangahan mo, natapon ang soft drink na iniinom ko. At dahil rin sa ‘yo, kung bakit papasok ako ng marumi.”   Sa mga sinabi niyang iyon sa akin, pakiramdam ko ay sobrang liit ko na sa mga masasakit na salitang ibinabato niya sa akin. “Hindi ko naman sinasadya na mabunggo ka. Hindi ko naman kasi napansin na paparating ka!”   “So, was it my fault? Common, kung hindi ka naging tanga at lumilipad ang isip mo habang naglalakad ka. Sana hindi mo ako nabunggo!” napayuko na lamang ako sa sinabi niyang iyon sa akin. Sobra na akong nahihiya sa mga pinagsasasabi ng lalaking ito sa akin.   Ngunit, dalawang magkasunod na halakhak ang aking narinig. Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na tignan ang mga iyon. Alam ko na nagmula iyon sa dalawa niyang kasama. “Pre, mukhang hindi ka ata kilala nitong lalaking nakabunggo sa ‘yo. Ano? Turuan na ba natin ng leksyon ‘yan?”   “Masyado naman kayong malupit. Hindi naman siguro niya sinasadya, masyado ninyong pinapa-init ang sitwasyon. Hayaan ninyo na lamang siya. At kung sa susunod na mangyari ulit ang bagay na ito, ako na mismo ang magpapabugbog sa kaniya.”   Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko sa dalawang iyon. Parang hayop lamang nila akong tignan na parang napakadali sa kanila na sabihin at gawin ang nais nila. Ganito ba talaga sila? Ganito ba nila turuan ng leksyon ang mga taong nagkakamali sa kanila?   Napatigil ako sa aking malalim na pag-iisip nang marinig ko ang malalim at malamig na boses ng lalaking nasa aking harapan. Sa mga salitang kaniyang sinabi sa akin, hindi ko maiwasang pagtayuan ng mga balahibo, gumuhit rin sa aking dibdib ang matinding takot dahil sa mga sinabi niya sa akin.   “Kung hindi mo ako kilala, then let me introduce myself to you. I am Adrian Salazar, known as sadistic, decisive and aggressive. Wala akong pinapalampas na pagkakataon, kahit na maliit ang nagawa sa akin ng isang tao. Masama akong galitin, dahil kaya kong pumatay ng tao…   “…patayin ang tao sa sarap. If you want to try it, then, it’s fine. As long as they can follow all my orders. s*x is only way to pay their debts on me, whether you’re a girl or a boy. At simula sa mga oras na ito, isa ka na sa mga maiinit sa aking mata. You should’ve behave yourself, man.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD