bc

Ocean Tail: Loving The Merman

book_age18+
35
FOLLOW
1K
READ
HE
lighthearted
superpower
like
intro-logo
Blurb

It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea.

The name Yuelo literally means Moon. This is the name given to him being born under the full moon. Being so, it was believed that Yuelo will bring bad luck to their race since it is very seldom that a merman is born during full moon.

chap-preview
Free preview
Part 1: Painting
Ang “Historica” ang pinakamalaking art gallery sa buong siyudad. Dito nagtutungo ang mayayamang tao upang bumili ng mga paintings at iba pang uri ang art work. Si Ryou ay nakatingin sa isang kakaibang konseptong painting sa loob ng art gallery. Ang painting ay larawan ng isang merman na nakaupo sa batuhan habang nakatanaw sa buwan. Hindi niya masyadong maunawaan ang detalye ng painting dahil marami itong mga hidden meaning na ang gumawa lamang ang siyang makakaunawa. Ang pinakamagandang at pinaka interesanteng parte lamang ng painting ay ang magandang pagkakagawa ng buntot ng merman. Ito ay kulay pilak at kumikinang sa tuwing natatamaan ng liwanag. Ito ang nakapukaw sa atensyon ng binata. Kakaiba ang estilo ng pagkakagawa nito na siyang nagiging angat sa iba. Siya ay si Ryou Guererro, at the early age of 28 ay isa na siyang Bilyonaryo. Siya ang may ari ng Aquarius Martime Tanker LTD. Dahil sa kanyang sipag, talino at husay sa pag handle ng negosyo ay naging matagumpay siya sa kanyang field. At ngayon ay ninamnam na lamang niya ang tamis ng kanyang success. Istrikto si Ryou lalo na pagdating sa negosyo dahil gusto niyang laging organize at well arrange ang mga transaction na ginagawa ng company. Ngayon, isa siya ng pinaka batang bilyonaryo sa bansa at isa rin siya pinakamahusay na entreprenuer sa Asia. Gwapo si Ryou, 5'11 ang height, maganda ang built ng pangangatawan at maganda ang tindig kapag nakatayo. Bukod sa pagiging bilyonaryo ay marami ring nag offer sa kanya na maging isang modelo o artista sa telebisyon, ngunit tinatanggihan niya ito dahil naka focus lang siya sa kanyang mga negosyo. Kaya nga siya bilyonaryo at the early age, dahil trabaho lang ang kanyang top priority. "Maganda ba? Nagustuhan mo ba ang painting?" ang tanong ng isang lalaki sa kanyang tabi habang abala siya sa pagtingin dito. Tumangin sa kanya si Ryou pero hindi ito kumibo. Nakapukaw sa kanyang atensyon ang weird na itsura nito dahil ang kanyang sapatos ay hindi magkamukha at ang kanyang damit ay parang nirecycle lamang. "Naniniwala ka ba sa mga sirena? Ang sabi nila ay totoo ang mga sirena at sila ay nabubuhay pinakamalalim na parte ng karagatan. Kung minsan ay umaahon sila sa mga isla upang panoorin ang magandang liwanag ng buwan," ang dagdag pa ng lalaki habang nakangiti. "Sino ka ba?" tanong ni Ryou sa kanya. Ngumiti ang binata at sumagot, "Ako si Yuelo, ikaw si Ryou Guerrero diba?" ang tanong niya. "Kilala ako ng lahat, ano bang kailangan mo? Bakit ba ganyan ang suot mo? Ikaw ba ang gumawa ng painting na ito?" tanong ni Ryou sa kanya. Bumakas ang magandang ngiti sa inosenteng mukha ni Yuelo. Kahit hindi siya nakapag-ayos ng sarili ay hindi maitatanggi na gwapo talaga ito. "Oo, ako ang gumawa ng painting na iyan. Nagustuhan mo ba?" tanong niya habang nakangisi na parang inosenteng bata. "Ah, I see. Ikaw pala ang gumawa ng painting na ito. Kaya pala weird katulad mo," ang sagot ni Ryou. "Ang sama naman ng tao na ito, gwapo nga pero mayabang naman at masayadong mataas ang tingin sa sarili," ang bulong ni Yuelo sa kanyang sarili. Napansin ni Ryou na bumakas ang lungkot sa mukha ang binatang si Yuelo, "Weird yung gawa mo kaya gusto ko ito. Gusto ko yung mga ganitong ka weird na paintings. Mas naappreciate ko yung mga hidden meaning nila. Sige, bibilhin ko ito," ang dagdag niya. Natuwa si Yue, “Talaga? Salamat naman at nagustuhan mo," ang masaya at excited na sagot ng binata. Naglulundag ito sa tuwa na parang bata at yayakapin niya sana si Ryou pero mabilis na gumalaw ang kamay nito at pinigil ang kanyang mukha. "Hep hep, dyan ka lang. Malulukot yung damit ko kapag niyakap mo ako. Alam mo Yue, gwapo ka, maputi at makinis. Pero sana matuto kang magdamit ng maayos ha. Sayang din yung tangkad mo kung mukha kang tanga," ang natatawang wika ni Ryou habang pigil sa ulo si Yuelo na parang bata upang hindi ito makalapit sa kanya. Habang nasa ganoong posisyon sila ay dumating naman si Jihan Singh, siya ang rumored partner ni Ryou pero hindi pa nila kino-confirm ang real standing sa kanilang relasyon. Gustong gusto ni Jihan si Ryou kaya madalas ay nakasunod siya sa binata na parang isang anino. Si Jihan ay galing sa isang mayamang pamilya. Siya ay may malaking cosmetic company na nag ooffer ng imported na anti aging beauty products. Ang mga Guerrero at Singh ay dati pang business partners kaya't malapit sila ni Ryou sa isa't isa. Obviously, gwapo si Jihan dahil siya mismo ang model ng cosmetic products na kanilang ieexport sa ibang bansa. Mukha itong asian heart throb at talagang makinis na parang isang labanos ang kutis. "Ryou, bakit ba ang tagal mo? Don't tell me binili mo yang panget na painting na parang gawa ng isang grade school?" tanong ni Jihan. "Jihan, bakit ba nandito ka? Hindi ka naman nakaka appreciate ng art dahil hindi ka mahilig dito," sagot ni Ryou sa kanya. Marahang lumingkis ang kamay ni Jihan sa braso ni Ryou, "Of course mahilig ako sa mga art, kaya nga lahat ng mga paintings sa office ay inaaral kong mabuti. Teka? Sino ba yang lalaking na iyan? Mukha siyang tanga ha," tanong ni Jihan noong mapansin si Yue nakatayo lang sa kanilang harapan at nakangiti na parang sira ulo. Napatingin si Jihan sa mukha at sa damit na suot ni Yue, "Sino ba tong lalaki na ito? Ang gandang at lambot ng buhok niya, natural na nakabagsak na parang isang fresh korean look na woke up like this ang styling niya. Ang ganda ng mukhang niya, ano kayang ginagamit niya sa balat niya? Bakit sobrang makinis ito?" ang bulong ni Jihan sa kanyang sarili habang nakatingin sa mukha ni Yue. Maya maya ay napatingin naman siya sa damit na suot ng binata, "Bakit ganyan ang suot niyang sapatos? Kailan pa nausong pagsamahin ang dalawang magkaibang brand? At ang ganda ang color combination ng damit niya kahit hindi ito magkaterno. Bakit masyado siyang mahusay sa fashion? Late na ba ako? Ganyan na ba ang bagong trend ngayon?" ang sunod sunod na tanong ni Jihan sa kanyang sarili habang pinagmamasdan si Yuelo na nakatayo suot ang damit nito na literal na wala sa kombinasyon. Litong lito si Jihan, masyado ito fashion conscious kaya ganito ang kanyang reaksyon. Gusto niya kasi na laging updated sa latest trend at ayaw niyang nahuhuli. "Jihan, are you okay? Bakit ba kanina ka pa nakatitig dyan kay Yue?" tanong ni Ryou. "Sino ka ba? Bakit ganyang ang fashion mo? Nasaan mo ba nakuha ang ganyang style?" ang tanong ni Jihan kay Yue. "Etong damit ko? Wala, dyan ko lang ito nakuha sa tabi tabi," ang nakangiting sagot ni Yuelo. Dito ay naalala niya na pinulot lang niya ang mga damit at sapatos sa basurahan noong isang araw at nilinis niya ang mga ito at saka isinuot. "Jihan, ano ba yung sinasabi mo? Hindi ka ba nawiwirduhan sa damit niya? Siya yung nag paint ng image na iyan. Naawa ako sa kanya kaya binili ko na itong gawa niya," ang sagot ni Ryou, inakbayan niya si Jihan at saka sila lumakad palayo kay Yuelo. "Hindi mo ba napapansin? May kakaiba sa lalaking iyon. Sa tingin ko ay isa siyang high class fashion stylist dahil kahit hindi combination ang suot niyang damit ay maganda pa rin itong tingnan sa kanya," ang wika ni Jihan. Natawa si Ryou habang naglalakad sila, "Yan lang ba talaga ang nasa isip mo? Paano siyang magiging high class na fashion stylist, isa siyang weird na pintor. Gwapo siya pero parang may kakaiba talaga sa kanya." "Ayoko may ibang mas gwapo sa akin, gusto ko ako lang ang pinakagwapo sa paningin mo," ang sagot ni Jihan at nilambing pa si Ryou habang naglalakad sila. Samantalang si Ryou naman ay lumingon pa kay Yue at nagbigay siya dito ng second glance. Habang abala sa paglalakad sina Ryou at Jihan ay nakatayo pa rin si Yuelo sa tabi ng kanyang artwork at maya maya ay nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa pag ngiti ay unti unting naging seryoso ang kanyang itsura. At mula sa kanyang bulsa ay dinukot niya ang isang matalas na patalim na gawa sa ngipin ng pating. "Makakaganti rin ako sa iyo Ryou! Maigaganti ko rin ang aking mga kalahing nasaktan dahil sa kagagawan mo," ang bulong ni Yue sa kanyang sarili habang nakatingin ng tuwid sa binatang bilyonaryo. Noong mga sandaling iyon ay walang kamalay malay si Ryou na sadya siyang sinusundan ni Yue upang maisagawa nito ang kanyang paghihiganti. Ito ang kanyang misyon at kailangan niya itong gawin sa lalo't madaling panahon. Paglabas ni Yue sa art gallery ay malapit na lumubog ang araw kaya naman agad siyang nagtatakbo patungo sa pampang ng karagatan. Hindi siya maaaring abutan ng dilim dahil malalagay sa danger ang kanyang buhay. Noong makarating siya sa pampang ng karagatan ay nagtungo agad siya sa lugar na walang tao. Tumuntong siya sa malaking bato habang hinahangin ang kanyang buhok. Tahimik ang paligid, mga alon lamang sa karagatan ang tanging maririnig. Nakatapos na naman ang isang araw at hindi pa rin niya nagagawa ang kanyang misyon. Gayon pa man ay napalapit na siya kay Ryou at ang lahat ay magiging madali na lamang mula ngayon. Huminga ng malalim si Yuelo.. At bago pa tuluyang bumaba ang araw sa kalangitan ay nag-dive ito sa ilalim ng tubig. Ang kanyang mga binti ay nagliwanag at unti unting lumabas ang kanyang pilak na buntot at kaliskis. Si Yue ay isang merman na umayat lamang sa lupa para sa isang misyon. At ito ang patayin si Ryou Guerrero, ang lalaking responsible sa pagkasira ng kanilang tahanan.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.4K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.7K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.4K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook