Empress
Napabuga ako ng hangin habang tinitingnan ang isang financial plan document sa laptop ko. It was already late in the evening, but I was still in my luxurious executive office. Naka-on ang maliliit na LED lights sa kisame at nakikita ko sa kanang banda ko sa salaming bintana ang ilan sa matatayog at modernong gusali kapag araw at ngayon ay nakikita ko na lang ang iba’t ibang kulay ng mga ilaw na pinangungunahan ng dilaw, kahel at puti.
Tabarnak!
Okay, you’re in my head, and I cuss in Québec French, using the literal word tabernacle that’s actually regarded as the most vulgar word of the sacres (holy), unique to Québécois people. I grew up in Montréal, studied there and voilà! Here I am in the Philippines when my grandma started to get ill over five years ago. And how could I not cuss when I promised my grandmother in her death bed to secure the merger with a company that’s managed by a male CEO? Its owner also happens to be a man, too, but I didn’t even care to learn his name. The important one for now was the CEO, whom I need to talk to since I heard his decision is the owner’s as well.
And no, I’m not being a feminist. I’m a misandrist to the highest level. I hate it when I see men simply walking around, smiling, flirting or talking with women and everything. I can barely stand any male at close range. Kaya naman lahat ng staff ko ay puro babae. Kahit may mga empleyadong lalaki sa bawat industriyang hawak ng kompanyang minana ko kay Sonia de los Santos Regala, ang lola ko, pinipilit ko pa ring palibutan ako ng mga babae sa opisina ko, as much as possible.
Kapag nakikita ako ng mga lalaking empleyado ay binabati nila ako pero hindi ko sila pinapansin, lagi akong nakasimangot sa harap nila. Lumalabas ang pagkamaldita ko sa kanila. Pinapagawa ko sila ng mahihirap na mga trabaho at kung anu-ano pa basta nahihirapan sila. No wonder they call me “The Imp” behind my back. Pero kapag mga babaeng empleyado ko naman ang bumabati sa ‘kin ay tinatanguan ko sila o kaya ay binabati rin pabalik. Paminsan-minsan kapag maganda ang mood, nginingitian ko pa sila.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. “Oui (Yes), Irv!” agad kong sagot.
Irvana’s my best friend. We met in college, sa McGill University. Pareho kami ng kursong kinuha at natapos—ang Business Management. Pareho rin kaming nag-master’s doon. Dahil sa half-Pinay at half-Canadian siya, kaya naman ay napapauwi rin siya sa ‘Pinas.
“Ne me dis pas que tu es toujours dans ton bureau? (Don’t tell me you’re still in your office?)” aniya sa mabilis na Quebec French. Nagsi-switch kami ng either Filipino, Quebec French o English kapag nag-uusap. “Mag-aalas onse na, ah!”
Napabuntong-hininga ako. “Irv, it’s been over a year since Lola Sonia passed away. Hanggang ngayon, hindi ko pa natutupad ‘yong pangako ko sa kanya.”
“Kasi nga, lagi mong sini-set aside. Kung gusto mo nang matapos ‘yan, bakit ‘di mo na tapusin? As in soon na!”
“Nire-review ko na nga ang financial plan ko para sa taong ‘to, eh. Nakita ko na naman ang tungkol sa R&L Real Estate. Pansin kong matagal na talagang pinaghandaan ni Lola ang merger kahit noong wala pa ako rito. Tsinek ko kasi ang lahat ng financial plans niya noon. Biruin mong one billion ‘yon?”
“Dolyares?”
“Euros.”
“Oh, wow! Talagang pinaghandaan nga. Sabagay, hindi naman masyadong pipitiyugin ang target niyang kompanya kasi nag-branch out na sa labas ng bansa these past few years. Bakit nga ba niya gustong-gustong magkaroon ng merger do’n?”
Napahilot ako sa aking sentido. “It was… actually hers. Iyon ang sabi niya.”
“What? Paano nangyari ‘yon?”
“I don’t know the whole story, but she told me it was taken away from her.”
“So, gusto niyang bawiin, gano’n?” I could just imagine my friend’s raised eyebrows at the moment.
“Gusto niyang bawiin, oo. At para ibigay sa ‘kin, sa Global Empress Group. Ito raw ang kukompleto ng kompanyang itinayo niya. At ito ang pangarap niya na hindi niya magawa-gawa dahil nagkasakit siya. Ako naman, alam mo na, mina-mañana ko talaga ‘to kahit nabubuhay pa si Lola. Pero nang maghihingalo na siya…” Biglang nanunubig ang mga mata ko nang maisip ang sandaling iyon at napailing. “I couldn’t say ‘no’ to her. You know?” Napakagat-labi ako at saka wala sa sariling tina-tap ang mga daliri sa ibabaw ng salaming mesa ko na may disenyong half-moon at may apat na paang gawa sa kulay-abong bakal. Nakapatong ang laptop sa gitna samantalang sa kaliwa ang picture frame na may larawan naming tatlo ni Lola at ni Mommy.
“That means you have to keep your word, Empress,” sabi niyang napahinga rin nang malalim.
“Oo, alam ko. Alam ko.” Mabilis kong kinurap-kurap ang mga mata para huwag mapaiyak. “Kaya nga pina-set ko na sa secretary ko, kay Gale, ang meeting with the CEO of R&L. Sa tingin mo ba papayag kaya siya?”
“Well, sa laki ba naman ng offer na ‘yan, sino siya para tumanggi?” pampalubag-loob ni Irvana sa ‘kin.
“I already heard they don’t do mergers, Irv.”
“Still, there’s no harm to try. Why don’t you use your charm on him?”
I scoffed. “You know I hate men! Why would I even charm one of them?”
“Because the merger is at stake here, so is your promise to your grandma. Isipin mo na lang ‘yon.”
Napaawang na lang ang labi ko. Makakaya ko ba talagang harapin at kausapin ang CEO ng R&L nang hindi nagngingitngit?
“I heard their CEO is still single. He’s forty-five, fifteen years older than us but papabol daw,” susog ni Irvana sa ‘kin.
Inikot ko ang mga mata ko. “And so? You want me to marry just like you and end up raising a child?”
“You don’t necessarily just stay home like me. It’s my choice to be a housewife. At depende ‘yan sa ‘yo at sa CEO na mapapangasawa mo. What’s his whole name by the way?”
“Theo de Guzman. Tabarnak! Akala ko ba kilala mo, ha?”
“Hindi ko alam ang buong pangalan niya. Makalimutin ako sa pangalan kapag guwapo. Tinatawag ko lang silang ‘God’! Napapatawag kasi ako sa Kanya lalo na ‘pag nakikita ko ang asawa ko at alam mo na—when we’re in bed!” Her voice dropped low in the last phrase. Napatawa pa siya pagkatapos. Loka-loka talaga!
Napangiwi ako sa sinabi niya. “Eww! Medyo TMI, Irv, so don’t tell me more about that!”
“Hus! Ikaw naman. Wish ko lang talaga na may hahalik na sa ‘yong lalaki at mawawala na ‘yang pagka-man-hater mo. Pustahan pa tayo.”
Sumimangot akong lalo sa narinig ko sa kanya. “What? My deep loathing for men can’t be erased by a mere kiss! Lalo lang akong magagalit niyan!” And why would I even let a man kiss me in the first place?
“Tell it to my face if and when someone has kissed you, okay?”
Bakit bigla akong kinabahan sa sinabi niya?