Kabanata 2: Jasmine POV Ang sama mo...

2252 Words
Hindi ako makakilos nang sabihin niya iyon. Natulala ako sa mukha niyang naaninag ko lang nang bahagya dahil masyadong malamlam ang liwanag ng ilaw na tumatanglaw sa amin. Hindi ko alam kung malapit na ba itong mapundi o sinadya lang talagang ganoon ang ilaw upang mas bagay ito sa paligid. Napaka-romantic kasi ng paligid, naisip ko na masarap kumain dito kapag gabi. Candle light dinner at pagkatapos ay dancing in the moonlight. May fountain sa malapit na nakapukaw ng interes ko. Mahilig ako sa fountain dahil tuwang-tuwa ako sa tubig na inilalabas nito na may mga korte minsan. Naamoy ko ang bango ng mga bulaklak sa paligid. Rosas at rosal ang pamilyar sa aking pang-amoy dahil matamis ito at mabini sa ilong. Isang malawak na hardin ng mga bulaklak kasi ang kinatitirikan nito. Minsan pinangarap ko ang ganito kagandang lugar para sa isang romantikong date sa magiging nobyo ko. Pantasya lang iyon at alam kong malabo nang mangyari. Sino naman ang magkakagusto sa mahirap na gaya ko? Ipinanganak nga akong maganda, maputi, sexy, at makinis ngunit isa man sa mga lalaking mayaman na kilala ko ay hindi nagkainteres sa akin. Madalas tambay ang nagpapahiwatig sa akin dahil alam kong sila lang naman ang alam kong nababagay sa akin. Mahirap makahanap ng mayamang magmamahal sa akin dahil ayon sa kasabihan, "ang mayaman ay para lamang sa mayaman" at "ang dukha ay para lang sa dukha." Iyan ang itinatak ng dati kong amo sa aking kukote dahil nalaman niyang may gusto ako sa kanyang anak. Doon nagsimula ang pagmamaltrato niya sa akin. Lagi niyang ipinamumukha sa akin kung gaano ako kababa at kaalanganin sa kanilang estado sa buhay. Kasalanan ko bang magkagusto ako sa anak niya at kasalanan ko ba na ipinanganak akong mahirap. Pareho lang naman kaming kumakain at tumatae nang mabaho pero ipinagkakait niyang magkagustuhan kami ng anak niya. Nang hindi na ako makatiis sa mga ginagawa niya at dahil hindi man lang ako kayang ipaglaban ng anak niya ay saka ako nagpasyang layasan sila. Nagbalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang mabibigat na titig ni Mr. Cojuangco. Kinilabutan ako sa kanya nang makita kong nakatutok din ang paningin niya sa akin. Naaninag ko ang matinding pagkairita sa mukha niya na may halong galit. Mabagsik ang mga mata niya na tila kayang hiwain ang bawat himaymay ng aking laman. Mahigpit din na nakatikom ang may kakapalan niyang labi na tila pinipigil ang pag-alpas ng isang malutong na mura. Bumagsak ang tingin ko sa mamasel niyang braso, mamasel na dibdib, at pababa sa abs niyang humahakab sa suot niyang itim na tight-fitting sando. Bumaba pa ang tingin ko sa itim din niyang boxer shorts na labis na nagpapula sa mukha ko. Napalunok ako nang makita kung gaano kalaki ang nakaumbok mula roon. "Tapos ka na bang maglaway at magpantasya sa akin? Gumalaw ka na riyan at sumunod sa akin. Naiinip na ako, baka bukas ka pa yata matatapos sa ginagawa mong pagpapantasya. Don't worry, you will feel and taste this yummy body," mayabang niyang sinabi. Otomatikong tumaas ang tingin ko sa mukha niya nang marinig ko kung gaano siya kayabang magsalita. Sumimangot ako nang makita ko ang malademonyo niyang ngisi. Nakakairita ang lalaking ito, hindi ko hahayaang malaman niya na totoo ang hinuha niya. "Mali ka sa iniisip mo, Sir, hindi ako naglaway at naakit sa iyo. Hindi ko kayo pinagpapantasyahan kung iyan ang iniisip ninyo. Marami na akong nakitang mas gwapo at mas kaakit-akit sa inyo. Bawasan lang po natin ang kahanginan natin dahil baka lumipad itong palasyo ninyo." Nawala ang ngisi sa labi niya nang marinig niya ang sinabi ko, kaagad itong napalitan nang pagkainis. Ako naman ang napangisi nang makita ko ang reaksyon niya. Akala mo, ikaw lang ang marunong ngumisi? "Holy crap! Ang talas ng dila mong babae ka! Makakatikim ka talaga sa akin kapag hindi ka tumigil. Akala mo ba na hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa akin, ah?!" "Aray! Nasasaktan ako!" protesta ko nang bigla niyang hinablot ang braso ko sabay pisil nang mariin. "Masasaktan ka talaga kapag lumaban ka pa. Nakikita mo itong sugat na ginawa mo sa mukha ko? Ang sakit nito alam mo ba? Ang lakas ng loob mong ibato sa akin ang banga na iyon. Do you know how much it cost? It cost half a million, kulang ang isang taong serbisyo mo bago mo iyon mabayaran. You need to stay here and work for another five years!" gigil na gigil na litanya niya. "Arrraaaaayyyyyy!" napahiyaw ako nang pilipitin niya ang braso ko. Masakit na nga iyong pinisil niya kanina talagang pinilipit pa. Hindi makatarungan ang ginagawa niya sa akin. Wala akong pakialam sa napakalaki niyang pasa at sugat sa mukha dahil bagay lang iyon sa kanya. He deserves it. Kulang pa nga iyon kung tutuusin dahil nararapat lang iyon sa manyak na tulad niya. Wala akong pakialam sa pagbabayad sa lintik na lampshade na iyon. Hindi ako magtatrabaho sa kanya at hindi ako mananatili rito. Tatakasan ko siya ngayong gabi! How? Paano ko pa magagawa iyon kung nahuli na niya ako at hawak pa niya ngayon. "Aray! Ano ba?! Nasasaktan ako!" napaiyak ako ng mas lalo pa niyang pinilipit ang braso ko sa aking likuran. Hinila pa niya ang buhok ko at itiningala ang mukha ko paharap sa kanya. Mas lalo akong napahiyaw sa sakit. Anong klase siyang tao? Tao pa ba siya? Hindi ba niya alam na masakit ang ginagawa niya sa akin? Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko dahil napadpad ako rito. "Bagay lang 'yan sa 'yo, kulang pa nga dahil dapat nabasag 'yang ulo mo para namatay ka na! Wala rin akong pakialam kung magkano 'yang pesteng banga mo! Wala akong pambayad para d'yan at para sabihin ko sa'yo hindi ako papayag sa gusto mong mangyari! Tata-- arayyyyy!" naputol ang mga salita ko dahil walang babalang hinalikan niya ako sa labi ngunit napasigaw din pagkatapos dahil bigla niya akong kinagat doon. "Walanghiya ka! Ito ang bagay sa iyo!" dinuraan ko siya sa mukha ngunit tumama ito sa mata niya. Napuwing siya sa ginawa ko kaya mabilis niya akong nabitawan. Sinamantala ko naman iyon para makatakas. Hindi pa ako nakakalayo sa kanya nang mabilis niya akong hinila at mabilis na itinulak ako sa damuhan. Napaigik ako nang maramdaman ko ang sakit sa aking pang-upo. Napakawalang-hiya talaga niya! "Anong karapatan mo na duraan ako, ah? Wala pang nakakagawa niyan sa akin, pero ikaw ang lakas ng loob mo! You're gonna pay fo that! f**k you b***h! f**k you!" dumagundong ang lakas ng boses niya sa apat na sulok ng kanyang palasyo. Umalulong ang mga aso. Nakaramdam ako ng kilabot nang marinig ang mga iyon. Marami ba siyang alagang aso? Paano kung maisip niya akong ipalapa sa aso dahil sa ginawa ko sa kanya. Huwag naman sana, takot ako sa aso. "S-Sir, maawa po kayo. Hayaan mo ng makaalis ako," pakiusap ko nang makita ko siyang humakbang palapit sa akin. Pinunasan ko ang aking luha, ayokong umiyak. Ayokong makita niyang mahina ako. Mas lalo lang siyang matutuwa na makitang mahina ako. Natakot ako sa blanko niyang ekspresyon sa kanyang mukha. Pakiramdam ko mas mapanganib siya kapag ganito ang hilatsa niya. Napaurong ako nang lumapit siya sa akin. Mabilis na tumalikod ako at gumapang para hindi niya ako maabutan. Iyon lang ang kaya kong gawin dahil hindi ako makatayo. Ang sama ng naging tama ko dahil sa pagtulak niya sa akin. Mabuti sana kung foam ang nahulugan ko, manipis lang ang bermuda grass at hindi iyon sapat para pang protekta sa katawan ko. "Wala akong awa, Jasmine. Lalo na sa mga kagaya mong matapang at malakas ang loob na sagutin at saktan ako. Malupit kayong mga babae, alam mo ba iyon? Manloloko kayo at mga sinungaling!" Napatigil ako sa paggapang at hinarap siya. Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi, parang may laman iyon. "Alam kong pera lang ang magpapasaya sa iyo kaya pumayag ka ng magtrabaho sa akin. Kayang-kaya kong ibigay lahat ng gustuhin mo, mali pala dahil kayang-kaya naming ibigay iyon sa iyo ng mga kaibigan ko. Huwag ka ng pakipot dahil mag-e-enjoy ka sa piling namin." "Mali ka, Sir, hindi ako kagaya ng iniisip mo! Mahirap nga ako pero hindi ako pinalaking manloloko at sinungaling ng tiyahin ko. Hindi ko matatanggap ang trabahong sinasabi mo! Maghanap ka ng iba kung gusto mo." "Ayoko! Pumirma ka ng kontrata kaya panindigan mo! Wala na akong panahong maghanap pa ng iba dahil nandito ka na! Alam kong maibibigay mo ang kailangan ko!" aniya habang matalim ang titig sa akin. Tumigil siya sa paglapit at pinasadahan ako ng tingin. Pagnanasa ang nakikita ko sa kanyang mga mata at sobrang natatakot ako sa kanya. Masama ito, kayang-kaya niyang makuha sa akin ang gusto niya dahil wala akong kalaban-laban. Hindi ko na siya maiiwasan at matatakasan. Ramdam ko ang sakit sa pang-upo at balakang ko. "H-H'wag po kayong lalapit, maawa po kayo," muli kong pakiusap nang magsimula na naman siyang humakbang palapit. Habang ginagawa niya iyon ay tinatanggal niya isa-isa ang mga saplot niya sa katawan. Nag-iwas ako ng tingin nang ihagis niya sa damuhan ang huling saplot na suot niya. Nakita ko kasi ang kahandaan niya at bago iyon sa paningin ko. Hindi ko akalain na ganoon ang itsura ng kanya dahil ngayon lang naman ako nakakita ng ganoon. Malaki iyon at mahaba. Nakakatakot isipin na masakit iyon kapag nakapasok na sa akin. Masakit daw lalo na kapag first time. Madalas ko ngang marinig ang kuwentuhan ng mga babaeng kasama namin sa apartment na tinirhan namin noong nabubuhay pa siya. Madalas na paksa kasi nila ay ang alaga ng mga boyfriend nila. Kung gaano ba kasarap ang mga iyon. Hindi ko naman iyon sinasadyang marinig dahil malakas lang talaga silang mag-usap na tila masaya pa silang pag-usapan iyon. Nahiya nga ako nang mahuli ako ng isang babae na nakikinig sa kanila. Sermon ang ibinigay sa akin at huwag kong itatak sa utak ang mga narinig kong pinag-uusapan nila dahil hindi iyon maganda para sa akin. Sabi ko naman, bakit? Sabi nila nakaka-addict daw at baka masira ang kinabukasan ko. Ipinagkibit ko na lang iyon ng balikat dahil wala naman akong balak i-explore iyon. Gusto ko lang may alam ako para hindi ako maging inosente. "Magiging akin ka ngayong gabi, Jasmine. Sisiguraduhin ko sa iyo na sisigaw ka sa sarap habang ginagawa ko iyon sa'yo. H'wag ka ng maarte riyan dahil wala ka namang magagawa. Huwag mo ng pagurin ang sarili mo dahil kailangan mo ang lakas na iyan para sa gagawin ko sa 'yo. Hindi ka makakatakas sa akin gaya ng sabi ko." "Hindi, ayoko! Demonyo ka, Mr. Cojuangco! Demonyo ka!" Tumalikod akong muli at mabilis na gumapang. Kaya lang, wala na talaga akong ligtas sa kanya dahil hinila niya ang paa ko kaya natigil ako sa paggapang. "Huwaggggggg!!!" malakas na napahiyaw ako ng walang paalam na pinunit niya ang aking damit. Hinila niya ito at mabilis lang itong natanggal dahil manipis at marupok. Mabilis siyang lumapit sa akin at kaagad na itinihaya ako. Nakita niya ang kahubaran ko at labis na nagustuhan iyon ng mga mata niya. Tinakpan ko naman ng mga kamay ko ang dibdib ko para itago ito sa kanya. "Tama ka, isa nga akong demonyo. At alam mo naman siguro na walang awa ang mga demonyo," ngumisi siya nang nakakaloko sabay halakhak nang malakas. Hinawi niya ang mga kamay ko na tumatakip sa dibdib ko pero mabilis kong binawi ang mga kamay ko at muli itong tinakpan. "Bakit mo tinatakpan? They are so big and beautiful, mukhang masisiyahan ako ngayong gabi. Ilang taon na rin iyong huling nakatikim ako ng birhen," dinilaan niya ang kanyang labi sabay ngisi na naman. Inalis niya ang mga kamay sa dibdib ko at puwersahan itong itinaas sa ulunan ko. Wala akong magawa kung 'di panoorin na lang siyang pagpiyestahan ang mga iyon. Malakas siya, madiin ang paghawak niya sa akin. Masasaktan lang ako kapag lumaban pa ako. Pero kailangan kong lumaban, hahayaan ko bang makuha na lang niya ang puri ko? Wala pang nakakita rito at mas lalong wala pang nakahawak. Masasayang ang ilang taong nanatili akong malinis at inosente. Ito lang ang meron ako at ito lang ang pwede kong ipagmalaki. "Nagkakamali ka Sir, hindi mo ako matitikman! Ano ka sinuswerte?" mabilis na inipon ko ang lakas ko saka ko siya sinipa sa mayabang niyang kaselanan. "What the f**k?! s**t! Ano'ng ginawa mo? Walang-hiya kang babae ka! Humanda ka sa akin! f**k!" malutong na pagmura niya habang hindi niya alam kung paano maaalis ang sakit. Binitiwan niya ako at gumulong sa damuhan. Wala naman akong sinayang na oras habang tinatawanan ang kanyang reaksyon. Dinampot ko ang damit kong sinira niya at kaagad na ibinalabal sa aking sarili. Nagtatakbo ako habang mabilis na hinahanap ang daan palabas. Jusko! Nasaan na ba ang daanan? Hindi pa rin ako safe sa ginawa ko dahil alam kong sandali lang ang epekto niyon. Ilang minuto lang ay makaka-recover na siya. Kinakabahan na ako dahil alam kong abot impiyerno na ang galit niya sa akin. Lagot ako nito kapag hindi ko nahanap ang daan palabas. Lumingon ako nang marinig kong tila may naglalakad nang mabilis. Laking gulat ko dahil nasa likuran ko na siya at mabilis na naka-recover. Ngunit mas lalo akong nagulat nang mabilis na tumama ang kanyang kamao sa aking sikmura. Napaawang ang mga labi ko at umiyak dahil sa sakit. "A-Ang s-sama...s-sama mo..." mahinang sabi ko. Nawalan ako ng lakas habang dahan-dahang bumabagsak sa damuhan. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangisi. "Demonyo ka..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD