bc

She's a Legend: Legend of Ice

book_age16+
363
FOLLOW
1.1K
READ
student
royalty/noble
comedy
mystery
straight
genius
icy
supernature earth
special ability
school
like
intro-logo
Blurb

Ano ang gagawin mo kung ikaw ang piniling tagapagligtas? Tatanggapin mo ba ito?

Ice ang pangalan ng ating bida, kasalungat ng malamig niyang pangalan ay ang masayahin at positibo niyang personalidad.

Ipinanganak para ibuhis ang buhay para sa sangkatauhan. Ipinanganak para pumatay at mamatay. Pero paano kung umibig siya?

Kaya niya bang ipaglaban ang ipinagsisigawan ng kanyang puso o hahayaan niya na lang itong mapaos?

She's the princess of happiness and hope, the savior and the salvation. A model of a perfect and powerful being, but deep inside she is nothing but an in denial person.

She keeps on denying her true feelings.

She is a hypocrite, despite all her protests she still continue to do what she loathe the most.

Now the question is, when will be the day she could proudly say she has become a legend?

Sa araw ba ng kanyang kamatayan?

Sa sandali ba na siya ay nagpakatotoo?

O sa araw ba na tatanggapin niya na nahulog na ang loob niya sa isang lalaki?

Kung kailan man ito mangyayari ay tanging si Ice lamang ang makakapagsabi. Alamin natin ang buhay ng ating unang Soteria.

[Book Two - The Lady Behind the Phoenix]

P.S

This is a completed story na po and is under editing. Will try finish this as soon as possible. Thank you po.

Love,

Midori V.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
I C E Isang Soteria. Iyan ang salita na lagi kong naririnig mula sa aking papa. "Umayos ng upo at tindig."  "Maging malumanay magsalita."  "Itaas mo ang iyong mukha."  "Dapat perpekto ka. Ito ang mga kataga na kakambal ng salitang 'yon. Maging perpekto.  Nakakasakal na kung minsa. Ang sarap lang kumawala sa higpit ng hawak ni papa sa akin. Ang sarap lang na hindi sundin ang mga expectations na mayroon ang lahat sa isang gaya ko. I am just your regular teenager, regular. Regular lang sana ako kung hindi ako na tiempohan ng tadhana. Ako si Ila Cristel Esteban, madalas tinatawag ako ng lahat na Ice. Ang kaisa-isang anak ng sikat at mayamang negosyante na nagmula sa Espanya, si Danilo Esteban. Wala naman akong reklamo sa estado ng buhay ko ngayon. May kaya kami...o sige na, mayaman kami. Mayaman si papa. Lubos akong pinagpala ng ganda at talino. Kaya nga lang ang bagay na inaayawan ko ay ang pagiging Soteria. Sa bawat henerasyon ay may bagong Soteria na ipinapanganak para panatiliin ang kapayapaan sa mundo.  Maniwala man kayo o sa hindi ay totoo ang mga masasamang elemento. Totoo ang mahika, and again, believe it or not I am one of them.  My father rejoiced upon knowing that I am the Soteria. Simula noon ay lubos na niya akong iniingatan at sinasanay pero kahit gaano man ito katagal ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako ang napili. Siguro kung sa iba ay masisiyahan sila, pero ako? Hindi. Hinding-hindi. Gusto ko lang naman mamuhay ng normal na kagaya ng ibang bata. Ngayon pakiramdam ko tatanda na akong ganito, pasan-pasan ko ang mundo.  Isang malakas na katok sa pinto ang nagpatigil sa malalim kong pag-iisip. Naputol bigla ang mahabang tren ng aking pagninilay-nilay.  "W-who's there?" tanong ko habang nagmamadaling inaayos ang puwesto ng aking pagkaka-upo. Nakapatong kasi sa upuan ang isa kong paa. Mabilis ko ito ibinaba at muling nagsalita, "Come i—"  "ILA!" malakas na tawag ni Papa sa akin. Nanggagalaiti ito sa galit habang hawak-hawak ang isang pirasong papel. "What do you think you're doing? It's 7 pm!"  "H-ha? ¿Que pasa, Papa?" tanong ko sa kanya sa salitang Espanyol na ang ibig sabihin lang naman ay Anong problema? Hindi ako gaanong matatas magsalita ng Espanyol dahil ipinanganak ako sa Pilipinas kung saan nagmula si Mama. Doon ako tumira hanggang nag-edad ako ng siyam tapos kinuha ako ni Papa nang madiskubre niya ang tungkol sa akin. Madrama ang kuwento ng buhay ko simula nang pagkabata, at kung ikukuwento ko ito ay malamang isang libro ang kakailanganin.  Kaya sa madaling salita, tinanggap lang ako ni Papa bilang anak niya dahil nalaman niya na ako ang itinadhana na Soteria. Isang bagay na kinamumuhian ko.  "Did you forget about your appointment today?"  "Appointment? Papa wala po akong naaalala, I can't remember about... oh! My! Is it today?" Nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang flight ko ngayong araw. Uuwi nga pala ako ng Pilipinas ngayon. Naging sobrang abala kasi ako sa pag-aaral ko rito kaya nakalimutan ko. Napakaraming dapat tandaan. "Marites!" sigaw ulit ni papa. "Grab Ila's garments and stuff. We shall leave after two hours," mariin niya sabi habang hindi inaalis ang tingin niya sa akin.  Wala na akong nagawa kung hindi ang yumuko at itago ang aking mukha. Umalis din naman siya matapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon. Sunod na pumasok ng kuwarto ko ang isa sa mga katulong na na-assign sa akin, si Manang Marites.  Hila-hila niya ang napakalaking maleta at habang sa kabila niyang kamay ay nakasabit ang isang damit na hula ko ay ang susuotin ko sa byaheng ito.  "Manang Marites, did Papa scolded you?" nag-aalala kong tanong. Hindi naman ganoon katanda si Manang Marites, mga nasa edad trenta lang siya ngunit nakasanayan ko nang dugtungan ng "manang" ang mga pangalan ng mga kasambahay rito.  Hindi rin naman nila naiintindihan kaya sa tingin ko okay lang.  "Ooh, no, no, no, Señorita Ila. Stop making that awful face," malambing niyang sabi habang hinihimas ang mukha ko. "Come, let's dress you beautifully." Sabay hinay-hinay na hinila ako paharap sa napakalaking salamin ng aking kuwarto.  "Ah! Let me fix these first before changing my clothes," I said while awkwardly leaving Manang Marites.  Dali-dali akong pumasok ng banyo para ayusin ang sarili ko. Sa pagharap ko ulit ng salamin ay muli kong nakita ang insecurity ko sa buhay. Ang kulay ng aking buhok.  Kung si Snow White ay may puting-puti na balat, ako naman ay may puting-puti na buhok. Idagdag pa ang asul kong mga mata na sinasabi na namana ko kay Mama.  Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng asul na mga mata si Mama kung isa siyang Asyano, naisip ko rin na baka may lahi si Mama. But, as I grow up, I instinctively know that Papa was lying. Pilipina si Mama, Filipinos don’t have blue eyes. And the last physical feature that I am insecure about is my skin. I know everyone loves porcelain skin. Pero nasobraan ata sa pagka-porselana ang mga balat ko. Dahil kagaya ng kay Snow White ay sing puti rin pala ng niyebe ang aking balat.  This is how I look like. A freak. But for my father I look perfect as all of these changes indicates what I am. These changes are like the equivalent of my value to him. Dahil nga puting-puti ako kaya tanggap niya ako. Isang Soteria lang naman kasi ang magkakaroon ng ganitong anyo, nakabase kasi sa kapangyarihan ng nilalang ang magiging anyo niya sa sandaling nagpakita na ang mga palatandaan na siya ay isang Soteria. And for me, my element is water and ice, therefore, I have this ghost-like appearance of white. Sa mundong ito may mga taong may kakaibang kapangyarihan. Hindi man sila nagpapakita o nagpapakilala pero nagkalat sila sa buong mundo. May masasama at may mabubuti. At ang bawat isa ay may pagkakaiba. Mas kakaiba mas makapangyarihan, at least that's how I see things.  Dahan-dahan na gumalaw ang baso na nasa taas ng salamin ko sa banyo saka iniluwa nito ang tubig na may tintang kulay kayumanggi. Napangiti ako sa sandaling nakita ko na maayos pa ang timpla nito. Noong nakaraang araw ko pa kasi ito ginawa at hindi na nagamit dahil sa biglaang pagdating ni Papa.  Maingat kong kinontrol ang tubig para bumalot sa buhok ko. At nang nagtila plasik na cellophane ito na nakakapit sa mahaba kong buhok ay ikinuyom ko ang aking kamay na para bang may pinipisa. Tumagal ito ng mga limang segundo saka ko inihinto ang pagpisa. Sa sandaling ito ay nagbagsakan ang tubig na nakabalot sa aking buhok, naiwan na lang ang kayumangging kulay sa aking buhok. The snow-white hair is gone, napalitan na ito ng chestnut hair color.  "Señorita? Señorita are you done?"  "A-ah, almost." Mabilis kong binuksan ang aparador ng salamin ko sa banyo saka kinuha ang isang pares ng contact lenses.  Dahil masyadong agaw pansin ang asul na mga mata sa Asyanong mga bansa kaya madalas ko itong suot sa tuwing bumabyahe ako doon.  Nang natapos ko na ang lahat ng preparasyon ay lumabas na ako kaagad ng banyo. Manang Marites gasped when she saw my appearance, "¡Dios mio, Señorita Ila! What did you do? You're Papa will be mad at you!"  "I'm alone in this trip, aren't I?" "Si, Señorita. But that change is too much! He will surely tell you terrible things again," nag-aalalang sabi ni Manang Marites.  Oo, natatakot din ako kay Papa pero mas natatakot ako sa mga tingin ng ibang tao. I know how scary it is kung na sa akin ang lahat ng atensyon nila dahil nga iba ako. "Don't worry Manang Marites, I'm fine," I assured her.  Sunod niya na akong binihisan. She took the simple white dress. When I say simple it's literally simple as it is plain with no design but the deep plates it has which adds details to it, idagdag pa ang sleeves nito na hanggang pulso. Lagpas tuhod din ang haba nito kaya nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay nasabi ko na napaka elegante kong tingnan. "Imagine me wearing this with my white hair, maybe I’ll look like a plain white paper," sabi ko sabay tawa ng kaunti. "Regardless of that, Señorita. You're still so beautiful. You're the most beautiful woman in the world." Ngumiti sa akin si Manang Marites at hinihimas ang buhok ko gamit ang kanyang kamay. "You're ready, Señorita. You should get in the car," ani ni Manang Marites.  Sinunod ko rin naman siya at pababa na. Ngunit ang makita ko pa lang ang malawak na hagdan ng aming bahay ay napagod na kaagad ang paa ko. Suot ko ang four inches na leather closed shoes, komportable. Komportable itong tingnan sa labas ngunit sa akin na siya mismong maysuot ay masikip ito at naiipit ang hinlalaki ko sa paa.  Sinipat ko muna ang paligid. Tiningnan ko kung may tao ba sa kaliwang bahagi na patungo sa kuwarto ni Papa at sa kuwarto ko. Puno ang bahagi na ito ng malalaking litrato ng dating may-ari ng bahay. Sa madaling salita ay ang mga abuelo at abuela ko. Sina lolo at lola. Sunod kong tiningnan ang kanan, ang bahagi kung saan puno ng mga mamahaling figurine na hindi ko alam kung ano ang mga pangalan. May gintong korona, estatwa na sing taas ng tao, mamahaling paso, at iba't iba pang bagay na madalas ay makikita mo sa loob ng isang museum. Nagkalat ang mga 'yan sa hallway ng kanang bahagi ng bahay na ito.  Nang makita ko na walang tao ay mabilis kong hinubad ang aking sapatos at humarurot pababa ng malawak at mataas naming hagdan.  This is freedom. Ang sarap sa pakiramdam, pati na sa paa, ang walang suot na mataas at masikip na sapatos. Pakiramdam ko ay bumalik ako ulit sa aking pagkabata. Ngunit natigil din ito agad nang sumalubong sa dulo ng hagdan si Papa.  Abala siya sa pakikipag-usap sa driver namin kaya nakatalikod siya sa akin. Isusuot ko na sana ang sapatos ko nang bigla siyang humarap sa akin.  Suot niya ang itim na tuxedo na may maroon na necktie sa gitna.  Bakit parang dadalo siya sa isang ball sa suot niya? Babiyahe lang naman kami. "Ila, what do you think you're doing?" mariin niyang tanong.  Pasimple ko naman na itinago sa likod ko ang bitbit kong sapatos. Mukhang hindi pa niya napapansin na walang saplot ang mga paa ko.  Tinitigan niya ng pagkatagal-tagal ang ulo ko. Saka huminga ng malalim bago magsalita, "Why can't you just let your hair be white? You know anyone with that appearance in our family will be proud. Then here you are, hiding that best asset!" he said, loudly.  "Papa, I just wanna look the same as the others. Besides, we're going to the Philippines. No one knows who I am, and there are only a few magical people there. No one will appreciate this appearance, Papa." Halos nagmamakaawa na ako sa harap niya.  Tumitig siya ulit sa akin habang nakasimangot pa rin ako. Gusto ko naman talagang umiyak, ngunit ayaw kong umiyak sa harap ng Papa ko kaya imposible itong mangyari. Imbes ay iniyuko ko na lang ang aking ulo habang suot-suot ang simangot sa aking mukha.  "Okay, you can do whatever you want in that country."  Mabilis kong itinaas ang ulo ko sa aking narinig, and of course I have to show my gratitude that's why I smiled sweetly to him.  "… so just put on your shoes, young lady," banggit niya bago naglakad patungo sa pinto.  Napatingin ako sa paa kong walang saplot. Akala mo siguro hindi ka mapapansin, Ice no? Nakangiti pa rin akong pumasok sa loob ng mahaba at magarang sasakyan na tinatawag na limousine. Oo, ito ang sasakyan namin patungo ng airport.  Nang nakaupo na ako ay doon ko pa lang naalala ang isang napaka-importanteng bagay — ang mga guardians ko.  "Papa, what about my guardians? Aren't they coming with me?" Kalabit ko kay Papa na abala sa kanyang iPad. "About them," bigkas niya na hindi inaalis ang mga mata sa iPad niya. "I told them to wait in the airport. They must've been there since it took you too long to remember about this whole thing." Sabay tingin sa akin at ngumiti ng manipis.  Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya. Kasalanan ko nga na nakalimutan ko ang tungkol sa lakad na ito.  Abala si Papa sa trabaho niya na pati sa loob ng sasakyan ay hawak-hawak niya pa rin ang iPad niya. Habang ako naman ay walang magawa kaya natulog na lang ako sa buong biyahe. Nagising na lang ako na nasa airport na kami.  "Ila, we're here."  Medyo malabo pa ang paningin ko dahil sa mahabang pagpikit ng mga mata ko, pero kahit ganun ay kilalang-kilala ko ang may-ari ng malabong silhouette sa labas ng sasakyan.  At ito na nga ang apat kong guardians. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.8K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.4K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook