PROLOGUE

796 Words
NAPATIGIL AKO SA pagluluto rito sa kusina nang marinig na umiiyak ang anak namin ni Kenzo. Ipinatay ko agad ang stove at napatakbo patungo sa sala. Ibinilin ko ang bata kay Kenzo pero nandoon pa rin iyong takot ko na baka wala na naman itong gagawin. Hahayaan lang nitong umiiyak ang anak namin. Pagdating ko sa sala, nakahiga lang sa sofa si Kenzo habang nagbabasa ng libro. Napataas ang kilay ko habang hindi mapigilan na kumulo ang dugo ko. Ama siya pero wala man lang siyang pakialam na umiiyak ang anak namin sa gilid niya. Nasaan na ba talaga ang puso niya? Imbes na pagalitan ko siya sa ginawa niya, I mean. . . wala pa lang siyang ginawa, mas inuna ko na lang na kunin ang bata sa loob ng crib. Walong buwan na ang anak namin pero wala man lang siyang ipinakitang pagmamahal dito kahit kunting katiting man lang. Paano nakakayanan iyon ng isang ama? Isinayaw ko na ang anak namin para tumahan sa pag-iyak. Habang tinitigan ko ang maamong mukha ng bata, napangiti ako habang hindi mapigilan mangilid ang luha sa mga mata ko. Naaawa lang ako sa anak ko. He doesn’t deserve this kind of family. Hindi ko pinaparangarap na lumaki ang anak namin na kasama niya ang ama niya sa loob ng bahay pero hindi man lang niya mararamdaman na may ama pala siya. It is an emotional torture! “Aalis ako mamaya. May inuman kaming magbabarkada,” paalam ni Kenzo. Nanatili pa rin siya sa hinihigaan niya. Nilingon ko siya. “Iiwan mo naman kami? Pamilyadong tao ka, Kenzo! May anak ka! Kenzo, parang awa mo na, kahit sa anak mo man lang, bigyan mo naman ng halaga.” Walang tigil na sa pagtulo ang luha sa mga mata ko. Gugustuhin ko man na punusan ang luha sa mga mata ko pero hindi ko magawa dahil hawak ko ang anak namin. Katulad ko, umiiyak din ito. “Bakit? Mahal ko ba kayo? Ikaw lang ang may gusto na mangyari iyon. Sa obsession mo sa akin kaya nabuo iyang bata,” sagot ni Kenzo. “Do you think kaya kong makabuo na ako lang mag-isa? Hati tayo rito, Kenzo! Hati tayo rito! Ang kapal ng mukha mo para isisi sa akin ang lahat ng ito! B-Bakit? Papasok ba iyang ano mo sa akin kung hindi tumigas!? Tumigas dahil gusto mo! Ang sabihin mo, irresponsable ka! Sige, umalis ka! Makipag-inuman ka sa mga barkada mo! Pero I warn you, ’wag mong asahan na sa pag-uwi mo rito, nandito pa kami ng anak natin,” gigil na sabi ko. Napatayo si Kenzo sa hinihigaan niya at lumapit sa akin. Tinitigan niya ako na para bang ang laki ng kasalan ko sa kanya. I did not do anything. Ginawa ko lang ang tama hilang isang ina at asawa. “Tinatakot mo ako, Lori Natasha? Mas maganda nga iyon nang makalaya na ako,” seryoso niyang sabi sa akin. Hinigpitan ko ang yakap sa anak namin. Sa sagot niya sa akin, parang sinabi niya lang din sa akin na umalis na kami rito sa bahay namin. Kung gagawin ko iyon, mawawalan ng ama ang anak ko. As a mother, hindi ko hahayaan iyon. Every kid deserves to have a complete family. Imbes na makipagtalo pa sa kanya, inabot ko na lang sa kanya ang bata nang hindi man lang siya magawang tingnan. Mabuti na lang ay tinanggap niya. Hinalikan ko sa noo ang bata kaya aksidenteng dumikit ang leeg ko sa kamay niya. “May lagnat ka,” mahinang sabi niya. “Sinat lang ito,” sagot ko. Umalis na ako para bumalik sa kusina. To be honest, I am not okay. Nanghihina ako. Pero wala akong karapatan tumigil dahil paano ang anak ko? Hindi naman ako pwedeng humingi ng tulong sa family ko dahil wala silang alam na ganito kami ni Kenzo. To keep this family, I lied. Kahit ganito kami tratuhin ni Kenzo, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na kaya niyang magbago para sa anak amin. Kaya kahit nahihirapan at nasasaktan ako, kakapit pa rin ako. Iyon nga lang, hindi ko alam kung hanggang kailan. Pero malakas naman siguro ako sa Diyos kaya ipagdadasal ko na lang na sana mahalin ni Kenzo ang anak namin. Pero mas maganda kung kaming mag-ina para masaya. Iyon lang talaga ang isa sa pinakamalaki kong SANA. “Lori Natasha, ako na riyan. Magpa—” Hindi ko natapos na marinig ang sinabi ni Kenzo nang kusa ng sumuko ang katawan ko. Bumagsak ako sa sahig at nandilim na ang paningin ko. Sana walang masama na mangyari sa akin. Kailangan lang ako ng anak ko. “K-Kenzo, ikaw muna ang bahala kay Lorken,” sabi ko sa isipan ko bago tuluyan na mawalan ng malay. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD