bc

Seducing My Wife (R-18)

book_age18+
60.5K
FOLLOW
338.4K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
arranged marriage
dominant
CEO
billionairess
sweet
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Nanganganib nang magsara ang Solace Advertising Agency na pag-aari ni Lala Montealegre dahil halos iginupo na sa sakit na kanser ang ginang. Lala Montealegre is the first wife of Don Leonardo, hiniwalayan nito ang asawa dahil sa pagiging babaero nito. Ang Montealegre winery ay isa sa mga matatag na negosyo ng pamilya. Pero dahil mas pinapaboran na ng Don ang pangalawa nitong pamilya ay tila nanlilimos na sila sa posisyon sa kumpanya.

Sa kagustuhang iligtas ni Brandon ang kumpanya ng ina, napilitan siyang makipagkasundo sa ama para mabigyan siya ng shares sa Montealegre Winery. His father's condition? Ang pakasalan niya ang anak ng kasosyo nito na may-ari ng isa sa malaking chain ng hotels sa bansa.

Zanya Albano. A twenty-five-year old car racer who never had an intimate relationship with a man - and never wanted to have one. Sa tingin niya'y lalaki pa sa kanya ito kumilos. Brandon hated his father's manipulation. Bukod sa may long-time relationship siya'y hindi niya gustong makasalamuha ang isang Albano matapos mabigo sa pag-ibig ng kapatid niyang si Tristan kay Stacey na naging dahilan ng sandaling depresyon nito. Albano women wasn't his cup of tea.

Pero hindi maitatanggi ang malakas na atraksyon ng isang Albano kapag nakaharap mo na at malapitan. Zanya's scent is intoxicating, powerful and tickling his senses with sinful delight.

Paanong sa huli ay gusto niyang akitin ang asawa para ma-inlove sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hindi pa ba tapos si Papa sa meeting niya?" naiinip na tanong ni Brandon sa sekretarya ng ama. Mahigit kalahating oras na siyang naghihintay sa opisina nito pero nasa closed-door meeting daw ito ayon sa sekretarya. His father doesn't want to be disturbed if he is in the conference room with his business associates. At ang ipinunta niya dito ay mahalaga na hindi rin niya gustong ipagkausap sa ama sa harap ng ibang tao. "Do you want coffee, Brandon?" the secretary asked. Napatitig siya dito nang wala sa oras habang nasa isip pa rin ang dinadalang suliranin. Marahan siyang umiling sa sekretarya. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang malagkit nitong tingin bago ito umalis sa harap niya. Muli siyang umupo sa couch at isinandal ang likod. Bago pa siya tuluyang mawalan ng pasensya sa pagkainip ay bumungad ang ama na hindi naman nagulat sa presensya niya. "Good morning, Papa," mahina niyang bati sa ama at nagbigay ng pilit na ngiti. Don Leonardo was a powerful man – in and out of business world. Sa kanilang limang magkakapatid, wala ni isa man ang nagtatangka na magtaas ng boses dito. He was a disciplinarian when they were growing up. Kapag sumasagot sila dito ay matinding parusa ang tinatanggap nila. Hindi naman sa marahas na paraan, dahil kung hindi sila grounded at ikukulong lang sa kwarto ay magtatrabaho sila sa kumpanya para magkaroon ng pera pambayad sa eskwela o panluho sa sarili. "What brings you here, Brandon?" tanong ng ama na pumutol sa naglakbay niyang diwa. "I know this is surprise," panimula niya bago lumunok na tila may nagbara sa lalamunan niya. "I came here to ask help." Umupo ang Don sa executive chair nito na tila nahuhulaan na ang gusto niyang sabihin. Gayunpaman ay hinayaan siya nitong magpatuloy. "Kailangan ng kumpanya ng dagdag na kapital para hindi tuluyang magsara." "If it is not making money then why don't you just close it?" kaswal na tanong ng ama. Gustong maningkit ng mga mata niya sa inis pero kailangan niyang pigilan ang sarili. He knows his father very well. Hindi ito makukuha sa santong paspasan. "You know how Mama loved that company, Papa. Kung hindi naman siya nagkasakit ay maayos pa niyang napapamahalaan iyon." "But you have to be practical. Marami na ang advertising agency ngayon sa Pilipinas na mas agresibo sa market." "Please, Papa..." pakiusap pa rin niya. "This is our bread and butter. The company was doing well bago nagkasakit si Mama. Nagamit lang ang pera sa pagpapagamot kaya nag-suffer ang kumpanya. Mama did not ask anything from you." Hindi na sumagot ang ama sa tila pangongonsensya niya. Lala Montealegre was Don's first wife. Sila ni Tristan ang legal na anak. Pero dahil lapitin ang ama ng mga socialite noong araw ay nakabuntis ito ng ibang babae. His mother filed an annulment but it was not granted. Sa kabila niyon ay nakipaghiwalay pa rin ang ina dito at pinalayas ang Don sa sarili nitong mansion. Sa huli ay pumayag ang ama sa paghihiwalay at tuluyang kinasama ang babaeng nabuntis nito. Iniwan nito ang mansion para sa kanilang mag-iina, at ang advertising agency na itinayo ng Mama niya sa tulong ng pera ng ama. Their family also owned a distillery. Sila ang nagmamay-ari sa isa sa matatag na distileriya sa Pilipinas, making his father a famous businessman. Noon ay malakas ang kita ng advertising agency ng ina. He was younger then. Pero nang dapuan ng breast cancer ang ina limang taon na ang nakalilipas ay napilitan siyang magtake-over. Wala siyang alam sa pagnenegosyo dahil nasa modeling ang naging hilig niya. Muntik nang magsara ang agency noon kung hindi lang siya nagpursige na ibangon iyon. He wanted to please his mother badly and to prove to his father that he can be a good businessman too. Nang mapasabak siya sa pamamahala ng agency ay namulat siya sa responsibilidad at na-pressure siya na laging ikinukumpara sa ama. He did not want to fail. At nagtagumpay naman siya na mapanatili itong nakatayo hanggang ngayon. Pero ang pabalik-balik ng ina sa ospital ay nagpapahina sa pinansyal nilang estado. Hindi gustong tumanggap ni Lala ng tulong mula sa Don. Three months ago, Lala went into stem-cell transplant for the cure of her cancer. So far ay maganda naman ang resulta niyon sa ina. Pero malaking gastusan ang kailangan nilang pagdaanan kaya't nauubos ang pera ng kumpanya. And now, he needs his father's money again to save it. "Magkano ang nakuhang pera sa kumpanya para mapagamot si Lala? I can transfer to your account now," mabilis namang sagot ng Don. "But I am telling you now, Brandon. Study your financial reports very well. May nagsabi sa akin na sadyang mahina na ang kita ng agency ngayon. Mag-isip ka ng ibang negosyo na mas magbibigay ng financial stability." "The agency is fine. Hindi namin 'yun isasara. Mama loves the company. Gustong pamahalaan muli ni Mama ang agency kapag tuluyan na siyang gumaling." "Kung gayon ay ibalik mo sa akin ang pera na ibibigay ko ngayon at ang ibinigay ko nitong nakaraang buwan lang. We'll see kung totoo 'yang sinasabi mo na maayos naman ang agency," tila naghahamon na wika ng Don. Gusto niyang magtaas ng boses pero kailangan niyang pairalin ang diplomasya. "Well, it might not be as successful as your company here." Inikot niya ang mata sa magarang opisina ng Don. "Pero tulad ng sabi ko, mahal ni Mama ang agency. If it can make her happy, I will never give it up." "Then you pay me on installment basis. Magkano ang kailangan mo?" Tumitig siya sa ama na nakatitig din sa kanya na tila siya isa lamang kasosyo sa negosyo. Sa mga oras na iyon ay gumana ang kanyang pagiging panganay na anak. His father owned billions. Karapatan niyang angkinin ang kalahati niyon bilang legal at panganay na anak. "I'll make a proposal," suhestiyon niya dito. "I will work for you, at ang income ko as shareholder of this company ang ipambabayad ko sa nakuha ng agency sa 'yo. How about that?" "Since when did you get the interest working for me?" Kumunot ang noo ng ama bagama’t may kislap sa mga mata. Noon pa man ay tumanggi na siyang magtrabaho sa distilerya dahil dito din nagtatrabaho ang tatlo niyang kapatid sa labas na mas pinapaboran ng ama ngayon. Hindi man niya aminin ay may panibugho siyang nararamdaman. "I will do everything to make my mother happy, Papa." Emosyonal niyang wika habang nasa isip ang kalagayan ng ina. Sandaling tumahimik ang Don saka tila naging emosyonal din ang itsura nito. "You don't know how I wanted you to work here. Maswerte ang ina mo sa pagmamahal at pagmamalasakit niyo sa kanya." "We only have each other." Nagkibit balikat siya para alisin sa isip ang anumang damdaming bumabalot sa dibdib niya. Since his parents got separated, he avoided conversations like this. Kinailangan niyang maging matapang at matatag para sa ina at kay Tristan. "You also have me, don't ever forget that. I am your father and you will always be my first born." Iniwas niya ang mata sa ama para itago ang emosyon ngunit tumayo si Leonardo saka siya niyakap sa hindi niya inaasahan. Tuluyan nang nagbara ang lalamunan niya nang maramdaman ang sandaling yakap ng ama. "Welcome to Montealegre Distilery Corp., my son," wika ng ama saka siya tinapik pa sa likod. Marahan siyang tumango saka muling bumalik sa kinauupuan. "I am expecting you to start on Monday, ipakikilala kita sa board at sa mga empleyado dito. Sa Lunes din ang meeting ko sa isa sa pinakamalaking hotel chain sa Pilipinas. I want you to meet them." "Isn't it too soon?" mangha niyang tanong. Ni hindi pa niya nasasabi sa ina ang desisyon niya. "Tristan will be fine, he can handle the agency well. Maganda sa kanya ang trabaho para ma-distract at hindi na bumalik ang depresyon – if it's really a depression. He should learn how to handle brokenhearts."  Naningkit ang mga mata niya sa tila kaswal na pakikipag-usap nito sa kanya tungkol sa pinagdaanan ni Tristan. Sa paghihiwalay ng mga magulang nila ay ang kapatid ang higit na naapektuhan na noon ay nasa high school pa lamang. Labis nitong dinibdib ang lahat. Siya'y kailangang maging matatag para umalalay sa ina at sa kapatid noon. "It seems that you know everything what was happening to all of us," pag-aanalisa niya. "Having separated to your mother doesn't end being a father to you and Tristan, Brandon," mabilis namang sagot ng ama. "Bukod sa pagdamdam ni Tristan sa pagkabigo sa pag-ibig, I heard your girlfriend refused your marriage proposal." "Monique did not refuse my proposal, Papa," pagtatama niya. "We just posponed the wedding until she finishes her contract in modeling." Marahang tumango ang ama habang tila may naglalaro sa isip nito. "Well, Stacey is married now. Tristan should've had moved on already. By the way, come early on Monday. Bukod sa ipakikilala kita kay Ezekeil Albano, maganda rin na makilala mo ang anak nilang babae. She will be there at the meeting," mataktika nitong wika na ikinasingkit ng mata niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
286.8K
bc

Faithfully

read
266.0K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.5K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
815.9K
bc

The Ex-wife

read
210.5K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
388.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook