I

2861 Words
Panay ang daldal ni Tessa sa harapan ko habang nginunguya ang nilapag na almond sa ibabaw ng lamesa. Sa bawat salita ay iyon ding pagnguya nya. Base naman sa reaksyon nya ay tungkol 'yon sa nangyari kahapon. Kung hindi lumilipad ang isipan ko ngayon ay baka kanina ko pa naririnig ang sinasabi nya. Kaso hindi... Gustong gusto ko na pumikit sa banayad na hampas ng hangin kasabay ng pag sayaw ng mga matatayog na puno sa aming harapan. Napakayapa dito sa balkonahe pero sana pati ako ay hawaan. I licked my lower lip. s**t! "Ma'am O'bre, bakit ho pala mukhang hindi kayo nakatulog kagabi?" Si Tessa matapos dumaldal. Sinong hindi mapupuyat kung ayaw kong pumikit. Dahil sa bawat pag pikit ko ay naaalala ko 'yong nangyari kahapon sa library. I'm shocked. If I was in my consciousness that time, baka lumagutok ang palad ko sa pisngi ng lalakeng iyon. Humigpit ang hawak ko sa librong hawak. p*****t! "Sino pong manyak?" Pumikit pikit ako ng malamang naisigaw ko 'yon. Tumikhim muna ako bago humigop ng tsaa. "Sa binabasa ko lang." Mukha namang kombinsi si Tessa kaya nag patuloy na sya sa kinukwento nya kanina. "Ganon na nga po ang nangyari kagabi. Sobrang bilis tumakbo 'yong mag nanakaw na 'yon. Pinalabas na nina Mang Rogelio 'yong limang alaga ni Señorito na Rottweiler pero hindi talaga nag patinag, hindi pa rin naabutan hanggang sa tumalon na sa kabilang pader then viola! Nawala na sya sa dilim at sukal ng gubat." kwento ni Tessa with action. "Ganon ba." Tumango tango si Tessa. Gusto ko sana idagdag na, paanong hindi tatakbo nang mabilis 'yon e ninakawan ako ng halik non! Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bobo O'bre! Hinilot ko ang sintido. Di ko alam kung dapat ba ako matuwa na wala si Marcus o hindi dahil wala ako mapag sumbungan ng ginawa sakin ng magnanakaw na 'yon! Pero bakit...kung nandito nga si Marcus ay masasabi ko ba? "Alam mo Ma'am, siguro..." Sinarado ko na ang libro na hawak. Tutal wala rin naman pumapasok sa isipan ko. Kundi 'yong nangyari sa library. "Siguro, what?" Tumingin tingin pa ito sa taas na parang ang lalim ng iniisip. "Siguro panget 'yon." "Sino?" Nginuso nya 'yong masukal na gubat sa harap namin. "Yong magnanakaw kahapon." 'Di ako umimik. "Tama tama! Tapos inggitero kasi pag nanakawan nya pa si Señorito. Hay grabe na talaga ang mga tao ngayon." Kung alam mo lang, Tessa. Tumingin na lang ako sa mga matataas na puno sa aming harapan. Sana naging puno na lang ako. Matibay, payapa at walang ibang gagawin kundi ang lumaki nang lumaki lamang. Wala pang isang linggo ako naninirahan sa mansion at kasal kay Marcus, pero parang sobrang tagal ko na rito sa dami ng nangyari. Sa totoo lang ay nag aalala ako sa nangyari kahapon. Kasal ako sa isang lalake at hindi magandang tignan ang ginawa sakin ng magnanakaw na 'yon. Ano na nga ulit pangalan nya? Zacharius? Yeah tama. "Si Ma'am O'bre?" rinig kong papalapit na maid. Liningon ko ito. May dala itong cellphone na tumutunog, mukhang may tumatawag. "Mom nyo po." Lumamig ang tingin ko sa cellphone bago kinuha ito. Tumikhim sina Tessa at ang maid bago umalis. Tinitigan ko muna ang screen ng cellphone na kung saan nakalagay ang pangalan ng Nanay ko. Regina Saldivar. "Kamusta ang pag sasama nyo ni Marcus?" bungad agad ng nanay ko. "Ok lang, Mom" "Mabuti 'yan. Libangin mo lang habang ginagawa namin ng tatay mo ang paghahanap sa mapa nung kayamanan ng lolo mo." sinasabi nya 'yon na parang 'yon lang pakay nya bakit sya tumawag. "Ok, Mom." "O sya, tatawagan na lang kita ulit kapag may nahanap kaming clue. Baka mamaya nasa mansion pala ng asawa mo nakatago." Anong gusto mong gawin ko Mom? Ako ang mag imbestiga rito sa mansion ng asawa ko? Ginawa nyo na nga akong sakripisyo para lang mahanap 'yang lost treasure ng angkan natin. "Ok, Mom..." "Puro ka na lang ok! Kahit kailan talaga, O'bre napakawalang kwenta mong anak samin. Mabuti na lang at nandito 'yong kapatid mo na tumutulong saamin." sigaw nito bago binaba ang tawag. Tulala akong binaba ang cellphone. Ngumisi na lang ako sa narinig ko. "Kailan ba ako naging sapat sainyo..." bulong ko Buong buhay ko umiikot sa pamilya ko. Lahat ng gusto nila dapat ko sundin. Opinion ko ay hindi pwede sakanila. Rason nila ay lahat naman daw ng luho ko ay binibigay nila. I'm not a materialistic person. Swerte ko nga raw at pinanganak akong mayaman. Lahat ng gamit ko puro brand new at 'di basta basta nabibili lang sa mall kundi ino-order overseas na limited edition. Huminga ako nang malalim. Sanay na ako. Sanay na sanay na sakanila. Kaya nga...pinili ko na lang na ikasal sa taong hindi ko naman kilala baka kasi sakanya ko matagpuan 'yong kapayapaan na matagal ko na gusto maramdaman. Kaso mukhang hindi ako papayapa sa ginawa nung Zacharius saakin kahapon! Napagdesisyon ko na lang na bumaba sa sala. Kitang kita ko ang dalawang naka uniporme na mga katulong. Solidong ginagawa ang trabaho nila. Para bang araw araw madumi ang mansion kaya araw araw silang nag lilinis. "Magandang umaga, Ma'am O'bre. Kumain na po ba kayo ng umagahan nyo?" tanong ng isa. Tumango at ngumiti ako bilang sagot sakanila. "Kayo ba?" "Tatapusin lang po muna namin ito, Ma'am." Napawi ang ngiti ko. "No. Kumain muna kayo." Saglit sila napahinto sa ginagawa. Alam kong hindi pa ako matagal dito kaya parang wala pa akong karapatan mag utos sa mga tauhan ni Marcus. "Pero po, mahigpit na utos saamin na tapusin muna--" "No buts. Itigil nyo muna ang ginagawa nyo at kumain muna kayo sa kusina." Look, aminado akong hindi ako gumagawa ng trabahong bahay saamin dahil lumaki ako na may katulong pero alam ko naman ang hirap nila. Kaya hindi magandang walang laman ang tyan nila tapos mag t-trabaho? "Tessa?" tawag ko "Anong meron dito, nak?" Lumiwanag ang mukha ko nang makita si Nanay Enling. Ang mayordoma rito. Katulad ng ibang katulong ay nakauniporme rin ito. Nasa mid 50s na si Nanay Enling pero malakas pa rin sa trabaho nya. "Nanay Enling!" tawag ko atsaka lumapit. "Oh bakit? Anong pinag uusapan nyo rito?" Ngumuso ako. "Nanay, pinahinto ko po muna silang dalawa sa gingawa nila." "Bakit naman?" "E nanay hindi pa po sila nag uumagahan. Hindi magandang mag trabaho ng walang laman ang tyan diba po?" Naging close ko si Nanay Enling nung kinasal kami ni Marcus. Sobrang mother figure nya saaming dalawa ni Marcus. Bata pa lang si Marcus ay sya na ang tumayong guardian nito. "Sabagay tama ka naman nak." Lumapad ang ngiti ko atsaka nilingon ang dalawang katulong sa harapan ko. "I told you! Sige na. Diretso na kayo sa kitchen." Tumingin ang dalawa kay Nanay Enling parang nanghihingi ng tulong. Hindi ko naman sila masisisi, siguro nasanay sila na inuuna ang trabaho bago nag aalmusal. "Sundin nyo na si Ma'am O'bre. At totoong hindi magandang wala pa kayong kinakain. Mamaya ay mahilo kayo." sabi ni Nanay Enling Wala ng nagawa ang dalawang katulong kundi bitawan ang panlinis na hawak at dumiretso sa kusina. Humarap saakin si Nanay Enling at tinitigan ako. "Bakit po?" "Parang may bago sayo, nak." sabi nito habang tinititigan ako. "Po?" "Nag taka lang ako na sa ilang araw mo na nakatira rito sa mansion ay ngayon ka lang nakihalubilo sa mga kasambahay. Madalas nasa library ka lang, nak." Napahinto ako bigla. Umiwas ako ng tingin. Ayoko sa library. "Dahil ba sa nangyari kahapon kaya ayaw mo na sa library?" Lumaki bahagya ang mata ko. May alam ba si Nanay Enling sa nangyari saakin kahapon sa loob ng library? Napalitan ng simpatya ang mukha nito atsaka ako niyakap. "Pasensya na at nangyari ito saiyo. Sisiguraduhin namin na hindi na muli makakapasok ang magnanakaw na iyon." Lumayo ito ngunit malungkot pa rin ang mata nito "Mabuti na lamang at nasa library ka. Hindi sya pumasok doon. Sighs..." Lumunok ako. Kung alam nyo lang po Nanay Enling. Sabihin mo na kasi O'bre! Bakit ba kasi ayaw mo pa sabihan na hindi lang nakapasok sa library ang Zacharius na 'yon kundi hinalikan ka! "O-oo nga po..." imbes ay sagot ko. "O sya nak. Babalik na ako sa trabaho ko. Tawagin mo lang ako o si Tessa kung may kailangan ka ha? Mahigpit pa namang bilin saamin ni Señorito Marcus na walang sino man ang dapat makakahawak sayo habang wala sya. " Lumunok ako. Pagkatapos non ay nag desisyon na lamang ako na unakyat ng silid namin ni Marcus. Inihiga ko ang katawan sa malambot na kama atsaka tumulala sa taas. Hindi pwedeng wala akong gagawin sa Zacharius na iyon. Sa ngayon hindi ko muna ipapaalam sa kung kanino ang nangyari saakin. Saakin muna ito. Saamin... Pinikit ko ang mata ko. Humigpit ang yakap ko sa unan nang makita na malinaw ang mukha nung Zacharius. Long hair Golden brown eyes And... Reddish lips Minulat ko ang mata ko at mahinang sinampal sampal ang sarili. Bakit ba kailangan ko pa sya i-describe? Kahit nung kinasal kami ni Marcus hindi ko masyado pinansin ang physical appearance nya. Yes, sobrang gwapo ng asawa ko. Nakadagdag pa 'yong pagiging tahimik nya. Pero itong lalake na nag ngangalang Zacharius...Kaizen. Ibang iba. Huminga ako nang malalim bago bumangon. Bahala na. Mabilis ako tumayo atsaka nag martsa patungo sa library. Hindi ako mag papaapekto sa nangyari kahapon. Nagbilang ako ng ilang segundo bago binuksan ang pinto. Ngumiti ako at pinilit ko ang sarili ko na makaramdam ng kapayapaan sa loob ng library na ito. This is my safe haven! Dapat lang makaramdam ako ng kapayapaan dito. Dumiretso ako sa isang hilera ng mga libro atsaka kumuha ng isa. Tatapusin ko ito buong araw. Buong araw ko ay igugugol ko sa pag babasa. "Hay! Ang sarap talaga mag basa!" Kombinsi ko sa sarili habang inuumpisahan ang isang libro. Tulad ng nangyayari saakin ay hindi ko na napapansin ang oras. Nahihinto lang ako sa pag babasa kapag kumakatok ang katulong para ipaalala saakin ang tanghalian at meryenda. Nakatatlong libro na siguro ako nang maramdaman kong madilim na sa labas. Binaba ko ang librong hawak bago tumingin sa malaking bintana sa harapan ko. 'Di ko alam kung gabi na ba o sadyang madilim lang ang kalangitan sa nagbabadyang pagbuhos ng ulan. Pero kahit ganon ay nag patuloy ako sa pag babasa. Ramdam ko na ang pagsakit ng mata ko kaya tuluyan ko na tinigil ang pag babasa. Tinignan ko ang malaking wall clock sa kanan. Lagpas alas-otso na ng gabi. Oras na para matulog. Umuulan na. Napangiti ako nang makita kung gaano katulis ang pag guhit ng kidlat sa kalangitan kasabay ng malalakas na pag ulan. Gustong gusto ko ang panahon na ganito. Malamig at parang ang sarap mag pahinga kapag ganito. Pero kung gaano ko naman kagusto ang panahon na ganito ay ganon namang kaayaw ko sa dilim. Basta ayoko sa dilim. Tahimik. Nakakatakot. Tumayo na ako at nag inat inat. Kahit papaano ay nai focus ko sa ibang bagay ang isipan ko. Niligpit ko muna ang mga librong ginamit ko. Kinuha ko ang mga plato na pinagkainan ko. Sinigurado ko munang wala na akong naiwang kalat sa library bago ako umalis. Tahimik na sa labas. Siguradong nasa loob na ng mga maid's room sina Tessa kaya ng bumaba ako ng sala ay wala ng tao. Nag patuloy ako sa paglalakad habang dala dala sa kanang kamay ang babasaging plato. Madilim ang kitchen pero kaya ko namang maaninang ang dadaanan ko dahil na rin sa liwanag mula sa labas kaya hindi ko na binuksan pa ang ilaw. Dumiretso ako sa lababo atsaka binaba roon ang pinagkainan. Nakakahiya man pero iniwan ko na lang doon ang pinagkainan ko. Hindi kasi ako marunong mag linis ng plato... Kumuha ako ng baso at dumiretso sa ref para sa tubig na malamig. "So, Mrs. Miller doesn't know how to wash her dishes?" Halos magbagsak ko ang hawak na baso sa pamilyar na boses na iyon sa likod ko. Kasabay ng kung anong sumipa sa dibdib ko. Pinilit ko ang sarili na harapin sya. Nang magawa ko iyon ay nakita ko sya na hindi gaano kalayuan saakin. Ganon pa rin ang itsura nya... Malamang O'bre! Hindi naman nag babago bigla bigla ang itsura ng tao. "Ipagpatuloy mo na ang pag inom mo. Mukhang natigil ko." may himig ng pang ngangasar sa tono nya. Humigpit ang hawak ko sa baso. Nawala ang uhaw ko. Bigla uminit ang ulo ko nang makita ko sya sa harapan at sa iisiping may kapal pa sya ng mukha na bumalik dito sa mansion. "B-bakit bumalik ka?" "Kasi gusto ko." sagot nya parang hindi man pinag iisipan. "I-isusumbong kita!" Tinaaaan nya lang ako ng kilay na parang napakawalang kwento ng sinabi ko. Nag lakad pa sya palapit sa upuan atsaka umupo. "Go." sabi saka pumikit. Aba! Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maging reaksyon sa pinapakita nya. Saan ka nakakita ng magnanakaw na ganito...kayabang?! "Sisigaw ako." Senenyasan ako na sa sumigaw. Napabuga ako ng hangin. Grabe. Imbes na matakot ako na nasa harap ko itong magnanakaw. Umibabaw pa ang inis ko sakanya. Pinagmasdan ko sya. Una ko napansin ang suot nyang sapatos. What? Iba na naman? And this time ibang brand naman pero ganon pa rin kamahal sa suot nya kahapon. "Kahit kapkapan mo pa ako, miss. Wala akong dala." salita nya habang nakapikit. "Baka ikaw ang may dala." Nag salubong ang kilay ko sa sinabi nya. Anong pinagsasabi nito. Bigla ito nag mulat ng mata. Napahugot ako ng hangin sa paraan ng pagtitig nya. Para bang pati kaluluwa ko ay kukunin nya. "O akala ko ba sisigaw ka?" Oo nga naman. Bakit ba hindi pa ako sumigaw. Kapag sumigaw ako siguradong mahuhuli na sya. Wala na syang lalabasan pa. Lahat ay nakasara. Pero ang tanong, saan sya dumadaan at parang hindi sya napaapansin ng mga guard dito? Bigla lumiwanag ang kusina. Napapikit pikit ako. Pumasok si Nanay Enling na mukhang naalimpungatan. Kunot noo syang nakita ako. "Bakit 'di ka nag bubukas ng ilaw nak?" Imbes na sagutin ko iyon ay mabilis ako napalingon sa pwesto ng kausap ko kanina pero nagulat ako ng wala na sya roon. Huh? "Sino hinahanap mo nak?" "P-po? W-wala po..." bigla nawala. Namamalikmata lang ba ako? "O sya balik na ako sa taas. Nagising lang ako sa lakas ng ulan sa labas. Hindi ka ba makatulog? Timplahan kita ng gatas." "Nako po hindi na Nanay Enling. K-kaya ko naman po." Humikab si Nanay bago tumango at lumabas ng kusina. Bigla ako nakahinga nang maluwag ng umalis si Nanay Enling. Tinapik tapik ko ang pisngi ko. Siguro sa kakaisip ko lang ito. Baka namamalikmata lang ako. Tama tama siguro tama nga. Huminga ako nang malalim bago uminom. Nang matapos ay nilapag ko na ang baso sa ibabaw ng lamesa. Nasobrahan siguro ako sa binabasa ko. Hahakbang na sana ako ng may humawak sa braso ko at hinila paharap. Parang huminto ang paligid ko ng makitang si Zacharius ang humila saakin! Muli...sobrang lapit namin sa isa't isa. Umangat ang sulok ng kanyang labi. Bago ako pinatitigan. "Hmm..." iyon lang ang sinabi nya. Totoo sya! Narinig nya 'yong pinag usapan namin ni Nanay Enling. Kinabahan ako habang pinapanood sya na ngumingisi habang sinusuri ang bawat sulok ng mukha ko. Kinakabahan ako. Mas lalo ako kinabahan ng...bumaba ang tingin nya muli saaking labi. No... Atsaka tumaas ang tingin nya saaking mata. Hindi ko mabasa kung anong emosyon 'yon at...wala akong pakialam. Dahil sa oras na 'yon isa lang ang gusto kong gawin ang... Walang pag iisip na lumagapak ang palad ko sa pisngi nya. Taas baba ang dibdib ko na pinanood na napatingin sya sa gilid sa lakas ng sampal ko. Medyo nagulat din ako sa lakas ng pwersang ginawa ko. "Y-you can't just kiss a married woman!" Sa mga oras na ito ay talagang mangha ako sa lakas ng loob kong ginawa iyon sakanya. Kasi kung ano ang naramdaman ko kahapon sakanya ay hindi biro. Talagang matatahimik ka at mawawala bigla sa sarili kapag nasa harap mo sya. It's like there is something about him that I can't distinguish what is it. "Why? Is it wrong?" his question is unbelievable! Unti unting lumingon sya sa gawi ko. Ngumisi sya sabay masahe sa pisnge nyang nasampal ko. Tinitigan ko syang mabuti sa ginagawa nya. This...this guy is unbelievable! And I can say that..I'm in danger. Tumalikod ako sakanya "Umalis ka na. Huwag ka na babalik pa rito. Kung ayaw mong ako mismo ang manghuli sayo." pagkatapos ay kumaripas na ako ng takbo paakyat ng hagdan. "O'bre..." Tinawag nya ako sa pangalan ko. I don't know but I felt something inside me that I never been felt with anyone. "See you at the library tomorrow." he smirked then he left immediately like he was in a hurry. "Ma'am O'bre? Bakit gising pa po kayo?" halos mapatalon ako ng marinig ang boses ng isang katulong sa likod ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong dahilan. Basta ang alam ko lang ngayon ay gusto ko na magkulong sa kwarto at matulog. Nakakapagod at nakakapanghina ang lahat ng nangyari sa buong araw na ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD