Kabanata II: Cedric

1692 Words
Habang isa-isa kong inilalagay ang mga libro na ginamit ng mga estudyanteng narito kanina. Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari sa akin kanina.   Sino ba ang mga lalaking iyon? Bakit ganun na lamang sila ka-agresibo noong nabangga ko ang isang kasama nila? Totoo kaya na kaya nilang gawin ang mga sinabi nila sa akin?   “Ced, tapos mo na bang mailagay ang mga libro sa shelves?” narinig kong pagtawag sa akin ni Ms. Gozon.   Marahan ko namang ibinaba ang mga lirbong hawak ko bago ako sumagot sa kaniya, “Malapit na po, Ms. Gozon,” tugon ko.   Ilang segundo ang lumipas, wala akong sagot na narinig mula kay Ms. Gozon. Kaya naman napagdesisyunan ko na puntahan na lamang ito sa kaniyang office.   Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kaniyang opisina. “Ms. Gozon, bakit po ninyo ako hinahanap?” mahina kong pagtawag sa kaniya.   Nagulat na lamang ako ng bigla sumulpot sa aking harapan ang taong hinahanap ko. Napa-atras naman ako ng bahagya mula sa kaniya.   “Papatulong sana ako sa ‘yo sa pag-aayos ng libro, doon sa kabilang kuwarto,” naglakad ito papunta sa kaniyang table, “may mga libro kasing mawawala, e,” pagpapatuloy niya.   Agad ko namang inabot ang papel ma iyon mula kay Ms. Gozon. Marahan kong tinignan ang nakalagay sa papel na iyon. Laking gulat ko ng apat sa limang libro ang hanggang ngayon ay wala pa rin sa Library.   Napatingin naman ako kay Ms. Gozon at saka ako nagtanong rito, “Ms. Gozon, wala po bang ID ‘yong studyante na humiram nitong mga libro?”   Umiling ito sa akin, “Wala siyang binigay,” nakita ko naman na napabuntong-hininga si Ms. Gozon bago ito muling magsalita? “Malakas kasi ang kapit ng tukmol na ‘yon, kaya nag-aastang hari ang humiram ng mga aklat na ‘yan.”   Habang pinagmamasdan ko si Ms. Gozon sa kaniyang pagsasalita. Ramdam ko ang kaniyang gigil at inis sa taong tinutukoy niya. Sino kaya ang taong iyon? Bakit ganun na lamang ang inis na nararamdaman sa kaniya ni Ms. Gozon.   “Ms. Gozon, paano po ba ako makakatulong?” tanong ko rito.   Tumingin naman sa akin ang babae, at sa tingin niyang iyon, tila nangungusap ang kaniyang mga mata. “Kakayanin mo ba na gawin ang ipagagawa ko?”   Agad napakunot-noo ako sa naging tanong na iyon sa akin ni Ms. Gozon. “Ano po ang ibig ninyong sabihin, Ms. G?” balik na tanong ko sa kaniya.   “Isa kasi sa regulasyon ng University, na huwag kukunin ang libro sa mga estudyanteng humiraw, unless na may ibinigay silang ID kapalit ng paghiram nila.   “Ganun rin sa mga VIP students—na anak ng mga shareholders ng University. Pero, ilang buwan na ang libro na iyon sa hayop na estudyanteng iyon.”   Napa-iling na lamang ako ng maramdaman ko ang inis na bumabalot kay Ms. Gozon sa estudyanteng sobra niyang kinaiinisan. Nang akmang magsasalita na sana ako, agad naming narinig na tumunog ang kaniyang cell phone.   “Ced, tawagin na lamang kita mamaya, Ah? I have to take this call.” Agad itong naglakad matapos niyang sabihin iyon sa akin.   Agad rin akong lumabas ng opisina ni Ms. Gozon, at marahan ko iyong isinara. Muli kong itinuon ang aking atensyon sa pag-aayos ng mga libro sa Library. Matapos ang ilang minuto, nang natapos ko na ang aking trabaho sa Library.   Ngunit, hanggang ngayon ay wala pa rin si Ms. Gozon. Kaya naman, marahan akong naglakad palabas ng Library upang mag-ikot-ikot muna habang hinihintay ang kaniyang pagtawag sa akin.   Habang naglalakad ako, naisipan kong magpunta sa quadrangle ng University. Nang makarating na ako, pumunta ako sa isang lugar kung saan walang masyadong tao, at doon ako umupo at inilapag ang aking gamit.   “Anong ginagawa mo rito?” isang pamilyar na boses ang aking narinig. Agad akong napatingin sa taong nagsalita at bumungad sa akin si Ivan, ang aking kaibigan.   “Ikaw pala,” bahagya akong umusod upang bigyan ito ng sapat na espasyo para makaupo, “narito lang ako, may hinihintay kasi akong utos mula kay Ms. Gozon.”   Nakita ko naman itong napatango habang nakikinig sa akin. “Siya nga pala,” agad akong napatingin kay Ivan nang magsalita itong muli, “nabalitaan ko na, nabunggo mo raw si Adrian noong nakaraan.”   “Saan mo naman nabalitaan ang bagay na ‘yan?” pagtataka ko rito.   “Parang hindi ka pa nasanay dito sa University. Isang maling galaw mo lang, malaking issue na para sa lahat.”   “Ewan ko ba,” napahinga na lamang ako ng malalim kay Ivan, “alam mo? Napakasama ng ugali nang taong ‘yon!” hindi ko maiwasang maikuyom ang aking kamao dahil sa muli kong naalala ang nangyari.   Napa-iling na lamang si Ivan habang nakikinig sa akin, “Cedrick, delikado ang taong iyon,” agad akong napalingon sa kaniya ng narinig ko ang sinabi nito, “buti na lamang at hindi ka nila sinaktan. Wala silang pinapalampas kahit na maliit lang ‘yong nagawang kasalanan sa kanila.”   “Teka, ganun ba talaga ang mga taong iyon?” hindi ko maiwasang kabahan sa mga sinasabi sa akin ngayon ni Ivan.   Tumango naman ito sa akin bago siya nagsalita, “Ganun na nga,” at naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa aking balikat, “mag-iingat ka, Cedrick. Isa ka na sa mga binabantayan nila. Wala silang pinapalampas na kahit ano o sino.”   “Pero—” hindi ko na natapos pa ang akin pagsasalita nang may mga boses ang nagsalita.   Kapwa naman kami napalingon sa mga taong nagsalita at bumungad sa amin si Adrian, kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Zyaire at Alistair.   “Sino ang nagsabi sa inyo na puwede kayong maupo rito?” bahagya namang lumapit sa amin si Adrian habang nagsasalita ito, “hindi ba ninyo alam na ang kinauupuan ninyo ay lugar naming tatlo?”   “Adrian, mukhang hindi ata tayo kilala ng dalawang ito. We should teach them a lesson they won’t forget,” biglang pagsasalita ng isa sa kanila.   “Stop it,” narinig kong pagsasalita ng isa sa kanila, “huwag kang masyadong agresibo sa lahat ng bagay, Zyaire. Baka nakakalimutan mo? May kaso pa tayo.”   “Tama si Alistair, Zyaire,” tumingin naman sa amin si Adrian habang may suot na tingin na animo’y nagbabanta, “hindi ko alam, pero—parang pinaglalapit tayong dalawa.”   Matapos niyang sabihin iyon, awtomatiko akong tumayo. Wala sa aking loob na maitulak ito, dahilan para maagapan agad siya ng kaniyang kaibigan. Naging maagap rin si Ivan, na agad umawat sa akin.   “Nang-iinis ka ba talaga?! Ito ang tatandaan mo. Hindi ako bakla!” patuloy pa rin sa pag-awat sa akin si Ivan.   Ngunit, habang nararamdaman ko ang galit na patuloy sa gumuguhit sa aking ulo, ay siya namang patuloy sa pagngisi si Adrian, pati na ang dalawa pa nitong kaibigan.   “Matapang ka na?” tanong nito sa akin, “kaya mo na bang tablahin ang tulad ko?” paghawak nito sa aking kuwelyo. Nakita ko namang hinawakan ng dalawa si Ivan.   Kaya naman, gustuhin ko man na lumaban, ngunit inisip ko ang magiging kalagayan ni Ivan sa sitwasyon. Naramdaman ko na lamang na marahan ako nitong binitawan at dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.   “Saka kana pumalag, kapag kaya mo na ako,” marahan nitong pinagapang ang kaniyang daliri sa aking mukha, “baka, mamaya ay pagsisihan mo ang gagawin mong paglaban sa akin.”   Napahinga na lamang ako ng malalim. Matapos iyon, agad silang umalis ay hindi na hinintay pa ang aking sasabihin. Agad ko namang nilingon si Ivan, at nakita ko itong namutla dahil sa nangyari.   “Ivan, ayos ka lang? Namumutla ka!” agad ko siyang pinaupo sa damuhan upang pakalmahin siya, “pasensya ka na sa nangyari. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko sa mga siraulong ‘yon.”   “Ayos lang ako, Ivan. Saka, tama lang ang ginawa mo. Masyado na silang maraming estudyanteng binubully.” Saad ni Ivan.   “Tara, balik na tayo? Baka hinahanap na rin ako ni Ms. Gozon,” dahan-dahan kaming tumayo, habang ang isang kamay ko ay naka-alalay sa kaniya.   Muli kaming naglakad, minabuti ko munang maihatid si Ivan sa kaniyang susunod na klase. Bago ako magpunta kay Ms. Gozon. Nang maihatid ko na si Ivan sa kaniyang klase, agad rin akong umalis at nagpaalam sa kaniya.   Habang tinutungo ko ang daan papunta sa Library, napadaan ako sa isang CR. Kaya naman, agad akong pumasok sa loob. Ngunit, may mga tao akong naririnig na tila nag-aaway.   Hindi muna ako tumuloy sa loob, bagkus, tahimik ko silang pinakinggan. “Ano? Patuloy mo kaming ginagago ng mga kaibigan ko! Gusto mo talagang matuluyan, no?” dinig kong pagsasalita ng kung sinong taong naroon sa loob.   “Adrian, Zyaire at Alistair,” nang marinig ko ang mga pangalang iyon, agad na nag-init ang aking ulo, “patawarin ninyo ako kung hindi ako sumipot kagabi. Ang sakit pa kasi ng katawan ko.”   “Ano naman kung masakit? Tama lang ‘yan! Sino ka ba para magreklamo sa mga pinagagawa ko sayo, Erice?!” pamilyar ang boses na nagsalita mula sa loob.   Akmang papasok na sana ako, nang marinig ko ang lalaki na sumisigaw. “Arrrgghhh! T-tama n-na…!” agad akong tumakbo nang marinig ko ang boses ng lalaki na nakikiusap sa kanila.   Nang marating ko na ang Library, hindi ko maiwasang hingalin, habang patuloy ako sa paghabop ko sa aking hininga. Agad akong napatayo ng maayos nang marinig ko ang boses ni Ms. Gozon.   “Ced, you okay?” imbes na sagutin ko ang kaniyang tanong, tanging pagtango ma lamang ang aking ginawa, “anyways, going back. Ito ang pangalan na hahanapin mo sa mga dormitory...   “…Adrian Salazar. Siya ang hahanapin mo para kuhain ang mga libro sa kaniya.”   Nang marinig ko ang pangalan niya, agad akong nakaramdam ng kaba at takot—hindi ko rin maiwasang mainis dahil sa ginawa niya sa akin at sa lalaki doon sa CR.   “Adrian Salazar…” 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD