Part 2

1845 Words
Ang Hari ng Angas AiTenshi   Part 2   "Umawat lang po ako." ang paliwanag ko kay mama at papa noong maka uwi ako sa bahay. Nakita kasi nila ang pamamaga ng aking mukha dulot ng pag kakasapak sa akin ni Shan Dave. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ito at nasa kalagitnaan ng pamamaga. "Mabuti naman walang nangyari sayo anak, ang bunso ko inaapi nila papa, gumawa ka ng paraan. Kasuhan natin ang mga nang api sa anak koo."ang iyak naman ni mama habang nilalagyan ng pulbos ang aking likod.   "Maaaaa huwag kana umiyak, nasuntok lang ako. Hindi naman ako binaril o minasacre no." ang tugon ko naman sa kanyang pag iyak.   "Kahit na nga, kailangan managot ang gumawa niyan sa iyo. huhuhu."   "Tama na nga iyang pag iyak mo, malaki na si Julian kaya na nyang humarap sa ganyang mga sitwasyon." ang sabi ni papa sabay bukas ng telebisyon.   Tama nga naman si papa, malaki na ako at may sarili nang desisyon sa buhay. Ewan ko ba naman kasi kay mama, kahit binata na ako ay itinuturing pa rin akong parang isang bata. Mabait at understanding ang aking mga magulang at siyempre ay ganoon din naman ako sa kanila dahil madalas na busy sila sa trabaho kaya’t minsan lamang kami sa isang linggo kung mag sama sama. Si Papa ay isang doctor at pag aari nya ang isa sa pinaka malaking botika dito sa siyudad. Si mama naman ay isang branch manager ng bangko kaya naman masasabi ko na maganda ang aming pamumuhay. Ni minsan ay hindi ako nakatikim ng kahirapan at kakapusan sa buhay dahil laging sobra at umaapaw ang kanilang ibinibigay sa akin.   Habang nasa ganoong pag iisip ako, inilipat ni papa ang chanel ng tv sa local news at doon ay bumulaga ang isang nakaka biglang balita.   TV: Sa balitang local naman tayo. Isang mag aaral ng isang sikat na campus dito sa siyudad ang nahagip ng kamera at huling huli sa aktong sinuntok sa mukha habang umaawat ito sa isang rambulan kaninang hapon. Kinilala ang lalaking ito na si Julian Rivera, isang nursing student sa naturang campus. Nag magandang loob lamang ang binata ngunit siya ang nasapol. Panoorin natin ang nakakatuwa niyang pag bagsak sa lupa na nilagyan pa ng mga sound effects at kanta ng mga taga hanga. Narito ang actual footage.   Lumabas ang video sa telebisyon sa saliw ng kanyang Fallin ni Sarah Geronimo. Sa unang scene ipinakikita na tumatakbo ako patungo sa nag aaway. Medyo magulo ang video ngunit malinaw ang pag kaka kuha nito.   Tuloy pa rin ang kanta, at sa ika lawang scene naman ay ipinakita kung paano ko inaawat ang isang lalaking nakasando ng itim bagamat hindi kita ang mukha ng lalaki sa naturang video.   Maya maya, tumugtog ang chorus ng kanta. "Catch me im fallin, fallin." at habang nasa ganoong chorus ay ipina kikita kung paano bumagsak ang aking katawan sa lupa. At hindi pa sila na siyahan sa isang bagsak dahil inulit ulit pa nila ito. "Catch me im fallin, fallin, fallin, fallin. Catch me if you can!"   Sa sa huli ng scene ay ipinakita ang aking katawan na nakabulagta sa lupa at walang malay. Kasabay nito ang linya ng kanta "Maybe this time i wont fall, when i fall in love.."   Halos matulala si mama at papa sa kanilang nakita. Hindi ko rin inaasahan na lalabas sa balita ang naturang video. Atleast diba, alam nila na umawat lamang ako. Iyon nga lang ay trending na ang footage sa mga social media networks, at pati f******k ko ay tadtad na rin ng friend request, mayroon ding gumawa ng mga fan page sa akin at pinamagatan itong "Fallen Boy". Wala namang naging reaksyon sila mama at papa kundi ang matawa na lamang ng malakas at lokohin ako na ako ay isang sikat na artista na. Huwag na daw akong lalabas ng bahay dahil baka pag kaguluhan ako ng fans.   Kinagabihan, nakatanggap ako ng tawag galing kay Dante at nag iinarte nanaman ito. "Hmmm, bakit ganyan ang boses mo? umiyak ka ba?" ang tanong ko.   "Oo frend umiyak ako kasi naiingit ako sayo, sikat kana kasi. huhuhu. Bakit ako walang video eh samantalang 2x akong lumalagapak sa lupa? Ang ganda pa ng pag kakabagsak ko oh. Subsob talaga, nanduon pa nga yung pinag bakatan ng mukha ko sa buhanginan e. Nakakainis kana talaga friend. Ibang level kana." pag mamaktol nito   "Huwag kana mag tampo tol, hayaan mo, sa susunod na may mag rambulan, hindi na ako ang aawat kundi ikaw na lamang mag isa. Ako na lang ang taga video mo. Ano ayos ba iyon?"   Napa isip si Dante sa kabilang linya "So mukha ko lamang ang masisira ganon? Paano pa ako magugustahan ni Papa Luis nyan kung sira na ang beauty ko? Edi sayang lang ang pag registered natin sa peace maker club? mabuti pa mag focus ka nalang kay Shan Dave, bagay kasi kayo. Napansin ko lang no, pareho kayong mestiso at artistahin kaya siguradong perfect couple kayo."   Nagulat naman ako sa sinabing iyon ni Dante "Tadooo, hindi ako bakla! At isa pa ay wala akong balak mag karoon ng kasintahan."   "Hmm, we can never tell. hihihi" ang bulong nito at agad na nag paalam. Ano naman kaya ang pumasok sa kanyang isip para sabihin ang mga ganoong bagay? Kung tutuusin naguguluhan din ako sa aking pag katao dahil hanggang ngayon ay wala pa akong girlfriend hindi katulad ng mga kaibigan kong halos nakakarami ng babae sa loob ng isang buwan. Ayoko namang isipin na iba ako sa kanila ngunit isa lamang ang isinusumpa ko sa sarili ko "ayokong maging bakla!!" dahil hindi ako makakahanap ng seryosong relasyon kapag ganun ako. Naalala ko tuloy yung mga kaibigan kong beki sa bayan, halos araw araw nilang binibigyan ng sustento yung mga kasintahan nila at pag dumating ang oras na wala na silang maibigay ay iiwan na lamang sila ng mga ito basta basta. Ganoon na nga lang siguro, wala seryoso pag dating sa dalawang lalaking magkarelasyon.   Kinaumagahan, pag dating ko sa paaralan ay nakatingin na sa akin ang lahat. Ang ilan sa mga mag aaral ay binabati pa ako habang nag lalakad sa hallway. Marahil ay biglang sumikat ang aking pangalan dahil sa viral video na kumalat kahapon lamang kaya heto sikat ako. "Mr. Julian Rivera! Ang pride ng Peace Maker club." ang wika ng aming club adviser sabay yakap sa akin."Oh anak kumusta na ang pasa mo sa mukha? Grabe nakakatuwa ka pala Julian kahit nasa labas ng paaralan ay ginagawa mo pa rin ang iyong tungkulin. Nakakabilib ka." dagdag pa nito.   "Eh ako maam? Pride din ba?" ang tanong ni Dante na bigla sumulpot ito sa aming harapan dahilan para matawa ang aming club adviser habang nakatingin dito. Pati ako ay natawa dahil maitim pa rin ang dalawang mata nito na tila naka suot ng sunglasses.   "Ano maam? Sabihin mong pride din ako sabihin mo.. Ayy ang tagal tagal mong sumagot!! Ang tagaaallll!!! ang sigaw nito habang nag lululundag. "Ah eh, oo naman Dante. Ikaw ang front liner ng ating club. Hindi ka lang pride kundi isang bayani pa." sagot naman ng aming adviser.   Tawanan kami..   Habang nasa ganoong kasiyahan, bigla nanamang nag histerical si Dante at tila naka kita ito ng multo. "Frenndds ayan na siya!!" ang sabi nanaman nito   "Sino naman? Yung crush mong si Luis?"ang pabulong kong tanong sa kanya. "Hindi friend, si Shan Dave ang tinutukoy ko. Ayann na siya nag lalakad sa hallway." ang impit na bulong nito habang kinikilig.   Muli nanamang napakunot ang aking noo habang nakatingin sa direksyon na itinuturo ni Dante. "Wala naman eh. Wala akong makita kundi yung lalaking mahaba ang nguso na iyon!"   "Ano kaba frend hindi yan si Shan Dave, bakit ba kasi naka harang ang taong s**o na iyan. HEYYY YOU!!" ang sigaw ni Dante habang tinatawag ang estudyante naka harang sa daan.   "Ako ba?" ang sagot nito   "Yes ikaw nga. You! snail man!! The guy with the long mouth. Move ka ng onti. Umalis ka dyan sa daan natatabingan mo si Shan Dave!!" ang sigaw nito habang pinapaalis ang lalaking may kahabaan ang nguso.   "Ayan frend! Ayan si Shan Dave! Oh diba gwapo pa din kahit puro band aid ang mukha." ang wika nito   "Gwapo nga, basag ulo naman! Hindi ko makakalimutan na siya ang sumuntok sa akin kahapon. Siya na nga lang itong inaawat, siya pa itong mananakit!!" pag mamaktol ko habang pinag mamasdan itong habang lumalakad sa hallway. Naka suot siya ng polong puti at naka bukas ang botunes nito.   tahimik..   Habang palakad, laking gulat ko ng tingnan ako nito at ngumiti sabay taas ng kanyang kamay na naka sign ng "f**k you" at muling nag iba ng dereksyon. Siguro ay namukhaan nya ako, dahil pinaki alaman ko ang kanilang bakbakan kahapon.   Noong mag hapon ding iyon ay hindi na naalis si Shan Dave sa aking isipan. Lagi kasing sumasagi sa aking isipan na baka ako naman ang mapag tripan nitong hampasin ng tubo lalo’t kanina ay nag sign pa siya ng mura sa akin gamit ang kanyang daliri. Halos hindi na ako nakapag participate sa klase dahil sa mga bagay na gumugulo sa aking isipan. At habang nasa ganoong katahimikan ako, biglang lumapit sa akin si Dante at ibinalita ang nagaganap ng rambulan ng mga varsity player sa gym "Frend! May rambulan sa Gym, si Shan Dave at iba pa ay nag aaway nanaman!!" sigaw nito.   Kaya naman agad kaming kumaripas ng takbo patungo sa gym at doon nga ay nakita ko si Shan Dave na hawak hawak ng gwardya at bakas na bakas sa kanyang mukha ang matinding galit. "Putang ina mo! Manghihiram ka ng mukha sa aso! Aabangan kita sa labas!! Tangna ka!!" ang sigaw nito habang bitbit ng gwardya ang kanyang braso.   Si Shan nanaman pala ang nakipag away. At isang freshman lamang ang kinatalo nito dahil sa agawan sa court. Hindi pa ito nakakarecover sa pakikipag hampasan nya ng tubo kahapon, ngayon heto nanaman siya at nakikipag away sa loob ng eskwelahan. Tila siya yata ang magiging malaking sakit ng ulo ng aming club. "Grabe naman iyang si Shan, ginagawang libangan ang pakikipag suntukan." ang wika ko kay Dante   "Oo nga frend, mukhang may pagka pasaway nga iyang si pogi."   Tila nabalot ako ng matinding lungkot noong mga sandaling iyon. Naisip ko na sana man lang ay may magawa ako upang matulungan si Shan. Ngunit hindi ko alam kung paano dahil hindi naman kami mag kakilala at isa pa ay mukhang may galit din ito sa akin dahil minsan na rin akong naki alam sa kanya. At habang maigi kong pinag mamasdan si Shan na hawak ng mga gwardya, may kung bagay na kumurot sa aking puso at hindi ko maipaliwanag kung ano ito. Basta isa lamang ang malinaw, gusto ko siyang tulungang mag bago ngunit ang malaking katanungan ay paano?.   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD