Chapter 2

1669 Words
“Ma’am okay lang po kayo?” Nang marinig ko ang boses niya ay tinangal ko ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko. “Gusto mo ba akong atakihin sa puso?!” Singhal ko sa kanya. Nangingilid na ang aking luha sa takot akala ko talaga ay multo na ang nakita ko si Pablo lang pala! Ang masama mukhang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niya at halatang sinadya niya ang lahat. “Anong nangyari dito?” Kaagad na lumapit si Tatang Celso at si Yaya Sabel na mabilis ding lumapit sa akin. “Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?” Nag-aalalang tanong niya sa akin. Tinuro ko si Pablo. “May ginawa ka ba sa kanya?!” Galit na sigaw ni Tatang Celso. “Ako? Wala! Nagulat nga ako nang magsara ang pinto akala ko si Senyorita ang may gawa kaya sinilip ko siya, ayun natakot na siya.” Katwiran ni Pablo totoo naman ang sinabi niya wala naman akong sinabi na may ginawa siya sa akin mali lang ata ang pagka-kaintindi ni Tatang Celso sa nangyari. “Totoo ba yun Mia?” Tanong naman ni Yaya Sabel. Tumango ako sa kanya pero hindi pa rin kumakalma ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot. Sa tingin ko sinadya niya talagang takutin ako dahil pangit ang nakita kong mukha kanina. “Pasensya ka na Senyorita, hindi ko naman intensyon na takutin ka.” Sincere niyang sabi sa akin. “Naku, mabuti pa lumabas ka na at magsibak ka ng pangatong sa likod para mapalambot na natin yung karne.” Utos sa kanya ni Tatang Celso. Kaagad naman itong lumabas. Pumasok ako sa loob ng kwarto at isinara naman ni Yaya Sabel ang pinto ng veranda. “Wag muna itong buksan kasi hapon na. Baka pumasok ang mga lamok. Mabuti pa samahan mo nalang kami sa baba.” Aya niya sa akin at tumango na lamang ako sa kanya. Sabay-sabay kaming tatlo na bumaba at nagtungo kami sa likuran ng malaking bahay. Nakita ko si Pablo na nagsisibak ng malalaking tipak ng kahoy gamit ang malaking palakol. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanyang bato-batong katawan habang isa-isa niyang sinisibak ang bawat piraso ng kahoy habang papalapit kami. Kitang-kita kasi na batak ito sa mahirap na trabaho o di kaya sadyang alagang-alaga lamang ang katawan nito sa gym. Pero imposible naman na mahilig siyang mag-gym baka sadyang naging ganun lang ang katawan niya dahil sa trabaho niya dito? Nanlaki ang mata ko nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Parang pakiramdam ko malaking kasalanan ang nagawa kong pagtitig sa kanyang katawan. Natural lang naman ata yun na humanga ka sa katawan ng lalaking fit at puro muscles kaysa sa buro alak ang laman ng tiyan. “Aray!” “Mia, bakit?” Kaagad na lumapit si Yaya sa akin. “Napuwing ako Yaya, ang sakit ng mata ko.” Nakangiwing sabi ko sa kanya habang kinukuskos ko ang mata ko. “Wag mong kuskusin baka magasgas ang mata mo. Akin na hihipan ko.” Bahagya kong idinilat ang mata ko at inantay kong mahipan niya. Nagluluha na dahil sa sakit at parang may buhangin na sa loob. Maya-maya pa ay wala na rin akong naramdaman. Inabutan niya ako ng panyo at ginamit kong pamunas sa mata ko. Pero nang mapunta ulit ang tingin ko kay Pablo nakangisi at parang nang-aasar niya akong tinignan. Iniisip siguro niya kinarma ako sa pagtitig ko sa kanyang katawan. Kaya inirapan ko na lang siya at lumapit kami kay Tatang Celso na nagluluto sa malaking kawa. “Ano po yan?” Usisa ko sa kanya ang sarap kasi ng amoy. “Laing ito, magugustuhan mo ito mahilig ka ba sa maanghang?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Medyo po, pero hindi ako nasanay. Hmmm! Amoy palang masarap na.” Napangiti siya sa sinabi ko. Maliit lang ang bahay nila. Gawa lang ito sa tagpi-tagping kahoy pero sa tingin ko matibay naman. “Nasaan po pala ang asawa niyo?” Si Yaya ang nagtanong. “Matagal na siyang patay. Isang taon bago mamatay si Don Tasyo ay namatay na din siya dahil inatake sa puso. Kaya kami na lamang ni Pablo ang magkasama dito.” Kwento niya sa amin. Ulila na din pala sa Ina si Pablo. Pero kahit paano may natitira pa siyang pamilya at mukhang malakas pa si Tatang Celso. Pamilya rin naman ang turing ko kay Yaya Sabel. Kung tutuusin pangalawang Ina ko na nga siya. Nasa fourty’s na din ang kanyang edad at hindi na rin siya nag-asawa pa. May pamilya siya sa Mindanao. Pero patay na rin ang kanyang mga magulang at may kanya-kanya namang asawa ang kanyang dalawang kapatid. Kaya itinuring na rin namin siyang pamilya. Kung nagkataon na sumama kami ni Yaya sa party na yun na pinuntahan nila baka pati kami ay namatay na rin sa aksidente. Malapit ng magdilim nang matapos sila sa paghahanda ng almusal. Inaya namin silang sa loob na lamang ng mansyon kumain at sumabay sa amin para kahit paano naman hindi namin maramdaman na malaki ang mansyon para sa aming dalawa ni Yaya Sabel at pumayag naman ang mga ito. “Wow! Mukhang masarap ah!” Bulalas ko. “Masarap talaga yan, si Tatay, Aling Sabel at ako ang nagluto eh.” Sabat ni Pablo. “Tsk! Wala ka namang ginawa kundi nagsibak at nag-ihip ng apoy si Tatang Celso at si Yaya ang nakita kong nagluluto.” Ingos ko sa kanya. Kaya siguro malakas ang hangin dito dahil may kayabangan din talaga sa katawan ang isang ito. Required ba talaga na maghubad pag nagsisibak ng kahoy? “Hindi mo ba alam Senyorita? Nasa tamang init ang paraan ng pagluto ng pagkain. Kapag hindi mo na natansya at pinabayaan mo sa malakas na apoy ang niluluto mo ay maari itong masunog kaya papait ito. Maari ding mabigla ang karne sa pagkaluto at hindi ito lumambot kaya magiging makunat ito.” Pangaral niya sa akin. “Oo na, kahit ano pang sabihin mo kung hindi naman ikaw ang nagtimpla hindi rin yun magiging masarap.” Litanya ko sa kanya na ikinatawa naman ng dalawang matanda sa harapan namin. “Tama na yan at kumain na lang tayo.” Saway ni Yaya Sabel sa amin. Hindi ko na ulit siya tinapunan ng tingin at inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkain ng niluto nilang laing at sinigang na karne may inihaw din na isda at may sawsawan na suka at tuyo na may sili. Pakiramdam ko busog na busog ako nang umakyat ako sa aking kwarto. Sila na kasi ang nagligpit at sabi ni Yaya magpahinga na daw ako. Sa guest room siya matutulog mamayang gabi sa dulo ng pasilyo. Nawala na rin yung takot ko kanina kaya nakakagalaw na rin akong mag-isa. Inayos ko ang mga gamit ko at inilagay ko sa loob ng dressing room. Pagkatapos ay naligo na rin ako. May shower din naman sa loob ng banyo wala nga lang heater. Kaya tiniis ko ang malamig na tubig. Habang nagsasabon ako ng aking katawan ay napatingin ako sa pagtunog ng seradura ng pinto ko. Kaya lumapit ako doon. “Ya? Ikaw ba yan?” Tawag ko sa kanya. Sumilip ako at ini-awang ko ang ng maunting bukas ang pinto pero wala akong nakitang tao. Baka hangin lang yung narinig ko. Isinara ko ulit ang pinto at bumalik ako sa loob ng shower pero napalingon ako ulit ng marinig ko ang pag click na tunog. Muli akong lumapit at naka-locked na yung seradura ng pinto ko. Inalala ko kung nai-locked ko ba yun nang tumalikod ako. Pero nakalimutan ko talaga. Baka sira na yung seradura kaya nag lo-locked na mag-isa. Nagpatuloy ako sa pagliligo ko at ilang minuto lang ay natapos na rin ako. Balot ng tuwalya ang katawan ko nang lumabas ako ng banyo. Sinuot ko yung pambahay kong slipper at nagtungo ako sa bihisan. Kumuha ako ng terno pajama na palaging suot ko kapag ako ay natutulog. Nagtuyo muna ako ng buhok ko bago ako humiga sa kama. Wala pa kaming wifi pero sabi ni Tito Jose pakakabitan daw niya ng wifi ang bahay dahil kailangan ko daw yun sa aking pag-aaral sa ngayon ay maaga na muna akong magpapahinga. Pinatay ko ang maliwanag na ilaw at binuksan ko ang chandelier pati na rin ang malaking ceiling fan. Malamig na rin sa kwarto ko kaya hindi ko na kailangan ng aircon. Pagkahiga ko ay nagkumot pa ako at bumigat na ang talukap ng mata ko kaya mabilis akong nakatulog. Na-alimpungatan ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin sa sumasamyo sa mukha ko. Napatingin ako sa wall clock. It’s already one AM. Napansin ko din ang baso ng gatas sa ibabaw ng table. Siguro si Yaya Sabel ang nagdala nito kanina. Kinuha ko ito at ininom na rin dahil sayang naman. Babalik na sana ako sa pagtulog ngunit napansin ko na bukas ang pinto ng veranda. Natatangay pa ng hangin ang puting kurtina. Napilitan akong tumayo at nagtungo ako sa salamin na pinto para isara sana ito. Pero napansin ko ang bilog na bilog na buwan kaya doon napunta ang atensyon ko. Maliwanag sa labas dahil sa full moon. Hindi ko lang kita ang labas ng bakod dahil mataas ito at malago ang mga puno. Ilang minuto din akong nakatingin sa langit nang magpasya akong pumasok dahil malamig na. Tatalikod na sana ako nang mapansin ko ang isang lalaking nakatayo sa harapan ng veranda. Nakayuko siya at wala siyang pang-itaas na damit. “Pablo? Ikaw ba yan?” Tawag ko sa kanya. Pero hindi siya nag-aangat ng tingin. Baka hindi niya ako narinig. “Pablo!” Tawag ko ulit sa kanya. Dumungaw pa ako pero hindi pa rin niya ako tinitignan imposible naman na hindi niya ako nadinig. “Huh! Bahala ka nga diyan!” Akmang tatalikuran ko na sana siya ngunit nakita ko ang unti-unting pagtingala niya sa akin. Kasabay ng malakas na hangin kaya napapikit ako sandali pero pagdilat ko ay wala na siya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD